Twisted Revenge

By MsYoU12345

273K 9.3K 1.2K

What if my deal kayo ng Twin Sister mo? What if kung ang deal na yun ay ang gantihan mo ang ex-boyfriend niya... More

Author's Note
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Chapter 9 SPG
TEN
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
:)
Part II.I
Part II.II
Part II.III

Eight

9.6K 413 63
By MsYoU12345

"A-anong ginagawa mo dito?"

Gulat at galit na tanong ko sa demonyong nasa harapan ko.

Ano bang ginagawa niya dito sa university namin? At bakit nakapasok ang demonyong tulad niya sa banal na universidad na 'to?

"Hello, baby." Nakangising sabi niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Hello your face!, You're happy to see me?"

"Its been one long week. Can't I miss my boyfriend?" Nagpapacute na sabi niya. Medyo may kalakasan pa kaya napatingin ako sa paligid.

Ang dating tahimik na library. Ang Kaninang walang halos taong library, ngayon ay marami na. Mga babae at bakla pa.

Tumingin ulit ako sa demonyong nasa harap ko. Nag-uusig ang aking mga mata.

How dare him to call me his boyfriend? Walang kami! At hindi magkakaroon ng kami dahil lalaki ako.

"Anong ginagawa mo dito? Pwedi ba tigilan mo na ako. At wag na wag mo akong tatawaging boyfriend dahil hindi ako bakla!" Sabi ko sabay tayo.

Tiningnan ko pa ang mga tsismosang nakatingin sa amin.

"Sa inyo na ang lalaking 'to. Rape'in n'yo. Pagsawaan niyo." Sabi ko. Umalis na ako ng walang lingon-lingon sa kanila.

*****

"I'm Lucas Marien Simons."

Lucas Marien Simons?

'Yan ang pangalan ng bago naming instructor.

Yan ang pangalan ng lalaking nagpahiram sa akin ng damit.

Whooah! What a small world di ba?

Hindi ko mapigilan ang mapatulala. Akala ko kasi magkasing edad lang kami. Mas matanda pala siya sa akin and worst instructor ko pa.

"You..." Sabi niya na ako yata ang tinutukoy.

Napalingon ako sa paligid. Lahat din sila sa akin ay nakatingin. Tinaasan ko lang sila ng kilay saka tumingin ulit sa bago naming instructor.

"Bakit?" Tanong ko.

"Small World, right? Buti may damit ka ngayon." Nakangising sabi niya.

Pinagdikitan ko lang siya ng kilay. Napansin ko rin na tumawa ang ilan kong mga classmate.

Huminga ako nang malalim bago nagsalita. Naiinis ako dahil pakiramdam ko pinapahiya niya ako pero hindi ko rin naman nakakalimutan yung kabutihang ginawa niya sa akin.

"Salamat pala sa pagpapahiram mo sa akin ng damit." Nakangiting sabi ko. Ngumiti din siya sa akin. Kita tuloy ang mga pantay at puting ngipin niya. Kinilig naman yung ibang mga kaklase ko.

Wala akong masabi sa paraan nang pagtuturo niya. Siya yung instructor na ayaw mo nang patapusin sa pagtuturo. Pero lagi kong napapansin na tumitingin siya sa akin. Kapag nahuhuli ko siya kinikindatan niya lang ako. Minsan nga napapatingin ako sa mga kaklase ko kung napapansin ba nila yun pero tulala naman silang nakatingin dito.

Lucas Marien Simons?

My Handsome Masculine Hot Teacher.

*****

"Mingkay, magpakita ka na. Asan ka na ba?"

Tawag ko sa pusang kanina ko pa hinahanap.

"Please Neixy, let me explain."

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses na 'yun. Boses ng isang lalaking nanggugulo sa tahimik kong mundo.

Kasalukuyan akong nandito sa isang lumang building ng university. May nakita kasi akong isang puting pusa kanina kaya sinundan ko kasi nagagandahan ako. Balak ko sanang kunin at alagaan. Hanggang sa dito na ako dinala ng mga paa ko. Ang alam ko pumasok sa isang lumang classroom yung pusa.

"Explain? Kitang-kita ng dalawa kong mga mata na hinalikan mo ang lalaking 'yun! You're gay! You're a Fucking faggot!" May galit sa boses ng babae.

Aalis na sana ako dahil hindi ko naman ugaling makinig sa usapan ng iba nang biglang magsalita si Heaven.

"Hindi ako yung bakla. Yung lalaking yun ang bakla. Please baby.. Ayusin natin 'to. Alam kong mahal mo pa rin ako." May pakikiusap sa boses ni Heaven.

Yung lalaking yun ang bakla.

Hindi ako bakla! Hindi ako bakla!

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ako nasasaktan sa mga salitang yun. Nasasaktan ako kasi mula kay Heaven ang mga salitang yun.

Siya ang unang humalik sa akin. Siya ang unang nagsabi na boyfriend niya ako. At muntik pang may nangyari sa amin.

Ngayon sino sa aming dalawa ang bakla?!

"No.. Hindi na kita mahal King. Hindi na kita mahal." Sabi ni Neixy.

Hindi ko alam kung anong sumunod na nangyari. Ang alam ko lang ay biglang bumukas ang pinto. Napahinto pa ang babae sa harapan ko.

"Oh! Here you are." Nakangising sabi niya. Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa. "Sinusundo ka na ng sweetheart mo King." Baling niya kay Heaven.

Lumabas naman si Heaven. Magkadikit ang mga kilay niya na nakatingin sa akin. Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng kaba lalo na nang magsalita siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya. Hindi ko alam kung galit siya o ano.

"Aalis na ako."

Napatingin na lang ako kay Neixy. Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot. Sinundan ko pa siya nang tingin hanggang sa makalabas siya ng lumang building.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong na naman ni Heaven. Hinawakan pa niya ako sa braso.

"Bitiwan mo nga ako! Kung inaakala mo sinusundan kita pwes nagkakamali ka! Nandito ako dahil sa pusa! Kaya pwedi ba bitiwan mo ako." Galit na sabi ko sa kanya. Pilit ko naman tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak kaya napingiwi ako dahil sa sakit. Hinila niya pa ako kaya nagkadikit ang mga katawan namin. Napaangat ako ng ulo dahil mas matangkad siya sa akin ng konti. Naaamoy ko ang mabango niyang hininga.

"At sa tingin mo maniniwala ako?!"

"Hindi ko sinabing maniwala ka! Bitiwan mo nga ako nasasaktan ako." Bulyaw ko sa kanya. Pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak.

"It's all your fault!" May diin sa boses niya.

Oh! here we are again! Bakit ba lagi ako ang sinisisi niya?

Magsasalita na sana ako ng may biglang magsalita.

"Anong nangyayari dito?" Sabay pa kami ni Heaven na napatingin sa lalaking naglalakad palapit sa amin.

Akala ko bibitiwan na ako ni Heaven pero hindi pala. Kaya tumingin ako sa gwapong lalaking nasa harapan ko na may 'humihingi nang tulong' sa mga mata.

Hinawakan ako sa kamay ni Lucas at hinila palapit sa kanya kaya nabitawan ako ni Heaven. Magpapasalamat na sana ako kay Lucas nang bigla na namang hawakan ni Heaven ang isa kong kamay.

"Ano bang problema mo?" Inis kong tanong sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Ang mga mata naman niya ay parang nananakot kaya tumahimik na lang ako.

"Bitiwan mo siya." Seryosong sabi nito kay Lucas. Tinitigan lang ito ni Lucas, ngumiti pa nga ito sa kanya.

"Bitiwan mo rin siya." Ang kaninang nakangiting si Lucas ay naging seryoso. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang titingnan ko. Pareho na kasi silang nakakatakot tingnan.

God! Ano bang nangyayari?!

Hinawakan ni Heaven ang kamay ni Lucas nang nakangisi at dahan-dahan niya itong tinatanggal sa pagkakahawak sa akin.

"Bakit ko naman bibitiwan ang boyfriend ko?" May diin pa ang pagkasabi niya sa salitang 'boyfriend'

Magsasalita na sana ako nang bigla na lamang akong kargahin ni Heaven. Bridal Style.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Lucas. Nakita ko rin ang galit sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Heaven.

"Don't you ever touched him...again..! Dahil sinisiguro ko sa 'yo na puputulin ko ang mga daliri sa kamay mo at ipapakain sa alaga kong mga piranha." Nanlilisik ang mga mata ni Heaven sa kanya.

Bigla tuloy nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko. Naiisip ko pa lang na gagawin yun ni Heaven nasusuka na ako. Pa'no nalang kaya kung nakita ko?

Kaya nga ba talagang gawin yun ni Heaven?

Bigla akong napalunok ng laway nang mapansin kong nakatingin siya sa akin.

Natatakot na ako sa lalaking 'to!

"You! Kapag nagpahawak ka pa sa kahit na sino sisiguraduhin kong magsisisi ka." Seryosong sabi niya at may diin sa bawat pagbigkas niya ng mga salita. Sa pangalawang pagkakataon napalunok na naman ako.

God! Paano ko ba nakilala ang lalaking 'to?

Naglakad na siya na karga pa rin ako. Napatingin ako kay Lucas. Nakita ko sa mukha nito ang galit at lungkot. Hindi ko alam, pero parang may mali rin sa mga ikinikilos at pinapakita nito sa akin.

Napatingin naman ako kay Heaven. Napakaseryoso ng mukha niya habang naglalakad. Ang gwapo niyang tingnan pero nakakatakot naman siya.

"I-iba---ba m-mo a---ako." Nauutal kong sabi. Sobra kasing lakas nang kaba ko. Natatakot akong magsalita dahil baka kainin niya ako ng buhay.

Parang hindi man lang niya ako narinig dahil nagpatuloy pa rin siya sa paglakad. Magsasalita na sana ako ng bigla namang nagsalita si Lucas.

----

Pinahirapan ako ng chapter na'to!

Continue Reading

You'll Also Like

153K 5.8K 28
Covered By: Ate Daphne
82.1K 3.6K 22
When Alex was 'hired' to put on a little show, he had no idea that his life was about to change. Though his intentions were pure, the result of his '...
32.3K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
131K 4.2K 14
1st Book Of The "When" Series. [Para to sa mga lovers na kahit sinubok ng kahit anong problema ay hindi pa rin sila sumusuko.] --------- Si Blaze. K...