Deathbound [Published Under C...

By iamrurumonster

1.7M 72.6K 7.3K

A girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates... More

Author's Note
Prologue
1. Banished
2. Run. Hide. Run
3. Ensnared
4. Ali's Culprit
5. Captives
6. Ascend
7. Buttonholed
8. New Abode
9. The Recruits
10. Split Emotions
12. Unkempt Gut
13. Freed
14. Sheryl's Curse
15. Thorns of the Dark Rose
Deathbound Characters
16. Near Yet Far
17. Bounced Back
18. Tempt Me Not
19. Raiders
20. Plan. Print. Pain.
21. Almost
22. Happenstances
23. The Noobs
24. Bue's Secrets
25. Transformed
26. Levi
27. Nułł
28. Torn
29. Gutter
30. Deceived
31. The Channel
32. The Puzzle
33. Tempted
34. Unreturned
35. A Dark Return
36. Blur
37. Flipped
38. Double Source
39. Prince of Tulsa
40. Envisage
41. Hidden Agenda
42. Missing Pages
43. The Lucas Journal
44. The Crisis
45. The Last Reunion
46. Claremur
47. The Great War
48. Dodged
49. Plan B
50. On the Cards
51. It Lasted Til Death
52. Undetected
53. The Annihilation
Epilogue
Deathbound Published Under Cloak Pop Fiction

11. Chains and Clones

33.2K 1.4K 47
By iamrurumonster

Hinagisan ako ng isang matulis na punyal ni Alec bago nagsalita. Bumuo ng nakakabinging ingay ang tumilapong punyal sa semento. "Move," narinig kong utos nito nang hablutin ko ang punyal kasabay ng pagsulpot ng siyam pang katulad nito sa kanyang harapan, "isang daplis sa bawat sampong Alec. Isang daplis lang at kusa nang mawawala ang bawat ako na masugatan o mapuruhan mo." He mentioned with his handsomely intimidating look.

Ito ang pangalawang beses na paghaharap namin ng lalaki. Sa pangalawang pagkakataon, nakaramdam ako ng takot para sa sarili ko. Hindi umuubra sa kanya ang controll chain ability ko dati. May kung anong malakas na pwersa na nagtataboy sa pinapagapang kong chain palapit sa sampo nitong clones noong huling nagkaharap kami.

Kailangan kong malaman kung anong kakayahan meron siya at nagagawa niyang labanan ang kakayahan ko. Kailangan kong malaman ang sikreto ng sampong clones nya.

Nakapwestong patrianggulo ang sampong Alec paharap saakin. Ganoon din ang formation nila no'ng araw na sinugod ni Pea ang lalaki. Isang Alec ang nasa harap at pinakadulo, nasa likod nito ang dalawa, kasunod ang tatlo at sa likuran o ang base ng triangular formation ang apat.

"Uhmp!" Isang pigil na impit ang kumawala saakin nang mabilis kong pagapangin ang aking controll chains palapit sa nasa harapang lalaki. Ilang saglit lang ang inabot no'n.

Nakita ko ang pagtalbog pabalik ng chaining ability ko. Ibig sabihin, ang nasa dulo ang may kakayahang i-shield ang iba pa. Kung hindi ako nagkakamali. Mula sa isang neon yellow chain na pinagapang ko sa lupa, hinati ko ito sa tatlo at tinangkang atakihin ang dalawang nasa likod nito.

"Holly shit." Naibulong ko nang tumalsik din ang dulo ng aking controll chains. Itinaboy din ng kakayahan ng dalawang nasa likod nito ang makapangyarihan kong kadena.

"Those chains won't get you any further," seryosong tugon ni Alec na nasa gitna mismo ng triangular formation.

Hindi ako sumuko. Pinagapang kong muli ang mga kadena sa mga nasa likuran o nasa base ng triangle. With high hopes, halos magngitngit ang mga ngipin ko nang sugurin ko sila ng mga gumagapang kong kadena na ako lang ang nakakakita. Napakuyom ako ng palad nang naitaboy din ng mga nasa likurang Alec ang aking kadena.

Wala nang chance. Hindi kayang ipenetrate ng aking controll chain ang kahit ni isa sa kanila. Lagot na! Dadaanin ko na lang sa pisikalan uli.

Susugod na ako.

Mabilis kong kinuyom ang aking mga palad kasabay ng halos palundag kong pagsugod sa unang Alec na nasa pinakadulo ng trianggulo. Nang makakuha ako ng buwelo ay saka ako lumundag ng mataas at walang alinlangang pinatulis ang aking mga tuhod paharap. Either he takes my knuckles and my dagger or my knee-cup.

As I landed down, the guy who was in shocked changed his pace. Napansin ko ang pag-atras ng kanang bisig nito at mabilis na pagkuyom ng mga kamao niya. Umikot ito paangat upang salubungin ako. Susuntukin niya ako!

Mabilis kong binago ang posisyon ng aking katawan pabagsak sa nakahambalang kamao ni Alec. Idiniin ko ang pwersa sa aking mga paa at umikot na parang isang balerina habang pabagsak sa lalaki. I somersaulted instantly. Ihahampas ko sa kanya ang mga bisig ko.

The moment I expected my legs to be hitting his shoulders, I felt a pang on my left femur. Nahawakan ako ng lalaki. Nagkatinginan pa kami nito bago ko naramdamang hinigpitan niya ang kabig sa aking mga binti at inikot ako ng malakas saka tinapon pabalibag pabagsak sa semento.

Nabasa ko na ang gagawing iyon ng kalaban, kaya nang maihagis ako nito ng malakas sa sementadong ring ay kaagad kong naibuwelo ang aking kanang palad pasalampa sa semento. Bahagyang kumirot ang balat sa aking palad dahil sa malakas na friction na nabuo dito pero ininda ko 'yon at itinuon sa kung papaano ko hahatiin ang aking bigat patungo sa aking mga bisig at sa pang itaas na parte ng katawan ko pababa.

Pagsagi ng aking palad sa bato ay mabilis kong nakontrol ang dobleng pwersang nakalatay sa aking katawan. Pinaikot ko ang aking katawan habang nakatukod ang palad ko sa semento. Maingat at walang mintis. Isang maling galaw ko lang ay mababali ang kamay ko kapag bumagsak ng buo ang pwersa sa nakasandal kong bisig.

It was a ninety-degree successful pivot. Nagawa ko!

Hindi pa man ako nakakabangon at nakakapaghanda para sa susunod na atake ay nakita ko na ang papasugod na si Alec, ang clone na nasa dulo ng triangle. Mabilis ito. Sa nanlilisik nitong tingin mukhang pupuruhan ako ng matindi.

Alec released a strong roundhouse kick. I dodged back with a double defensed posture. Pagbagsak na pagbagsak ng combat shoes nito sa kanina'y kinaroroonan ko'y nabiyak ang matigas na semento. Hindi ito nagpapigil at mabilis uli akong sinugod. He released another smashing side kick. Halos ilang pulgada lang ang layo ng matigas na sole ng sapatos nito sa aking mukha. Basag na siguro ang panga ko kung hindi pa ako nakaliyad at nakailag.

Napaikot ako sa ring para umiwas. Pero sadyang determinado ang lalaki na tapusin na ng gano'n kaaga ang laban. Kailangan kong maging mautak.

Fight with your head. Naalala ko ang mga sinabi ni Levi. Ang mga itinuro nito kung papaano lumaban ng may talino na walang halong pandaraya.

Hinabol ako at sinundan ni Alec sa gilid ng ring. Naging mabilis ang pagtakbo nito. Ilang metro na lang ang layo niya nang akmang dadakmain na niya ako gamit ang kanang palad nito nang mabilis akong tumigil sa pagtakbo at biglang yumuko at halos humalik sa lupa.

Hindi 'yon inasahan ni Alec. Sa mabilis kong paggalaw pababa, mabilis ko ring naiharang ang kanan kong binti sa tinatakbuhan niya dahilan para matumba ito at mawalan ng balanse. Nawala siya sa focus at tila nawalan ng balanse.

Ilang segundo iyon na hindi ko dapat palagpasin. Sa paghigpit ng hawak ko sa punyal, mabilis kong pinalakbay pasalubong ang palad kong hawak ang patalim. Without hesitation, I sliced the guy's limb.

Isang daplis.

Nalusaw na parang kandila ang unang clone ni Alec. Nang maglaon ay nawala itong parang tubig na sininagan ng araw.

Nine more.

"Nice. Patikim pa lang yan." Narinig kong muling nagsalita si Alec na nasa gita ng triangulo.

Nang lingunin ko ang siyam pang natitira ay saka ko napagtantong nakatingin ang lahat ng ito saakin. Parang bawat isa sa siyam ay gusto akong durugin.

"Siyam pa," bulong ko sa sarili saka pumuwesto para sa susunod kong pag-atake.

Sinong Alec ang susugurin ko?

Ang unang nakalaban ko ay pawang malakas ngunit may kabagalan sa pagkilos. Kapag ang sumunod ay kagaya ng nauna, ibig sabihin ay kaya kong daplisan o sugatan ang siyam pang natitira. Pero hindi ako dapat magpakampante. Hindi ko pa lubusang kilala ang kalaban. Ni isa o dalawang beses ko pa lang siya nakakasalamuha.

Naisip kong baka kailanganin kong puruhan ang orihinal na Alec para maglaho ang siyam na yan. Pero saan siya sa siyam na yan? Isang maling pagpili lang ng taong susugurin ko, tiyak na isusugal ko na naman ang porsyento ng aking lakas. Kapag nangyari 'yon, uubusin ng siyam na kalaban ang lakas ko at hindi ko magagawang mapuruhan silang lahat.

Naputol ang aking pagpaplano nang marinig ko ang yapak ng isa pang Alec mula sa likuran. Napansin ko ang awtomatikong paggalaw ng walo pang natitira para makabuo ng triangular formation. Tila sa bawat nawawalang clone ay pinapanatili parin ng mga ito ang hugis trianggulo. Napaisip ako. Anong meron sa triangulong pagkakapwesto ng mga clones ni Alec? Bakit kailangang laging nasa triangular position ang mga ito?

Mabilis akong napaatras nang papasugod na si Alec. Nagpaikot-ikot kami sa malawak na ring habang nakamasid ang walo pang Alec sa di kalayuan. Tahimik namang nanonood halos ang mga recruits na nandoon.

Hindi ko kailangang tumakbo at tumakas ng paulit-ulit dahil mauubos ang lakas ko. Mas gusto nilang mapagod ako at matalo bago ko maubos ang mga clones ng walang pusong lalaking ito.

Sa isang iglap, mabilis akong tumigil. Sasalubungin ko ang pag-atake ng kalaban. Kusang napaatras ang kanan kong paa. Doon ko inipon ang aking bigat. Sakaling kailanganin kong umiwas o umilag, mabilis kong magagawa 'yon dahil mas malakas at mas mabilis ang kanan kong bahagi.

Ilang metro bago ako malapitan ng lalaki ay napansin ko ang paglabas ng mumunting hibla ng kuryente sa palad nito.

Lagot na. Kaiba ang kakayahan ng isa pang clone ni Alec. Paano ko sasanggahin ang kakayahang katulad nito?

Naging mabilis ang pagkilos ng clone ni Alec. Halo isang metro na lang ang layo namin nang yumuko ito at bumaluktot ng hindi ko inaasahan. Nang dungawin ko ito'y hawak na niya ang magkabila kong binti.

Kukuryentihin niya ako!

Napasigaw ang utak ko. Hindi ako nakakilos. Nang tangkain kong magpumiglas ay saka ko naramdaman ang namuong magkahalong lamig at kirot sa aking mga binti. Sa pagbaon ng mga kuko ng lalaki ay saka ko naramdaman ang kumawalang boltahe ng nakakapanghinang kuryente mula sa mga palad niya. Tila naihipan ng isang malakas na hangin ang utak ko. Nakalutang ang aking diwa. Nawalan ng kontrol ang aking katawan. Parang naparalisa ang bawat ugat na dinadaluyan ng kuryente patungo sa aking ulo.

Sinikap kong gamitan ng controlling chain ang lalaki. Pero parang isang putol na kwerdas ang aking pandama. Parang isang taling pinutol ng ilang ulit at hindi na mpagdugtong ang bawat bahagi ng aking katawan. Naging inutil ako? Oh shit! No!

"L-Levi..." bukod tanging salita na namutawi sa aking bibig. Pagkatapos no'n ay naging mabagal ang takbo ng oras.

Nakita ko ang mukha niya. Ang nakasimangot at seryosong mukha niya habang tinuturuan ako kung paano palakasin at kontrolin ang aking kakayahan.

"There will be a chance that your nerves unlink. You will feel nothing. You will feel useless and empty. Yan ang ganti ng katawan mo sa paggamit mo ng controll ability mo."

"Anong gagawin ko kapag nangyari 'yon?" I remembered asking him.

"Your body works with the electrical signals running through you. The chemicals that causes your body to produce electricity can be eliminated by a certain ability. If that happens, just come back." Naalala ko ang seryosong mukha ni Levi sa kalagitnaan ng lecture namin.

"How do I come back?" Nalito ako sa sinabi nito.

"Your heart can be your last resort. It's the last organ to remain functioning. Just feel the reason of coming back. Hindi ko alam kung uubra but atleast try. Yan lang ang naisip kong paraan sakaling mangyari sayo 'yon."

"Try to come back Ali... come back." Paulit-ulit 'yon. Ilang beses kong narinig ang boses niya.

Levi...

"Alison!" Isang boses bata ang narinig ko sa labas ng ring. Garalgal ito at halatang umiiyak. "Ali!"

"Brit." Sigaw ng utak ko. Naramdaman ko ang malakas na kabog ng aking dibdib. Tila binuhay no'n ang natutulog kong katawan. Hanggang sa maramdaman ko ang pagdaloy ng pandama ko mula ulo hanggang paa. Kasunod noon ay ang pagsakop ng kirot sa bawat kalamnan ko.

"Alison, gumising ka!" sigaw ni Brit sa labas ng ring na sinundan ng paghagulgol nito. Bakit nila hinayaang panoorin ni Brit ang madugong bakbakan namin ni Alec? Holly shit!

Sa pagmulat ng aking mga mata ay napansin ko ang naglalakad na paa ng Alec na nanguryente saakin. Nakahilata ako.

Hinabol ko ito gamit ang aking chains pero gaya ng dati, tinaboy nito ang aking kadena.

Wala sa likod. Wala din sa harapan ang kayang pasukin ng aking controll ability.

Sinubukan ko sa kabilang gilid ng trianggulo. May tatlong Alec ang nakahilera doon. Wala ding nangyari.

Hindi ako magtatagumpay kapag dinaan ko sa pisikal na labanan ang siyam pang natitira. Parang bawat clone ng hayop na lalaki ay may kanya-kanyang kakayahan. Anong gagawin ko?

Napansin ko uli ang mabilis na paggalaw ng walong clones sa pagbabalik ng isa pa. Humakbang paharap ang isang Alec, ang mga nasa gilid at likuran ay nag-adjust din ng posisyon.

"Huh?!" bulalas ko nang mapansin ang Alec na nasa gitna at kampanteng nakatayo lang. Hindi ito gumalaw o humakbang paatras man lang. Mukhang sa kanilang siyam ay siya lang ang hindi umaalis sa pwesto.

Marahil siya ang komokontrol sa walo pang clones nito. Marahil ay siya ang weakest link na hindi kayang tumanggap ng aking ability kaya siya nasa gitna. Kailangang makaisip ako ng paraan kung paano ko siya mapupuruhan.

Dahan-dahan ay bumangon ako mula sa pagkakahiga. Halatang nagulat ang siyam na kalaban dahil nagawa kong makabalik matapos akong subukang paralisahin ng isang clone. Pinulot ko ang punyal na kanina'y tumilapon sa aking likuran. Tumindig ako at suminghap ng hangin bago diniinan ang tapak ko sa semento.

Wala akong pinalampas na segundo. Mabilis akong kumilos at tumakbo patungo sa siyam na Alec na nasa hugis tringulo.

###

Continue Reading

You'll Also Like

Hour of Death By MM

Mystery / Thriller

81.7K 3.4K 33
When Percy received a call informing that her brother went missing after participating in a camp, she told herself that she'll do everything to find...
342K 22.2K 54
VOLUME 1 Eivel L. Leoda was known as a genius. However, it seems like solving riddles and questions in real life won't help her solve her personal pr...
5.3M 270K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN
6M 277K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...