I'm His Accidental Wife

By keilyn3029

392K 10.8K 2.6K

I only have one dream "To marry the man of my dreams, the man I truly love and to spend my entire life with h... More

Prologue
CHAPTER ONE. (THE ENGAGEMENT)
CHAPTER TWO. (THE PREPARATION)
CHAPTER THREE (THE WEDDING)
CHAPTER FOUR (THE WEDDING PART 2)
CHAPTER FIVE (I DO)
CHAPTER SIX (NEWLY WED??)
CHAPTER SEVEN (REALITY)
CHAPTER EIGHT (SABINA MEETS PAUL )
CHAPTER NINE (HONEYMOON?!)
CHAPTER TEN (NEW DAY)
CHAPTER ELEVEN (WITHOUT YOU)
CHAPTER TWELVE (LOVE AND DRESS)
CHAPTER THIRTEEN (INTRODUCING ME)
CHAPTER FOURTEEN (QUESTION??)
CHAPTER FIFTEEN (MEMORY)
CHAPTER SIXTEEN (PRESENCE)
CHAPTER SEVENTEEN (AFFECTION)
CHAPTER NINETEEN (HER REASON)
CHAPTER TWENTY (FROM YOU)
CHAPTER TWENTY ONE (DRUNK)
CHAPTER TWENTY TWO (MRS. CERVANTES??!)
CHAPTER TWENTY THREE (CLOSER)
CHAPTER TWENTY FOUR (BACK)
CHAPTER TWENTY FIVE (HATE)
CHAPTER TWENTY SIX (HONESTY)
CHAPTER TWENTY SEVEN (FITS PERFECTLY)
CHAPTER TWENTY EIGHT (DANCE)
CHAPTER TWENTY NINE (SORRY)
CHAPTER THIRTY (PAPERS)
CHAPTER THIRTY ONE (REGRET)
CHAPTER THIRTY TWO (GIVING IN)
CHAPTER THIRTY THREE (DARE)
CHAPTER THIRTY FOUR (MOMENT)
CHAPTER THIRTY FIVE (ENOUGH)
CHAPTER THIRTY SIX (FALLING)
CHAPTER THIRTY SEVEN (CATCH ME)
CHAPTER THIRTY EIGHT (PRESENTATION)
CHAPTER THIRTY NINE (US)
CHAPTER FORTY (MINE)
CHAPTER FORTY ONE (CLOSURE)
CHAPTER FORTY TWO (START)
CHAPTER FORTY THREE (CHANGES)
CHAPTER FORTY FOUR (REVEAL)
CHATER FORTY FIVE (SURPRISE)
CHAPTET FORTY SIX (SIDE)
CHAPTER FORTY SEVEN (BEG)
CHAPTER FORTY EIGHT (TWISTED TRUTH)
Keilyn's Note
CHAPTER FORTY NINE (HOPE)

CHAPTER EIGHTEEN (CRAZY)

6.4K 225 5
By keilyn3029

Naging busy ang mga sumunod na araw para kila Sabina at Paul.

Sabay silang pumapasok sa opisina at umuuwi ng condo maliban nalang kung kailangan ibang appointment si Paul sa labas ng opisina. Sa basement parking lot na din nagpa-park ng sasakyan si Paul dahil duon talaga dapat nagpa-park ang mga Top Executive ng company , na pinag pasalamat ulit ni Sabina dahil hindi sila makikita ng mga empleyado tuwing pasukan at uwian. Less issue and less tsismis na din. 

Hindi silang sabay mag asawa ngayon araw dahil kailangan si Paul sa construction site, kaya nag taxi nalang si Sabina. 

Pagpasok niya ng lobby ng building ay sakto namang pagpasok nila Precious at Letty.

"Uy! Mrs. CEO.. Nag taxi ka lang?" - Precious. Simula nung malaman nilang asawa niya si Paul ay ito na tawag ng mga ito sa kanya kapag sila sila lang ang magkasama.

"Hindi mo kasabay si Sir Paul?" -Letty.

"Dumiretso siya sa Cons-!" hindi na niya natapos ang sasabihin ng biglang may humablot sa buhok niya mula sa likuran.

"Hayop ka! Malandi ka!" sigaw ng babaeng habang hinihila pa din ang buhok niya.

Nawala ang balanse ni Sabina sa pagkaka-sabunot  nito sa kanya kaya napaupo na siya sa sahig habang mahigpit pa din ang hawak ng babae. 

Napasigaw siya sa sakit. Hinawakan niya ito sa kamay na nakahawak sa buhok niya para pigilan ito. 

"Dapat sayo kinakalbo! Malandi ka! Mauubusan ka ba ng lalaki huh?!" patuloy na sigaw ng babaeng hindi kilala. Nararamdaman din niya ang pag sampal na nito sa mukha niya. 

Sobrang nabigla din ang mga tao sa lobby ng mga oras na yun. Pati ang mga security guard ay hindi kaagad nakapunta sa kanila sa pagkabigla.

 "P*ta ka! Haliparot! Bagay lang sayo yan! Dapat inaalam mo kung sinong inaagawan mo!" sigaw pa din nito habang patuloy ang pananakit sa kanya.

Umawat na sila Precious at Letty ng matauhan ito. Dumating na din ang mga security guard at pinilit na awatin ang nagwawalang babae.

"Bitawan mo ko?! Hindi kita kilala!" yun nalang ang tanging nasabi ni Sabina.

"Ano ba?! Bitawan nyo nga ako!!! Yang babaeng yan dapat ang tinatanggal nyo!! Mang aagaw yan!! Tandaan mo 'to hindi pa tayo tapos!!" Hiyaw pa din ng babae habang hawak ng mga security ng ilayo ito sa kanya. Sinipa pa siya nito bago tuluyang naawat ng mga guard. 

"Sab ok ka lang?" Nag aalalang tanong ni Precious habang tinutulungan tumayo at mag ayos si Sabina.

"Hayop ka!!! Napakalandi mo?! Akala mo napakaganda mo!! Malandi!" Patuloy na din ang paghiyaw nito. "Wag nyo kong pigilan kakalbuhin ko yang babaeng yan! Mang aagaw yan!!"

Tuluyan na itong nailayo ng mga security guard pero nagpipiglas pa din ito at patuloy na sumusigaw.

"Sino ba yon?" Naiiritang sabi ni Letty. "Nakakaloka!!! Baliw ata yon e!!!

"Manong guard. Bakit naman po nakapasok yung ganong klaseng tao! Dapat po double check kayo ng mga pumapasok." Sita ni Precious sa isang security guard na lumapit sa kanila.

Gulong gulo ang buhok ni Sabina at namumula din ang kanyang mukha. Mahapdi din anit at pisngi niya.

"Pasensya na po Mam. Mabilis pong pumasok yung babaeng yun. Hindi din po namin napansin." hinging paumanhin nito habang kumakamot ng batok.

"Sa susunod manong huh? dapat po nag iingat tayo sa mga pinapapasok natin dito. Lahat po tayo pwedeng mapahamak." - Precious

"Sab anong masakit? Gusto mong magpunta ng hospital? O kaya sa clinic?" -Letty.

"Sakit ng anit ko." Daing niya. "Dun nalang ako sa clinic. Yelo lang to."

"Sino ba yun? Kakilala mo ba? Bakit ka niya susugurin?" Sunod sunod na tanong ni Precious.

"Hindi ko siya kakilala. Ngayon ko nga lang nakita yun. Baka napagkamalan lang ko." Sagot niya habang sinsuklay suklay ang buhok.

"Grabe nga. Hindi ka na nakalaban e.. Pasensya ka din Sab nagulat kami kaya hindi kami nakaawat kaagad" -Precious.

"Baliw na yun! Dapat dun pinupunta sa mental. Basta basta nalang nanunugod." Hysterical ni Letty.

Nag stay muna siya sa clinic ng ilang oras. Masakit din kasi ang bandang likuran niya dahil sa pagkakabagsak pati na din ang mukha niya sa pagkakasampal nung babae.

Sino kaya yung babaeng un? Nakakaloka! ang sakit niyang manampal. Hindi ko naman siya kakilala. At wala akong natatandaang inagawan ko. Usap niya sa sarili. 

Naisip niya na tsismis na naman ito. Kelan ba matatapos na pag usupan siya. Bumuntong hininga bago lumabas ng clinic ng i-release na siya ng nurse dahil ok naman na daw siya. Binilinan nalang siya nito na wag kalilmutang uminom ng paracetamol para hindi siya magnatin.

Dumiretso na agad siya sa department niya. Pagkapasok ay agad naman siyang sinalubong nila Letty, Precious at Rose.

"Ayos ka na ba? Bakit di ka nalang mag sick leave at umuwi na." nag aalalang bungad ni Rose.

She's lucky to have friends like them. Having them in this office make her feel love and important.

"I'm fine, don't worry." assurance niya sa mga ito.

"Nakakaloka gerlash! Sino kaya yung baliw na babaeng yun? Sayang hindi ko man lang nasabunutan ang gaga, para naman makaganti tayo kahit na papano, db ba?" - Letty.

"Sayang hindi ko naabutan." - Rose.

"Lagi ka namang late kaya lagi kang nahuhuli sa balita." - Precious.

"Hindi naman ako late, sakto naman lagi kong dating. Grabe ka." - Rose.

"Hoy, 'wag na kayong mag away. Parang mga bata. Hindi kayo ang issue dito." sita ni Letty pagkatapos ay humarap na sa kanya. "Sigurado ka bang ok ka lang? Wala ng masakit sayo."

"Ok pa sa alright." sagot niya ng nakangiti. ayaw na niyang pag alalahanin ang mga ito, isa pa maayos na siya, medyo masakit nalang ang anit niya.

"Girl, wag mo ng pansinin yung mga tsismis hindi naman nila alam ang totoo kaya dedma nalang ok?" - Precious.

"Hay naku hayaan mo sila! Mag tsismis lang sila. Isa pa wala naman silang mapapatunayan. Hayaan mo lang sila mag usap usap. Celebrity ang peg ko." sagot niya. "O siya mag sibalik na kayo sa mga table nyo mamaya maabutan pa tayo ditong nag kukumpulan lalo tayo mapagalitan." taboy niya sa mga ito.

Bago umalis ang mga ito ay may huling bilin si Rose. "Girl lagyan mo ng yelo yang muka mo baka magpasa, makita pa ni Sir."

Nagsimula ng magtrabaho si Sabina. Nag concentrate siya sa ginagawang report dahil konti nalang at matatapos na ito. Sa katunayan ay nire-revise na lamang niya ang report para masigurad na zero % error ito.

For the third time that she check it, she's satisfied and happy with her report.

Inayos niya itong muli at nilagay sa envelop kasama ng usb kung saan nakalagay ang soft copy ng kanyang report para if ever na may gusto baguhin dito. Agad siyang nagtungo ng room ng Accounts Manager para i-submit ito.

She knock three times and enter the room.

"Sir, this is the quarterly report for your review and approval do we can include it on the audit before the anniv party." sabay abot dito ng envelop.

"Very good. As expected Ms. Mendez." Bati nito sa kanya. "Oh. I'm sorry, Mrs. Cervantes, rather." sabay ngumiti ito na parang nanunukso.

Mabait ang Manager niya. Nasa fifty na ang edad nito. Sa katunayan ay ito ang nag train sa kanya nung baguhan palang siya dahil katatapos lamang niya sa pag aaral nuon. Matyaga nitong itinuro ang mga dapat niyang malaman sa pasikot sikot ng trabaho niya ngayon.

 Kaya ginagawa niya talaga lahat para hindi ito ma-disappoint sa kanya. 

"Hindi mo man lang ako inimbita sa kasal niyo." kunway nagtatampo ito. 

"Pasensya na po kayo Sir, maliit lang po yung celebration e. Private po." nahihiya niyang sagot.

"It's ok, I understand kahit siguro pag anak ko ang ikinasal sa katulad ni Sir Paul, I rather have a very private and simple wedding ceremony." 

"Thank you Sir." yun na lamang ang sinagot niya.

"Oh before I forget since you are here, I have some documents for CEO's signature and I'm preoccupied with the financials, so can you do me a favor to get this sign by him?"

"Sure Sir." tyaka niya inabot ang hawak nitong folders.

Dumiretso na kagad siya sa floor kung saan nandoon ang office ni Paul. 

"Hi Jenny." bati niya sa executive secretary ng kumpanya. "Anjan na ba si Sir Paul? For signature from Accounts Department." 

Tinignan siya nito na tila hindi siya ine-expect na pupunta dito. Well bilang niya sa kamay kung ilang beses siyang nakapunta sa floor na 'to dahil normally mga managers lang ang nagpupunta dito.

Kinuha nito ang intercom. Ilang sandali pa ay kausap na nito si Paul. "Sir, I have files for signature from Accounts Department. Do you want to sign it now?" Magalang na tanong nito.

Tumahimik ito sandali tila kinukuha ang instruction ni Paul. Napansin ni Sabina na biglan kumunot ang noo nito.

"Ok po Sir." Sabi nalang nito at binaba na ang intercom. Muli itong humarap sa kanya. "You can come inside to get his signature."

She raised her eyebrow. She didn't expect na siya mismo ang magpapa pirma ng documents na dala niya. Iniisip niya kung ano na namang kalokohan ang iniisip ni Paul.

Pumasok na siya sa opisina nito. Nakita niyang nakayuko ito habang busy na binabasa ang mga papers sa desk nito.

"Uhm." nag alangan pa siyang kuhanin ang atensyon nito. "I need your signature."

Nag angat ito ng tingin tyaka ngumiti ng makita siya. "It's your first time to come up here since I am in charge."

"I don't have anything to come up here, that's why. Besides we have Managers to deal with the CEO of the company." she said playfully. In-expect na to ni Sabina. Paul will always be Paul. Playful.

"Smart answer." nakangiting sagot nito. "Your Manager call me that he sends you to get my signature because he's busy with the Audit."

That answer her question kaya siya pinapasok ni Paul kanina sa loob ng opisina nito dahil alam nito na siya ang umakyat.

"Come, I will sign those papers."

Lumapit na siya dito pero nang iabot na niya ang mga dokumento ay hindi kaagad ito inabot ni Paul. She look at him na nagtataka.

"What happened to you?" out of nowhere na tanong ni Paul sa kanya.

Nagtaka si Sabina sa tanong nito. Natanong ang sarili kung ano bang nangyari sa kanya.

Tumayo ito mula sa swivel chair at lumapit sa kanya. Bakas pa din ang pagtataka sa mukha ni Sabina. Wala siyang ideya sa sinasabi at kinikilos ni Paul.

Nang makalapit si Paul sa kanya ay agad nitong hinawakan ang pisngi at gilid ng labi niya.

"Why do have bruises? San galing yan?" nag aalalang tanong Paul.

Noon lang na-realize ni Sabina ang sinasabi nito. Wala sa loob na hinawakan niya ang pisngi at naramdaman niya medyo masakit pa rin iyon dahil sa pagkaka sampal ng sira ulong babae kanina. Tumingin siya sa glass door ng cabinet sa office ni Paul ay nakita ang pasa sa gilid ng labi niya pati na din ang nasa pisngi niya.

Kinagat niya lang ang labi dahil hindi niya alam kung paano ipaliwanag ang nangyari.

"Answer me." Paul demanded. "Wag mong sasabihing nadulas ka lang o nalalaglag sa hagdan cause I won't buy that. Anong nangyari?!"

Hindi pa din siya nagsasalita. Hindi niya alam kung bakit siya nag aalangan sabihin ang  nangyari kanina. Nakatingin lamang siya sa nakakunot at nag aalalang mukha ng kanyang asawa.

Nung hindi pa din siya sumasagot ay nag dial ito sa intercom. "Jenny, transfer me to Letty, Accounts Department." uto nito sa Secretary at hindi pa din tinatanggal ang tingin sa kanya.

Ilang sandali pa ng marinig ni Sabina ang boses ni Letty sa kabilang linya. "Hello Sir Paul."

"Letty, I want you to tell me what happened to Sabina. Why does she have bruises and harrow?" maatoridad nitong tanong.

"Ahhh." hindi din agad nakasagot ito. Marahil ay nagdadalawang isip ito kung sasabihin ba o hindi sa boos ang nangyari kaninang umaga.

"She's here with me and like you she don't want to tell me what happened. So do you mind telling me?" halata na sa boses nito ang iritasyon.

"Sorry Sabina." sabi nito bago tuluyang nagsalita. "Sir, kaninang maga po nung pagpasok namin sa lobby there's a woman who attacked Sabina. Sinugod nalang po siya basta. Nagwawala po iyong babae, sabi po mang aagaw daw si Sabina at kung ano ano pa po ang pangit na sinabi nung babae. Naawat naman po ng mga guard medyo late lang po kaya nasugatan si Sabina. Masyado pong mabilis ang mga pang yayari kaya hindi din pa nakalaban si Sabina." 

"And do you know that woman?" tanong ni Paul.

"No Sir, that's the first time  we saw her. Sira ulo po ata." dugtong ni Letty.

"Ok, thank you." hindi na nito hinintay na magsalita pa ang kabilang linya at agad nang pinindot ang end call.

He take a deep breath first then dial again in the intercom. "Jenny, get me an ice bag and first aid kit now." utos nito.

Sabina felt his hand on his cheek, side of her lips and upper right of her eyes. Nakita ni Sabina ang pag aalala nito pero may ibang ekspresyon pa mukha nito na hindi maipaliwanag ni Sabina. Lately, nagiging aware siya sa mga kinikilos ng mga tao sa paligid niya. Marahil ay masyado ng  naging kumplikado ang sitwasyon, naisip ni Sabina. 

Dumating na ang inutos nitong first aid kit at ice bag. Inabot sa kanya ni Paul ang ice bag at automatic na idinampi niya ito sa pisngi kung saan masakit pa din. Sobrang careless niya dahil binalewala niya ang nangyari at ang bilin ni Rose sa kanya ng lagyan ng yelo ang mukha at baka magpasa. Hindi din niya maiwasang mainis sa nurse na nasa clinic dahil hindi nito napansin ang kalmot malapit sa mata niya.

"Mahapdi." daing niya ng pahiran ng alcohol ni Paul ang kalmot malapit sa mata niya.

"Sandali lang ito, tiisin mo lang." 

Kapwa sila tahimik habang patuloy na ginagamot ni Paul ang sugat niya. Naiilang man siya dahil sobrang lapit nito, komportable naman siya sa presensya nito hindi tulad ng mga nakaraang araw.

"Para kong nag aalaga ng bata." amaze na sabi nito. "Bakit nag pabugbog ka? Hindi ka man lang lumaban.....  Sandali masakit ulit ito." 

"Aray. Aww. Mabilis yung pangyayari. Hindi ko nga kakilala yun - aray! dahan dahan lang." 

"Babae ka dapat iniingatan mo yang mukha mo. May kaaway ka ba?"

"Wala ah..." sagot niya habang nililihis ang mukha dahil patuloy si Paul sa pagpahid sa sugat niya. "Baka napagkamalan lang ako. As far as I remember iniwan ako pero ako hindi nang agaw."

Tumingin ito sa kanya tsaka umiling.

Nakatitig lang si Sabina dito habang kinakausap ang sarili. Tss, ayaw maniwala ng wala akong kaaway. Hindi pa ko desperate para mang agaw ng lalaki. Ako ang inaagawan hindi ako ang nang aagaw. At hindi niya maiwasang sumimangot.

Nilagyan na nito ang band aid sa kalmot malapit sa mata niya at tsaka nagsalita. "Next time, learn to fight back. You're the only one who can do that for yourself. Not anyone else. Don't let anyone step on you nor hurt you. Not every time there's someone who will protect you or save you." malumanay na sabi nito.  

You can feel the sincerity on his voice. Like a lecturer to his students, like a kuya to his little sister, like a father to his daughter. and like a boyfriend to his girlfriend. 

Mabilis ang mga pangyayari. Naramdaman nalang ni Sabina ang pagpikit ng kanyang mga mata at ang paglapat ng mga labi nito sa mga labi niya.

And what's crazy?, she's the one who initiate the kiss.


------------------------



K/N:

please don't forget to vote and leave your comments :)



Continue Reading

You'll Also Like

46.3M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
29.4M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
8M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...