Once His (Published)

By mykoryana

538K 9.2K 250

When we love we became stupid. When we love we give everything that we have. When we love we became another... More

Once His
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Epilogue
To be Published
Special Chapter

Kabanata 2

17.6K 293 9
By mykoryana


Jerome

"Hmmmmm...." nag humming ako habang bumababa sa hagdan. Masaya kasi ako ngayon.

Twelve monthsary kasi namin ni Jerome. Im so excited. It's our first anniversary. Nag text kanina si Jerome ang sabi niya mag de-date kami mamaya.

Nang bumaba ako nakita ko si Ate na may kasausap sa phone. "Yeah. See you later." Then she giggled "'kay. Love you too." Sabay baba ng phone niya. At nag text at siguro napansin niya ako kaya nag angat siya ng tingin sa akin at tumaas ang kilay niya. "What it is, sis?" Tanong niya sa akin. Ngumiti ako at umiling. "Nothing." Sagot ko sabay pasok sa kusina.

Nakita ko si Mommy na nag be-bake ng cupcakes. May naisip ako kaya lumapit ako sakanya. "My ..." tawag ko sakanya nag angat naman siya ng tingin at tumaas ang kilay, nagtatanong kung bakit.

"Turuan mo akong mag bake." Sabi ko. "Sure, anak. Para sa boyfriend mo ba?" My face redden sa tanong ni mommy.

"My, hindi po." Denied na sagot ko, nahihiya. She just smiled "Sus... kailan mo ba ipapakilala iyan? Alam mong ayos lang mag boyfriend sabi ng daddy mo basta mag aaral ng mabuti. Ang ate mo magpapakilala na daw soon." Aniya.

Totoo iyon, we're allowed to have a boyfriend as long as hindi kami magpapabaya sa pag aaral namin.

Gusto ko na din ipakilala si Jerome pero sabi niya wag muna daw. Inaantay ko din siyang ipakilala ako sa parents niya pero mukhang wala pa siyang balak. Okay lang naman. Im willing to wait.

"Malapit na my." Sagot ko kay mommy. "Paano ba 'yan my?" Dugtong ko pa ulit. "Kuha ka muna ng apron, anak." Aniya agad ko naman sinunod.

Nakita kong kumuha si mommy ng another mixing bowl. Lumapit ako sakanya. "Kapag nag measure ka ng ingredients huwag mong ididiin" she paused and get a knife. "Use a knife, i-flat mo siya." Aniya sabay pinadaan ang kutsilyo sa ibabaw ng baking measure na may nakalagay sa labas na '1 cup.'

Napatango lang ako at ginaya siya. "Cake flour at baking soda muna." Sabi ni mommy. "Done" sabi ko pagkatapos ilagay ang sukat ng cake flour at baking soda sa mixing bowl. Tinignan ni mommy ang ginawa ko. "Next is egg and importante ang itlog kasi ito ang nagbibigay ng color sa mixture mo." Napatango ulit ako sa bagong nalaman ko. "My, bakit hindi na lalagyan ng sugar?" I asked ignorantly. "Kasi anak, cake flour ang ginamit natin. Matamis ang cake flour compare sa ibang flour." Aniya habang hinahalo ang mixture.

"Ah..." I said. Ang galing may iba't- ibang klase pala ng flour.

Madami pa kaming hinalo sa mixture bago iyon inilagay sa tray na may malalalim ba butas at bawat butas ay may nakapaloob na papel na balat para sa cup cakes. Nakalimutan ko ang tawag pero sinabi ni mommy kanina iyon.

Nang maipasok iyon sa oven ay maya't maya ko iyong tinitignan. Nakita ko kung paano lumobo ang cupcakes at na amaze ako doon. Natawa nga si mommy sa reaction ko eh.

"My, paanong umaangat iyon?" I asked habang tinutusok ni mommy ang cupcakes ng toothpick, she said tinitignan niya kung luto na.

"Dahil iyon sa baking powder, anak." Aniya. Tumango na lang ako. Nang sinabi ni mommy na luto na iyon ay tuwang tuwa ako, I even clap my hands and jumped.

Tinikman ni mommy iyon at sinabi niyang magaling daw ako para sa first timer. I said thank you ang gave her a peck on her cheeks.

Habang nilalagyan ko ng icing ang cupcakes ay iniisip ko si Jerome. Magugustuhan niya kaya ito? Muli ay na excite ako para mamaya.

Nang matapos kong lagyan ng designs iyon ay nilagay ko na sa box at ipinasok muna sa refrigerator para lumamig.

Umakyat ako sa kwarto ko para maligo. Nagbihis na ako ng maxi dress at binlow dry ko ang buhok ko bago ko ipinusod iyon.

Kinuha ko ang phone ko at saktong umilaw iyon. May nag message. Tinignan ko kung sino iyon. Si Jerome.
---

My Jerome

Vannah, hindi kita masusundo kita na lang tayo sa tapat ng movie house. You said may nabili ka ng tickets? What time?

---

Pina lobo ko ang bibig ko. Baka may ginagawa siya kaya hindi niya ako masusundo.

---

To: My Jerome

Okay lang. Yup nakabili na ako. It's 6:00 P.M, We have 4 hours pa para mag ikot sa mall.

---

Sagot ko sakanya. Nag reply naman siya agad.

---
My Jerome

Okay. ;')

---

Hindi ko na siya sinagot. I sighed before leaving my room. Papalabas na ako ng bahay ng maalala ko yung cupcakes kaya bumalik ako para makuha iyon.

Nang makarating ako sa mall ay tumayo lang ako sa labas. Dito ko na lang aantayin si Jerome.

I keep on looking at my wrist watch since I came here, and it's been three hours and thirty four minutes.

Baka na late lang!? Baka may importante lang siyang ginawa? Baka naghahanda ng surprise para sa akin?

Pinanghawakan ko ang mga nasa isip ko at patuloy akong nag antay.

Tumunog ang phone ko at halos magkandahulog ito sa kamay ko sa pagmamadali na masagot agad iyon.

"J-jerome? Nasaan ka na?" I answered as I tap the answer button. I heard him sigh at pinalobo ko naman ang pisngi ko habang inaantay siyang magsalita.

"Something's came up Vannah... kaya hindi ako makakapunta." Para akong binagsakan ng kung ano sa sinabi niya pero agad din naman akong ngumiti kahit na alam kong hindi niya iyon nakikita. He said something's came up.. baka importante iyon, girlfriend niya ako kaya dapat intindihin ko siya.

Tumango ako at pilit na ngumiti kahit hindi niya ako nakikita "S-siguro importante 'yan... okay lang J-jerome.." He sighed again "Uuwi ka na?" Tanong niya. Napaisip naman ako kung uuwi ako sayang ang ticket na binili ko. Yumuko ako para itago ang naiiyak kong mata. "Oo." Sagot ko. "Okay. Sige Bye." Pamamalam niya bago namatay ang linya.

Pinalobo kong muli ang pisngi ko bago ako nag angat ng mukha. Halos mapatalon ako ng makita ko ang mukha ni Jeremy -Ang kapatid ni Jerome-- sa harap ko.

Nakasuot siya ng salamin at bagsak ang buhok niya, may bangs din siya. And he looked nerd pero kahit ganon ay bakas pa din ang napakagwapo niyang mukha. At kung mag aayos pa siya ay baka halos lahat ng babaeng makakita sakanya ay magsisilaglagan ang panty.

He have this chinky eyes na masungit kung makatingin. Kilay na lalong nag papa angat ng kasungitan niya. Ilong na sakto lang ang tangos. Labing medyo makapal pero mapupula at ang dinples na hindi gaanong malalim na lumalabas lang kapag ngumingiti at tumatawa siya.

"Hi. Vannah? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin sabay tingin sa dala kong box ng cupcakes. "Ah.. manunuod sana kami ni Jerome kaso may biglaang importante daw siyang gagawin kaya hindi siya makakapunta.. Ikaw?" Sagot at tanon ko sakanya. "Ah... manunuod din ako, hindi pa nga ako nakakabili ng tickets eh. Gusto mo tayo na lang ang manuod?" Masiglang wika niya. Kaso gusto ko ng umuwi. "Sige na Vannah. Nandito ka na din naman eh." Pamimilit niya sa akin, nag angat ako ng tingin sakanya at nakita ko ang pag asa sa mata niya na pumayag ako.

I sighed deeply. "Sige na nga." He smiled widely kaya lumabas ang biloy niya. "S-sige, a-ako ng bibili ng tick-ket." Nauutal na sabi niya dahil siguro sa excitement. "Huwag na Jeremy. Nakabili na kasi ako." Sagot ko sakanya sabay labas ng dalawang ticket mula sa maliit kong shoulder bag. "Ah. Ganon ba? Babayaran ko na lang sayo yung ticket." Tatangi sana a-ako pero hindi ko na ginawa kasi hinila na niya ako papunta sa entrance ng mall.

Nasa gilid ko lang siya habang nag lalakad kami papunta sa escalator. Ni isa sa amin walang nag sasalita. Hindi naman kasi kami close ni Jeremy. Sa tuwing magkikita kami sa school iniiwasan niya ako, kahit kapag kasama ko ang kuya niya, tinatarayan niya ako hindi ko nga alam kung bakit pero naisip ko baka ganon lang talaga siya. Pero hindi kasi nakikita kong kinakausap niya yung mga classmate niya.

"Bibili lang ako ng popcorn ah." Aniya ng makapasok kami sa movie house. Hindi na niya ako hinintay sa sumagot kasi nag lakad na agad siya papunta sa bilihan. Naglakad lakad lang ako at tumingin tingin sa mga poster ng movies na latest at ipapalabas soon.

Kinuha ko ang tickets sa maliit kong bag at tinignan iyon. Romance ang genre nito. Ang kwento ay isang babae na paulit ulit na niloko ng lalaki pero natututo pa din na magmahal ng iba.

Tumingin ako sa wrist watch ko almost six na. Tumingin ako sa paligid ko para hanapin si Jeremy at agad ko siyang nakita na naglalakad patungo sa akin na may hawak na isang popcorn ngunit malaki ang lalagyan at isang drinks na may dalawang straw. "Ito na lang binili ko hindi ko kasi mahawakan kapag tig dalawa pa." Paliwanag niya. Pang couple kasi ang binilk niya. Napansin ko din na namula ang mga tenga niya. "Okay lang. Namumula tenga mo.. napano yan?" Mahinang tanong ko. Medyo nanlaki ang mga mata niya at umiling. "Wala yan." Aniya at umiwas ng tingin pero bumaling din agad sa akin. "Tara na? Anong oras ba yan?" Tanong niya. Tumango ako at sumagot ng "Six. Pasok na tayo." Sabi ko at nauna ng pumasok.

Habang nanonood kami ay kumakain kami ng popcorn pero hindi ko magawang uminom ng drinks. Naiilang ako. "J-jeremy? Bakit hindi ka nagtanong kung anong panonoodin natin kanina?" Takang tanong ko sakanya baka kasi ayaw niya ng genre nito. Mula sa pagkakatingin sa screen ay tumingin siya sa akin "Okay lang kahit ano. Pinapanood ko kasi kahit akong genre and nagpapalipas oras lang ako." Aniya at tumingin muli sa screen.

Ang mga mata ko ay nasa screen pero wala ang buong atensyon ko doon, dahil ang atensyon ko ay nasa tabi ko, na kay Jeremy.

Siguro hindi lang ako komportable kaya ganoon. Natapos ang palabas na wala akong naintindihan sa nangyari.

"Ang ganda no? Lalo na noong nag tapat yung isang lalaki sa babae kahit na naging boyfriend nong babae yung besfriend ng boy." Nakangiting wika niya dahilan para lumabas ang biloy niya. Bakit siya may dimples? Si Jerome wala.

"Vannah? Uuwi ka na?" Tanong sa akin ni Jeremy habang papalabas kami. "Hmmm.... oo. Baka hanapin na kasi ako." Sagot ko.

"Ah.. hatid na kita?" Tanong niya. Umiling na lang ako. Tumango na lang siya at sabay kaming naglakad papalabas ng mall.

Continue Reading

You'll Also Like

35.2K 849 35
When you want two different things in life, there's no other option but to choose. Ellizabeth Castillo knew this well and she was happy with the choi...
6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
8.4K 633 38
Can you possibly fall in love with the same person over and over again? Can you still love the same person who broke your young heart? Erina Astiel...
18.5K 1K 25
AMOR SERIES # 1 Amor de Engaño Lies. Betrayal. And love. Can Luisana make everything's right if it all started with deception?