Virginity List

By pajibar

1.5M 15.7K 2.1K

Virginity List: A list of things she wanted to do before she loses her virginity. More

Note
Virginity List
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22.1
Chapter 22.2
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1
Chapter 30.2
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue
Author's Note
Survey (LOL)

Chapter 11

41K 383 20
By pajibar

“Saan mo ba kasi talaga balak pumunta?” tanong ko. Kanina pa kasi kami naglalakad dito eh hindi ko pa rin alam kung saan kami papunta.

“Andito na tayo.”

Nang sinabi niya yun, nakita ko nalang ang sarili ko sa harapan ng isang magandang bahay. Hindi naman siya ganun kalaki  o ka-bongga. Simple lang siya tignan pero malaki talaga siya.

Sigurado naman akong hindi ito ang bahay nila Kean kasi dalawang beses na kong nakapunta dun kaya alam ko na kung anong itsura nun.

“Kaninong bahay ‘to?” tanong ko. Pero as usual, hindi nanaman siya sumagot sa tanong ko. Instead, pumasok lang siya sa loob kaya naman sinundan ko nalang siya. 

Nung nasa living room na kami, tumingin kaagad ako sa paligid. Ang ganda, malinis. Tsaka walang ibang tao kaya tahimik.

“Clubhouse namin ‘to ng barkada ko.” sabi ni Kean.

“Oh? Eh nasaan na yung mga barkada mo ngayon?”

“I dunno. Maybe may pinuntahan nanaman sila. Pero hayaan mo na. Mas magandang wala sila kasi tahimik.” dumiretso siya sa may ref at kumuha ng juice. “Upo ka muna.” utos niya. Umupo naman ako sa sofa nila. 

Habang naka-upo ako, hindi ko rin naman naiwasang tumingin-tingin pa sa mga gamit nila, maayos naman eh. Kakatuwa nga kasi dapat kapag bahay ng mga lalaki, magugulo. Kaso eto, hindi eh. Maayos talaga.

 At dun, may napansin akong picture frame ng anim na lalaking magkakasama. Kinuha ko ito at tinignan. “Eto ba yung mga kaibigan mo?” tanong ko.

“Oo.” lumapit siya at tinignan rin yung picture frame. Tinuro niya yung lalaking nasa right side. “Eto si Vincent, siya ang pinaka Sporty dito sa barkada namin. Pero basketball lang talaga ang pinakahilig niya.” (Author’s Note: Paki-basa nalang po ang “It’s 11:12” para mas makilala niyo si Vincent.) 

Ohhh. Pogi rin naman. ‘De, sa totoo lang pogi naman silang lahat eh.

“Eh sino ‘to?” tinuro ko naman yung lalaking katabi ni Vincent.

“That's Aki, short for Akihiro. Siya yung pinaka "Jolly" dito sa tropa namin. Siya yung pinakamakulit. Palagi yang nakangiti. At siya rin yung pinaka korny mag-joke. Basta siya yung mahilig magpasaya samin kapag badtrip kami dito.” Oh, ang cute naman niya! Baby face!

Yung next sa picture ay si Kean.

Hindi niya na kailangan pang ipaliwananag kung sino siya dito sa barkada kasi halata na kung ano. Siya ang cassanova sa barkada nila, obvious ba?

“Next naman ako. Kahit naman hindi ko na ipaliwanag, alam naman nating dalawa na ako ang pinaka pogi dito samin.” Wew, ano ba yan! Nilalamig ako, ang hanginnnn!

Tinuro ko yung next na lalaki. “Eto? Sino to? Ang pogi naman neto.” sabi ko. Eh sa pogi naman talaga eh!

“That's girl.”

“ANO?!” tinignan ko ulit ng mabuti yung 'girl' na sinasabi ni Kean. Eh? Kahit alam ko nang babae siya, hindi ko pa rin mahalata! Ang pogi kasing babae neto!

“Her name's Marvelous.”

“Pero paano yun? Lalaki kayong lahat tapos siya mag-isang babae lang?” tanong ko.

“She's a Tomboy, okay? Besides, simula pa naman nung bata pa kami magkakasama na kami eh. Tsaka kahit ganito kami ka-siraulo, may respeto naman kami dyan.” uminom ulit siya ng juice. Buti pa siya Kean nire-respeto mo. Eh ako? Haha joke.

“Weh?”

 

“Oo naman. Kaibigan namin yan. Minsan nga sabay-sabay pa kaming natutulog niyan dito. Okay lang naman sa kanya kasi katulad nga ng sinabi ko, Tomboy yan. Pero masarap yan kasama. Iisipin mo talagang lalaki.”

Gusto ko yung si Marvelous na yun. Ang cool niya!

Sunod ko naamang napansin ang isang lalaking nakasimangot sa picture. Hindi naman naka-simangot pero yung parang naka-straight face lang. 

“Anong nangyare sa kanya?” tinuro ko kay Kean yung lalaking tinutukoy ko. “Feeling ko hindi natural ‘tong ngiti niya. Pinilit niyo lang magpa-picture noh?”

“Haha tama ka, ayaw niya kasi talaga yung mag-picture eh. That's Mason by the way.” sagot niya. “He...doesn't like girls, exception si Marvelous syempre. Kaibigan namin yun eh. He'll be your ideal guy but he won't like you. Ganyan siya eh.” Oh? Choosy naman pala neto.

Tinuloy ko na ulit ang pagtitingin sa picture. Dun ko lang napansin, may lalaki pa pala sa gilid. Yung parang nakahiwalay talaga siya sa grupo?

“Eh sino naman ‘to? Bakit naman parang ang layo niya sa inyo?” tanong ko.

“That's Kier.” sagot niya. “Actually, tropa rin talaga namin yan. Kaso yung parang pasulpot-sulpot lang? Minsan kasali siya sa grupo pero minsan hindi rin siya kasali. Basta yung ganun ba. Bahala na lang siya sa kung anong gusto niyang gawin.”

“Ehh? May ganun pala?”

“Oo. Tsaka kasi may bestfriend na rin yang iba eh. Kumbaga kami nalang yung mga second bestfriends niya.” (Author’s Note: Read "My Probinsyana Girl" kasi nandun din pasulpot-sulpot si Kier. HAHA.)

Ahhhh, gets ko na. Tumingin pa ako sa ibang picture frames at may nakita akong picture ng mga batang magkakasama na masasaya. Sila yata ‘to.

Ang galing naman. Simula bata pa sila magkakasama na sila. Sana ako rin magkaroon ng ganun. Ay! Meron naman pala eh. Yung mga nurse at doctor, simula bata pa ko sila na lang lagi nakikita ko. :(

“So, ano? Tapos ka na?” tanong sa akin ni Kean.

“Tapos saan?”

 

“Sa pagpapahinga.”

“Oh? Nagpahinga ba ko?” bulong ko. “Uhh...Siguro?”

Tumayo na si Kean at kinuha na yung mga gamit niya. “Oh edi, halika na.”

“Saan? Wag mo sabihing may pupuntahan pa tayong iba?”

“Wag ka mag-alala, kaya nga tayo pumunta dito para kunin ko lang yung sasakyan ko eh. Di na tayo maglalakad.” sagot ko.

“Saan nanaman ba kasi?” Kasi naman, lagi nalang maraming surprises ‘to si Kean. Hindi ko naman alam kung safe ba ito o hindi. Alam niyo naman, maloko siya.

“Basta.” Ngumiti siya ng nakakaloko. See? May binabalak nanaman ‘to na hindi maganda!

Wala na akong nagawa kundi ang tumayo nalang at maglakad papalabas. Bago ako makalabas, nakita kong may binasa siya saglit at bumulong ng, “Next, #5!”

Continue Reading

You'll Also Like

152K 336 3
Unwanted wedding, that's how their love story started. Tungkol sa dalawang taong parehong ayaw sa isa't isa no'ng una ngunit kalauna'y mamahalin din...
41.6K 1.5K 39
Aksidenteng nalaman ni Noelle Herrera na ang heartthrob ng school na si Nolan Cureg ay may taning na ang buhay. Sumangayon si Noelle sa pinakiusap ni...
267K 18.3K 86
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
6.4K 976 46
NOTHING IS CERTAIN Ryoc and Laine's love story is your typical "friends-turn-to-lovers" story. Since childhood, he has already set his eyes on her. L...