BHO CAMP #4: The Retribution

By MsButterfly

3M 72.3K 5.6K

I'm Serenity Hunt. A simple woman with a simple life. Or that is what I'm trying to show everyone. Maayos na... More

BHO CAMP #4: The Retribution
CHAPTER 1 ~ Serenity ~
CHAPTER 2 ~ Supladong Alien ~
CHAPTER 3 ~ Kiss ~
CHAPTER 4 ~ Forever ~
CHAPTER 5 ~ Visit ~
CHAPTER 6 ~ Detective ~
CHAPTER 7 ~ Game Time ~
CHAPTER 8 ~ Unravel ~
CHAPTER 9 ~ Fifth ~
CHAPTER 10 ~ Storm ~
CHAPTER 11 ~ Ale ~
CHAPTER 12 ~ Code ~
CHAPTER 13 ~ Yat Yat and Mi Mi ~
CHAPTER 14 ~ Beauty ~
CHAPTER 15 ~ Fiancé ~
CHAPTER 16 ~ Warning ~
CHAPTER 17 ~ Tears ~
CHAPTER 18 ~ Start ~
CHAPTER 19 ~ XX ~
CHAPTER 20 ~ Promise ~
CHAPTER 22 ~ Face ~
CHAPTER 23 ~ Failure ~
CHAPTER 24 ~ End ~
CHAPTER 25 ~ Through The Years ~
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Up Next

CHAPTER 21 ~ Call ~

84.4K 2.1K 73
By MsButterfly

CHAPTER 21

STORM'S POV

"Storm!"

Umangat ang kilay ko ng bumakas ang guilt sa mukha ni Hermes at maging ganoon din kay Phoenix na napapakamot sa ulo niya. Humalukipkip ako at naiinip na tinignan ko sila habang naghihintay ng paliwanag nila.

"Ano..." naghahanap ng salitang sabi ni Hermes.

"Ano?" sinulyapan ko saglit si Phoenix bago ko ibinalik ang paningin ko kay Hermes. "May hindi ba kayo sinasabi sa akin?"

"Wala!" Natigilan si Hermes ng lalong tumaas ang kilay ko. Tumikhim siya at muling nagsalita. "Ano kasi...m-may pag-uusapan kasi kami ni Phoenix. Hindi mo pa pwedeng malaman kasi surprise iyon."

"Then why are you here? Gabing gabi na ah."

Si Hermes naman ngayon ang napakamot sa ulo. "Namiss lang kita."

Napailing na lang ako. Of course there's no way he'll slip. "Wait for me downstairs. Magbibihis lang ako at katatapos ko lang mag shower. I can't sleep so I was in Snow's room since she can't sleep too. Nandoon ang gamit ko."

Tahimik na tumango si Hermes habang si Phoenix naman ay napasulyap sa kwarto ni Snow. Tinalukuran ko na sila at mabilis na pumasok ako sa kwarto ni Snow bago sinarado at nilock ang pintuan.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Nagtama ang mga mata namin ni Snow na mukhang nakahinga din ng maluwag.

"Okay?" She asked.

"Yes."

Tinanggal ko ang roba at nahahapong inalis ko ang suot ko na t-shirt. Ganoon din ang leggings na nirolyo ko lang para hindi makita. Sa pagmamadali ko kanina ay hindi ko na nagawang magpalit ng damit kaya binasa ko na lang ang buhok ko para magmukha akong bagong ligo. Hihiram na lang muna ako kay Snow ng damit dahil nasa kabilang kwarto ang mga gamit ko.

"That was close." Snow said.

"Mabuti na lang at nag e-exist ang passageway na iyon. Kung hindi ay malamang hindi ako kaagad nakarating dito. And it was a good thing that he was unsure if he'll go here or not. Kung hindi siya nagdalawang isip malamang sa hindi nabuko na tayo."

"Your sensors are good. Hindi ko akalain na magaling ka sa experiment department." ngumiti si Snow at iniangat ang katawan niya. Mabilis na lumapit ako sa kaniya at tinulungan ko siya na makasandal sa headboard ng kama. "Saan mo natutunan lahat ng mga iyon?"

"Research. Kailangan kong matutunan lahat ng iyon noon. I need it to survive. Hindi madaling magtago sa Claw. Lalong hindi madaling gawin ang ginawa ko sa kanila ng hindi ako nahuhuli."

"And your funds?"

"I got a lot of money stashed in different places. Itinago ko iyon nang umalis ako rito sa BHO CAMP noon. It took me awhile to remember where they are when I lost my memories but I did. I used the money against Claw."

Ilang sandaling natahimik si Snow habang nakatingin lang sa akin. Pagkaraan ay ngumiti siya at inabot ang kamay ko. Tinignan ko ang mga kamay namin bago takang binalingan ko siya. Umiling siya at pinisil ang kamay ko. "Naiinggit lang ako."

Kumunot ang noo ko. "Naiinggit? Saan?"

"I want to be strong like you. I really wish I can be you."

Bumitiw ako sa pagkakahawak niya at umiling ako. "Don't. Halos lahat gagawin ko para lang hindi ako maging ganito. To erase everything and be clean for Hermes. Or as clean as we can. But I am not. My wounds are already healed but I can't erase the scars. Nothing will ever can. So don't wish to be like me or anyone because there's nothing wrong with being you. Magkakaiba ang mga tao. Magkakaiba ng lakas. Magkakaiba ng kahinaan. We are who we are we don't need to be somebody else."

Nginitian ko ang babae at umayos na ako ng tayo ng hindi na siya magsalita. "Bababa na muna ako. Paniguradong hindi na mapakali do'n si Hermes. Tulungan na kitang humiga?"

Umiling siya. "Magbabasa muna ako. Hindi pa ako inaantok eh."

"You want anything?"

Natigilan si Snow at pagkaraan ay umiling. "I'm fine."

Saglit na tinginan ko muna siya bago ako nagpasya na lumabas na. Bumaba ako at naabutan ko si Hermes na nag-iisa sa sala at hinihintay ako. Lumapit ako sa kaniya at pabagsak na umupo ako sa sofa na kinauupuan niya bago ako humiga sa kandungan niya.

"Hey." I whispered.

"Hey." he whispered back and twirl my hair between his fingers. "Sorry for bothering you at this time."

"Nah It's okay. Hindi rin naman ako makatulog kaya okay lang."

Umangat ang sulok ng labi niya. "Namimiss mo rin ako no?"

"Oo."

Rumehistro sa mukha niya ang pagkabigla sa diretso kong pagsasalita. Inangat ko ang isa kong kamay at pinisil ko ang pisngi niya. "Bakit nagugulat ka pa? Isn't that normal? You love me and I love you. Normal lang naman na hanapin natin ang isa't-isa."

"I was just a little surprise. Sanay kasi ako na bigla mo na lang akong binabara. Old habits."

"Wag kang mag-alala dahil wala naman akong balak na tumigil na barahin at asarin ka. Magiging boring ang buhay nating dalawa kapag walang gano'n."

Mahinang tumawa siya. "Right."

Iniangat ko ang ulo ko ng bahagya at umayos ako ng pwesto. Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang pagsinghap niya. Kumunot ang noo ko ng maakita ko ang ekspresyon niya na para bang may anaconda sa paanan niya at kasalukuyang lumilingkis sa kaniya.

"Anong problema mo?" nanlaki ang mga mata. "Omg. Are you gonna fart? Ew! Hermes ututin!"

Napatawa ako ng mamula ang mukha niya. Pang-asar ko kasi sa kaniya iyon noong teenager kami at kamote ang pinapapak niya dahil gusto niyang bawasan ang timbang niya at magpamacho. Something he doesn't need to do because he was perfect even that time.

"Yuck Hermes!" I said while bursting into laughter.

Napatigil lang ako sa pagtawa ng hinila niya ako paupo. He lift my legs and placed it on his sides, making me straddle him. "W-What are you doing-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan. Pakiramdam ko ay hinigit ang hininga ko sa ginawa niya. I didn't expect that. It was not a gentle kiss but it doesn't hurt me. I can feel the air around us getting warmer and warmer. But before we set fire he stopped and looked at me with those blazing eyes.

"Your pretty head were hitting something it shouldn't hit."

Nanlaki ang mga mata ko ng maisip ko ang tunay na dahilan kung bakit siya biglang natigilan kanina. Napakagat ako sa ibabang labi ko at nag peace sign ako sa kaniya. "Am I torturing you?"

"Yes." pinisil niya ang ilong ko. "At para malaman mo hindi na ako kumakain ng kamote ngayon dahil wala ka ng ginawa noon kundi asarin ako dahil doon."

Ngumuso ako. "Ikaw naman ang may kasalanan. Noong minsan kasi ay ako pa ang tinuro mo samantalang ikaw naman talaga iyong umutot sa klase natin no'n sa taekwando."

"Nagpapacute ka kasi sa isa nating kaklase."

Nagsalubong ang kilay ko. "Baliw. Sino naman doon?"

"Yung Edmund ba iyon? Ewan ko ba kung bakit tuwang-tuwa ka doon. Ang pangit na nga ng pangalan ang pangit pa ng mukha. Hindi ako makapag-concentrate sa mga lesson dahil sa taong 'yon.

Napanganga ako sa sinabi niya. Natatandaan ko pa kung sino ang sinasabi niya at base sa pagkakatanda ko ay gwapo si Edmund lalo na at may lahi siyang banyaga. "Grabe ka din sa kahanginan no Hermes Scott? For your information model na ngayon si Edmund. Gwapo naman talaga iyon ah."

"Pangit pa rin ang pangalan niya."

"Gwapo naman siya." sabi ko.

"Hindi na mababago na pangit ang pangalan niya." walang balak na magpatalo na sabi ni Hermes.

"Ang laki ng galit mo sa pangalan nong tao. At saka hindi ako nagpapacute sa kaniya noon no. Kung ano-ano ang naiisip mo eh panay aral lang ako noon. Saka saglit lang ng lesson natin noon. Pinasok lang tayo ng mga magulang natin doon dahil para matigil ang kakulitan natin dito sa headquarters."

"Lagi ka kayang nakatingin sa kaniya tapos para ka pang kinikilig kapag napapatingin din sa iyo." nakasimangot na sabi ni Hermes.

"Kaya ako tumitingin sa kaniya dahil may gusto sa kaniya iyong lagi kong ka-partner sa sparring at pinag-uusapan namin siya."

Tumingin sa kisame si Hermes na animo iniiisip kung sino ang tinutukoy ko. "Si Paolo lang naman ang kalaban mo lagi kasi magka-height kayo ah."

"Yup."

Nanlalaki ang mga mata na nagbaba ng tingin sa akin si Hermes. "You can't be serious!"

Tumango-tango ako. "Masyado ka kasing nakafocus sa kagandahan ko kaya hindi mo napansin. Di ba?"

"Yes, you're beautiful." sabi niya na may ngiti sa labi na kaagad din naman nawala. "Seriously?! Si Paolo?!"

"Oo nga sabi." natatawang sagot ko.

"Magka-edad kami no'n at naging ka-section ko rin siya sa school. Kaya pala...kaya pala panay ang yakap sa akin kapag naglalaro kami ng basketball. Tapos kapag nasa locker kami..." namumutlang umiling si Hermes. "Nakita niya na ang lahat sa akin."

Pakiramdam ko sobrang pula na ang mukha ko sa kakatawa. Pinisil ko ang magkabila niyang pisngi. "Hindi bale nakita ko na din naman ang lahat sa iyo."

Parang pinagbagsakan ng langit na umiling si Hermes. "Naunahan ka pa niya."

Ako naman ang natigilan sa sinabi niya. Dahan-dahang tumingin sa akin si Hermes at pilit ko namang pinaseryoso ang ekspresyon sa mukha ko. Pero alam kong huli na na maitago ko ang bumalatay na ekspresyon sa mukha ko dahil biglang nanlaki ang mga mata niya. "You...you didn't..."

"H-Hindi ko alam kung anong sinasabi mo."

"Storm!"

Tinakpan ko ang namumulang mukha ko ng dalawa kong kamay. Pilit na inalis niya iyon at nagtagumpay naman siya. Nakangangang nakatunganga lang sa akin si Hermes ng makita ang kulay kamatis kong mukha. Para siyang katawan na tinakasan na ng kaluluwa niya.

"P-Paano?" nauutal na tanong ni Hermes.

"Well you know. Noong nag outing tayo noong eight years old tayo tapos naligo tayo sa ilog. Tapos nahuli kayo nong mga guys eh pinapatawag na kayo sa akin dahil kakain na tayo. You were measuring your...you know...with them."

"No." he whispered in horror.

Mabilis na umalis ako sa kandungan niya at natatawang nagtago sa likod ng sofa habang tila nababaliw na sinubsob ni Hermes ang mukha niya sa throw pillow.

"What the hell is wrong with you guys? Baka maistorbo niyo pa si Snow."

Sumilip ako mula sa likod ng sofa at nakita ko si Phoenix na nakalukipkip na nakatingin kay Hermes na gulo-gulo na ang buhok. Tumayo ako at natatawa pa rin na sinagot si Phoenix. "Go back to sleep Phoenix, it's nothing. We're just talking about...small things."

"Storm!" angal ni Hermes.

Humahalakhak na tumakbo ako papunta sa hagdanan. "I'm going to sleep!" tumigil ako sa kinatatayuan ni Phoenix at tinignan ko si Hermes. "And training tomorrow. I'm bored. Bye!"

"Storm! Come back here! We need to talk about big things!"

I SQUINTED my eyes a little before I breathe and throw the knife I'm holding. It sliced through the air and I smiled when it hit the target. I turned around and smiled at the agents watching me. Di kalayuan ay nakaupo sa mat si Sky at Adonis na pinapanood ako. Halos kumpleto lahat ng Elites sa training area maliban kay Dawn, ang asawa niya at si Freezale.

Kadalasan kasi ay nasa office lang si Dawn at si Freezale naman ay nasa control room. Pag wala doon si Freeze katulas ngayon ay nasa flat lang siya nilang mag-asawa at ang ibang mga experiment department agents ang tumatao sa control room. Malapit na kasing manganak si Freezale habang si Dawn naman ay dalawang buwan pagkatapos ni Freezale.

"Hindi pa ako kinakalawang, thank goodness."

"Iba na talaga kapag genius no? Parang ako lang." sabi ni Sky na kaagad namang sinang-ayunan ng asawa niya.

"Mas magaling si Storm. Knives are harder to control than a gun." nakangusong sabi ni Hermes.

Imbis na ma-offend si Sky ay natatawang tinignan niya ang asawa niya na ngayon ay masama na ang pagkakatingin kay Hermes. Hindi pa nakakapagsalita si Sky ay naunahan na siya ng asawa. "Anyone can shoot bullets but not anyone can shoot straight. At maraming klase ng baril at lahat iyon kayang kontrolin ni Sky."

"Marami ding klase ng patalim at lahat iyon kayang kontrolin ni Storm." tumingin si Hermes kay Sky at nag peace sign. "You know I'm fond of you but I love your sister."

Bumuka ang bibig ni Sky para sumagot pero naunahan na naman siya ng asawa niya na ngayon ay nakatingin naman sa akin. "I'm fond of you too but I love your sister."

"Hoy! Hindi mo pwedeng tignan si Storm!" angal ni Hermes.

"Ikaw nga tinignan mo si Sky eh. Dukutin ko kaya yang mga mata mo?"

"Hindi na kita mahal!" sigaw ni Hermes.

"Hindi naman kita minahal."

Napangiwi ako ng sinaklot ni Hermes ang dibdib niya at gumapang sa sahig na para bang hinang-hina. Umaarteng itinuro niya si Sky sa nanginginig na kamay. "Inagaw mo ang lahat sa akin. Inagaw mo ang wifey ko. Akin siya!"

"Akin lang ang asawa ko." natatawang sabi ni Sky.

Lumapit ako sa kanila at mahinang sinipa ko si Hermes. "Tumayo ka nga diyan at kinikilabutan ako sa iyo."

Nang hindi pa rin siya kumilos ay sinenyasan ko si Adonis na tumayo naman. Magkasabay na pinagulong namin si Hermes paalis sa inokupa na niyang puwesto ko. Nang mailayo na namin siya ay gumitna ako ulit.

Umayos ako ng tayo at bahagyang pinaghiwalay ko ang mga paa ko. Kumilos ang kamay ko at saktong ihahagis ko na iyon ng biglang may yumakap sa bewang ko. The knife swayed and didn't even hit the side of the target board.

Naniningkit ang mga mata na nilingon ko si Hermes. "Alam mo bang kahit isa ay wala pa akong record na hindi tumama sa loob ng board ang patalim ko?"

"Err...?"

Hinampas ko siya sa balikat dahilan para mapahiyaw siya. "Kung hindi lang kita...naku!"

"Ano?" nakangising tanong ni Hermes.

"Wala." sabi ko sabay irap sa kaniya. "Tumayo ka dito. Dahil pasaway ka kailangan mong makabull's eye ng limang beses."

"Anong prize?"

"Kapag nakastrike three ka hindi mo na ako pwedeng halikan sa loob ng isang linggo. Kapag naka-bulls eye ka ng lima bibigyan kita ng maraming kiss at iba pa ngayon din mismo."

Umilaw ang mga mata ni Hermes. "Kiss at iba pa."

"Oo. Maraming kiss at iba pa."

Pinagkiskis niya ang mga palad niya at excited na kumuha ng mga kutsilyo at pumuwesto sa kinapupuwestuhan ko kanina. Naiiling na lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko siya sa balikat. "Straight body." bumaba ang kamay ko sa dibdib niya patungo sa tiyan niya at pababa pa. Napangisi ako ng mukhang hihimatayin na siya at yumuko ako para hawakan ang tuhod niya at bahagyang ihiwalay iyon sa isa pa. "Feet apart. Right foot slightly forward." I said in a seductive voice and bit my lip.

His adam's apple moved when he nervously swallowed. "You're one naughty woman, Storm Reynolds."

"Alam ko. Relax your body." Dahan-dahang pumunta ako sa likuran niya. "Relax your body and don't grip the knife too tight." I tiptoed and whispered right at his ear. "Then throw it."

Thump.

Narinig ko ang pamilyar na tunog mula sa pagtama ng kutsilyo sa board. Sumilip ako roon at napangiti ako ng makita ko na tumama sa gitna ang inihagis niya na patalim. Bahagya na akong lumayo sa kaniya habang nagpatuloy siya sa ginagawa niya.

Sinenyasan ko si Adonis na kaagad namang nakuha ang gusto kong sabihin. "Storm ano ka ba. Baka makita tayo ni Sky. Pabalik na rin iyon." sabi ng lalaki habang sa tabi niya ay ngingisi-ngisi lang ang nandoon pa rin na si Sky.

"Hindi yan." malambing na sabi ko.

Thump.

"Strike one!" sigaw ni Athena na nasa isang panig ng mat at nakikinood rin. "Bawal lumingon kuya Hermes!"

"Anong bawal?!" angal ni Hermes.

"Bagong rule. Para astig!"

Muling pumuwesto si Hermes na wala ng magawa at nakatingin lang sa gawi ng target habang kami ay nasa likuran niya. Nang akma na ulit niyang itatapon ang kutsilyo ay nginisihan ko si Adonis.

"Ay Adonis ano ba 'yan! Nakikiliti ako!"

Thump.

"Strike two!" sigaw ulit ni Athena. "Bahala ka kuya kapag hindi ka nagfocus wala kang maraming kiss at iba pa."

"Argh!" sigaw ni Hermes na biglang nagsasayaw sa gitna habang hindi pa rin tumitingin sa amin. "Para sa kinabukasan! Arya!"

Napanganga kaming lahat ng habang hawak ang apat na patalim ay sinugod niya ang target board at itinusok ang mga iyon doon. Nakangising humarap sa amin si Hermes at itinuro niya ako. "I want mah kisses beybe!"

"Ang daya mo!"

"Wala ka namang sinabi na ibang rule." ibinuka niya ang mga kamay niya. "Come to meh! I want some kisses!"

Nilingon ko si Sky at kinuha niya ang bag ko na malapit sa kaniya at hinagis iyon sa akin. Sinenyasan ko si Hermes na lumapit sa akin na walang pagdadalawang isip na tumakbo agad palapit sa akin.

"Pumikit ka." utos ko na kaagad naman niyang sinunod habang ngingisi-ngisi.

Binuksan ko ang bag ko at may inilabas ako na plastic roon. Hinawakan ko sa kamay si Hermes at ipinatong ko sa kamay niya ang plastic. Nagmulat ng mga mata si Hermes at tulalang napatingin sa hawak niya ngayon.

Tinuro ko ang plastic. "Kisses, Hershey and Kitkat. Maraming kiss at iba pa. Congrats!"

Nag-angat siya ng tingin sa akin. "You..."

Napatili ako ng bigla niya akong hinawakan sa bewang. Nagpapasag ako para makakawala sa kaniya pero hindi niya ako binitawan. Natatawang kinagat ko siya sa balikat habang ako naman ay pinalo niya ng mahina ang pang-upo.

"Hermes!"

"You naughty witch!"

"Storm!"

Napatigil kami sa paghaharutan ng may tumawag sa akin. Kumunot ang noo ko ng makita ko si Freezale na pumasok ng training area. Mahinang tinapik ko sa balikat si Hermes na kaagad naman akong binitawan.

"What is it?" tanong ko kay Freezale ng makalapit siya sa akin.

"You have a call from the BHO CAMP system."

Nagsalubong ang kilay ko. "Sino?"

"Waine Claw."

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 98.2K 32
Now a published book. Available at all Precious Pages branches and other bookstores. I am Skylee Reynolds. I considered myself as the black sheep of...
6.2M 171K 57
Nasanay si Vaughn na nakukuha ang lahat ng kanyang gusto. Nang makilala niya si Natalia ay naranasan niya ang matanggihan. Ang isang club stripper...
974K 19.5K 9
I'm Denaley Brel Siyreen Montevedre, ang dyosa na nakalaan lamang para kay Rushmore Chandler. Kailangan iyon makita ng binata. Na sa isang Den Montev...
108K 6K 38
It took 30 days for Jellane to fall in love and have her life turned around. 400 days after the death of Fina Romulo, Jellane returns to their homet...