Diary ng Tababoy.

By nheliipot

21.1K 538 72

Ako po si Denisse at mataba ako! More

Diary ng Tababoy.
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13.2
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 16.2
Chapter 16.3
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 21

402 14 2
By nheliipot

Hello Readers! I'm back! Sorry kung ang tagal ko lagi mag-update. OJT kasi eh, sorry! 

Wag sana kayo maguluhan sa chapter na to ah! 3 POVs kasi to, sorry kung nakakalito :(

And presenting JUNG IL WOO as Denver, Denisse's kuya! (nasa right----->)

IKR! Pogi no? Hihi :>

Happy Reading!!! 

| Red’s POV |

Ding-dong

                Lumabas ako para tignan kung sino yung tao.. Pero pagsilip ko wala naman. Lumingon-lingon pa ko sa paligid pero wala naming dumaan.

                “Pft. Mga nantitrip na naman”, pabulong kong sabi.

                Pagyuko ko napansin kong parang may puti akong natatapakan. Inalis ko yung paa ko at may nakita akong picture.

                Picture ni mommy and daddy.

                Kinuha ko at pumasok na sa loob.

                Habang hawak ko yung picture, taking-taka ako kung san o kanino galing ‘tong pic na to, at bakit nasa labas…. Hmmmm?

                Pinagmamasdan ko at parang 10 years ago or matagal pa tong pic nila. Ewan ko. Medyo bata pa sila eh. Baka na-misplaced lang ni mommy. Sa labas?

                “Red. O nak, ano yan?”

                “Ma”, umupo siya sa tabi ko at tinignan yung hawak ko.

                “Kami yan ng daddy mo ah. Bat mo tinitignan? Ano gagawin mo dyan?”

                “Wala ma. Nakita ko nga lang sa labas eh.”, kinuha niya yung picture at pinagmasdan. Nakita ko yung lungkot sa mga mata niya pero nagsmile din siya after.

                “Namimiss ko siguro siya. Ako din eh. Sorry anak ah, kasi hindi mo man lang nakasama ng matagal ang daddy mo. Alam kong nahihirapan ka-“

                “Ma hindi mo kasalanan yun. Maging Masaya na lang tayo atleast kasama na niya si Papa Jesus. Tsaka Ma ikaw pa lang sapat na, hindi ako mahihirapan basta kasama kita:)”

                “Ikaw talaga manang-mana ka sa daddy mo. Napakabolero. Alam mo kahit kinuha siya agad satin, ang dami-dami naming pinagdaanan. Muntik na nga kami mag-give up eh pero habang nakikitang ka naming lumaki, nawawala yun dahil mahal na mahal ka namin. At alam kong proud na proud sayo ang daddy mo ngayon.”

                “Dahil sa inyo po kayak o ganito ma. Para sa inyo ni daddy.” Niyakap ko siya. Cheesy mang tignan pero mama’s boy talaga ako eh at proud ako sabihin yun.

| Denisse’s |

*kuha ng toothbrush, lagyan ng toothpaste.*

Brush brush brush.

                Pft. Boring. Nakakatamd naman tignan yung mukha ko sa salamin habang nagtu-toothbrush. Lumabas ako ng CR at namasyal sa bahay namin habang nagtu-toothbrush.

                Siguro pag nandito si Arick, sasabihin niya alam mo ikaw ang baboy mo talaga bumalik ka nga sa cr. Hay nakakarindi yung boses nun eh, maksigaw naman kasi parang wala ng bukas.

                Napadaan ako sa kwarto ni kuya na medyo bukas yung pinto. Sinilip ko HAHA

                Nage-emote na naman siya. Hawak na naman yung scrapbook na binigay sa kanya. Itong si kuya ang lalim ng sikreto niya tungkol sa lovelife niya. Never pa kasi niya kinwento sakin yung tungkol sa scrap book na yun eh.

                Ang alam ko lang binigay yun ng isang girl na nagkakagusto sa kanya nung highschool sila. Ayun lang. Hindi ko kilala kung sino. Hindi naman kasi kami same ng school ni kuya non.

                Pero syempre privacy ni kuya yun kaya hindi ko naman binabalak tignan. Baka magalit pa sakin yun o kaya baka bold pala talaga yung mga nakalagay dun! JOKE HAHAHAHAHA

                Tas nakita ko siyang nag-smile.

                Nalunok ko ata yung toothpaste ko nung nagsmile siya. First time ko nakita yung smile na ganun mula sa kanya. AY CONFIRMED! Inlove siya dun sa babae. Hindi nga ata inlove eh, feeling ko matagal niya na gusto.

                Inayos na ni kuya yung scrapbook tsaka nilagay sa drawer ng bedside table niya. Tumayo siya at palabas na ng pinto kaya ayun kara-karaka akong naglakad ng mabilis palayo sa kwarto.

                “Baby girl!’

                Inalis ko yung tootbrush sa bibig ko, “Ku-Kuya! San ka punta? Alis ka?”

                “Yup. Dyan lang. Magmumog ka na nga. Tumutulo sa sahig yang laway mo oh!”

                “Pssh. Mabango naman! Sige bye! Pasalubong.”

                Tumakbo sa CR para magmumog. Tas maya-maya pumasok na ko sa kwarto ko. Nuod TV, kain sarap buhay! HAHAHA

--

                Hay ang boring naman nitong candy crush na nilalaro ko. Boring kasi wala na kong ticket! Penge naman oh! Pft.

                Hay lumabas ako ng kwarto ko at napadaan na naman sa kwarto ni kuya…

                Oooops. Natetempt ako.

                Naglakad ako pabalik ng dahan dahan lang naman.

                Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan.

                Hinawakan ko yungdoorknob. Sana hindi lock. Sana hindi lock.

CLICK

                Yun oh! Nagmadali akong pumasok at mahinang sinirado yung pinto.

                Tinignan ko kagad yung bedside table niya.

                “Hay nako Denisse! Respetuhin mo yung gamit ng kuya mo! Wala ka naming mapapala dyan kahit Makita mo. Baka magalit pa sayo yun sige ka. Ipapakita naman niya siguro pagdating ng panahon sayo, hintayin mo lang ikaw pa eh baby na baby ka nun. Hayaan mo yan! Hala sige labas na!”, sabi ng angel dito sa balikat ko.

                O well. Nakukunsensya na nga ko n nandito ako sa loob ng kwarto niya pano pa kaya pag tinignan ko yun. Wag na. Makaalis na nga.

                “Tignan mo na!”, sabi ni devil na nasa kabilang balikat ko naman. Hay nako nabubuang na ko!

                Umupo ako sa kama ni kuya at binuksan yung drawer. Nakita ko kagad yung scrapbook.

                Wow. Mukhang bago ah. Halatang-halata na ingat na ingat ni kuya kahit ilang years na.

                Girly naman ng gumwa ang daming stickers, sequence, glitters. Hala OA! Joke pero inferness maganda ang design kaya ok lang.

                “Remember the first time we met?”,mahina kong basa.

                “You were wearing that beautiful school uniform of yours with that, a smile that I’ll never forget….”, CHEESY!

                Iniscan ko bawat pages ng scrapbook. Quotes, pictures ni kuya  lang nakalagay.

                Hanggang sa You wanna know who I'm in love with? Read the first word again. :)”

            “Yes. Denver Tolentino. I’m inlove with you!”

                Ayun na. Kinilig na ko. Sweet naman ni girlaloo. Hay nako kuya! Badtrip ka bat ba hindi naging kayo?

                Pag-flip ko s last page laking gulat ko nung nakita ko yung picture nung girl kasama si kuya.

                Pinunasan ko yung salamin ko ng blouse ko tsaka kinusot-kusot yung mata. Sinuot ko ulit at tinitigang mabuti yung picture nila.

                O M G A A A D ! Siya nga!!!

| DENVER’S |

                Nandito ako ngayon sa isang park malapit lang sa school nung highschool ako.

                Simula nung Makita ko siya dito last few months mga June ata yun,  pumupunta ako dito nagbabaka sakaling maabutan ko siya. Kaso may work na kasi ako kaya minsan hindi na ko nakakabalik.

                Laking sisi ko nga nang hindi ko siya nalapitan nun. Nagulat kasi talaga ko. Hindi ako makakibo nung mga time na yun. Kaya ayun nung nagkalakas na ko ng loob para lapitan siya, siya naman yung nawala. Nakaalis na.

                Highscool kami unang nagkakilala. 1st year siya, graduating na ko. Magkatabi yung classroom namin.

                Tandang-tanda ko pa, siya ang kauna-unahang estudyante dun sa room nila nung first day of class. Nakaupo lang siya sa gilid, natakot pa nga ako akala ko white lady,

                Pero nung lumingon siya. Anghel pala,

                Hanggang sa nagkakilala kami. Naging magkaibigan. Nahihiya pa nga siya eh at Kuya ang tawag niya sakin. Sakit! HAHA

                Lumipas yung mga araw na, lagi kaming magkasama. Lagi ko siya tinutulungan sa assignments niya. Magkausap kami lagi sa phone para hindi ako makatulog at magawa ko yung projects ko.

                At dumating na din yung araw na pinakahihintay ko. Ang graduation.

                Umaga pa lang, nagkita na kami. Binigay niya sakin yung scrapbook at wag ko daw muna basahin hanggang mamaya.

                Isa yun sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Pero yun din pala ang pinakamalungkot kasi yun na ang huli naming pagkikita.

                Hindi ko na ulit nakita yung magaganda niyang mga mata. Yung kapag naka-smile siya eh mapapa-smile din ako kasi nakakahawa yung pagngiti niya. Yung paghangin ng buhok niya kapag dumadaan ako sa classroom nila.

                Wala na. Hinanap ko siya. Bumalik ako sa school ko nun para Makita ko siya at para ipaalam sa kanya na nakita ko na yung scrapbook na ginawa niya…

                Para sabihin kong mahal ko din siya.

                Pero wala na.

                Kaya ngayon naghihintay ako. Wala akong pakialam kung may mangyayari ba dito sa ginagawa ko pero ita-try ko.

                Kung dati sinayang ko yung mga panahong hindi ko siya kasama, ngayong gagawin ko lahat para magkita kami ulit.

                Habang nakaupo ako dito sa isa sa mga benches dito sa park, may nakita akong panyo na nahulog galing sa isang babae.

                Kinuha ko yung panyo at agad na hinabol yung babae. Hindi ko siya namukhaan kasi nakatalikod siya pero blue yung blouse niya.

                Nung lumingon siya….

                “Panyo mo miss.”

                “Ah. Thanks!”

                Akala ko tuloy siya na. Hindi pala.

                Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magi-give na ako kasi umaasa lang ako sa wala.

                Hay. Lord, isang sign naman dyan oh!

                Tapos biglang umambon. Kumulog ng malakas. Argh! Badtrip naman oh. Wag ngayon please. Hanggang sa medyo papalakas na. Nagtakbuhan na yung mga tao sa shed.

                Pero may natanaw akong isang babae. Nagmamadali din siya para buksan yung payong niya.

                Lumakas na lalo yung ulan at lalo din dumaming nagtatakbuhan na tao habang hinahabol ko siya.

                Oo, hinahabol ko siya. Kasi sa hindi ko na palalagpasin pa itong pagkakataon na ‘to. Alam ko siya na talaga yun.

                “Miss!”, sigaw ko sa kanya.

                Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

                “Miss!!”, hindi pa rin siya lumilingon.

                Binilisan ko lalo yung takbo ko para maabutan siya.

                “KYLIE!!!!”

                Lumingon siya.

                At ngumiti ako.

                At yung ngiti na yun ang hinding-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

====================================================

Dear Diary, 

Oh my G! Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko ngayon.

Si... Si Kylie, first love niya si kuya! at si kuya gusto din si Kylie.

Oo diary, si Kylie! Si Kylie na ex ni Red! Siya yun.....

Hinding-hindi ako nagkakamali.

Wooh! Pengng tubig! Hindi ko keri to wait! Hoooh!

~gulatnababoy!!!!!!

====================================================

Hashtag MedyoSmallWorld 

HAHAHAHAHA! Ok ba? Sila kasi talaga yung bida dito eh! LOL

COMMENT x VOTE x FOLLOW

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...