Her Yellow Notebook (Complete)

By maputinganghel

83.3K 2.2K 1.3K

May mga bagay sa mundo na kahit hindi mo makuha, makita mo lang, MASAYA ka na. More

Prologue
Chapter 1.1
Chapter 1.2
Chapter 2.1
Chapter 2.2
Chapter 3.1
Chapter 3.2
Chapter 4.1
Chapter 4.2
Chapter 5.1
Special Chapter (Halloween Special)
Chapter 5.2
Chapter 6.1
Chapter 6.2
Chapter 7.1
Chapter 7.2
Chapter 8.1
Chapter 8.2
Chapter 9.1
Chapter 9.2
Vince and Celeine Special Chapter
Chapter 10.1
Chapter 10.2
Chapter 11.1
Chapter 11.2
Chapter 12.1
Chapter 12.2
Chapter 13.1
Chapter 13.2
Chapter 14.1
Chapter 14.2
Chapter 15.1
Chapter 15.2
Chapter 16.1
Chapter 16.2
Chapter 17.1
Chapter 17.2
Chapter 18.1
Chapter 18.2
Chapter 19.1
Chapter 19.2
Chapter 20.1
Chapter 20.2
Chapter 21.1
Chapter 21.2
Chapter 22.1
Chapter 22.2
Chapter 23.1
Chapter 24.1
Chapter 24.2
Chapter 25.1
Chapter 25.2
Chapter 26.1
Chapter 26.2
Chapter 27.1
Chapter 27.2
Chapter 28.1
Special Chapter
Chapter 28. 2
Chapter 29.1
Chapter 29 .2
Chapter 30
EPILOGUE

Chapter 23.2

880 24 6
By maputinganghel

A/N: Malalaman na kung sino yung nagsalita. Heheheh :D Sorry nga pala dahil ang tagal ko nakapag update na busy kasi ako bigla. Sorry talaga, sagad sagad. Sa mga boboto sa Lunes vote wisely. Pa follow po sa twitter @itsmeangelle143.

Look at the picture sa multimedia >>>>> halata talaga na payborit ni Maddy ang kulay yellow. ^__^

ENJOY READING! :D

========================

CHAPTER TWENTY THREE - 2

*CHARLES POV

Nagpi-picture picture kami ng biglang may sumingit at sinabing……

“Hi, pwedeng makisali sa picture?” kaya napatingin kaming lahat sa babaeng nagsasalita.

O.O What the hell is she doing here?

“Megan?” sabay at gulat na sabi nila Maddy at Celeine. Pati yung tour guide namin na syang kumukuha ng picture ay napatingin sa babaeng nasa likuran nya.

“Yap, the ever gorgeous Megan!” nakangiting sabi niya at namiwang pa. Ang kapal gorgeous daw, saang banda?

 “Sige, sali ka sa amin.” Sabi naman ni Maddy..

Naglakad na palapit sa amin si Megan para sumali sa picture at dsahil bad trip ako sa kanya kaya agad kong sinabi…

“Ayaw ko na, punta na tayo don sa kabayo.” Sabi ko at hinila si Maddy.

“Cha-charles…” reklamo nito, pero wala na syang nagawa kasi nahila ko na.

“Charles, bakit mo ginanon si Megan? Alam mo naman nay may sakit yun eh.” Sabi sa akin ni Maddy ng makalayo na kami.

Tsk >.< o nga pala, masy sakit itong si Megan. Eh ano naman ngayon? Di pwerket may sakit sya pagbibigyan agad? Di yan pwede kay Enrile..

“Sir, kung marunong po kayong sumakay ng kabayo pwede pong wala nalang mag guide sa inyo. Pero susundan pa rin namin kayo, for safety reasons.” Sabi ng tour guide sa amin.

“Okay, me and Maddy in one horse.” Sabi ko, heheheheh ^__^ di alam ni Maddy kung paano sasakay sa kabayo kaya di na mag re-react yan.

Di naman nag reklamo si Maddy kasi di nga sya marunong mangabayo. Bago kami sumakay sa kabayo ay binigyan muna kami ng instructions ng isang Cowboy. Binigyan nya din kami ng tig-iisang helmet, para sa safety namin.

Pumili muna kami ng kabayo na masasakyan pagkatapos non ay saka na kami sumakay. Inalalayan ko si Maddy sa pag-upo sa saddle, it is that keeps the horse rider balance and safely positioned between the swells and the cantle of the saddle. Pagkatapos ay sumunod naman ako.

Pinatakbo ko na yung kabayo ng mahina, yung parang naglalakad lang para naman ma enjoy namin ang paglilibot dito.

“Maddy, remember to keep your heels down, toes up, never let go of the reins and keep your body in the center of the horse in an upright position. Okay?” sabi ko sa kanya at nag nod lang sya.

She can relax naman eh, kasi ako yung nag co-control sa kabayo. I just want her to know the basics in ridding the horse.

Napatingin ako sa unahan kung saan nakasakay sa iisang kabayo si Paolo at si Celeine. Di rin kasi marunong itong si Celeine mangabayo.

*JONAS POV

Naks, naman may POV ako.. Thank you author ha! Mwah :** (kiss na malagkit)

Ayun na yung dalawang mag love team sumakay na ng kabayo. Tsk, sana pala nag dala ako ng chikababes dito para hindi ako na iinggit. Nagmu-mukha tuloy akong tour guide at driver nila. Langya naman oh, sa gwapo kong ‘to wala akong ka love team. Hoy author bigyan mo din ako ng love life para masaya.

Napangiti ako ng mapalingon ako sa gilid ko. Nandito kasi yung kabigan ni Maddy na si Megan. HAHAHA xD maganda, makinis, sexy at uhlalalam.. Seryoso syang nakatitig sa malayo, sinusundan nya ng tingin sila Maddy.

At dahil bored at wala akong love life kaya kina-usap ko sya.

“ahemm ahemm! Summer ka ba?” napatingin sya sa akin na may pagtataka.

“bakit?”

“Ang hot mo kasi” sabi ko sabay wink ^__*

“hehehe” napipilitang tawa nya at nag roll pa ng eyes.

Tsk! Pa hard to get pa kasi eh. Mga babae talaga, kunwari hard to get pero sa totoo kinkilig na pala.

“Hindi ka ba na iinggit sa kanila?” sabi ko sabay sumimpling inakbayan sya.

“Excuse me, di tayo close kaya wag mo akong ka usapin.” Sabi nya at tinanggal ang kamay ko na naka akbay sa kanya..

Hindi pala close ha.. Isiniksik ko ang sarili ko sa kanya at mahigpit na inakbayan sya.

“Oh ayan close na tayo.”

“Ano ba, lumayo ka nga sa akin” sabi nya at tinanggal ulit ang kamay ko sabay KABOOOM sinampal ako. T__T

Syeet, wala pang na naka sampal sa akin na babae ah, sya pa lang. Magsasalita pa lang sana ako ng umalis sya. Aba, badtrip yung babae na yun ah… Ang gwapo kong mukha sinampal nya? Syeeeeet lang talaga!

*CHARLES POV

Mahina lang yung takbo namin ni Maddy. Nasalikuran ako ni Maddy kasi ako yung nag co-control sa takbo ng kabayo.

Nalilipad ng hanggin ang buhok ni Maddy kaya na aamoy ko ito. Aba amoy Palmolive ah! Sa posisyon naming ito ay para na akong nakayakap sa kanya. Inilagay ko ang mukha ko sa left shoulder nya, napatingin naman sya sa akin at ngumiti.

Isiniksik ko pa lalo ang katawan ko sa kanya, ang sarap kasi sa pakiramdam. Sana ganito palagi, masaya at walang sagabal.

At dahil napagtripan ko, so I kick the horse in its left side, mahina lang naman ito kaya hindi masyado mabailis kung tumakbo yung kabayo. Nagulat si Maddy dahil sa pag-iiba ng takbo ng kabayo. Mas mabilis na kasi ito ng konti kay sa kaninang mahina at tila naglalakad lang.

Napahawak sya sa kamay ko dahil sa gulat. “Charles, bakit biglang bumilis?” tanong nya.

“Para ma enjoy natin. Just calm down. Relax.” Panigurado ko sa kanya.

*CELEINE’S POV

Enjoy na enjoy talaga ako sa nangyayari sa akin ngayon. Eeeehhh, kasi naman amoy na amoy ko yung perfume ni Vince.. Waaaaah! Ang bango. Nasa iisang kabayo lang kabi, kung titignan mo kami ay para kaming nasa isang teleserye.

Tahimik lang si Vince at nag co-concentrate lang sa pagpapatakbo ng kabayo. Ang laki talaga ng pasasalamat ko sa Dyos at hindi ako marunong mangabayo.

Na una kami ni Vince kina Maddy at Charles, siguro sinadya iyon ni Vince para hindi nya makita sila Maddy at Charles. Pero biglang bumilis ang takbo nila Charles kaya na unahan nila kami.

Biglang napahinto si Vince at tumingin lang kina Maddy at Charles.. Haaaay, ayan na naman sya, nasasaktan na naman. Pati ako nasasaktan din. Tsk, kalian ba magiging masaya ang lahat? Actually si Maddy lang ata itong masaya eh.

Kung tutuusin si Vince nasasaktan dahil kay Maddy, ako nasasaktan dahil nasasaktan si Vince at si Charles sigurado akong nag-aalanganin din yan, natatakot na baka maagawan. Walang ka alam-alam itong si Maddy sa mga bagay na nangyayari, di nga nya alam na may gap na between sa magpinsan dahil sa kanya, kung alam nya lang sana.

“hmmp, gusto mo nang bumalik?” nagsalita ako kasi hindi na muling pinatakbo ni Vince yung kabayo.

Tiningnan nya lang ako at pinatakbo ulit yung kabayo. Halata sa mga mata nito na nasasaktan sya.

“Balik na lang tayo” sabi ko.

“No, it’s fine and I’m fine.” seryosong sabi ni Vince at nilakasan ang pagpapatakbo ng kabayo. Hindi naman ako natakot kasi may tiwala ako sa kanya, I know he won’t do anything bad.

Mas mabilis ang takbo namin kaysa kanila Maddy kaya na unahan namin sila. Akala ko tapos na pero biglang binilisan din ni Charles ang pagpapatakbo nya, para tuloy silang nag kakarera.

Halos magkatabi lang silang dalawa, jeez! Pati yung Cowboy na nakasunod sa amin na alarma, magpabilisan ba naman sila.

“Pao, let’s not make it a race.” Sigaw ni Charles, pero hindi nakinig si Vince. Oh no! anyare sa kanya?

Biglang inihinto ni Vince ang kabayo at agad-agad na niliko ito at nilagpasan sila Charles. Pinatakbo na nya ang kabayo pabalik sa rancho nito. I can feel the tense and hear the anger. This is not good.

Nang makababa na kami ng kabayo ay biglang umalis si Vince kaya na iwan ako mag-isa.

“Celeine” tawag ni Maddy ng makababa na din sila.

“Anong ng yari kay Paolo?” tanong ni Maddy, nagkibit-balikat lang ako. I don’t want to answer, kasi na iinis ako sa kanya. She is the reason why Vince is hurting. Alam kong wala syang kasalanan but still she’s the reason, and I can’t help myself na hindi ma inis sa kanya.

Para wala na akong masabi pa kaya naglakad na lang ako para sundan si Vince. Baka kung ano pang masama ang masabi ko at makasakit lang ako ng damdamin.

Nang masundan ko si Vince ay bumalik lang pala sya ng van na sinakyan namin kanina.

“Okay ka lang?” tanong ko ng makalapit na ako sa kanya.

“I want to be okay. I’m trying to be okay, but I am just not.” Sagot nito sa galit na boses at nasapo ang nuo.

“Do you need space and be alone?” tanong ko ulit, baka kasi gusto nya mapag-isa at mag-isip-isip.

“No, just stay. Baka mabaliw pa ako kapag ako lang mag-isa” sabi nito at tintigan lang ako.

*MEGAN’S POV

Aiyah!!.... Nakaka-inis talaga, whatever I do to make him notice me, wa epek pa rin. Wa pakels sya sa beauty ko eh. Huhuhuhuhuhu

Nagseselos talaga ako sa kanila Maddy, everytime na nakikita ko sila together sumisikip talaga yung puso ko at kagaya ngayon di lang sumisikip napapa-iyak na din ako. Di pa naman yun mabuti sa akin, kasi may sakit ako. I really hate it.. eerr

Supposedly pupunta kami ng family ko ng Cebu to have our summer vacation, pero pinilit ko si dad na dito nalang sa Subic para masundan ko sila Charles. Buti naman at pumayag si dad, kaso ito lonely naman ako, mas mabuti pa siguro sa Cebu nalang di pa siguro ako nasasaktan ngayon.

“Megan?”

“Dad?” umiiyak na sabi ko kay dad.

“Why are you crying?” malambing na tanong ni dad. I am the only daughter kasi puro lalaki yung mga kapatid ko, kaya love na love ako ni dad.

“Dad, remember the guy I am talking about?” sabi ko habang na-iiyak pa rin.

“The one you had a pictorial with?” tanong ni dad at nag nod lang ako. “Why, is he the reason why are you crying? Did he hurt you?” nag-aalalang tanong ni dad at mas bumuhos pa yung luha ko.

“Dad, he is inlove with somebody else kasi. But I really want him so badly” nangiyak-ngiyak kong sabi, nahihirapan na nga akong huminga kaya hinimas-himas ni dad yung back ko.

“Megan” nag-aalalang sabi ni dad at niyakap ako.

“Dad, I really want him.” Sabi ko habang patuloy na umiiyak.

*MADDY’S POV

Naka balik na kami sa rest house nila Jonas, ang sabi nila bukas daw namin ipagpapatuloy ang paglilibot at pamamasyal dito sa Subic.

Nagpunta ako ng kitchen para uminom ng tubig kasi na uuhaw ako, kumakain kasi kami ng Dingdong sa sasakyan kanina, eh walang tubig kaya uhaw na uhaw na ako.

Pagkarating ko sa kitchen ay nadatnan ko itong si Paolo na umiinom din ng tubig. Kumuha ako ng baso at uminom din ng tubig. Napatingin lang si Pao sa akin, yung titig nya di ko ma intindihan, mukhang galit na ewan.

“Pao, okay ka lang?” tanong ko sa kanya pero mariin na nakatitig lang sya sa akin.

“No I’m not.” Sagot nya at humakbang sya sa akin papalapit. “Not until I do this.” Sabi nya ulit at bigla akong….. bigla nya akong niyakap O__O.. why?

“Pa-pao.” sinubukan ko syang itulak pero nag-aalangan din ako.

“Just a moment. Please.” mariin nyang sabi.

“Pao, ano ba!” nilakasan ko yung pagtulak ko sa kanya, kaya kumawala sya.

“Sorry” sabi nya at napayuko.

“Okay lang naman eh, pero sana magpa-alam ka, baka ano pa isipin ng iba kapag may nakakita sa atin.” sabi ko at lumabas na ng kitchen.

***

Nang nagkataon na ako lang mag-isa sa kwarto ay kinuha ko yung yellow notebook ko.

Dear Bestfriend,

Kamusta? Wew, sorry kahit na sinama kita dito sa Subic eh andyan ka naman sa bag ko wala ding pinagka-iba. HEHEHEH ^__^V peace tayo bespren, try kitang dalhin bukas ha, okay ba yun? Bespren sumakay kami ng kabayo kanina, first time kong sumkay sa kabayo nakaka-enjoy nga eh. Si Charles ang kasama ko sa kabayo kasi sya ang nagdadala ng control don sa kabayo, marunong kasi si Charles mangabayo. Nakaka-enjoy nga eh, feeling ko isa ako sa mga bidang babae sa PHR Stallion at si Charles naman ay isang Stallion Lords. Hehehe ^__^ Kaso bespren biglang nag-iba yung ihip ng hangin, yun saya ay biglang napalitan ng tension. Eh kasi naman biglang nagpabilisan ng takbo itong si Charles at Paolo, sinabi pa nga ni Charles kay Paolo ““Pao, let’s not make it a race.” At bigla nalang umalis si Paolo na may galit sa mukha. Di ko sya ma intindihan, kanina nga lang sa kitchen ay bigla nya akong niyakap. Siguro may problema sya. Sana kung may problema man sya ma solve na ito.

P.S Nakita ko si Megan kanina bespren, sinusundan nya kaya kami? O, nagakataon lang?

====================

“Ano yang sinusulat mo?” nagulat ako ng biglang pumasok si Celeine, kaya agad ko namang na itago yung yellow notebook ko sa bag.

“Ahh, wala wala..” sagot ko naman at buti nalang hindi na nangulit pa si Celeine.

“Ahmp, Celeine may problema ba si Paolo?” tanong ko kay Celeine na naglalagay ng facial cream sa mukha nya.

“Bakit mo na itanong?”

“Wala lang, iba kasi ina-akto nya.”

“Kung concern ka sa kanya just give him space” sagot nito habang patuloy na naglalagay ng facial cream.

“Space?”

“Yap, space.” At tumabi na si Celeine sa akin sa bed.

“Bakit space?”

“Para mag-isip, magiging okay din yun. Tulog na tayo.” Sabi nito at nag blindfold na para matulog.

Tsk.. naman eh, di ko gets. Pero sige na nga susundin ko nalang yung “space” na sinasabi ni Celeine. Magtatanong pa ulit ako, pero baka makulitan na sya sa akin. Alam ko rin na pagod sya kaya mas mabuti pang magpahinga na lang din ako.

=========================

VOMMENTS para ma ingay at magulo.

THANKS FOR READING!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...