Jane's POV
Naalimpungatan ako, nang may marinig akong kaluskos. At parang feeling ko may naka-tingin sakin habang natutulog ako. Nagsimula na tuloy akong kabahan, naupo ako at pinakiramdaman ang paligid. Pero wala naman, tahimik lang sa paligid ko.
"Hayy! Ilusyon lang pala?" sabi ko sa sarili ko at muling hihiga pero may narinig akong isang boses.
"Jane..." Pabulong pero sapat na para marinig ko, sa takot ko napasigaw ako.
"Ah!!!!!!!!!!"
"Wag kang matakot, kakampi ako... " sabi nya, isang babae na may itim na robe. Hindi ko nakikita ang muka nya dahil sa hood nya...
"Wag kang lalapit" sabi ko
Ang paghinga ko parang bumibigat at pakiramdam ko nalulunod ako. Hindi ako maka-hinga... I can't breath.
"Who... a-a-re... you... ?" At nawalan na ako ng malay. Jesus Christ help me!
Von's POV
May narinig akong sigaw mula sa kwarto ng kapatid ko. Nagising ako at tumalima papunta sa kwarto ng kapatid ko. Pagka-bukas ko ng pinto, hahawakan na nya s Jane. Inatake ko sya ng Water ball... Pero agad na nawala sya, kaya kumalat ang tubig sa kwarto ni Jane.
"Jane!" Sigaw ko at nilagay sya sa kama para maobserbahan at kung ano ba ang ginawa sa kanya ng bruhang yun. Pano nya nalaman ang bahay namin? Pano niya naman nakilala ang kapatid ko... Sabagay kung ang mom at dad namin kilala ng mga bad wizards na yun...
Tinawag ko si Dad, nakita ko ang takot sa mata ni mom. Nag-alala na rin ako sa kapatid kong toh. Tama ang desisyon ni Dadna ilipat na kami sa safe... WESLYN ACADEMY.
Kina-umagahan, nagising na si Jane. Pero masakit pa ang ulo nya, wala syang maalala sa mga nangyari kagabi. May spell na ginamit siguro sa kanya ang mangkukulam na yun. Patay talaga sakin ang isang yun... Magkita lang kmai, sisiguraduhin ko na bugbog sarado sya sakin.
Mr. Clarkson (Jane's Father)
Kailangan ko nang mailipat ng lugar ang pamilya ko, papayag na akong maging counsil muli. Kailangan kong protektahan ang pamilya ko lalo na ang anak kong si Jane. Ayokong mapapahamak ang isa sa kanila.
"Sumakay ka na Jane" sabi ng kuya nya...
"Bakit ba kasi kailangan lumipat?" sabi ni Jane bago sumakay. Nginitian naman ako ng asawa kong si Martha... Nakita ko ang magkapatid na nag-haharutan.
"Kuya, ayokona! HAhahaha!"
"Wala pa lang kiliti ah?"
Nakakatuwang pagmasdan na masaya ang pamilya ko noh? Sana hindi na matapos ang saya na nadarama nila. I need to protect my family as a father. Hindi ko hahayaan na magiging malungkot ang pamilya ko. At magkakaroon nanaman ako ng bagong tungkulin. Hindi lang pamilya ko ang poprotektahan ko, pati na ang buong mamamayan ng mahika. Ang mga wizards na inosente, lalo na ang mga bata na walang kamuwang-muwang sa mundo.
Jane's POV
"Jane, wake up. We're here" boses ni Kuya Von.
Napatayo ako ng di sinasadya, at ARAY!!!!!!
"Shit!!!" Napa-mura ako dun ah?
"Don't speak bad words baby" sabi ni dad at lumabas ng kotse... Nakita ko naman si Mom na may kausap sa labas. At hindi lang yan, bakit ang daming naka-palibot na tao sa paligid ng kotse nato? Ano may sikat na artista ang dumating?
Lumabas ako kasama ang isang maleta ko at isang backpack sa likod ko. Medyo nahihilo pa ako plus yung bwesit na pagtama ng ulo ko sa kotse.
"Magugustuhan mo din dito" sabi ni Kuya Von, at may mga chika babes na lumapit sa kanya. Kaya pala gusto nay dito kasi sandamakmak ang chix... Pamilyar ang lugar na ito, kaso yung panget na muka nila HINDI! Sama ko di ba?
"Tss... Baka nga?" sabi ko atnag-lakad na kahit di alam ang pupuntahan. Iniwan ko na lang yung maleta ko... Bahala na sila dyan.
Shyra's POV
Bakit ang daming tao banda roon? Uso din ba sa mundong ito ang artista, concert, at kung anu-anong kaekekan sa buhay ng mga adik sa mga sikat? Alam nyo may close na ako sa lugar nato. Kaso yung isang kasama nila ayaw ata sakin? Ang taray-taray ba naman kasi?
"Ano yun? Daming tao naman?" sabi ni Celeste
"OO nga eh? Para malaman natin kung ano yun puntahan na lang natin?" sabi ni Catrina o Katkat
"Sige" nagka-isang sagot namin
Nakita namin ang isang magandang kotse, kulay abo ito. Lumabas dito ang isang babae na nasa 30's ata? Sumunod naman yung isang lalaki, mukang mag-asawa sila. Tapos lumabas yung isang gwapo na lalaki. Sumunod yung babaeng ka-edad ko na medyo boyish...
Nakita kong dinumog ng mga babae ang lalaking bagong dating, at pag-tingin namin sa tabi namin nawawala si Celeste. AT...
"Alam na" sabi ni Aena
"Mukang type nya ang lalaking yun, baka umiyak sya din kasi marami syang kaagaw. Tingin nyo pang ilan sya sa listahan ng lalaking yun?" sabi ni Catrina
"Ewan..." sabi ni Aena.
Nakita ko yung isang babae na bagong dating eh iniwan ang maleta nya sabay lakad sa isang direksyon. Papunta sa mga dorms, kung saan ang dorm ko... Wow ah? Baguhan pero lakas ng loob mag-gala. Pag sya naligaw eh? Ako nga may tour guide pa dito sa school na to eh?
Celeste's POV
God! Ang gwapo nya talaga, kahit baguhan sya at hindi ko pa lubusang kilala gwapong-gwapo na ako sa kanya. Malapit na ako sa kanya, mahahawakan ko na sana kaso may tumulak sakin. Hindi ko nakita eh? Tapos umalis na lang ako... Yan lang eh? sa inyo na sya. Baka ang dami nyo, sino kawawa? At iiyak huh!!!!!! Ako? wise po ako!
"Bakit bumalik ka?" sabi ni Aena
"Pano kasi, may epal?" sabi ko
"Aw! umiibig ka beh..." Malanding sabi ni Catrina
"Di kaya" sabi ko at nag-walk out. Isa pa kasi sya eh? Nakaka-inis!
Pumunta na muna ako sa mga dorms, tapos natulog ako. Hindi pa naman kasi nag-sisimula ang classes sa school nato eh? May nasagap akong balita kanina, may darating na bagong counsil daw. Dating counsil na daw talaga yun dito eh? Ewan! Basta!
JANES'S POV
Nag-lalakad ako, maganda naman ang lugar na ito. May mga dormitory at yeah! Tama si Kuya Von, ako na talo eh? Lagi naman eh? Maganda talaga dito at hindi mapagkakaila nino man. Parang ayaw mo nang umuwi sa tahanan mong totoo. Maganda, yan ang comment ko sa lugar nato...
*Booooogsshhhhhhh!!!
"Anak naman ng!" Napaganun ako, ganda-ganda ng lakad ko dito eh? Gusto ata nitong masapak eh?
"Are you blind?!" Inis na sabi ng mokong...
"Mukang bulag ba ako ha!?" Inis na sabi ko...
"Oh? A Jerk one, i'm wasting time" sabay alis
"Come--- Nasan na yun?" nawala bigla? Na-eengkanto ba ako? Hala! Sinigawan ko pa naman, papa pa naman sya. Inaamin ko... Wag sana akong maengkanto ( sa totoo lang, sinasabi ko yan kasi baka engkanto talaga sya?) God naman! Sana magtagal ako sa hindi ko mawaring lugar ito!
____________________________________________________________________________________
HI! 1000 + muna ah?
Thank you for reading kahit alam kong isa ka pa lang na reaer ko, bago kasi eh? But Thank you! Tank you! 100%