Cinderella is Married To A Ga...

By AcinnejRen

17M 356K 23.1K

[COMPLETE] (Currently Editing) Sino nga ba si Cinderella? Ang pagkakaalam ko kasi sya yung babaeng palaging... More

Cinderella is Married to a Gangster!
Chapter 1: Tragedies
Chapter 2: Mistakes
Chapter 3: Encounter
Chapter 4: Survival
Chapter 5: Married
Chapter 6: Save
Chapter 7: Queen
Chapter 8: King
Chapter 9: Rage
Chapter 10: Determination
Chapter 11: Cruelty
Chapter 12: Guard
Chapter 13: Romeo
Chapter 14: Freedom
Chapter 15: Lies
Chapter 16: Rules
Chapter 17: Punishment
Chapter 18: Date
Chapter 19: Attraction
Chapter 20: Sadness
Chapter 21: Punishment
Chapter 22: Feelings
Chapter 23: Memories
Chapter 24: Surprises
Chapter 25: Another Surprise
Chapter 26: Queen Bee
Chapter 27: Cozy
Chapter 28: Death
Chapter 29: Honeymoon
Chapter 30: Dance
Chapter 31: Trust
Chapter 32: Death
Chapter 33: Villain
Chapter 34: Hidden
Chapter 35: Mystery
Chapter 36: Beginning
Chapter 37: Tears
Chapter 38: Run
Chapter 39: Okay
Chapter 40: Threats
Chapter 41: Escape
Chapter 43: Mission
Chapter 44: Bait
SP (Special Chapter)
Chapter 45: Family
Chapter 46: Engagement
Chapter 47: Cravings
Chapter 48: BeastMode
Chapter 49: Names
Chapter 50: 143
Chapter 51: Preparations
Chapter 52: Wedding
Chapter 53: Reception
Chapter 54: History
Chapter 55: Father
Chapter 56: Stalker
Chapter 57: Party (Part 1)
Chapter 58: Party (Part 2)
Chapter 59: Party (Part 3)
Chapter 60: Chase
Chapter 61: Truth
Chapter 62: Status
Chapter 63: Death
Chapter 64: Proposal
Chapter 65: New Life!
Special Chapter
Author's Note:

Chapter 42: Darkness

209K 4.4K 401
By AcinnejRen

Chapter 42:
Darkness

"Stay here and lock the door. I'll be right back"

Yun ang huling sinabi ni Blaze bago sya umalis. Ang sabi nya maglalakad lakad lang daw sya saglit para tignan kung may malapit bang bahay or establishment na pwede naming hingian ng tulong.

But that was one and a half hour ago, hanggang ngayon hindi pa din bumabalik si Blaze. Nag-aalala ako para sa kanya pero nag-aalala din ako para sa sarili ko lalo na at mag-isa lang ako dito tapos wala man lang dumadaan na ibang kotse.

"Blaze asan ka na ba kasi?"

Nagpatugtog na lang ako gamit ang cellphone ko para mabawasan ang kabang nararamdaman ko.

Nakakatatlong kanta pa lang ako nung marinig ko ang pag-patak ng ulan sa bubong ng kotse. Agad na sumagi sa isip ko si Blaze. May nahanap kaya syang pwede nyang silungan? Paano kung nabasa na sya ng ulan?

Habang tumatagal mas lalong lumalakas ang ulan hanggang sa magkaroon na din ng kulog at kidlat. Napapatakip na lang ako ng tenga kapag kumukulog pero hindi ko naman maiwasang hindi pagmasdan ang paligid ko sa tuwing kumikidlat. Nakikita ko kasi ang lahat kapag may kidlat kaya naman napasigaw ako nung may maaninag akong nakatayo sa gitna ng daan di kalayuan sa pwesto ko.

Nung muli na namang kumidlat agad kong tinignan yung lugar kung saan may nakita akong tao kanina. Nakahinga ako ng maluwag nung wala akong makitang tao. Mabuti naman kung ganun, konti na lang at magpapanic na sana ako.

Nagpatugtog na lang ulit ako. Sinasabayan ko yung kanta nung hindi sinasadyang mapatingin ako sa gilid.

"Aaaaaaahhh!" Sigaw ko. May tao kasing nakatayo sa gilid ng kotse. Kinalampag nya ang bintana ng kotse kaya mas lalo akong napasigaw.

"Buksan mo nga to Keira! Basang basa na ako! Aish!"

"B-Blaze?"

Inaninag ko munang mabuti kung si Blaze nga ba talaga ang nasa labas, at nung makompirma kong sya nga talaga yun agad kong binuksan ang pinto ng kotse.

"Naku basang basa ka na Blaze!"

Mabuti na lang at dala dala ko yung beach towel na ginamit ko kanina kaya ipinunas ko ito sa kanya.

Nagsimula naman nyang hubarin yung pang-itaas nyang damit at medyo naistatwa ako nung makita ko ang katawan nya.

Bago pa man ako magkasala ng tuluyan, iniwas ko na ang paningin ko. Pero na-co-conscious pa din ako. Kahit na hindi ko na sya nakikita, nararamdaman ko naman na malapit lang sya sa akin.

"Keira" tawag sa akin ni Blaze ng mahina.

"A-ano yun Blaze?" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"I'm feeling cold"

"H-ha?"

"Hug me"

Niyakap ko si Blaze katulad ng gusto nya pero parang gusto ko na kaagad bumitaw. Pakiramdam ko kasi napaso ako dahil sa sobrang init ng katawan nya. Nararamdaman ko din ang mainit na hininga nya sa leeg ko at medyo nakikiliti ako dahil dito.

"A little more and I'm gonna lose control K-keira, now is a good time to push me back"

Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi nya kaya hinayaan ko lang syang yakapin ako kaya naman medyo nagulat ako nung maramdaman ko ang labi nya sa tenga ko.

"B-Blaze, a-anong ginagawa mo?" Kinakabahang tanong ko.

"If I told you to trust me. Will you trust me Keira?"

"Y-yes"

I trust Blaze. Ganun siguro talaga kapag mahal mo ang isang tao, you will trust that person no matter what.

As I waited for Blaze to say something he suddenly kissed me in the sweetest and most possibly addicting way ever. Wala na akong nagawa kundi namnamin ang halik nya.

******

Knock Knock

I can hear knocking sounds coming from outside. I opened my eyes and I saw a Bunny and a cat waving outside the window. Wait, let me rephrase that. What I meant was, I saw a person in a bunny suit and a cat suit waving outside the window. Agad akong napabalikwas ng bangon pero hinila ako ni Blaze kaya muli na naman akong napahiga sa katawan nya.

"Where are you going?" Blaze asked groggily.

"Blaze may tao sa labas"

"Don't mind them, let's go back to sleep"

"Pero Blaze mukha kasi silang mga weirdo"

After hearing that Blaze finally opened his eyes at agad ko namang itinuro sa kanya yung mga weirdong nilalang sa labas. Pero mukhang hindi naman sya nabahala dahil imbes na pagtuunan nya ng pansin ang mga ito bigla nya na lang akong hinalikan.

"Good Morning wifey"

"Go-good morning din"

"Thank you for last night"

"Blaze naman ehh. Please don't tease me" Nag-iwas ako ng tingin dahil nahihiya akong makita ang nang-aasar nyang mukha.

Bumaba na kami sa kotse, pagkababa ko agad kong naramdaman ang pananakit ng bou kong katawan pero di ko na lang ito pinansin.

Agad kong hinanap yung dalawang weirdo kanina at nakita ko sila sa gitna ng daan at may hawak hawak na silang kutsilyo na wala naman kanina. Walang sabi sabi namang naglabas ng baril si Blaze at itinutok nya ito dun sa dalawa.

"Quit this mindless joke Raven or I'll blast your head off. I'm starving, so let's leave already"

"Woahh! Chillax Kuya Blaze, nagsisimula pa lang kaming mag-enjoy ehh"

Hinubad ni Raven yung costume nya, ganun din ang kasama nya which turned out to be Ann Dee na nakangiti ng nakakaloko.

Agad na nilapitan ni Raven ang kapatid at agad naman akong nilapitan ni Ann Dee.

"Ikaw ha, alam ko kung anong ginawa nyo kagabi. Hihihi"

Agad namang namula ang mukha ko pero pinilit ko ang sarili kong huwag magreact sa sinabi nya.

"A-ano bang sinasabi mo Ann Dee?" Pagmamaang maangan ko.

"Basta bestfriend I'm happy for you!"

"Bahala ka nga sa buhay mo. Ano nga palang ginagawa nyo dito? At paano nyo nalamang nandito kami?"

"Hindi ko alam kung paano nalaman ni Raven ang location nyo pero may lahi atang syang aso kasi ang lakas ng pang-amoy nya. Sumusunod lang ako sa mga instructions nya"

"Kelan pa kayo dumating dito?" Tanong ko.

"Kahapon lang kami dumating"

"Ikaw ba yung nakita ko sa lobby kahapon? Yung nakapang-audrey hepburn na damit?"

"Hindi, maid ang costume ko kahapon tapos si Raven naman nakapang-manager kunyari. Sayang nga lang, may surprise pa naman kami sa inyo sa kwarto nyo kaso bigla naman kayong lumayas ni Blaze. Tatlong oras kaya namin yung inayos!"

So hindi si Ann Dee yung babaeng ngumiti sa akin kahapon. Sino kaya yun?

"Ano ba yung surprise nyo? Hindi ko kasi nakita paano bigla na lang ako hinila ni Blaze"

"Pinuno lang namin yung kwarto nyo ng.." Hindi na naituloy ni Ann Dee kung ano man yung sasabihin nya dahil umeksena na si Blaze.

"I think that's enough chitchatting for now, tara na kanina pa ako nagugutom"

Now that he mentioned it, parang bigla nga akong nakaramdam ng gutom. Hindi nga pala kami nakapagmeryenda kahapon dahil sa surfing accident ko tapos hindi rin kami nakapagdinner kagabi dahil na-stranded kami dito.

On our way back to the hotel, magkaholding hands kami ni Blaze habang naglalakad, paminsan minsan tinitignan nya ako at nginingitian.

"Alam nyo parang may kakaiba sa inyong dalawa, pero hindi ko matukoy kung ano. Kung ayaw nyong i-share kung anong meron sa inyo okay lang pero anyway Kuya excited na akong ipakita yung surprise ko sayo, ikaw naman kasi bigla kang nag-alsa balutan kahapon. Alam mo yung mga ganung bagay Kuya Blaze it takes time para ma-appreciate mo"

"Raven" Blaze said warningly. "Clean it up later or else"

"Kuya naman! Ang effort kaya nung ginawa namin, ni hindi pa nga nakikita ni Keira yun"

"She doesn't need to see that kind of disgusting thing"

"Ano ba yun?" Sabat ko sa kanilang dalawa. Na-cu-curious na kasi talaga ako kung ano ba yung surprise sa amin ni Raven at Ann Dee na ayaw naman ipakita sa akin ni Blaze.

"One more word from you, and I'm going to blast that head of yours Raven"

Tumahimik naman kaagad si Raven pero natawa ako dahil sinubukan nyang magsign language para masabi ang gusto nyang sabihin, pero dahil hindi naman ako marunong ng sign language wala din akong naintindihan.

"Anyway, is everything according to plan?"

"Oo kuya, hinihintay ko na lang silang gumalaw and if they do then boom sabog!"

"Good"

Pagdating namin sa hotel dumiretso kami sa isang restaurant. Blaze ordered a lot of food. Sobra sobra para sa apat na tao ang in-order nya kaya naman nung pakiramdam ko masusuka na ako sa kabusugan nagpaalam ako na pupunta lang ako saglit sa comfort room.

Naghihilamos ako ng mukha ko nung marinig kong bumukas ang pintuan, pinunasan ko ang mukha ko gamit ang tissue nung may maramdaman akong bagay na nakatutok sa ulo ko.

"Time to die"

I look up at the mirror and I saw the person from yesterday, yung kasama ng babaeng ngumiti sa akin sa may lobby.

When she was about to pull the trigger inunahan ko na sya. I don't know how I did it, I grab her hand and twist it para mabitawan nya ang baril na hawak nya. Agad ko namang sinipa yung baril sa isa sa mga cubicle ng CR para hindi nya na ito madampot at mai-putok sa akin.

Lumayo sya sa akin konti. She looks frustrated. Akala ko lalabas na sya ng CR pero nagulat ako nung bigla na lang syang magdive sa cubicle. Mukhang balak nyang kunin yung baril na sinipa ko dun kanina!

I dive towards her para pigilan sya sa balak nya, bahala na si Batman. Mas gugustuhin ko nang magkaroon ng pasa sa katawan kesa ang matamaan ng bala. Ilang Segundo din kaming nag-agawan sa may cubicle nung biglang maitama ang ulo nya sa pinto dahilan para mawalan sya ng malay.

Kinuha ko kaagad yung baril, baka kasi bigla pa syang magising at ano pa ang magawa nya sa akin.

Now that she is unconscious I can do whatever I want with her. Tinanggal ko ang sumbrero nya na medyo tumatabing sa mukha nya at nagulantang ako nung mapagsino ko sya.

"ZOE?"

Sya ba ang nagtatangka sa buhay ko? Kailangang ipaalam ko ito kay Blaze. Tumakbo ako palabas ng CR at dumiretso ako sa kinaroroonan ni Blaze na mukhang nagulantang nung makita ako.

"What the hell happened to you! Bakit ganyan ang itsura mo?"

"Mamaya ko na ipapaliwanag! Sumama ka sa akin!"

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Continue Reading

You'll Also Like

191K 3.4K 58
Cheerful, caring, sweet, thoughtful, kind, beautiful, smart, gorgeous. A perfect lady indeed. But behind the perfect lady is a lonely and sad lady wh...
49.3K 718 21
WARNING - SPG: contains mga super poging gangsters, read at your own risk /Azen Del Mercedez/ This is Nicole Athena C.Reyes, silent but deadly. She g...
4M 100K 116
[Completed] A weird mysterious girl showed up at West International School. Isang babaeng walang kinatatakutan, walang sinusunod, walang kaibigan. Ev...
15.3K 1.2K 69
SYPNOSIS Lagi nalang syang nakasigaw,akala mo bingi kausap.Lagi nalang nagsusungit,kalalaking tao daig pa ang babaeng may menstrual issues.Kung maka...
Wattpad App - Unlock exclusive features