Cinderella is Married To A Ga...

By AcinnejRen

17M 356K 23.1K

[COMPLETE] (Currently Editing) Sino nga ba si Cinderella? Ang pagkakaalam ko kasi sya yung babaeng palaging... More

Cinderella is Married to a Gangster!
Chapter 1: Tragedies
Chapter 2: Mistakes
Chapter 3: Encounter
Chapter 4: Survival
Chapter 5: Married
Chapter 6: Save
Chapter 7: Queen
Chapter 8: King
Chapter 9: Rage
Chapter 10: Determination
Chapter 11: Cruelty
Chapter 12: Guard
Chapter 13: Romeo
Chapter 14: Freedom
Chapter 15: Lies
Chapter 16: Rules
Chapter 17: Punishment
Chapter 18: Date
Chapter 19: Attraction
Chapter 20: Sadness
Chapter 21: Punishment
Chapter 22: Feelings
Chapter 23: Memories
Chapter 24: Surprises
Chapter 25: Another Surprise
Chapter 26: Queen Bee
Chapter 27: Cozy
Chapter 28: Death
Chapter 29: Honeymoon
Chapter 30: Dance
Chapter 31: Trust
Chapter 32: Death
Chapter 33: Villain
Chapter 34: Hidden
Chapter 35: Mystery
Chapter 36: Beginning
Chapter 37: Tears
Chapter 38: Run
Chapter 39: Okay
Chapter 40: Threats
Chapter 42: Darkness
Chapter 43: Mission
Chapter 44: Bait
SP (Special Chapter)
Chapter 45: Family
Chapter 46: Engagement
Chapter 47: Cravings
Chapter 48: BeastMode
Chapter 49: Names
Chapter 50: 143
Chapter 51: Preparations
Chapter 52: Wedding
Chapter 53: Reception
Chapter 54: History
Chapter 55: Father
Chapter 56: Stalker
Chapter 57: Party (Part 1)
Chapter 58: Party (Part 2)
Chapter 59: Party (Part 3)
Chapter 60: Chase
Chapter 61: Truth
Chapter 62: Status
Chapter 63: Death
Chapter 64: Proposal
Chapter 65: New Life!
Special Chapter
Author's Note:

Chapter 41: Escape

215K 4.4K 224
By AcinnejRen

Chapter 41:
"Escape"


Hawaii.

We are currently strolling hand by hand at the beach, para lang kaming newlyweds ni Blaze na dito sa Hawaii naisipang maghoneymoon. May mga katulad din kaming naglalakad lakad, yung iba naman ay nakaupo sa buhanginan habang nagku-kwentuhan.

Kami lang naman ni Blaze ang mukhang ewan dito. Paano naman kaming hindi magmumukhang ewan, mukhang bored na bored na ang expression ng mukha nya habang nagsi-sightseeing kami. Kung hindi pa kami magkaholding hands baka isipin ng ibang tao na magtropa lang kami na naligaw sa Hawaii.

Sa paglalakad lakad namin may nakita akong locals and foreigners na nagsu-surfing.

"Blaze! Mukhang masaya yun oh, i-try natin" Turo ko sa mga nagsusurfing.

"Ayoko" Tipid na sagot nya, ni hindi man lang nya tinignan yung tinuturo ko sa kanya.

"Kung ayaw mo i-try sige ako na lang"

Kung ayaw ni Blaze, ako na lang ang mag-e-enjoy para sa aming dalawa.

"Okay"

Lumapit kami sa mga nagsu-surfing at nagtanong kung saan pwedeng magrent ng surfboard na agad naman nilang itinuro. Ang sabi pa nila pwede kaming maghire ng magtuturo sa amin kung beginner pa lang kami sa surfing.

After naming makipag-usap sa may surfboard rental sinabi nila sa amin na maghintay na lang kami saglit at parating na din ang magiging instructor ko. Nakaupo kami ni Blaze sa ilalim ng malaking beach umbrella nung biglang may lumapit sa amin.

"Good Morning Mam, are you Miss Keira Aerondale?" Bati sa akin nung lalaki.

Ito na ba ang instructor ko? Naka-shorts lang sya at mukha lang syang normal na turista sa beach. Sasagot na sana ako pero inunahan ako ni Blaze.

"Mrs Keira Aerondale"

Tinitigan nya din ng masama yung magiging instructor ko na agad namang humingi ng pasensya.

"Sorry about that Sir"

Hindi na nagsalita pa si Blaze pero tinignan nya na lang ng masama si Kuya, na para bang winawarningan nya ito.

Para hindi na lumala ang tensyon niyaya ko na si kuya na simulan na ang surfing lesson namin, naiwan naman si Blaze sa ilalim ng malaking beach umbrella. Kahit na hindi ko sya nakikita alam kong binabantayan nya kami.

"Grabe, nakakatakot naman yun" Mahinang sabi ni Kuya habang naglalakad kami.

"Kuya pinoy ka din pala?"

"Yes Mam, buti na lang at hindi ako mano-nosebleed ngayon" Nakangiting sabi nya.

"Nosebleed talaga?"

"Opo, kahit na matagal na ako dito, feeling ko kapag kausap ko yung mga guest naming foreigners na-no-nosebleed pa din ako. Pero alam mo Mam baka magnosebleed nga ako ngayon dahil sa asawa mo"

"Ha? Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.

"Eh kasi Mam kahit na nakakatakot yung asawa mo ang gwapo parin nya!"

"Eh kung ako na lang kaya ang magpadugo ng ilong mo?"

"Si Mam naman, hanggang tingin lang naman ako, ikaw puro tikim, lamon pa nga ata"

Agad na namula ang mukha ko sa sinabi ng Instructor ko, kung ano ano kasing kahalayan ang sinasabi nya sa akin. Tikim? Lamon? Ano to parang ulam lang?

"Hay naku. Ituro mo na lang sa akin kung paano to para masimulan na" sabay turo ko sa surfboard.

Itinuro naman sa akin ni Kuya ang basics. Kung paano ang tamang pagdapa at pagtayo sa board pero bahala na daw ako sa balancing dahil pagdating dun wala na syang magagawa, sa akin na daw nakasalalay ang lahat.

After ng ilang minutong pagpapractice kunyare sa lupa, niyaya na ako ni kuya sa dagat.

Pagkakita ko sa mga naglalakihang alon, bigla akong nakaramdam ng kaba, lalo na nung mapanuod ko yung isang surfer na natumba at nilamon ng alon. Paano kung lamunin din ako ng dagat? Baka maging fish food ako.

Sa pag-iisip isip ko hindi ko namalayang nakalayo na kami. Nasa bandang gitna na kami, hanggang dibdib ko palang naman ang tubig kaya okay lang pero nagulat ako ng tumaob yung malaking alon sa amin! Feeling ko nalunod ako, buti na lang at nawala din kaagad yung alon.

"Maliit na wave palang yun Mam, we have to wait for a big one para makapagsurfing ka. Kapag sinabi kong go, sumakay ka na kaagad sa board mo tapos alam mo na ang susunod na gagawin"

"Okay!"

Maliit na wave pa lang yun sa lagay na yun eh halos malunod na ako, gaano kaya kalaki yung "big wave" na sinasabi nya?

Ilang small waves din ang pinalagpas namin bago dumating yung hinihintay namin at pagkakita ko dito narealize ko na sana natulog na lang ako sa hotel room namin ni Blaze! Lagpas ulo ko na ata yung wave na yun.

"Ready ka na Mam? This is it!"

Sumakay na si kuya sa board nya kaya nakigaya na din ako and I tried to balance as much as I could. Ang ganda at ang sarap sa feeling ng nagsu-surf! Pero naputol kaagad ang kaligayan ko nung ma-out of balance ako.

Tumayo agad ako pero imbes na makaahon sa tubig parang lumubog pa ako. Sinubukan kong igalaw ang mga braso at binti ko pero lalo lang ata akong lumulubog sa ginagawa ko. Malapit na akong maubusan ng hininga nung maramdaman kong may humila sa braso ko.

Then the next thing that I know, I can finally breath! Agad nya akong hinila papunta sa dalampasigan. Agad ko namang tinignan ang taga-pagligtas ko at tumambad sa akin ang galit na mukha ni Blaze.

"Marunong ka bang lumangoy o hindi?" Galit na tanong nya.

"Medyo?" Pagsisinungaling ko. Baka kasi magalit sya lalo na kapag sinabi kong hindi talaga ako marunong lumangoy.

"I'll take that as a no. The Fuck! Buti na lang at nakabantay ako at pinapanuod kita dahil kung hindi baka nalunod ka na at pinagpipyestahan ka na ng mga isda! At yung baklang yun, ni hindi man lang alam kung saan ka hahanapin kanina!"

"Teka paano mo nalamang bakla sya?"

"That's not important! Muntik ka nang mamatay pero mas iniintindi mo pa kung paano ko nalamang bakla yun?"

Hindi na ako hinayaan ni Blaze na magsalita dahil hinila nya na ako papunta sa hotel namin.

Hindi ako marunong lumangoy pero gusto ko talagang magsurfing, mababaw lang naman kasi yung tubig kahit na medyo malayo ka na sa pampang, hindi ko lang talaga ini-expect na tatangayin ako ng agos papunta sa malalim. The bigger the wave the stronger the current is.

Nakasakay na kami sa elevator nung mapansin ko yung mga bagong dating na guest. There were four of them. The two women are dressed like Audrey Hepburn from Breakfast at Tiffany's while the two men who were with them looked like a typical businessman.

Weird. Mukha kasi silang a-attend ng party o kaya ay pupunta sa casino kesa magliliwaliw sa beach. Habang pinagmamasdan ko sila bigla na lang lumingon sa direksyon ko yung isang babae. Hindi ako sigurado pero parang nginitian nya ako. Sakto kasing paglingon nya ay sya namang pagsara ng elevator.

"Tss. I need a drink" Blaze said.

"Eh di uminom ka, wala namang pumipigil sayo"

Nakakaloko naman tong si Blaze, nauuhaw lang kailangan pa talagang i-announce? At ang mas nakakaloko, nagawa nya pang tumawa sa sinabi ko.

I can't believe what I am seeing right now. Si Blaze tumatawa ng malakas? As in yung halakhak talaga. Baka naman may sakit sya kaya sya nagkakaganito ngayon. Agad kong hinawakan ang noo nya kung mainit ba ito pero tinabig nya ang kamay ko.

"What are you doing?"

"Wala naman, tinitignan ko lang kung mainit ka, baka kasi may lagnat ka"

"I'm not sick. What made you think I'm sick?"

"Eh kasi tumatawa ka kaya naisip ko na baka nilalagnat ka"

"Hindi ba ako pwedeng tumawa?"

"Pwede naman, nakakapanibago lang kasi. Ano ba ang tinatawanan mo ha?"

"Ikaw"

"Ako? Bakit ako?" Nagtataka kong tanong.

"Because your so slow sometimes"

"Pasensya ha kung slow ako" puno ng sarkasmong sabi ko.

"But you know I like that side of yours sometimes"

Agad akong napatingin kay Blaze dahil sa sinabi nya at muli na naman nya akong nginitian. Tss. Bakit ba parang nagugunaw ang mundo ko kapag nginingitian nya ako? Mabuti na lang at bumukas na ang elevator kaya panandaliang nawala ang atensyon ko sa kanya.

"Alam mo gusto ko din yan, yang side mong nakangiti"

"I know, because you keep on staring at me whenever I smile"

After that dumiretso na kami sa kwarto, papasok na sana ako nung pigilan ako ni Blaze.

"Anong problema?" Tanong ko.

Hindi nya ako sinagot pero kinuha nya ang isang maliit na papel na naka-ipit sa may pintuan. Sisilipin ko palang sana yung nakasulat pero itinapon nya na ito sa kung saan.

Pasaway na Blaze. Nakuha nya pa talagang magkalat. Pinulot ko ito at binasa.

| CONGRATULATIONS! |
| Enjoy your HONEYMOON! |

Siguro galing ito sa management ng hotel, akala siguro nila newlyweds kami ni Blaze.

Nauna ng pumasok si Blaze sa kwarto namin pero wala pang ilang segundo nung bigla na lang syang lumabas.

"Let's go somewhere else"

"Ha? Bakit?"

"Wala nang masyadong madaming tanong. Halika na"

Hinila nya ako pabalik sa pinanggalingan namin. Kung ano man ang nasa kwarto namin, mukhang hindi yun kaaya aya.

Nakarating kami sa parking lot ng hotel at agad nya akong pinasakay sa isang kotse. Hindi ko alam kung sa kanya ba yun pero kung sa kanya man, hindi na yun nakakapagtaka lalo na at mayaman naman sya.

Paikot ikot lang kami, obvious naman na wala syang clear destination. Gusto nya lang talagang takasan ang kung ano mang nasa kwarto namin. Nakaramdam tuloy ako bigla ng antok.

"Hey Wake up"

Naririnig ko ang boses ni Blaze pero dahil inaantok pa ako, hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy ko ang pagtulog.

"I said wake up! Tss. Kung hindi lang kita mahal kanina ko pa pinasabog yang ulo mo"

Agad akong dumilat para tignan sya ng masama pero kadiliman ang bumungad sa akin. Nasaan ba kami?

"Nasaan na ba tayo?" Tanong ko.

"I don't know, I think were lost" sagot ni Blaze.

"Bakit nga pala nakahinto tayo dito?"

"Were out of gas"

"Ha? Paano na tayo nyan?" Medyo nag-aalalang sabi ko.

"I guess we'll spend the night here" Blaze said while smiling mischievously.

Oh boy.

******

⚜️

Author's Note:

-Dont forget to share your thoughts and comments. Thank you.

@AcinnejRen

Continue Reading

You'll Also Like

15.3K 1.2K 69
SYPNOSIS Lagi nalang syang nakasigaw,akala mo bingi kausap.Lagi nalang nagsusungit,kalalaking tao daig pa ang babaeng may menstrual issues.Kung maka...
220K 5K 58
[Completed] "Why am i fighting to live, if I'm just living to fight. Why am i trying to see,when there ain't nothing in Singh. Why am i trying to gi...
188K 3K 33
/F I N/ CITY OF ANGELS #2 Tuesday ✖️ Falcon 🥀 There's no other way but to sell her own body. 10 Million in exchange of her virginity. Hindi ang Mafi...
20K 887 53
"It's not just you.. humans, this world has other creatures who live for hundred of years" It's summer vacation, Elizabeth with her mother decided to...
Wattpad App - Unlock exclusive features