Music And Us

By jenlissakm

29.5K 1.3K 158

Inspired by Rastro that's why I came up to this story in my mind. If you are a Rastro fan, you will know who... More

Separate Lives
Decisions
Eyes Met
Drunk
Does It Hurt?
Make It Up
Confused
Pretend
Lie
Last Sad Night
Closer
Out Of Love
Confession of Feelings
CK's Family
Getting Obvious
Left Hanging
Time Flies
Music Of Love

Feeling Sorry

1.5K 69 3
By jenlissakm

Josephine POV

Dahan-dahang lumalapit ang labi ni Patricia sa labi ko.. May balak ba siyang halikan ako? Gusto kong umiwas pero bakit hindi ako makagalaw. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa.

Malapit na maglapat ang mga labi namin.. Wala akong choice kundi ang pumikit nlng at hayaan ang ano mang pwedeng mangyari.

"Ate! Ate.. Ate gising!" Biboy! Agad akong bumangon..

"Bakit? Biboy naman ang aga2 pa.." Napakamot ako sa ulo ko.. At tumingin sa orasan. Alas siyete na pala.

"Sorry po ate.. Nanaginip ka kasi at nakanguso kapa. Sino po si Pat.. Pat.. Patrick po yata yun! Di ko masyadong maintindihan eh!" Tugon ng kapatid ko. Oo nga pala. Napanaginipan ko si Patricia. Buti nlng malabo ang pagkasabi ko. Bakit naman kaya?

"Ahh wala yun! Kaw talaga.. Sige na lumabas ka muna dun inaatok pa ako eh." Nagkunwari akong inaantok pa pero ang totoo nagising na ang diwa ko.

"Sige po ate.." Sumunod naman ito at lumabas na ng kwarto.

Maya2..

"Josephine! Ano tong sinasabi ng kapatid mo? Nanaginip ka raw binabanggit mo ang Patrick! Magsabi ka nga ng totoo may boyfriend kana ba?" Grabe si nanay walang preno! Bumango ako at naupo sa kama.

"Nay, panaginip nga po eh.. Wala nga akong kakilalang Patrick!" Sagot ko sabay tumayo at nagpunta ng banyo.

"Ang sabihin mo yan ang dahilan kaya ayaw mong mag-abroad! Hindi mo maiwan2 yang boyfriend mo! Hoy Josephine alalahanin mo may dalawa ka pang mga kapatid! Wala ka bang plano na tulungan kami ng tatay mo? Kahit pagpapaayos mn lng dito sa bahay natin?!" Hindi pa rin tumitigil si nanay.. Sakit sa tenga ang boses niya at masakit naman sa puso mga salita niya.

"Nay, hindi na po ako mag-aabroad." Tugon ko pagkalabas ng banyo.

"Ano?! Ang oportunidad na lumalapit sayo, tinatanggihan mo! Wala kang mapapala diyan sa pagbabanda mo kundi ang magpuyat! Ayaw mo pang aminin na may boyfriend kana!" Sakit sa ulo.. Di na ako sumagot baka kung ano pang masabi ko.

"Cynthia.. Ano na naman ba yan? Yung boses mo rinig na rinig sa labas!" Si tatay na kakapasok lng .. Sumalubong naman kami ng mga kapatid ko at nagmano.

"Yang anak mo.. Hindi na raw tutuloy pag-abroad! Kausapin mo nga yan! At baka sayo umamin ng may boyfriend na siya!" Pinag-iinitan talaga yun ni nanay.. Hahai.

Naupo kami sa sala.. Tumabi si tatay sakin.

"Cynthia, wag mong ipilit sa anak mo ang bagay na ayaw niya. Sa kakapilit mo baka mapaano pa 'to doon.. Isa pa kumikita naman 'tong anak mo sa pagbabanda. Mas malaki pa binibigay niya sayo kaysa tinatabi niya para sa sarili niya." Buti pa si tatay naiintindihan ako pero pinigilan ko na siya baka hindi rin siya makapagpigil sa sasabihin niya. At hindi ko naman sinusumbat sa kanila ang binibigay ko.

"Yan! Kaya lumalaki ulo ng anak mo kasi kinakampihan mo!" Lalo pa yata lumakas ang boses ni nanay.

Magsasalita pa sana si tatay pero inawat ko na siya..

"Wag kayong mag-alala nay.. Kung sakaling hindi na maganda takbo ng banda, mag-aabroadb ako kung yan ang gusto niyo!" Sabay kuha ko sa gitara at lumabas ng bahay.

"Tingnan mo nag-uusap pa tayo aalis nlng bigla!" Hinayan ko na siya sa kung ano pang sasabihin ni nanay sakin. Nagtuloy2 pa rin ako sa paglakad.

Patricia POV

"Good morning po grandma.. Good morning cous." Sabay halik ko sa dalawa. Nahihilo pa rin ako dahilan sa dami ng nainum ko kagabi.

"Good morning din apo. Kumusta naman ang tulog mo?" Tanong ni grandma.

"Ok lang naman po grandma." Sagot ko.

"Bakit parang matamlay ka? Masama ba pakiramdam mo?" Napansin pa rin pala ni grandma. Talagang hindi. Maganda pakiramdam ko. Sakit sa ulo pero kelangan ko magkunwari na muna.

"I'm fine grandma. Don't worry." Tugon ko sabay ngiti ng bahagyan.

"You better eat cous.. Baka gutom lng yan." Ang pinsan ko na tila may gustong ipahiwatig sa tingin niya.

"Are you sure apo? Kasi isasama sana kita mamalengke tayo at ng makalabas ka naman." Si grandma.

"Grandma, you don't have to do that. Pwede niyo naman ipag-utos niya." Si grandma talaga. Akala ko,kung ano sasabihin niya.

"Ayy naku cous. Masanay kana. Grandma always do that. You see? She even cook foods." Sabat ng cousin ko.

"Hindi porket marami kang pera, pwede mo na iutos lahat na kung tutuusin pwede mo naman gawin at masaya ka pa." Seryosong tugon ni grandma. And I'm so proud of her kaya mahal siya ng lahat ng relatives namin at lalo na aq.

"Ok po grandma.. I'll keep that in mind." Sabay ngiti ko sa kanya.

Tapos na kaming magbreakfast ng magpaalam si grandma na magbibihis lng siya.

"Cous, what happen last night?" Tanong ko ng makaalis na si grandma.

Tumawa naman ang pinsan ko bago nagkwento. Habang nagke-kwento siya , I can't imagine how Pinx react about what I've said. I'm so messed up! Nakakahiya.

"And that's it! First time pa naman natin makasabay si Pinx.. But don't worry mukhang naiintindihan ka naman siya. At siya pa nga nag-alalay sayo pababa at pasakay ng car. You're so drunk. Thanks God at gising pa ang isa sa katulong pagdating natin dito sa bahay. She help me take you to your room." Dagdag niya.

I felt guilty. Maybe puntahan ko nlng siya mamaya wherever their gig is just to say sorry.

"So what's your plan? Aalamin ko saan sila mamaya.." Pareho pa pala kami ng iniisip ng pinsan ko.

Hindi ko na muna yan inintindi. Mahaba pa naman ang araw. I fixed myself and get ready sa paggrocery namin ni grandma.

Almost 1hr din kaming nagpalibot2 sa loob ng supermarket. We're on the line to pay. Masyadong mapili si grandma. I'm still trying to act normal coz the truth is nahihilo pa rin ako.

And we're done.. Someone assisted us to the car.

"Grandma, ok ka lang?" Tanong ko. On her age of 68 di na niya dapat ginagawa 'to.

"Of course apo.. Malakas pa ang grandma mo. Don't worry." Sagot niya at ngumiti pa ito.

While on our way, ibinaling ko ang sa labas ang tingin ko. Ibang-iba ang states. But then, nakaka-miss rin naman dito sa Pinas.

Napadaan kami sa isang park and I saw familiar face..

"Pinx?" Bulong ko. At hinabol ko talaga ng tingin para makasiguro.

"Si Pinx nga.. Ano naman ginagawa niya dun? " sa isip ko.

I'm thinking na puntahan siya pero pano?

We're home. Alam ko na.

"Grandma, I forgot to buy something. Can I go back?" Paalam ko pagkababa ni grandma sa car.

"Ano ba yun at iuutos nlng natin sa driver." Tanong ni grandma.

"No grandma.. It's so hard to find. Much better kung ako nlng." Palusot ko.

"Ok sige.. Take care at balik ka kaagad." Buti nlng pumayag si grandma.

Isasara ko na sana ang window ng car.

"Cous, where you going?" Si Desiree.

"I forgot to buy something.. Babalik rin ako." At tuluyan na kaming umalis.

"Manong, pls take me to the park.." Utos ko sa driver at wala naman ito maraming tanong.

Josephine POV

Pangarap kong ikutin ang mundo..
Sasamahan mo ba ako?
Maglalakbay. Magkahawak ang kamay.

"Composer ka rin pala.." Tugon ng pamilyar na boses sa likod ko. Tumigil ako sa pagkaskas ng gitara at hinarap siya.

"Patricia.. Anong ginagawa mo dito? Mag-isa ka lang ba?" Tanong ko sabay lingon sa paligid pero mag-isa lang siya. Bumalik ako ng tingin sa kanya at naalala ko tuloy ang panaginip ko kanina..

"Mag-isa lang ako.. Actually, galing kami ni grandma sa supermarket kanina at nakita kita ng dumaan yung car namin dito. When we reach home, naisipan kong balikan ka." Sagot niya na para bang nahihiya.

"Ah ganun ba? Bakit may kailangan ka ba sakin? Upo ka.." Sabay turo ko sa space ng bench na inuupuan ko.

"Well, my cousin Desiree told me about what happen last night and hindi talaga ako makapaniwala na nasabi ko yun sayo.. I'm sorry Pinx." Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot habang nagsasalita siya. Bakit parang gusto ko siyang yakapin para maiparamdam ko sa kanya na ok lang sakin yun at naiintindihan ko siya.

"Patricia, ok nah.. Kalimutan na natin yun. Naiintindihan naman kita eh." Tanging nasabi ko lng.

Hinawakan niya ang kamay ko..

"Thank you Pinx. Sana may magawa ako para makabawi sayo. I know nasaktan kita." Bumilis ang pintig ng puso ko.. Bakit ko ba nararamdaman 'to?

"Gusto ko lng naman malaman mo na hindi paglalasing ang solusyon. Kasi minsan, sa halip na mapabuti ka, mas lalo pang makakasama sayo." Paalala ko sa kanya. Hindi pa rin siya bumibitaw sa kamay ko. Baka mapansin niya na nanlalamig na ito.

"I know.. And I promise myself hindi ko na uulitin yun. Sorry ulit." Napakaamo ng mukha niya.

"Teka Glaiza Josephine.. Ano yang pinagsasabi mo?" Sita ko sa sarili sabay inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at nagkunwaring kumakamot sa ulo.

"Naistorbo ba kita?" Tanong niya.

"Ah hindi naman.. Nagpapalipas lang ako ng oras dito. Nagco-compose para malibang ang sarili." Sagot ko.

"Madalas kaba dito?" Tanong ulit niya.

"Minsan lang kapag naiingayan na aq Kai nanay.. Kesa masagot ko siya, iiwas nlng ako." Sagot ko naman. Masakit sakin na nagkakaganito kami ni nanay. Sana nga maintindihan niya rin ako Sa mga desisyon ko minsan.

"Bakit? May problema ba? I'm sorry to ask.. I just want you yo know na pwede mo 'kong pagsabihan." Sabay hawak sa braso ko.. At bumilis ulit pintig ng puso ko.

Sinimulan kong magkwento.. Habang tumatagal nawawala ang kaba ko. Naging kumportable na aq sa kanya at ganun din naman siya.

"You did the right decision Pinx.. Malaki na tayo. Though we don't really know what's right for us but our heart will take us to where we really want to be." Tugon niya matapos ko magkwento.

"Kaya nga papanindigan ko na 'to.." Sabay ngiti ko sa kanya.

"By the way, pwede ko bang malaman ang real name mo?" Bakit niya tinatanong? Interesado ba siya sakin.. Ayy mali. Ano kaba Pinx! Umayos ka nga.

Di ko namalayan kumunot pala ang noo ko.

"Are you ok? Kung ayaw mong sagutin its fine.." Namisinterpret niya tuloy.

"Hindi hindi.. OK lng. I'm Glaiza Josephine Galura. Kinumpleto ko nah." At pareho kaming tumawa.

"Nice name.. So yung Pinx mo, sa Josephine? I want to call you something unique. Hmmm." Kailangan ba talaga?

"Cha! Pwede mo kong tawaging Cha.." At napa halfsmile ako baka di niya magustuhan.

"Cha.. Its cute. Saan naman galing yan?" Tanong niya.

"Bata pa lang ako, ang pagkakabanggit ko sa name ko is Glaicha.. Natutuwa nga sila nanay eh. Pero mas nasanay sila sa Josephine." Kwento ko.

"OK... So, Cha. Just call me Yoyon. And by the way, I'm Rhian Patricia Howell." Ito na yata pinakamagandang pangalan narinig ko.

"Maganda.. Maganda rin yung name mo. At Yoyon??" Curious lng aq.. Wala kasing malapit sa pangalan niya.

"Thank you.. Rhian is my mom's choice and Patricia is from grandma at ang Yoyon, its my dad's lambing na tawag to me. I don't know where did he get that.." Sagot niya sabay ngiti.

"Yan ba yung nickname mo?" Obviously.. Pero tinanong ko pa talaga.

"No.. Only my dad call me Yoyon.. All of them use to call me Patricia, Tricia and sometimes Trish. Some of my classmates before and friends call me Rhian or Rhi but not with my family since Desiree na ang cousin ko. She's 1year older than me and use to call her Ree." Kwento niya. So buti nlng pala tinanong ko.. Perk bakit yun yung pinapatawag niya sakin sa kanya kung dad lang niya tumatawag nun?

"Sigurado ka na Yoyon gusto mong itawag ko sayo? Kasi diba.." Di ko natapos sinasabi ko ng magsalita siya.

"You're special.. I mean we're talking about unique name so that would be unique! And so with yours Cha." Sabay nagtitigan kami ng ilang segundo. Gusto kong basahin ang isip niya.

"OK.." Maikling tugon ko at tumingin sa papel na hawak2 ko.

"Not yet finish?" Tanong niya na ang tinutukoy ay yung kanta.

"Hindi pa.. Ito yung nagiging libangan ko kapag depressed. Binubuhos ko ang oras ko sa pagsusulat ng kanta. Pagtugtog ng gitara. Practice, magpeperform at Sa tuwing natatapos performance namin, nag-iinum sila. Sumasabay lng aq pero hindi umiinom. Kagabi lang yata eh. Ayoko lang isipin niyo na hindi ako sabay." Napa kwento na naman ako.

"No, it would be fine.. Ako nga dapat mahiya kasi nakita mo pa akong ganun." Hindi pa rin talaga siya maka move on.

"Yoyon, kalimutan mo na yun.. Ok? Ganito, sabayan mo nlng akong kumanta." Pag-iiba ko ng usapan para di niya na yun maisip pa.

Nauna kong kantahin ang first stanza at sumunod naman siya.. Nagulat ako. Ang ganda ng boses niya.

"Singer ka pala? Ganda ng boses mo ha." Hindi ko napigilang sambitin.

"Oo.. Singer nga ako." Sagot niya at lalo akong humanga.

"Talaga? Nakakahiya naman.. Singer pala nanonood sakin magperform kagabi." Namula pa yata ako sa hiya.

"No.. I love your voice. It's so unique. Halos lahat sayo ngayon ko lang nakita. And oo singer ako. Singer sa banyo." Seryoso pa mukha niya sa lagay na yun ha at hindi ko naman napigilang tumawa.

"Palabiro ka pala.. Seryoso?" Halos maluha ako sa pagtawa.

"Oo nga singer ako sa banyo.." At natawa ulit ako pero ngayon sabay na siya.

Kumanta na kami ulit. Habang kumakanta siya, hindi ko mapigilang hindi tumingin sa kanya. At sa tuwing nagtatama ang paningin namin, pareho kaming ngumingiti.

Sisimulan na sana namin ang chorus ng tumunog ang phone niya.

"Hello cous." Sagot niya sa tumawag. Si Desiree yata nasa kabilang linya.

Pagkatapos nilang mag-usap, "I have to go Cha.. It's so nice jamming with you. Hopefully may next time pa." Paalam niya.

"Oo naman.. Next time ulit Yon. Salamat." Tugon ko.

"Thank you din Cha.." At nag-alangan pa siyang makipagbeso kaya ako nlng lumapit sa kanya.

Tuluyan na siyang sumakay sa sasakyan at nagwave goodbye.

Patricia POV

Nag-alala na raw si grandma kaya kinailangan ko ng umuwi..

Kung kailan nag-enjoy na sana akong nakipagjamming kai Cha.

I'm so bothered how she looks at me.. Parang binabasa niya ang isip ko. Pero syempre, hindi ako nagpahalata. At ang kamay ko, napansin kaya niya na malamig? This is weird.. Really weird. It feels like talking with the person whom I've known from the past.

Bumabalik sa isip ko lahat ng nangyari kanina hanggang sa makarating kami sa bahay ng hindi ko namamalayan.

Sumalubong si grandma na halatang nag-alala.

"I'm sorry po grandma kung natagalan ako.." At niyakap ko siya. Tumingin naman ako kay Desiree at nakangiti lang ito.

Mabilis ang takbo ng oras. Gabi na naman.

Nakahiga lang ako sa kama. Gusto ko sana manood ng gig ni Cha pero wala akong kasama. May date sina Desiree at boyfriend niya. She want me to come with them buy of course I refused.. Istorbo lang ako sa kanila.

Josephine POV

"Thank you!" Last words ko after ng last song namin..

May hinahanap ako sa paligid pero wala yata siya.

"Pinx.. Wala sina Patricia sayang naman. Baka nahiya na yun magpunta sa mga gigs natin dahil sa nangyari kagabi." Tugon ni Jepax.

"Hindi naman siguro.. Baka nagpapahinga lang." Sagot ko naman. Ang totoo hindi ko rin alam. Hindi kasi namin napag-usapan kanina kung saan lakad nila ngayon.

Palabas na Sana kami ng bar ng may babaeng lumapit samin.

"Hi good evening.. I'm Lyn Reyes. Napanood ko yung performance niyo, magaling. Original song niyo ang iba dun diba?" Tugon niya sa amin.

"Ahh opo original po.. Ako nga pala si Pinx. At mga kabanda ko." Pakilala ko naman at nagpakilala din mga kasamahan ko.

"Nakakabilin talaga kayo.. I'm sure malayo ang mararating niyo. Anyway, pwede ko bang makausap ang manager niyo?" Tanong niya. Nahtinginan kami ng mga kasama ko at ako na ang sumagot.

"Wala po kaming manager.. Kapag may kukuha ho samin, kami lang din nag-uusap-usap kung tatanggapin namin o hindi pero so far, wala pa naman po kaming tinatanggihan." Tugon ko sa kanya at napaisip tuloy ako..

"Ah ganun ba so hindi na ako magpapaligoyligoy pa.. We have a family event in Cebu at gusto ko sana kayong kunin." Sa tuwa ko hindi ako agad nakapagsalita.

"Miss Pinx? Ok lang ba sa inyo? Sagot namin lahat ng expenses. Pwede niyong pag-isipan muna at magkita nlng tayo bukas para mapag-usapan natin ng mabuti." Gusto kong sumigaw sa tuwa.. Pero minabuti ko pigilan muna.

Nagpalit kami ng phone number.. Nagshakehands at pagkaalis niya nagvictory dance kami ng mga kasamahan ko. XD

TO BE CONTINUE... ❤❤❤

AN:
Sorry guys if late po update ko dito..
La kasing load. Hihih but then thank you sa paghihintay. Lablab lang. =)

Continue Reading

You'll Also Like

5.6K 250 12
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
25.4K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
6.8K 423 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
Connection By Ara

Fanfiction

114K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...