Feeling Sorry

1.5K 69 3
                                    

Josephine POV

Dahan-dahang lumalapit ang labi ni Patricia sa labi ko.. May balak ba siyang halikan ako? Gusto kong umiwas pero bakit hindi ako makagalaw. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa.

Malapit na maglapat ang mga labi namin.. Wala akong choice kundi ang pumikit nlng at hayaan ang ano mang pwedeng mangyari.

"Ate! Ate.. Ate gising!" Biboy! Agad akong bumangon..

"Bakit? Biboy naman ang aga2 pa.." Napakamot ako sa ulo ko.. At tumingin sa orasan. Alas siyete na pala.

"Sorry po ate.. Nanaginip ka kasi at nakanguso kapa. Sino po si Pat.. Pat.. Patrick po yata yun! Di ko masyadong maintindihan eh!" Tugon ng kapatid ko. Oo nga pala. Napanaginipan ko si Patricia. Buti nlng malabo ang pagkasabi ko. Bakit naman kaya?

"Ahh wala yun! Kaw talaga.. Sige na lumabas ka muna dun inaatok pa ako eh." Nagkunwari akong inaantok pa pero ang totoo nagising na ang diwa ko.

"Sige po ate.." Sumunod naman ito at lumabas na ng kwarto.

Maya2..

"Josephine! Ano tong sinasabi ng kapatid mo? Nanaginip ka raw binabanggit mo ang Patrick! Magsabi ka nga ng totoo may boyfriend kana ba?" Grabe si nanay walang preno! Bumango ako at naupo sa kama.

"Nay, panaginip nga po eh.. Wala nga akong kakilalang Patrick!" Sagot ko sabay tumayo at nagpunta ng banyo.

"Ang sabihin mo yan ang dahilan kaya ayaw mong mag-abroad! Hindi mo maiwan2 yang boyfriend mo! Hoy Josephine alalahanin mo may dalawa ka pang mga kapatid! Wala ka bang plano na tulungan kami ng tatay mo? Kahit pagpapaayos mn lng dito sa bahay natin?!" Hindi pa rin tumitigil si nanay.. Sakit sa tenga ang boses niya at masakit naman sa puso mga salita niya.

"Nay, hindi na po ako mag-aabroad." Tugon ko pagkalabas ng banyo.

"Ano?! Ang oportunidad na lumalapit sayo, tinatanggihan mo! Wala kang mapapala diyan sa pagbabanda mo kundi ang magpuyat! Ayaw mo pang aminin na may boyfriend kana!" Sakit sa ulo.. Di na ako sumagot baka kung ano pang masabi ko.

"Cynthia.. Ano na naman ba yan? Yung boses mo rinig na rinig sa labas!" Si tatay na kakapasok lng .. Sumalubong naman kami ng mga kapatid ko at nagmano.

"Yang anak mo.. Hindi na raw tutuloy pag-abroad! Kausapin mo nga yan! At baka sayo umamin ng may boyfriend na siya!" Pinag-iinitan talaga yun ni nanay.. Hahai.

Naupo kami sa sala.. Tumabi si tatay sakin.

"Cynthia, wag mong ipilit sa anak mo ang bagay na ayaw niya. Sa kakapilit mo baka mapaano pa 'to doon.. Isa pa kumikita naman 'tong anak mo sa pagbabanda. Mas malaki pa binibigay niya sayo kaysa tinatabi niya para sa sarili niya." Buti pa si tatay naiintindihan ako pero pinigilan ko na siya baka hindi rin siya makapagpigil sa sasabihin niya. At hindi ko naman sinusumbat sa kanila ang binibigay ko.

"Yan! Kaya lumalaki ulo ng anak mo kasi kinakampihan mo!" Lalo pa yata lumakas ang boses ni nanay.

Magsasalita pa sana si tatay pero inawat ko na siya..

"Wag kayong mag-alala nay.. Kung sakaling hindi na maganda takbo ng banda, mag-aabroadb ako kung yan ang gusto niyo!" Sabay kuha ko sa gitara at lumabas ng bahay.

"Tingnan mo nag-uusap pa tayo aalis nlng bigla!" Hinayan ko na siya sa kung ano pang sasabihin ni nanay sakin. Nagtuloy2 pa rin ako sa paglakad.

Patricia POV

"Good morning po grandma.. Good morning cous." Sabay halik ko sa dalawa. Nahihilo pa rin ako dahilan sa dami ng nainum ko kagabi.

"Good morning din apo. Kumusta naman ang tulog mo?" Tanong ni grandma.

Music And UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon