Pretend

911 46 2
                                    

Nagising si Josephine dahil sa init na nahawakan niya ng igalaw nito ang kamay at tumama sa may leeg ni Patricia. At hindi lang init kundi nanginginig pa ito.

"Yoyon? Yoyon.. Inaapoy ka ng lagnat!" Nataranta siya at agad na bumangon. Kinabahan siya baka kung mapaano si Patricia.

Kumuha siya ng towel at binasa ng malamig ng tubig. Dali2 niyang pinunas kay Patricia mula sa noo nito, mukha at pababa sa leeg. Wala na siya pakialam kung ano pa mana mahawakan niya basta mapunasan lang niya si Patricia. Sa hinaharap, sa likod at sa may tiyan pababa sa puson. Binasa niya ulit ang towel at nagsimula na namang magpunas sa may singit nito pababa sa legs hanggang sa paa. At pagkatapos tuyong towel naman at pinalitan niya ng damit.

"Uhmmmm cha.." Tawag ni Patricia na nakapikit pa rin. "Tinatawag niya ang pangalan ko.." Sa isip ni Josephine. Hinintay niyang tawagin siya nito ulit pero hindi na nagsalita pa si Patricia at mukhang nakatulog na ulit.

Tinabihan niya ito at niyakap.

"Sorry pero kelangan kong gawin 'to. Pinakaba mo naman ako Yon." pabulong na tugon ni Josephine.

4am palang..

Nakayakap lang siya kay Patricia. Magkadikit ang katawan nila at nasa loob ng kumot. Biglang siyang kinabahan.

"Hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko sayo.. Sobra akong nag-alala kanina. Kinabahan at natakot. Natakot ako baka mapaano ka. Natakot ako dahil ayokong mawala ka." Sa isip ni Josephine at maya2 nakatulog na rin siya.

Maliwanag na sa labas.

7am na ng magising si Patricia na nakayakap kay Josephine.

Nakangiti itong pinagmasdan ang natutulog pa na katabi niya. Hindi niya alam kung bakit pero mas lalo pa siyang yumakap hanggang sa makatulog siya ulit.

8am na ng si Josephine naman ang nagising.

Hinawakan niya ang noo, mukha at sa may leeg ni Patricia.. Laking masalamat niya dahil bumaba na ang lagnat nito.

"Salamat sa Diyos at medyo ok kana.." Sa isip ni Josephine.

Dahan2 itong bumangon at nagpunta ng banyo para mag-ayos ng sarili.

Nagbihis siya at lumabas.

Pinuntahan niya mga kasama niya sa cottage pero wala na sila dun. Lumipat na siguro sa kwarto nila.

Naglakad siya papuntang restaurant ng resort ng may makasalubong siya.

"Josephine.. Good morning! You really had a great performance last night!" Bati ni Mrs. Smith.

"Good morning din po ma'am. Salamat po." Bati naman niya sabay yumuyuko pa.

"You're welcome.. So now you know sino ang kumuha sa inyo?" Nakangiting tanong nito.

"Opo.. Sina Desiree at Patricia pala." Sagot niya naman.

"Yes and in fairness magaling pumili ang mga pamangkin ko." At nagkangitian lng ang dalawa.

"By the way, you already had your breakfast?" Tanong ulit ni Mrs. Smith.

"Titingin palang po Sana. Gusto ko kasi ng sabaw para kay Patricia. Nilagnat po siya kanina pero bumaba na po ngayon." Sagot ni Josephine.

"Really? Sige na bumalik kana sa room niyo at ipapahatid ko nlng ang breakfast niyo ha pati gamot. Thank you Josephine. I know inalagaan mo ang pamangkin ko." Tugon nito at gumanti lang si Josephine ng ngiti sabay "Walang ano man po."

Naglakad ba siya pabalik. Malapit na siyang makarating sa room nila ng lumabas si Jepax mula naman sa room ng mga ito.

"Oh Pinx! Saan kba galing kagabi? Bakit di ka sumabay samin? Minsa2 na nga lang eh.." Tugon nito.

Music And UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon