CK's Family

1.2K 67 7
                                    

"Good morning po.." Bati ni Patricia na may kasamang matamis na ngiti sa nanay ni Josephine pagkalabas nito ng kwarto.

Nasa kusina siya nagluluto ng adobong manok.

Wala naman sa sariling sinagot siya nito.

"Good morning din.." Bati rin ni nanay Cynthia. Maya2 nakapag-isip ito tila ngayon lang niya nakita ang babae. "Teka, sino ka?!" Naalimpungatang tanong niya.

Sasagot na sana si Patricia ng saktong lumabas ng banyo si Josephine.

"Nay.. Relax.. Siya si Patricia. Kaibigan ko. (Sabay ngiti kay Patricia at gumanti naman ito. Siya po yung kumuha sa amin magperform sa Cebu. YK, si nanay Cynthia." Pagpapakilala ni Josephine.

Inabutan naman ni Patricia ng kamay ang nanay niya. "Nice meeting you po, nay Cynthia."

"Ayy heheh ikaw ba yun? Wala kasing nabanggit itong si Josephine na may bisita siya. Nice meeting you din hija.. Kay gandang bata. Pero teka bakit ikaw ang nagluluto? Akin na ako na diyan. Maupo na kayo dun sa sala." Tugon ng nanay ni Josephine at inagaw ang sandok na hawak ni Patricia.

"Ako na po.. Sinadya ko po talaga na ipagluto kayo." Si Patricia naman at nagtinginan sila ni Josephine.

"Tama nay.. Sinabihan ko na yan siya pero nagpumilit pa rin." Si Josephine.

"Ganun ba? Oh sige pero ngayon lang ha? Sa susunod ayoko na na nagluluto ka nakakahiya bisita ka namin dito. Magsasaing nalang ako." LA naman nagawa ang nanay ni Josephine dahil mapilit talaga si Patricia at tumango naman ito sa kundisyon niya.

"Nay tapos na rin.." Natatawa na ang dalawa. 5am mahigit kasi ng makauwi sila at naisipan ni Patricia na magluto. Si Josephine naman ang nagsaing.

"Ganun ba? Oh siya mag-aayos nalang muna ako sa labas." Paalam nito at lumabas na.

"Sige nay." Si Josephine sabay lumapit kay Patricia.

"Hmmmm bango ah.. At sigurado ako masarap yan. Marunong ka pala magluto? (Bumulong) nakaka-proud." Tugon ni Josephine. Nagblush naman si Patricia.

"Oo naman. Kahit papaano may natutunan naman ako kay grandma CK.." Malambing na sagot ni Patricia.

"Halata nga eh.. Swerte ko naman dahil masarap ka magluto YK." Si Josephine na akmang yayakapin na sana si Patricia mula sa likod nito nang..

"Ate.. Ano pong niluluto niyo? Ang bango.." Si Biboy na kalalabas lang ng kwarto nila.

"Uyy gising na pala ang Biboy namin.. Lika.. Ito si ate Patricia ha kaibigan ko. YK, si Biboy kapatid ko. May kambal siya si Bigirl tulog pa makikilala mo mamaya." Pakilala ni Josephine.

"Hello po.. Kayo po ba ang nagluluto? Ang bango po. Siguro masarap yan. Nagutom tuloy ako." Tugon ng bata sabay takip ni Josephine sa bibig niya.

"Pagpasensyahan mo na madaldal lang talaga." Si Josephine na nakahalfsmile..

"No it's OK.. Kahit ako nga eh gutom na rin. Hi Biboy. Hintay ka lang konti ha? Maya2 kapag naluto na 'to kakain na tayo." Tugon ni Patricia.

"OK po.." Sagot naman ng bata at nagpunta na ng sala.

Nagpatuloy na si Patricia sa niluluto niya.. Naghanda naman ng mga plato si Josephine. Medyo nahihiya siya kasi alam niyang mayaman sina Patricia at sila nama simple lang pamumuhay minsan nagkakagulo pa.

"We're done!" Si Patricia na nakatingin sa mesa.

"Thank you po.." Tugon naman ni Josephine.

"Hmmmm wag ka muna mag thank you. Mamaya na kapag natikman niyo na." Sagot naman ni Patricia.

Music And UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon