Make It Up

887 52 2
                                    

"Ate.. Ate.. Ate!" Gising ng kambal sa ate Josephine nila..

"Biboy Bigirl bakit?" Tanong nito na nakapikit pa ang isang mata.

"Ate kanina pa po nagriring ang cellphone mo.." Sagot ni Bigirl. Agad naman bumangon si Pinx at kinuha ang cellphone.. 3 missed calls from Ms. Lyn.

Tumawag ulit ito at sinagot niya agad.

"Hello Ma'am Lyn.. Sorry po hindi ko po kasi narinig ang tawag niyo." Tugon ni Pinx na nahihiya.

"It's ok Pinx. Nakatatlong missed calls pa lang naman ako. By the way, I want to see you now. Same place. At OK lang kung ikaw lang makakapunta." Si Ms. Lyn sa kabilang linya.

"Sorry po talaga ma'am Lyn. Magbibihis lang po ako saglit at pupunta na po ako." Sagot ni Pinx. At nagpaalam na.

"Saan si nanay?" Tanong niya sa kambal.

"Naghatid po ng order ate.." Sagot ni Biboy.

"Matatagalan ba siya?" Tanong pa niya.

"Siguro po." Sabay naman ang dalawang bata sumagot.

"Oh sige.. Magbihis kayo sasama kayo sakin ha.. Punta lang ako banyo." Tugon ni Pinx.

Sumunod naman ang mga kapatid niya.

Ilang minuto lang nakahanda na sila at palabas na ng bahay ng dumating ang nanay nila..

"Oh saan kayo pupunta?" Tanong nito.

Nagmano naman ang tatlo.

"Nay, tumawag kasi si ma'am Lyn.. Magkikita daw po kami baka po may ticket na kami nay. At isasama ko sana ang dalawang 'to dahil akala ko matatagalan kayo." Sagot ni Pinx.

"Ganun ba? Sige na umalis kana nakakahiya naman kay ma'am Lyn kung paghintayin mo.. Iwan mo na 'tong mga kapatid mo." Tugon ng nanay nila.

"Sige po nay salamat.. Alis na aq. Bye." At nagmadali na itong naglakad. Nalungkot naman ang dalawang bata. Pinapasok na sila sa loob.

Sa restaurant..

"Good morning po ma'am Lyn.." Bati ni Pinx. Mga ilang minuto lang nauna ito doon.

"Good morning din Pinx. Well, bibilisan lang natin dahil kailangan niyo pang maghanda. Here's your tickets.. Kumpleto na yan. Your pocket money. Ang here's the drawing at the airport para alam niyo saan kayo pupunta ha? Gusto ko man kayong samahan pero may gagawin pa kasi ako mamaya. Basta Pinx, ikaw na bahala sa mga kasamahan mo ha. I'll give you Adrian's number dahil siya yung magsusundo sa inyo sa Cebu. You can bring your guitars.. Ang ibang instruments meron na dun. 3pm ang alis ng eroplano.. Dapat 2pm nandun na kayo. So may tanong ka pa?" Tuloy2 na paliwanag ni Ms. Lyn na tila nagmamadali.

Na speechless naman si Pinx pero naintindihan naman niya ito hindi lang siya agad nakapagsalita.

"Ah wala na po ma'am Lyn.. Maraming salamat po." Sagot lang niya.

"Sigurado ka?" Sabay ngiti.. "Ang bayad niyo doon niyo na makukuha." Dagdag ni Ms. Lyn.

"OK po." Sagot ni Pinx at tumayo na sila at nagshakehands.

"Good luck Pinx. Balitaan mo na mga kasama mo at maghanda na kayo. Hindi kayo pwedeng ma late baka maiwan kayo ng eroplano ha." Huling habilin nito at tuluyan na silang naghiwalay.

Josephine POV

Ready na ang grupo..

Naghihintay na ang taxi na maghahatid sa amin sa airport.

"Ingat kayo dun anak ha.. Ang pagiging matigas ng ulo mo may naibunga rin pala." Tugon ni nanay.. Umiiyak pero nagawa pang magbiro. Nagyakan kami at ganun din si tatay at mga kapatid ko.

Music And UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon