Someone Else's Angel (KimXi F...

By KarinaFuentes

70K 927 152

She gave him peace in times of war… Happiness in times of loneliness… Strength in times of weakness… Love…in... More

Someone Else's Angel (KimXi Fan Fiction)
SEA Chapter 1-Only reminds me of you
SEA Chapter 2-The search is over
SEA Chapter 3- Reunited
SEA Chapter 4-Bittersweet
SEA Chapter 5-Always
SEA Chapter 6- Fears
SEA Chapter 7- Almost inseparable
SEA Chapter 8-The day I gave your love away
SEA Chapter 10-What hurts even more
SEA Chapter 11-My sacrifice
SEA Chapter 12-Heart of mine
SEA Chapter 13-Can't fight this feeling
SEA Chapter 14-Little things
SEA Chapter 15-Think of me
SEA Chapter 16-Closure?
SEA Chapter 17-What you really feel
SEA Chapter 18-Coming back
SEA Chapter 19-Safest place
SEA Chapter 20-blessing in disguise
SEA Chapter 21-Another chance
SEA Chapter 22-My hero, my angel, my love
SEA Epilogue-'Til we meet again

SEA Chapter 9-When I was your man

2.3K 32 1
By KarinaFuentes

Kinabukasan, umaga pa lang ay dumating na sa ospital si Elena para humalili sa anak sa pagbabantay kay Rafael, nasa ICU ito ngayon.

Pagkarating ng ina ay agad na pinauwi nito si Andrew para makapagpahinga ang anak. At sinabi niya sa ina na babalik din siya sa hapon…

Sa bahay ng mga Torres..

“Anak, tinawagan ako kagabi ng Tita Elena mo, nasa hospital pala si Rafael?, dinala daw doon kahapon, heart attack daw?? nako… eh nasa ICU nga daw… nakapunta ka ba doon anak?”, tanong ni Mama Bela sa bunsong anak na si Madeline

“ah, opo Mama.. kahapon din po, nagpunta kami doon nina Charlie pagkagaling naming sa Laguna… gusto nyo po bang dumalaw ngayon sa hospital?”

“ah, that’s good…. oo.. balak nga naming dumalaw ng Papa mo mamaya…. sumama na kayong tatlo ah…”, sabi ni Isabela sa mga anak…

“Oo.. mga bandang 5pm kami pupunta doon… “, sabi naman ng Papa Ricardo nila

“ay, Pa.. susunod na lang kami ni Kuya Richard..mga bandang 6 to 7pm pa siguro kami makarating doon sa hospital, may dadaanan pa kami ni Kuya mamaya eh… nagpasama ako sa kanya pagbisita sa Boutique ko, medyo busy kasi ako nitong mga nakaraang araw, kaya ngayon na lang ulit ako may time na dumaan doon kahit sandal…”, mayroon na kasing sariling boutique si Iza, at minsan, pag walang trabaho si Richard, nagpapasama sa kanya ang kapatid, wala pa kasing sariling sasakyan itong si Iza…kaya nagpapahatid pa sa kuya niya, willing naman si Richard na samahan ang kapatid kung wala naman siyang gagawin. si Richard naman kasi ay isang free-lance mechanical engineer..

“ah..o sige…. ikaw talaga Iza ha…gagawin mo na namang driver ang Kuya mo… sa bagay, mas okay na rin yan, kaysa naman lagi kang nagtataxi mag isa…”, pag unawa ni Mama Bela sa mga anak.

Mga bandang 5:30pm na nga nang makarating sa hospital ang mag asawang Ricardo at Isabela, kasama ang bunso nilang si Madeline… nadatnan naman nila doon si Elena sa watcher’s area malapit sa ICU.

habang nagkakamustahan ang mga ito ay dumating naman si Andrew…

“Ma.. sorry , ngayon lang ako nakabalik…medyo matraffic na rin, magra-rush hour na kasi.. tsaka napasarap ang tulog ko eh…”, lumapit at bumeso ito sa ina.

“that’s okay, hijo.. syempre pagod ka… Oh, heto sina Tito Ricardo at si Tita Bela mo… tsaka si Maddie….”, naiintindihan naman siya ng inang si Elena

“ahm, hello po, Tito, Tita…”, pagbati ni Andrew sa mga magulang ng kanyang dating nobya, at mga kaibigan din ng kanyang mga magulang. “Hi Mads…”, at pagbati nito sa dalaga na may kasamang makalaglag pusong smile..

Hindi mawarian ni Madeline kung bakit parang medyo napalundag ang puso niya sa ibinigay na ngiti sa kanya ng binatang kaharap…. “ah, Hi Drew…”, and she greeted him back..

“ahm, hindi ko alam kung bakit parang medyo nagkakahiyaan pa yata itong mga batang ito… siguro dahil kaharap tayo… oh, anyway… Hijo… 6pm na, mag early dinner ka na, buti pa isama mo na si Maddie…”, pansin ni mommy Elena ang uneasiness ng dalawa, lalo na si maddie, kaya sinabihan ang anak na magdinner muna sila..

“ahm, Ma.. hindi pa naman ako nagugutom…kumain naman ako bago pumunta ditto… pero Mads, kung nagugutom ka, sasamahan na lang kita…”, sagot ni Andrew sa ina, sabay baling kay Maddie

“ay…naku… hindi na… hindi pa rin naman ako nagugutom eh… heheh… “, pagtanggi ni Maddie sa alok ng dating nobyo.. ang totoo, ay hindi siya masyadong komportable sa idea na makasamang magdinner ang dating nobyo nang silang dalawa lang.

“ah, kung gano’n, eh tayo na lang munang tatlo ang magdinner…para maya-maya pagkatapos natin, silang dalawa naman…siguro naman gutom na itong dalawang ‘to mamaya…”, pagyaya ni Elena kina Ricardo at Isabela.

“O sige.. tara…. oh, kayong dalawa muna dyan ah… kakain lang muna kami…”, sabi ni Mama Bela sa dalawa.

“Andrew, maddie, call us kapag nagka problema ah…”, bilin pa ni papa Ricardo bago umalis para kumain.

Wala nang nagawa sina Andrew at Madeline, feeling nila ay sinasadya talaga ng kanilang mga magulang na magkasarilinan silang dalawa…kunwari pa raw ay kakain ng dinner… hmm…

habang naglalakad papunta sa isang restaurant na katabi lang ng hospital ang tatlo, ay tinawagan ni mama Bela ang anak na si Richard…

“hello, Chard, tawagan mo kami ng papa mo, o kaya magtext ka kapag malapit na kayo ni Iza ditto sa hospital ah… at magdidinner lang kami kasama si Tita Elena mo…”, bilin ni Isabela sa panganay na anak.

“ah, okay ‘Ma… sige po… eh mukhang ma-traffic na… baka maatraso… siguro mga 7:30 to 8pm na kami makarating dyan… dumating kasi yung delivery ditto sa Boutique, kaya busy pa itong si Iza pag aayos ng mga stocks.. “, paliwanag ni Richard sa ina.

“ah… good.. sige.. okay lang yan… ingat kayo…”, sabi ni isabela sa anak

“Ha? anong okay lang, ‘Ma? maaatraso na nga kami eh…”, nagtaka naman si Richard sa tono ng ina habang nagsasalita ito.

“eh anak, kasi, iniwan namin doon sina Andrew at si Maddie… para makapag solo yung dalawa.. eh baka bigla kayong dumating doon ni Iza, eh maistorbo nyo yung moment nung dalawa…”, kwento naman ni isabela.

“ha?? hahahah… ‘ma?! ano ka ba?... hahahah… nakakatawa ka naman ‘ma ohh.. nakalimutan mo na bang ikakasal na si Maddie kay Lance in few months?? hahahah… napaghahalataan ka ‘ma ah… “, nagegets ni Richard ang ibig sabihin ng ina… hindi naman lingid sa kanya na hanggang ngayon ay si Andrew pa rin ang gustong maging son-in-law ng mama nila… pero hindi naman tumututol ito kahit ang kanilang tatay kay Lance para kay Maddie.

“naku naman anak… alam mo na ‘yon… o sige na.. kakain muna kami… magtext ka ah… Bye..”, pagpapaalam ni Isabela sa anak.

nangingiti naman si papa Ricardo sa pinag uusapan ng kanyang mag ina sa phone, maging si Elena ay naririnig din ang mga sinasabi ng kaibigang si isabela sa anak nito na kausap sa phone.

“hahahah… naku ikaw talaga Bela… halatang halata ka… “, iyon na lang ang nasabi ni Ricardo sa asawa.

Hindi naman mapigilan ni Elena ang sarli na matawa dahil ramdam niya na hanggang ngayon ay boto pa rin ang mag asawang ito sa anak niyang si Andrew para sa bunso nilang si Madeline.

At kumain na ang tatlo ng dinner while talking about their sons and daughters…matagal-tagal na ring hindi nakakapagkwentuhan ang mga ito..

(Please play the video at the Multimedia box and listen to the song as you read the rest of this chapter)

Samantala, sa hospital naman ay naiwang magkasama sina Madeline at Andrew…

“Mads… kamusta? nakapagpahinga ka na ba nang maayos?”, concerned na tanong ni Andrew sa dating nobya.

“ahm.. oo naman… ano ka ba… eh ikaw nga dapat ang tinatanong ko nyan eh… ito talaga…”, a-matter-of-fact na sagot ni Madeline sa binatang katabi.

“ahm..o..oo..medyo.. nakapagpahinga na naman kahit papaano…”, sagot ni9 Andrew kay Maddie, at hindi pa rin inaalis dito ang tingin.

“ah…ahm…. a..Andrew… you do know about your half-brother, di ba?”, out of the blue ay biglang naitanong ito ni Maddie.

“ahm… y…yeah.. I know that I have a half-brother… but I barely know about him… ewan ko nga eh, kung bakit kahit pangalan niya hindi ko man lang naitanong kay Dad… ewan…s…siguro lagi lang akong maraming iniisip…kaya hindi ko na naiisip na i-bring up kay Dad yung tungkol doon kapag nagkakausap kami… all I know is that, he is in the states, with his mom… yun lang….”, kwento ni Andrew

“ah… I see… “, sagot ni Madeline

“ahm, why do you ask?”, na-curious naman si Andrew kung bakit out of the blue ay biglang nagtanong si Maddie tungkol sa half-brother niya.

“ahm…w…wala naman… I…I’m just wondering kung alam kaya niya yung condition ng Dad nyo.. or kung may communication ba kayo para maipaalam mo sa kanya….”, ito na lang ang naisagot ni Maddie, pero ang totoo, ay kinabahan siya na nagtanong pa si Andrew…na-curious ito..

“ahh… ahm.. wala eh… pero.. oo nga noh… paano nya nga kaya malalaman?… “, nananatiling clueless si Andrew

gusto sanang sabihin ni Madeline kay Andrew na kilala niya ang half-brother nito… gusto niya sanang maging daan para magkakilala ang dalawa… pero as much as possible, wala siya sa posisyon para mangialam..

“ahm… eh…s…si Tita Elena… si mommy mo… w…wala din ba siyang alam tungkol sa kanya?...I mean… baka…baka naman at least yung name nung half-brother mo alam nya…ahm…b…baka lang…”, halos magkanda utal utal si Maddie sa pakikipag usap kay Andrew… bakit pa nga ba niya nai-open itong topic na ito… para tuloy gusting magsisi ni Madeline..

“ahm.. I don’t know… I’ll try to ask mom about it.. I hope, okay na sa kanyang pag usapan yun.. I mean… 6 years na naman silang hiwalay ni Dad…”,

napansin naman ni Madeline na may gumuhit pa ring lungkot sa gwapong mukha nig binata… kaya iniba niya ang topic..

“ahm, Drew… maiba ako… ahm… may…ahm… dumalaw na ba dito yung girlfriend mo?”, mukhang may pagka masokista itong si Maddie… pero iniisip niya kasing, wala na sa kanya yun…dahil ikakasal na siya in few months time…

“ahm.. Mads.. what makes you think that I have a girlfriend? sino namang nagsabi sayong may girlfriend ako?”, parang gustong matawa ni Andrew sa tanong ng magandang dalagang katabi.

“eh bakit parang matatawa ka dyan.. pinipigilan mo pa…? parang sira ‘to.. eh… bakit? wala ba? Hmm… don’t tell me wala kang girlfriend??”, pursigido si Madeline na malaman ang sagot sa tanong niya…..kung may girlfriend nga ang ex niya

“tsss… hahahah… wala… I don’t have a girlfriend… hahah… hindi ba pwede yun?”, natatawa si Andrew sa itsura ni Maddie na kinukulit siyang sagutin ang tanong nito.

“Hmmp! hindi ako naniniwala… ikaw?? yang playboy mong yan…wala kang girlfriend?? huy! sinong niloloko mo?.. hahahah… O sige… kung wala ka talagang girlfriend… eh baka naman…. may nililigawan ka??”, nasa mood makipag asaran si Maddie.

“hahahah… wala rin… wala… tsss…”

“hmmp! ahhhh…. alam ko naaaaa….. hahahah… siguro ayaw mo nang magka girlfriend, kasi ang gusto mo na… flirt flirt na lang… walang commitment… just fun… ganon?!?!....”, mukhang may laman ang banat na ito ni Maddie sa dating nobyo.

“tsss…hahahaah… you’re ridiculous! hahah… ganyan na ba ang tingin mo sa’kin? playboy? yung tipong friends with benefits? no strings attached?? hahahah… of course not! One woman man ‘tong gwapong lalaking kausap mo, Madeline! hahah…”, napapailing si Andrew sa mga banat ng dati niyang nobya… pero may kurot siyang nararamdaman sa puso… ganito na nga ba ang tingin sa kanya ng babaeng minamahal? aaawwts…

“Weeeh??.... One woman man?? Ikaw?? hahah… hahahahahah…. oh, Come on, Andrew Ferrer…. the most sought-after bachelor …. Dashing debonair….. every girl’s dream guy…. hahahah…. I’m not buying that….”, prangkang sagot ni Maddie… hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng binata

“Ouch! ikaw naman ohh… ayaw mo ba talagang maniwala?.... tsss… bahala ka… pero, that you for those compliments! Every girl’s dream guy?? hahah… So…. it means that I’m your dream guy, too…..”, ibinabalik ni Andrew kay Madeline ang pang aasar nito…

“hmmm??? Ano??? Huy…. ‘wag kang masyadong feeler dyan ah… paano mo naman nasabi yun? ewan ko sa’yo…”, pilit kinocontrol ni Maddie ang nararamdaman..pero tinatamaan siya sa sinabi ng ex..

“eh kasi sabi mo… ‘every girl’s dream guy’… ‘eveyr girl’… And you’re a girl… so, it only means that I’m your dream guy, too… ‘wag ka nang magdeny… alam ko naman yun eh… hahahahah….”, nag eenjoy si Andrew sa ginagawang pang aasar kay Maddie… at lalo pang nagiging maganda si Madeline sa paningin niya kapag naiinis at naaasar ito..

“nyek?! hahahah…hahahah… ewan ko sa’yo… bahala ka na ngang mag assume dyan… feeler!! hmp!”, nanghahabang ngusong sinabi ni Madeline sa aliw na aliw na si Andrew.

“hahah.. you’re blushing…. hahah.. ang cute mo! hindi ka pa rin nagbabago! hahahah… pikon ka pa rin…”, Andrew pinched her nose… and Maddie pinched her on the side…

“No.. seriously… aren’t you seeing someone?”, Maddie is still curious on her ex’s love life

“teka nga… bakit ba parang gustong gusto mong malaman ang tungkol sa love life ko? nakakahalata na ako Madeline ahh… you know… if you want me back, just ask…and I’m all yours… “, nakakalokong ngiti at nakakatunaw na titig ang ibinigay ni Andrew sa dalaga… pero ang totoo, it’s him who wants her back…kung pwede lang sana…..

“Hahahahahah… hahahahahah…. aaahahahah…. bwiset ka Andrew! hahahah… ang lakas ng hangin!!! at hiyang hiya talaga ang Mount Everest sa taas ng confidence mo eh noh…. hahahahahah… ang sakit mo sa bangs! hahah…”, bumunghalit ng tawa si Madeline.. halos mangamatis ng todo ang mukha niya sa sobrang pagtawa… at tinamaan din talaga siya sa sinabi ni Andrew.. kaya mas pinili niyang idaan na lang ito sa tawa at sa biro…

“hahah… What’s so funny about that? Tsss… Mount Everest talaga?! hahah…. tsaka anon gang sakit ko sa bangs?? feeling mo naman may bangs ka!! hahahahah… you’re hilarious, woman! hahah… but I missed your laugh…”, tatawa tawa si Andrew sa reaction ni maddie sa sinabi niya, pero seryoso siya sa huli niyang sinabi… he missed her laugh… he missed her smile… he missed staring at her expressive eyes… he missed all of her… and he loves everything about her…

Natahimik naman saglit si Madeline sa huling sinabi ng binata… pero agad rin siyang nakabawi… “Hahahah… ano ka ba… eh na-miss ko rin naman yang kayabangan mo eh… hahah…loko ‘to…”

“talaga? na-miss mo? kahit lagi kitang pinipikon?? hahahah…. sabi na nga ba eh.. na-miss mo rin ako eh…”, natuwa naman si Andrew sa narinig dahil kahit papaano’y may na-miss rin pala sa kanya ang dating nobya.

“oo noh… kahit ganyan ka.. hahah… “

“ahm… Thank you Mads… for being here…..with me…. even just for a little while, I forgot my Dad is in the ICU…”, naging seryoso naman ang mood ni Andrew…

“Uyy.. wala yun, ano ka ba… magkaibigan tayo noh… at tsaka para naman tayong walang pinagsamahan kung hindi natin pasasayahin yung isa’t isa kahit may pinagdadaanan, di ba?...’wag ka na munang masyadong mag isip…”, pagcomfort naman ni Maddie sa binata…ramdam niya ang pag aalala nito sa ama..

“Thanks… ahm… h…how’s your wedding preparations? nakakatulong ba yung fiancé mo kahit busy siya sa states?”, pangangamusta ni Andrew. bakit nga ba niya natanong pa ito? nagpapakamatay ba siya sa sakit ng kalooban??

“ahm… ahh… marami namang tumutulong sa akin sa preparations.. nakikipag coordinate na rin kami sa wedding organizers… tsaka hindi ko na rin masyadong inaabala si Lance… hindi rin naman biro yung trabaho niyang inaatupag doon.. iniintindi ko na lang… pero he can still manage to call me everyday mula nang dumating ako ditto.. pero sandali nga lang kaming nakakapag usap, kasi nga laging marami pa siyang tatapusing trabaho….”, mahabang kwento ni Madeline.

Tahimik lang naman si Andrew habang ipinagpatuloy pa ni Maddie ang pag kukwento… he wishes that he was Lance… sana siya na lang yung lalaking pakakasalan nitong babaeng kasama niya.. Why was he such a jerk to let her go just like that? ito ang lagi niyang tanong sa sarili..lalo na ngayon na nagkkwento si Madeline ng tungkol sa relationship nila ni Lance sa New York.. para bang bawat salitang sabihin ni Maddie describing Lance, ay para bang kinukurot-kurot, sinasapak-sapak, at pinagtututusok ang puso niya…

Samantalang wala namang idea o clue man lang si Maddie sa nararamdamang sakit ng kalooban ng lalaking kausap niya habang nagkukwento siya about how wonderful her fiance is... Hindi naman sa sinasadya ni Madeline na magkwento sa Ex niya ng tungkol sa fiancé niya para pa-guiltyhin ito, pero this is her way of giving Andrew some ideas about who his brother is and what kind of a man he is, and also, this is her way of reminding herself and of assuring herself that the man that she’s going to marry is the right one. ..Is he??....

pagkatapos magkwento ni Maddie, napansin niyang hindi ganun ka-responsive ang kausap niya…

“huy.. Andrew.. ano na? Buhay ka pa? hahah… sorry ah…. ang boring ba ng kwento ko? ahm…” , tanong ni Maddie, dahil napapansin niyang wala na sa huwisyo ang binatang kausap.

“ahm… ha?... ahh…hin…hindi… hindi ahh…. I’m glad to know he’s a good man… I’m glad that he’s taking good care of you..kahit busy siya, hindi ka pa rin niya napapabayaan.. he never failed to make you feel loved and appreciated even if he has a lot of things to do and gets to meet different people… and I’m glad that he makes you feel that he’s complete  and happy because of you…..”, parang tinatamaan si Andrew sa sarili niyang mga salita…  gusto sana niyang idugtong..”I wish I was able to do those things to you when we were still together…”, but he decided to keep it to himself.

Hindi alam ni Madeline ang isasagot o ang sasabihin sa dating nobyo…. sakto namang dumating na ang kanyang mama at papa, kasama ang kanyang Kuya Richard, Ate Iza, at ang Tita Elena niya..mommy ni Andrew…’Saved by the bell’ ang feeling ni Maddie…

“Oh.. mga anak.. sorry, natagalan kami… napasarap ang kwentuhan naming…tsaka hinintay na rin namin ang Kuya at Ate mo, Maddie..para maisabay na namin sa pagkain…”, sabi ni mommy Elena kay Andrew at kay Madeline

“Oh, sige na anak, kayo namang dalawa ang magdinner.. siguro naman, gutom na kayo ngayon… “, sabi ni papa Ricardo kay Madeline at kay Andrew.

“a…ah… Pa.. sa bahay na lang po ako kakain.. p..pauwi na rin naman tayo..d…di ba?” umiiwas si Madeline na makasama pa ng sarilinan si Andrew… dahil natatakot siya sa pwedeng patunguhan ng pag uusap nilang dalawa…

“anong pauwi na?? hindi pa nga natin nasisilip si Tito Rafael mo sa ICU eh… sige na.. kami na muna ang bahala dito.. kumain muna kayo ni Andrew… mag aalas-otso na oh… “, sabi ni Ricardo sa anak.

“sige na mga anak… lakad na…”, pagtutulak naman ni mommy Bela kina Madeline at Andrew.

Wala namang magawa si Andrew at si Madeline.. kaya’t sumunod na lang sila sa sinabi ng magulang, pero hinatak ni Maddie ang Ate Iza niya para sumama sa kanila ni Andrew magdinner…dahil hindi na yata niya kayang muling mapag isa kasama si Andrew..at over dinner pa….

“Ate.. halika…sama ka sa’min…”, hinihila ni Maddie sa braso ang Ate niya

“Huy.. ano ka ba, Madeline! tapos na kaming kumain kasabay nina Mama.. kayo na lang… ano yon? tutunganga ako sa inyong dalawa habang kumakain kayo??”, katwiran naman ni Iza, at tumangging sumama sa dalawa dahil ayaw niyang maka istorbo…

“eeeeeehh… Ate sige na… Please… halika na…”, mapilit pa rin si Maddie at binigyan ng ‘just-come-with-us,-help-me’ na look… at na-gets naman ito ni Iza, kaya’t nagpatangay na rin siya sa paghila ng kapatid…

At umalis na sila, hatak-hatak ni Maddie ang Ate niya…

natatawa namang pinagmamasdan nina Ricardo, Isabela, Elena, at Richard ang magkapatid, kasama si Andrew..

“hahahah… tignan mo ‘yang si Madeline.. napaka old school.. magdidinner lang, gusto may chaperon pa…hahahah… tignan mo’t hatak-hatak ang Ate niya… hindi naman siya aanuhin ng kasama niya (si Andrew)…. haay si Madeline talaga…”, sabi ni mama Bela

“hahahahah…. nakakatuwa talaga yang si Maddie.. na-miss ko talaga ang batang ‘yan…”, sabi naman ni mommy Elena..

Nagkakangitian naman ang mag amang sina Ricardo at si Richard, dahil kabisadong kabisado nila ang bunsong si Madeline… ang Ate Iza nito ang kanyang confidant, at isinasama niya ito sa mga lakad niya kapag hindi comfortable ang kanyang pakiramdam… siguro nga, dahil kahit papano’y may nakaraan si Madeline at si Andrew, at alam ng kanyang Papa at Kuya na hindi naging maayos ang paghihiwalay ng mga ito. kaya’t nauunawaan nila ang ginawa ni Madeline na pagbitbit ng ‘chaperon’ sa dinner ‘date’ nila ng ex-boyfriend na si Andrew.

At silang apat na naiwan doon, ay dala-dalawang pumasok sa ICU para Makita si Rafael.

Sina Isabela at Elena ang magkasabay, samantalang sina Ricardo at anak na si Richard ang magkasama pagpasok sa ICU para madalaw si Rafael…

Samantala, doon na dinala ni Iza ang dalawa sa restaurant na kinainan nila kanina kasama ang kanyang mga magulang, Kuya, at kanyang Tita Elena.

“nakoo… bakit ba dito ko kayo dinala… sana pala sa kabila na lang… baka natandaan ako ng mga waiter dito, isipin eh ang takaw takaw ko at bumalik ako dito agad… nakoo… umupo na nga tayo…. dito na lang… “, sabi ni Iza sa dalawang kasama, at agad nakahanap ng bakanteng table para sa kanila.

“hayaan mo na ate… sa seksi mong yan, iisipin pa ba nilang matakaw ka?? hahahah…”, sabi ni Madeline sa Ate Iza niya

“naku naku… binola mo pa ‘ko… ikaw talaga Madeline! kaya lab na lab kita eh… hahahah…. o sige na.. umorder na tayo…. Waiter!!”, sabi ni Iza sa kapatid na tatawa-tawa…. tsaka tumawag ng waiter para sila ay maka order na…

Si Madeline at si Andrew lang naman ang umorder ng main dish… at nag dessert na lang si Iza.

Habang kumakain sila ng dinner.. to save her baby sister from awkwardness, si iza na ang bumangka sa kwentuhan… since matagal na rin silang hindi nagkikita ni Andrew, sila naman ang nagkamustahan habang pinakikiramdaman pa rin ni Iza ang kapatid na tahimik lang sa pagkain…

At si Andrew, kahit habang nakikipag usap sa Ate ng kanyang Ex, ay pasulyap-sulyap pa rink ay Madeline… at syempre, hindi naman nakakaligtas kay Iza ang mga stolen glances ni Andrew sa kapatid niya… gusto mang kiligin ni Iza, ay nagpipigil siya dahil siguradong pagkukukurutin siya ng todo todo ng kapatid niya mamaya pag naka uwi na sila…  kaya hindi na lang nagpahalatang kinikilig itong si Ate para sa kanyang baby sis.. at tinutuloy na lang ang pakikipagkwentuhan kay Andrew.

“teka nga, kayong dalawa hah…. masyado ba kaming matagal kanina? at sa tagal nyong nagkasama kanina ay nagkaubusan na ba kayo ng pag uusapan?? Hmm…”, nang wala nang maisip na topic is Iza ay hindi na ito nakatiis na pagbalingan ang dalawa…

tanging tawa at ngiti lamang ang isinagot ng dalawa sa Ate… napa nganga tuloy si iza at gusting humagalpak ng tawa, dahil nakumporma niyang tama ang hinala niya after all… na may tension pa rin sa pagitan ng dalawang dating magkasintahan… ramdam niyang hindi pa lubusang nakaka get over ang mga ito, kahit na ang kapatid niyang nakatakda nang ikasal in a few months..

kaya naman, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si iza… nasabi na sa kanya ng kapatid na na-delay ng dalawang buwang mahigit ang pag uwi dito sa bansa ni Lance, hindi man siya naniniwala sa naging rason nito, ay hindi na niya sinabi sa kapatid….

mali man, pero sa loob loob ni Iza, ay gusto niyang si Andrew pa rin ang makatuluyan ng kapatid.. dahil siya mismo ay naging saksi sa paghihirap ng kalooban nito nang marealize ang kanyang mga pagkakamali’t pagkukulang kay Madeline, at ang kanyang kagustuhang magbago and to be a better man for her sister…hanggang sa magpasya itong umalis ng Pilipinas upang magpunta sa iba’t ibang panig ng mundo para mag soul searching, para mas makapag isip isip, para hanapin ang kung anumang kulang pa sa kanya… at para hanapin ang lumisang kasintahan na hindi niya alam kung saan nagpunta… Naaalala pa noon ni iza, na halos magmakaawa ang binatang ito sa kanila ng Kuya Richard niya, at sa kanilang mga magulang para sabihin kung saan nagpunta si Madeline, maging sa mga kaibigan nila ni Madeline, at sa sariling mga magulang ni Andrew ay nakiusap ito…pero walang nagsabi sa dito kung saan nagpunta ang babaeng minamahal…  tiniis nilang lahat si Andrew.. sa kagustuhan na rin ni Madeline na hindi malaman ng dating nobyo kung nasaan siya, dahil desidido siyang gusto niyang hayaan itong mag grow at matuto…. she wanted him to be a better man…

Nang matapos na silang magdinner ay agad silang bumalik sa hospital…

pagkabalik nilang tatlo doon ay pumasok sa ICU ang magkapatid na sina Madeline at kanyang Ate Iza para madalaw si Rafael… at pagkalabas nila ay agad namang sumunod na pumasok sa loob si Andrew..siya lang mag isa….

Habang nasa tabi siya ng kanyang Daddy.. hindi mapigilan ni Andrew ang sariling balutin ng lungkot, pero napipigilan pa naman niya ang sarili na maluha… he was talking to his father… kahit hindi ito sumasagot sa kanya, alam niyang naririnig siya nito..  somehow, nararamdaman ni Andrew na may gusting sabihin sa kanya ang kanyang Daddy… pero wala itong lakas at kakayahan para makapagsalita at makausap ang anak…

Ito na nga ba ang tamang panahon para makipag ugnayan na si Andrew sa kanyang kapatid??

habang nasa labas silang lahat at hinihintay si Andrew…

tinawagan ni Madeline si Lance…

“hello, Lance…”, bungad na bati ni Madeline sa fiancé… teka, nasaan na yung ‘babe’? hmmm….

“ahm, hello, Maddie…babe.. I’m sorry kung hindi pa ako nakatawag sa’yo today… alam mo namang---“

pinutol na ni Maddie ang sinasabi ni Lance…” oo, Lance, I know… pero… I…I think you have to know something….”

Biglang lumabas si Andrew…..

“Ma… masama na raw ang lagay ni Dad..  “, medyo malakas ang pagkakasabi ni Andrew, bakas na bakas ang matinding pag aalala at may urgency sa tono nito…

Napalingon si Madeline sa narinig na sinabi ni Andrew… at nakita niyang tumakbo papasok ng ICU ang ina ni Andrew na si Elena…

“Hello.. babe… sino yung nagsalita?? sinong masama na ang lagay??”, narinig rin pala ni Lance ang sinabi ni Andrew at maging siya ay nabahala…

“ah…ahm….. it’s… it’s your brother…. Andrew….”, nanginginig na sabi ni maddie sa kausap sa phone

“What??”, nagulat naman si Lance sa sinabi ng nobya

“masama na raw ang lagay ng Daddy nyo… si Tito Rafael… nandito kami ngayon sa hospital… nasa ICU ang Dad nyo… kahapon pa siya nandito eh…pero hindi bumubuti ang condition niya mulang nang dalhin siya dito.. at ngayon nga, lalo daw sumama yung kalagayan niya.. nagkakagulo na ang mga doctor at nurse doon sa loob… hin….hindi ko na alam kung anong nangyayari… s..sige, Lance… I’ll call you later….”, pagkatapos sabihin kay Lance ang lagay ng daddy nila ni Andrew ay agad na binaba ni Maddie ang phone at tinignan kung ano na ang nangyayari….

Pinanatili ng mga nurse na magstay sa labas ng ICU ang mag ina ni Rafael,,kasama ng mga magulang at mga kapatid ni Madeline…

Halos mawalan ng lakas si Andrew sa sobrang pagkabahala… at wala sa sariling tinungo si Madeline at niyakap… tsaka pinakawalan ang kanina pang pinipigil na mga luha…sa balikat ng babaeng pinakamamahal…na para bang nakahanap siya ng karamay…

at wala rin sa sariling niyakap ni Maddie ang dating nobyo… it was her first time to see him in deep sorrow and in great pain… mahigpit ang kanilang yakapan…na para bang binibigyang lakas ang isa’t isa… She was just so glad that she’s able to comfort him in times like this when he’s so vulnerable..

Andrew felt so weak, kaya’t lalong humigpit ang yakap niya kay Madeline… ganoon din naman ang ginawa ng huli…

Ipinaramdam ni Maddie kay Andrew na nandito lang siya at hindi siya nag iisa…

Alam ni Madeline na kailangang kailangan siya ni Andrew sa mga oras na iyon, kaya naman kahit na hatinggabi na, ay ni hindi dumaan sa kanyang isip na umuwi at iwanan ang binata….

kahit ang kanyang mga magulang at mga kapatid ay dinadamayan din at inaalalayan si Elena…

Ilang saglit pa’y dumating din doon si Gabriel… ang nakatatandang kapatid ni Rafael…

Hinintay nila ang paglabas ng mga doctor…

..

..

..

Anticipation kills them….

..

..

..

at sa wakas, makalipas ang ilang saglit, ay bumukas na ang pinto ng ICU…

..

..

..

iniluwa ang family doctor nina Andrew na si Dr. Zamora…

..

..

Thank you so much for reading Chapter 9!

What do you think of it?

Kindly leave your comments, suggestions, and criticisms.

and please vote for this chapter..and recommend this story to your friends..

You can follow me on Twitter: @Karina_lovesU

God bless

KarinaFuentes 

Continue Reading

You'll Also Like

755K 27.9K 103
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
196K 4.1K 46
"You brush past me in the hallway And you don't think I can see ya, do ya? I've been watchin' you for ages And I spend my time tryin' not to feel it"...
21K 264 60
Story is all about what happened if two people love each other have change because of her/his career they can survive their relationship or not .
1.1M 37K 63
𝐒𝐓𝐀𝐑𝐆𝐈𝐑𝐋 ──── ❝i just wanna see you shine, 'cause i know you are a stargirl!❞ 𝐈𝐍 𝐖𝐇𝐈𝐂𝐇 jude bellingham finally manages to shoot...