A/N: Inuna ko muna itong author's note ko. Gusto kong humingi ng sorry sa isang linggo kong di pagaupdate ha? Alam niyo naman ang buhay summer class, triple ang pagiging busy dahil sa fast forward ang lahat. I am doing my best para makapgaupdate ng ayos. DOn't worry, as i promised, combo updates po tayo. :D Stay tuned, :D Sana maintindihan niyo. :D BUKAS ULET. :D
======================
QUEN'S POV
"Start na nga pala ang rehearsal mamaya, ano?" Tanong ni Sam habang naglalakad.
Papunta kami sa school canteen ngayon. Bibili lang ng makakain bago ang next class. Nakakagutom din pala ang tumunganga sa klase. Buti nga't kahit papaano, tinatanggap pa ng sikmura namin ni Julia ang mga pagkaing pang-mortal. Ilang araw na lang din at kailangan na naming lagyan ang kumakalam naming sikmura ng bukod tanging bagay na makapagpapakalma sa aming gutom.
"Shemay. Oo nga pala!" Bigla namang nagreact si Rick, "Hindi ko alam kung makakapunta ako mamaya."
"Hoy! Umayos ka. Kawawa naman si Kath." Sabi ko.
"Oo nga. Hangga't maaari sana huwag muna nating iwanan si Kath. She's a new student here at hindi niya pa alam ang pasikot-sikot dito." Sabi naman ni Sam.
Napakamot naman si Rick sa ulo niya at napakunot ng noo, "Oo na. Sige na. Hindi na po a-absent."
"Good. Teka, ano bang bibilhin?" Tumingin ako kay Sam at Rick. Pareho silang walang maisip at 'yun ang nakikita ko sa mukha nila, "Dapat kasi isinama na lang natin sila eh."
"May nararamdaman kasi ako kaya’t hindi ko sila isinama..." Kalmado ang tono ni Sam habang nagsasalita, "Someone needs our help and someone need our lives..."
"At sino? A-anong ibig mong sabihin? Our help? Our lives? Hindi ko maintindihan…" Tanong ko sa isang mahina at kalmado ngunit seryosong tinig.
"Huh? At sino naman ang mangangailangan ng tulong natin, huh?" Sabi ni Rick at pinaikot sa kanyang daliri ang kanyang Iphone 5, "Di pa nga natin nakukumpleto ang misy..."
"Shut up," Sabi ni Sam at bigla namang napatakip ng bibig, we never tried to talk about the mission. Kapag may nakaalam na hindi kabilang sa dugong dumadaloy sa amin... Pare-pareho kaming mapapahamak, "There's someone around here that hunts us. Someone wanted us to die. Be careful to the words that you’ll say. They might discover why we’re here."
"Ano? Anong sinabi mo Sam? Ang ibig mo bang sabihin...?" Tumahimik ang paligid. Para kaming binalutan ng yelo ni Rick sa sinabi ni Sam. There's only one that will hunt us, the only one that wanted our race to be diminished, the Arids. Nagmula sila sa lahi ng mga Ismidians, ang lahing isinilang para patayin ang lahat ng imortal. Nowadays, minimal na lang ang nabubuhay sa kanila pero hindi namatay ang kagustuhan nilang mawala kami. Kaya naman, hindi nila dapat malaman ang misyon na paulit ulit naming ginagawa.
"Tama. Kaya be careful." Bulong ni Sam.
"Masaya 'to." Nakakalokong tinig na namutawi sa bibig ni Rick. "Matagal tagal na rin akong hindi nakakaengkwentro ng mga Arids."
“Rick… tandaan mo na hindi tayo papatay ng tao. Those Arids, they were all human, kaya kahit anong mangyari, hindi tayo pwedeng pumatay. Isa pa, nung mga panahong pumapatay ka ng Arids, you’re not in this group, but now, you are a member, so please. Please, don’t make any move that will harm any of us. Naiintindihan mo?” Napatigil naman si Rick sa pag-ngisi. Naiintindihan ko si Rick, maaari kaming patayin ng mga ‘yun dahil hindi kami maaaring gumawa ng move para patayin sila, at sa oras na pumatay kami, isang malaking digmaan ang maaaring maganap. Ito ang pinanghahawakan nila dahil alam nilang hindi namin maaaring isiwalat ang katauhan namin dahil sa oras na mangyari ‘yun, maging ang mga normal na tao, hahanapin at papatayin kami. Delikado. Lalo’t alam nila kung ano ang kahinaan ng bawat isa sa amin. Ngunit, hindi naman pwedeng tatayo lang kami sa isang tabi kapag sumugod sila, may kakayahan naman kaming protektahan ang mga sarili namin, pero dahil hindi pa namin kayang kontrolin ang sarili namin kagaya ng kay Sam, masyadong delikado.
“Yes… I knew it.” Bulong ni Rick, “Pero… hindi naman masamang protektahan ang mga sarili natin, hindi ba?”
“Hindi masamang lumaban, pero killing is prohibited. Hindi pa natin kontrolado ang kung anong kapangyarihan na mayroon sa atin, kaya dapat tayong mag-ingat.” Sabi ni Sam.
“Pero, bakit sa amin mo lang ito sinabi?” Tanong ko, “How about the girls?”
“I’ll tell them afterwards pero sa ngayon, tayo muna ang dapat pumrotekta sa kanila. Lalo na kay Kath.” Sagot ni Sam.
“Naguguluhan na ako sa misyon natin. Masyado ng kakaiba ang mga nangyayari. Hindi ito ‘yung nangyari dati.” Sabi ko. Napakunot naman ang mga kasama ko sa tinanong ko, “Look, noon, Arids didn’t interfere with our business, actually, wala naman talaga sila, tapos, there’s someone that tried to kill Kathryn. Marami pang iba.”
Nakita ko namang biglang tumahimik si Sam. Alam kong alam niya ang nangyayari. Hindi niya lang talaga sinasabi sa amin. Masyadong malihim si Sam. Ano kaya ang pinaplano niya? Ano kaya?!
“Excuse me.”
Isang pamilyar na tinig ang nakapukaw ng atensyon namin. Biglang naputol ang hindi pa malinaw naming usapan basta’t bigla na lamang kaming napalingon sa tumawag sa amin.
“Hindi ba’t kayo ang mga kaibigan ni Kathryn?”
Si Daniel.
Biglang nag-iba ang tema ng kapaligiran ko. May kakaiba akong nararamdaman. Tila may umusbong na galit at inggit sa puso ko ng nakita ko si Daniel. Parang… gusto ko siyang patayin… ngayon din… pero parang may kakaiba sa kanya. Sa pagkakataong ito, magiliw ang tinig niya at hindi nanlilisik ang kanyang mga mata. Nakangiti sa amin at hindi tulad ng tingin niyang parang gusto niya kaming patayin. Kakaiba. Lalo tuloy akong naguguluhan.
“Maaari ko ba kayong makausap sandali?”
Sa panahong iyon, wala pang sumasagot sa amin, tila lahat kami nagulat sa inaasal ni Daniel. Magalang pa nga siya ngayon. At hindi ko rin akalaing bigla na lamang siyang lalapit sa amin. Ano kayang kailangan niya? Naaasar ako. Lalo akong napipikon sa ginagawa niya.
“Wala kaming oras--" Sabi ko pero bigla namang pinutol ni Sam ang mga susunod ko pang sasabihin.
“Sure. Why not? Doon tayo sa table.” Alok naman ni Sam.
“Pero Sam…” Pipigilan ko sana siya kaso nagtutuloy-tuloy lang siya at bigla ko na lamang narinig ang tinig niya sa aking isipan.
“Didn’t I told you that someone needs our help?”
Tuluyan akong nawala sa isipan ko. Para akong binuhusan ng semento ang mga paa ko sa mga katagang ipinarating sa akin ni Sam. Anong ibig sabihin niya? Alam kong isa sa mga misyon namin ang protektahan ang hambog na lalaking ito pero… anong ibig niyang sabihin? Malakas ang kutob ko. Napakalakas ng kutob ko na may kakaibang nangyayari dito. At malakas ang kutob ko na may kinalaman ito sa misyon namin.
“What are you waiting for? Come here.” Muling parating sa akin ni Sam. Bigla na lamang akong bumalik sa realidad at napalakad papunta sa mesa kahit ayaw ko. Hindi ko maipaliwanag pero parang nagagalit ko kay Daniel. Hindi ko alam.
“So… what’s the matter, Daniel?” Tanong naman ni Rick.
“Ah. Eh. Since kaibigan kayo ni Kathryn, nais ko rin kayong maging kaibigan.” Naramdaman kong tila namilog sa gulat ang mga mata nina Sam dahil kahit ako, nagulat sa sinabi ni Daniel.
“KAIBIGAN?” Gulat na tanong ko. Suddenly, Sam cleared his throat and break the silence.
“Sure. Walang problema doon! You are very well accepted.” Ngumiti naman si Sam at ganoon din si Rick.
“Akala ko itutuloy mo ang pagyayabang dati eh.” Sabi naman ni Rick at ioffer ‘yung kanang kamay niya para sa isang shakehands, “Sana maging mabuti tayong magkaibigan.”
“Oo. Basta’t hindi mo sasaktan ang taong mahal ko eh. Magiging mabuti tayong magkaibigan.” Daniel smiled back and accepted Rick’s offer.
But this thing suddenly echoed in my mind…
Basta’t hindi mo sasaktan ang taong mahal ko eh
Basta’t hindi mo sasaktan ang taong mahal ko eh
Basta’t hindi mo sasaktan ang taong mahal ko eh
“Taong mahal mo? Si Kath?” Nakangising tanong naman ni Rick.
“Oo.” Diretsong sagot ni Daniel. Sa sagot niyang iyan, bigla na lamang may kumurot sa puso ko. May kakaibang sakit. May kakaibang pwersang nagtutulak sa akin na gamitin ang kakayahan ko at sunggaban na lamang si Daniel. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Hindi naman ako ganito dati. Hindi kaya… I am starting to fall in love with… IT SHOULDN’T!
DANIEL’S POV
Nasabi ko na ang lahat kila Sam. Mababait din pala sila. Nangako silang tutulungan nila ako. Kahit noong una, medyo awkward, kinaya ko pa rin. Lalo na dun sa Quen. Kakaiba. Ni hindi nga siya kumibo. Pero ayos lang, ang importante, nagawa ko na ang first move ko. It is to accept people to whom Kathryn is within. Ganito ko siya ka-mahal. Isa pa, wala rin namang masama, at nalaman ko na kung bakit ako biglang nagalit sa kanila…
It is because …
I AM JEALOUS with them. I admit it. Nagseselos ako dahil open si Kath sa kanila, dahil bigla na lang silang naging close. Nagseselos ako dahil simula noong lumipat kami ng eskwelahan, ang dating ako, at ang dating Kathryn, unti-unti ng naglaho. Pero dahil nagising na ako sa katotohanan, I’ll make things clear. I’ll bring back the old Kathryn and Daniel. Ibabalik ko kung sino kami bago pa man kami lumipat dito sa Grande.
Lalo na ngayon, nalaman ko mismo sa kanya ang nararamdaman niya sa akin. Patutunayan ko ‘yun dahil sinimulan ko na ang lahat at alam kong magiging madali na lamang ang susunod na hakbang. Sisiguraduhin kong magiging masaya kami ni Kath. Sisiguraduhin kong mararamdaman niya kung gaano ko siya ka-mahal. What I said last night about the courtship, I am freakily serious with that.
FLASHBACK:
“Ang weird ng kapatid mo anak, ha?” Tanong ni Mom habang inihahanda ang breakfast.
“Hindi ko po siya kapatid, Mom.” Sagot ko naman pero iba ang aura ngayon eh. Masayang hindi ko maipaliwanag. Parang ang ganda-ganda ng gising ko ngayon. Parang walang sakit ng ulo, at nakangiti ako sa di ko masabing dahilan.
“Whatever, anak. Pero alam mo ba kung anong nangyayari dun? Baka naman may problema kayong dalawa? Baka inaway mo kagabi?” Tanong naman ni Mommy.
“Nawiwili ka na atang awayin ang kapatid mo, Anak.” Sabad naman ni Daddy.
“What?! Teka ha. Dad, Mom, ilang beses ko bang uulitin na hindi kami magkapatid?” Sabi ko habang bumaba sa hagdan with full uniform. Hindi ko kasabay si Kath eh. Nauna. Akala naman niya hindi ko siya nakitang nakikinig sa usapan namin ni Mommy kanina. In denial pa kasi eh.
“Pero ang turing namin sa inyo ay mga anak na, Anak. Kaya parang magkapatid na kayo.”
“Still, hindi kami magkapatid.”
“Sige na, sige na. Eh bakit ba nagkakaganoon ang kapa… I mean si Kath?” Tanong naman ni Mommy.
“Baka in love?” Sagot ko.
“Huh?! Si Kath? In love?” Sabi naman ni Mommy.
Sasagutin ko na sana si Mommy, kaso bigla namang sumingit si Daddy, “Oh, pray muna, mamaya na yan. Ikaw na maglead, Daniel.”
“Opo.” Pumikit na kaming tatlo at sinimulan ng manalangin at ipagpasalamat ang mga nakahain sa mesa. Noong natapos na ibinalik naman ni Mommy ‘yung tanong niya.
“Hoy. Anong sinasabi mong in love na si Kath?”
“Wala po yun.”
“Ano nga?”
“Wala nga po.”
Bigla na lang kinuha ni Mommy ‘yung plato ko sa harapan ko. Pasubo na sana ako ng kutsara eh.
“Ma. Bakit?!” –Ako.
“No statements, no food.” Sabi naman ni Mommy. Alam ko na kung kanino ako nagmana ng pagkasadista eh. Si Dad naman, ayun nakangiti at tinutukso ako. Inaakit ako sa pagkain.
“Ibalik mo na kasi, Ma.” Sabi ko.
“No. Unless you tell me the truth.”
“Gusto mo talaga malaman, Ma?” Tumungo naman si Mommy simbolo ng pagsang-ayon. “Basta huwag kang mabibigla?”
“Oo na. Dali na.”
“Ako rin in love eh.” Nakangiti kong sabi. Biglang nasamit si Daddy at napatitig sa akin. Si Mommy naman biglang inilapag ang plato ko sa mesa. Nanghina ata sa sinabi ko.
“Mag-18 ka lang, kumekerengkeng ka na, Anak? Masama ‘yan.” Sabi ni Mommy. Napahagalpak naman ako ng tawa, pati si Dad.
“Anong kerengkeng, Ma? Na-inlove lang eh.”
“Yang Mommy mo kasi ingat na ingat sa iyo eh.” –Dad.
“Hoy. Ipakita mo sa akin yang babae na yan ha!!!!” –Mom.
“No need.”
“Ano?!”
“Well. No need to introduce her to you, Mom, Dad.”
“Anong no need? Gusto mo hambalusin kita, Anak?” –Mommy.
“Bakit hindi mo ipapakilala sa amin, Anak?” –Daddy.
“Hindi ako tatanggap ng kahit sinong babaeng magiging girlfriend mo maliban sa isa. Tandaan mo yan.” Naging seryoso naman ang tinig ni Mommy.
“Ikaw. Mula noon, hanggang ngayon, ganyan ka pa rin.” Sabad naman ni Daddy na tila pinoprotektahan ako at as usual, debate sila, pero bigla silang tumahimik nung nagsalita ulit ako…
“SI KATH PO.”
“WHAT?!!!” –Dad and Mom.
Medyo tumahimik ang paligid tapos bigla na lamang tumayo si Mommy. Medyo kinabahan ako. Kahit si Dad biglang napatigil at nakatitig lang sa akin. Kinabahan ako sa reaksyon nila pero mas lalo akong nagulat ng biglang inilipag ni Mommy ang isang cake mula sa refrigerator.
“LET’S CELEBRATE!!!!” Sabi ni Mommy.
“Anong ibig sabihin nito Mom?” Tanong ko.
“Wag mo ng tanungin ang Mommy mo dahil sanggol pa lang kayo ni Kath, si Kath na ang gusto niyang makatuluyan mo.” Sabi ni Dad.
Biglang namilog ang mga mata ko sa nalaman ko. Kakaibang saya ang biglang bumalot sa puso at isipan ko. Ibig sabihin nito, hindi sila tutol sa amin.
“And Kath said that she loved me too. Pero indefinite pa kasi. Kailangan ko pang patunayan.” Sabi ko.
“Pagbutihan mo lamang, Anak. Wag mong papaiyakin ang kap… si Kat… I mean ang soon to be fiancé mo.” Sabi ni Mommy habang hinahatian ako ng cake.
“Anong Fiance?”
“Hindi na pala soon-to-be fiancé, anak. Soon-to-be-girlfriend na lang pala.” –Mommy.
“Hindi ko po maintindihan.” –Ako.
“Anak, bago ka pa kasi magconfess, your Mom is trying to arrange your marriage with Kath.” Sabi naman ni Dad.
“E di ituloy po natin?”
“Hindi na sa ngayon. Mas maganda kung idadaan natin ang lahat sa natural way.” Sabi naman ni Mommy.
“Sabagay. Tama ‘yun.” Sabi ko, “Pero mas bet ko ‘yung arranged marriage Ma.”
Bigla niyang hinablot ‘yung cake ko, “No. Ligawan mo si Kath. Hayaan mong siya mismo ang magsabi sayo na mahal ka niya… in natural way.”
“LIGAWAN? MOM! DAD! YAN YUNG ITATANONG KO SANA SA INYO!!!! PERO DAHIL SINABI MO YAN MOM, AALIS NA AKO!!!! BAKA MALATE AKO SA SCHOOL! BABYE!!!!!”
Kumaripas ako ng takbo at umalis matapos humalik kkila Mom at Dad.
END OF FLASHBACK
Kaya ngayon, aasikasuhin ko na ang panliligaw ko kay Kath. Mahal ko siya, at yun ang pinanghahawakan ko ngayon.
=============
QUESTION:
ANO KAYANG SUSUNOD NA MANGYAYARI? SINO ANG ARIDS NA YON?