BHO CAMP #4: The Retribution

By MsButterfly

3M 72.3K 5.6K

I'm Serenity Hunt. A simple woman with a simple life. Or that is what I'm trying to show everyone. Maayos na... More

BHO CAMP #4: The Retribution
CHAPTER 1 ~ Serenity ~
CHAPTER 2 ~ Supladong Alien ~
CHAPTER 3 ~ Kiss ~
CHAPTER 4 ~ Forever ~
CHAPTER 5 ~ Visit ~
CHAPTER 6 ~ Detective ~
CHAPTER 7 ~ Game Time ~
CHAPTER 8 ~ Unravel ~
CHAPTER 9 ~ Fifth ~
CHAPTER 10 ~ Storm ~
CHAPTER 11 ~ Ale ~
CHAPTER 12 ~ Code ~
CHAPTER 13 ~ Yat Yat and Mi Mi ~
CHAPTER 14 ~ Beauty ~
CHAPTER 15 ~ Fiancé ~
CHAPTER 16 ~ Warning ~
CHAPTER 17 ~ Tears ~
CHAPTER 18 ~ Start ~
CHAPTER 20 ~ Promise ~
CHAPTER 21 ~ Call ~
CHAPTER 22 ~ Face ~
CHAPTER 23 ~ Failure ~
CHAPTER 24 ~ End ~
CHAPTER 25 ~ Through The Years ~
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Up Next

CHAPTER 19 ~ XX ~

93.3K 2.3K 205
By MsButterfly

CHAPTER 19

STORM'S POV

Tahimik ang paligid maliban sa mahinang tikatik na nagmumula sa kamay ni Chum na tumatama sa lamesang nasa tabi ng kinauupuan niya at hindi mapakaling nakatingin sa amin nila Waine. Sa kabila ng katahimikan ay ramdam ko ang bigat ng tensyon sa paligid namin. Lalo na kay Waine na naninigas ang katawan at mukhang handang hilahin ako paalis sa lugar na ito sa oras na makaramdam siya kahit ng kaunting panganib.

Alam ko kung bakit siya umaakto ng ganito. Hindi niya pinagkakatiwalaan si Detective Dalton. Naiintindihan ko. Dahil iba si Detective Dalton kumpara sa amin. He chose to see black and white while Waine and I can see gray. Nasa panig ng batas si Detective Dalton habang kami ni Waine ay dumedepende ang mga aksyon sa kung ano ang sa tingin namin ang tama. Kahit salungat iyon sa batas.

"Bakit mo ako pinatawag?" basag ni Detective sa katahimikan. "Hinahanap ka ng batas, SubjectCX. Hindi ko alam kung bakit mo ako pinapunta rito-"

"Hindi nga ba?" Natigilan siya sa tanong ko at nagpatuloy ako. "Alam ko na marami ang gusto na ikulong ako. Alam ko na hinahanap nila ako. Pero wala akong plano na sumuko Detective. What I did may not be right according to your constitution but it was right for me. It was right for a lot of people who's suffering because of Claw Organization."

"Mali ang ginawa mo." wika niya.

"Mali ayon sa batas."

"Ginawa ang batas para sundin! You killed those people. Kung gusto mo na pabagsakin ang Claw hindi mo dapat pinatay ang matataas na opisyales na miyembro ng organisasyon na iyon. Dinala mo sila dapat sa amin. Pero hindi iyon ang ginawa mo dahil makasarili ka. Nakikipaglaro ka sa Claw para makuha ang gusto mo. Dahil gusto mo na maghiganti."

Walang salita na namutawi mula sa bibig ko at nanatiling nakatingin lamang ako sa kaniya. Dahil alam ko na tama siya. He's an officer of the law and I'm an agent of BHO CAMP. Magkaiba man ang prinsipyo namin sa buhay, magkaiba man ang batas na sinusunod namin hindi maitatanggi niyon na pumatay ako. Being an agent, killing is inevitable. But we can't do it intentionally. We shouldn't.

"What I did was wrong. Gusto ko ng manahimik. Gusto ko ng mamuhay ng normal. I want to be with my family without this danger looming around us. Pero hindi titigil ang Claw, Detective. You will help me stop them."

"Hindi kita tutulungan. Wala akong plano na labagin ang batas."

"Kung wala kang balak na gawin ang gusto ko bakit ka nandito? Bakit pumunta ka sa kabila ng katotohanan na alam mo kung bakit kita pinatawag?"

Siya naman ngayon ang natahimik dahil sa sinabi ko. Walang duda na nasa panig ng batas si Detective Dalton pero alam ko ang kayang gawin ng taong ginagamon na ng desperasyon. Desperasyon na makaganti, na maitama ang lahat, na magawang mailaban ang taong minamahal. Bagay na hindi niya nagawa sa taong pinakamamahal niya.

Katulad ni Hermes.

"What do you want from me?" he asked in a whisper.

"I want you to help me bring down Claw."

"Ginagawa ko na ang lahat. Namin ng mga kasamahan ko."

"By helping me, Detective, you'll break a lot of rules that if ever this is a school and we are the students, we'll probably be expelled for the rest of our lives."

Dumilim ang mukha ng lalaki. "Wala akong intensyon na gawin ang mga ginagawa mo noon."

"I'm not asking you to kill for me. Though it's impossible for anyone to be not hurt, for once I don't have the intention of killing them all. Kailangan ko ang tulong niyo para maitama ang mga mali." tumingin ako sa gawi ni Waine. "Hindi mo gustong patayin ang kapatid mo, Waine. Marami man ang dahilan para gustuhin mo ang bagay na iyon pero hindi iyon ang pinakahinahangad mo. Tama ba ako?"

Bago makasagot si Waine ay nagtaas ng kamay si Chum. "At ako? Bakit ako nandito?"

"Because you'll earn a lot of money from this."

"Ayos!"

Pinigilan kong mapangiti kay Chum at ibinalik ko ang atensyon ko sa dalawa. Tumingin ako kay Detective Dalton. "I'm not gonna kill him, Detective. Waine will get whatever he wants, you'll get Wyatt Claw wherever you want, Chum will get his money, and I'll get my peace."

"The law is also after you." he said with no conviction.

"I'm not planning to give up. I will give you Wyatt Claw then we'll be even. Aminin mo man sa hindi, Detective pero kailangan mo ako."

Napatingin ako kay Waine ng bigla itong magsalita. "Why are you doing this? You said you were done. Your family can protect you. Hindi mo na kailangan na gawin ito."

"Alam ko na kaya nila akong protektahan. But I want to protect them too. Hindi mo iyon maiaalis sa akin. I can't let them do the same mistake that I did."

Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?"

Binalingan ko ng tingin si Detective. "Kabilang ako sa isang organisasyon. Katulad mo nasa panig din kami ng batas. Maluwag man ang renda sa amin pero lahat ng ginagawa namin ay nakadepende sa kung anong tama para sa nakakarami. When I came back akala ko magiging maayos na ang lahat sa pagbabalik ko. I was happy, contented and protected. But that changed when Claw sent a letter. Hindi na lang ako ang nakataya kundi pati na ang kaligtasan ng pamilya ko. I heard my family at our control room talking about it. They realized the same thing that I feared. That Claw will never stop this game. Hindi siya titigil kahit na makulong pa siya. Ang tanging paraan para mapigil siya ay ang tapusin ang buong organisasyon. My family activated a code. It's called Code Davids. It's an old code. A myth in our world. Dahil kahit ang mga grandparents ko ay hindi nagtangka na gamitin iyon. But my cousin, Freezale, found out about it. And somehow she took control of that myth."

"Anong code?" tanong ni Waine.

"That code was made by the first owner of BHO, William Davids. Lahat ng may koneksyon sa organisasyon, lahat ng nagtrabaho, ang mga kamag-anak nila, lahat iyon ay titipunin. Gustuhin man nila o hindi every family that were connected on my family's organization will need to give a representative. They will fight with us or their whole family will be annihilated."

Bumakas ang hindi pagkapaniwala sa kanilang mga mukha. Alam ko ang nararamdaman nila. Kahit ako ay hindi magawang maisip na mayroong ganoon na klaseng bagay.

"There is a reason why that code was burried. Walang plano na gamitin ng mga grandparents ko ang bagay na iyon, even my own parents. It was made for protection for the entire agency when the times comes. It was never used until now."

Tinanguhan ko si Chum ng magtaas siya ng kamay. "Bakit hindi mo na lang sabihin sa mga magulang mo?"

"The activation of Code Davids also activated a lock down. Lahat ng papasok na mensahe sa mga magulang ko at sa mga grandparents ko ay filtered." napabuntong-hininga ako. "Ayoko na rin silang madamay."

"You want us to stop your family?" asked Waine, clarifying my intent.

"Yes. And Claw." I said looking at Detective Dalton.

Muling namayani ang katahimikan. Sa pagkakataon na ito ay kahit si Chum ay hindi na rin gumawa ng ingay. Marahil ay napagtanto na rin niya kung gaano kadelikado ang maaring gagawin namin.

I just want to be happy with my family. Ginagawa lang ng BHO CAMP ang sa tingin nila ay nararapat na gawin. Gusto nila akong protektahan at ang mga taong maaari pang saktan ng Claw. But I can't let them do this. I can't let them do something that I know they will regret.

Mahirap ang desisyon na ito para sa pinsan ko na si Dawn. I know that she don't want to do this. But desperate people can give up anything. And BHO CAMP is getting desperate.

"Uy Serenity! Dapat may pangalan ang grupo natin."

Natigilan ako sa tinawag sa akin ng lalaki pero ngumiti na lang ako at pagkatapos ay pinaikot ko ang mga mata ko. "Alam mo Chum akala ko pumapasok na sa utak mo na delikado ang gagawin natin. Medyo panira ka ng moment."

"Maganda na ba sana ang ambiance? Ma-ala action movie? Eh di wow. Basta. Dapat may pangalan. Kunwari..." ginalaw-galaw ni Chum ang kamay na parang nag ma-magic. "XXXX"

"Bastos."

"Luuh. XXXX nga eh. Apat. Hindi tatlo. Alam mo ang bastos ng isip mo Serenity no?"

Sakalin ko kaya ang taong ito? Pero okay na din siguro. Dahil si Waine at si Detective ay parang nasa ibang mundo pa sa ngayon.

"XX na lang." sabi ni Chum.

"Bakit ba?"

"Double cross. Oh bagay di ba? Betrayal o deceive. Iyon naman ang magiging laro natin hindi ba? Pagalingan kung sino ang maraming maloloko."

"Whatever."

"Ang galing ko no? Dahil ako ang nakaisip ng pangalan dapat may dagdag ang bayad ko. Binibili ang ideas ko, you know-"

"Anong una natin na gagawin?" tanong ni Detective na pinutol ang sasabihin ni Chum.

Tumayo ako at humila pa ng isang upuan. Kumunot ang mga noo nila at kaagad naman ako na nagsalita para magpaliwanag. "Hindi pa ako sigurado sa plano ko pero kung sakali, may isa pang uupo sa upuan na ito."

"And where will we start?" Detective asked.

I smiled and looked directly at him.

"We'll start by killing you."



BIGLANG namatay ang telebisyon sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Hermes na nakatayo sa likuran ko at kunot ang noo. Nginitian ko siya at magaang tinapik ko ang sofa na kinauupuan ko.

Umupo siya sa tabi ko. "Hindi ka dapat nanonood ng mga gano'n."

Naiiling na natawa ako. "Hindi ako takot sa dugo, Hermes. Ano namang masama na manood ng balita?"

"Kilala mo ang Detective Dalton na iyon." sabi niya na ang tinutukoy ay ang taong siyang laman ng balita. I told them about him because I didn't hide anything from the debriefing.

"Yes. He was a great detective and it's a pity that he's dead now. Pero wala na akong iba pang nararamdaman. Wala akong trauma kung iyon ang kinakatakot mo."

"Storm-"

"I'm perfectly fine." I whispered and touched his cheek. "Because I know that you love me."

Hinuli niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. "Gagawin ko ang lahat para sa'yo."

"I know." I whispered. "And I love you for that. Kahit na ano pang gawin mo maiintindihan ko."

I can understand why he need to keep something from me. Kung bakit kailangan niya na magsinungaling sa akin. But I'm not a damsel in distress. I want him to protect me but I'm not gonna stand and not do anything. I was ready to quit this life...the life of being an agent. Para sa kaniya at para sa anak ko. This will be my last mission.

"Storm?"

Napakurap ako at nakangiting binalingan ko siya. "Hmm?"

"May gusto ka bang kainin? Hapunan na."

Umiling ako. "Katatapos ko lang na kumain. Hindi na kita hinintay dahil akala ko mamaya ka pa dadating. Ikaw kasi kumuha ka pa ng mission. Akala ko pa naman makakalabas na tayo ni Ale." nakasimangot na sabi ko. "Nakakainip na kaya dito."

Nawala ang simangot ko ng dampian niya ng magaang halik ang labi ko. "Be patient."

"Naiinip na kaya ako. Isang linggo na tayong hindi man lang lumalabas ng headquarters." One week and a day to be exact.

Dinampian niya ulit ng halik ang labi ko. "Patience."

Nanlaki ang mga mata niya ng hilahin ko siya at walang sabi-sabing kinubabawan ko. "Maikli lang ang pasensya ko Hermes Scott." dumukwang ako at tinapat ko ang bibig ko sa tenga niya. "Naiintindihan mo?"

"Storm- aray!"

Natatawang tumayo ako at mabilis na nagtago ako sa likod ng kabilang sofa habang siya ay hawak ang leeg na kinagat ko at tinignan niya ako ng masama. "You witch!"

"Bleh!" nakadilang sabi ko sa kaniya.

"Kahit talaga ng mga bata pa tayo ang hilig mong manggat."

"Mukha ka kasing teether!" pambubuska ko sa kaniya.

Napatili ako at tumakbo ako sa kasalungat na direksyon ng mabilis na pumunta siya puwesto ko. Nagawa kong makailag sa kamay niya na akmang hahawakan ako. "Come here!"

Dinilaan ko siya ulit. "Hulihin mo muna ako!"

Pagkasabi niyon ay tumakbo ako papunta sa pinto at lumabas ako. Bungisngis na sinaluduhan ko ang mga agent na dumadaan at kumaripas na ako ng takbo. Hindi ko na kinakailangan na lumingon sa likod ko dahil nararamdaman ko na nakasunod sa akin si Hermes.

Nang makakita ako ng bukas na bintana ay nakangising nilingon ko si Hermes. Nanlaki ang mga mata niya ng mabasa ang iniisip ko. "Don't you dare-"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at tumalon ako mula sa bintana. Nasa ikaapat na palapag kami pero kabisado ko ang lugar na ito. Kahit nakapikit ay hindi ako mapapahamak.

Mabilis na kumapit ang kamay ko sa nakausling gutter sa pader at itinulak ko ang katawan ko sa susunod na bintana na nasa hall way ng pangatlong palapag. Maingat na humawak ako gamit ang isang kamay habang ang isa ay ipinagtulak ko sa sliding window. Nang magawa ko iyon ay bumitaw na ako.

Umayos ako ng tayo ng maramdaman ko ang pag-apak ng mga paa ko sa lupa. Nakita kong gulat at namumutlang nakatingin sa akin si Dawn at ang isa sa junior agent na si Meghan.

"Hi!" bati ko sa kanila.

"What the hell Storm!" Dawn said clearly in shocked.

Hindi ko siya pinansin at tinignan ko ang junior agent. "May problema ba?"

Napakamot sa ulo ang babae. "Mayroon lang pong na-misplace na mga gadgets. Nagche-check na po kasi kami ng mga nagamit at nakastock na gadgets para malaman namin kung ano ang mga nawawala."

Napamulagat ako. "May nawawala?"

"Meron." sagot ni Dawn. "Mga FF machine."

Kumunot ang noo ko. "Fake Face machine? Sigurado ba kayo? Hindi nakakapagtakang may mawala na Fake Face pero iyong machine mismo parang hindi na kapani-paniwala. That's too big to hide-"

Napairit ako ng may mga kamay na sumaklit sa bewang ko. Hindi ko na nagawang makatakbo dahil parang sako ng bigas na pinasan ako ni Hermes sa balikat niya. "Mauna na kami Dawn. Tuturuan ko lang ng leksyon ang bubwit na 'to."

"Bubwit ka diyan!" angal ko.

He slapped my butt lightly. "Quiet."

"Let me down!"

"Ayoko." sabi niya.

"Hermes!"

"No." he said stubbornly.

"Saan mo ba ako dadalin?!"

"Sa kwarto."

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Pakiramdam ko ay nanlamig ang katawan ko sa narinig ko. I love him but I...I don't know if I can be that intimate with him. There are times when we almost do 'it' but we know where to stop. I know where to stop. I just don't know how now. At hindi ako sigurado kung kaya ko o kung handa ako.

"Hermes." pabulong na tawag ko sa kaniya.

Napatigil sa paglalakad si Hermes at ilang sandali lang ay ibinaba na ako. May pag-aalala sa mga mata na tinignan niya ako. "I'm sorry, Storm."

Umiling ako at pilit na ngumit. "No. I'm just...I..."

"Binibiro lang kita. Hindi kita pipilitin sa bagay na hindi mo gusto. You know that right?" he asked and held my hand gently. "Forgive me?"

"A-Ano ka ba. Nabigla lang ako."

"Storm-"

Hindi na nagawang tapusin ni Hermes ang sasabihin niya ng may marinig kami na mga ingay. Mabilis na tumakbo kami pababa sa pangalawang palapag at napatigil ako ng makita ko si Snow na duguan at karga-karga ni Phoenix. Tila itinulos ako sa kinatatayuan ko sa nakikita.

"Get out of the way!" Phoenix shouted. "Fuck! Move!"

Naramandaman ko ang paghila sa akin ni Hermes para tumabi. Nanatiling nakatingin lang ako sa kanila pero naramdaman ko ang mahinang pagpisil sa kamay ko. Tumulo ang luha mula sa mga mata ko pero pilit na pinigilan ko ang pag alpas pa ng mga nais sumunod doon.

Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko na ngayon ay may bahid na ng dugo. Na sa kabila ng natamo niya ay nagawa pa rin ni Snow na abutin ang kamay ko upang mapanatag ang loob ko.

"Let's go Storm." Hermes said.

Pilit na kinalma ko ang sarili ko at tumingin ako sa kaniya. "What...what happened?"

Nag-iwas ng tingin si Hermes na animo may gusto siyang itago sa akin. Itago ang bagay na alam ko na. "Hindi ko alam."

Muli akong tumingin sa daan na tinahak nila Phoenix kanina. Kinagat ko ang ibabang labi ko ng makita ko ang mga patak ng dugo sa sahig.

I'm sorry, Snow. And thank you. Thank you for being part of XX.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 85.9K 63
Sa isang pagwawakas, hindi maaaring walang masasaktan. Isa man sa inyo, o kayong dalawa pareho. Sa bawat mga hakbang palayo, ay ang unti-unting pagka...
108K 6K 38
It took 30 days for Jellane to fall in love and have her life turned around. 400 days after the death of Fina Romulo, Jellane returns to their homet...
25.9M 515K 43
Past is a good place to visit but certainly not a good place to stay. #BSS1
4.4M 130K 52
"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez...