Journey of Forgiveness

By _Isabelle_

160K 6.6K 1.7K

Forgiveness is a choice but for those who are badly hurt and tainted, forgiveness doesn't seem to be a better... More

Chapter 1 - Anger
Chapter 2 - Unforgivable
Chapter 3 - The right to hate
Chapter 4 - A different turn
Chapter 5 - Birthday
Chapter 6 - Baby
Chapter 7 - Moments of Care
Chapter 8 - Sammy
Chapter 9 - Older Brother
Chapter 10 - Win or Lose
Chapter 11 - Love Story
Chapter 12 - Crushed Flowers
Chapter 13 - A little bit complicated
Chapter 14 - Inlove
Chapter 15 - Try
Chapter 16 - Tiny bits of heartfelt memories
Chapter 17 - Lovesick (Part 1)
Chapter 18 - Lovesick (Part 2)
Chapter 19 - Time is not
Chapter 20 - Closer
Chapter 21 - Choice
Chapter 22 - Wish
Chapter 23 - Past
Chapter 24 - Happy, Sad, Love
Chapter 25 - Goodbye
II Part - Chapter 1 - New People
II Part - Chapter 2 - First Day and First Impression
II Part - Chapter 3 - Sowing Seeds of Faith
II Part - Chapter 4 - Trust and Secrets
II Part - Chapter 5 - Hope, Love and Forgiveness
II Part - Chapter 6 - Two Years
II Part - Chapter 7 - Again
II Part - Chapter 8 - It's too late
II Part - Chapter 9 - Truths and Regrets
II Part - Chapter 10 - Love & Forgiveness (Part 1)
II Part - Chapter 12 - Sammy & Teo
II Part - Chapter 13 - Afresh
II Part - Chapter 14 - Teo's love
II Part - Chapter 15 - Third time

II Part - Chapter 11 - Love & Forgiveness (Part 2)

4.2K 181 57
By _Isabelle_

"Tama na." Ramdam ko ang paghaplos niya sa buhok ko. Ayoko pang bumitaw sa kanya pero si Matt na rin ang kumalas sa akin. At naiintindihan ko iyon. Hindi tama na ganito kami sa isa't isa. Engaged na siya. "Baby..." Pinahiran naman ng kamay niya ang mukha ko ng puno ng luha. Tumango na lang ako at unti-unti akong lumayo sa kanya at umayos ng upo.

"Sa-salamat..." Tumango-tango ito at ngumiti sa akin. "Ganoon kadali napatawad mo na ako...samantalang ako sa'yo noon--" Pinigil niya ang pagsasalita ko ng paglapat ng hintuturo niya sa labi ko.

"Alam ko kasi ang pakiramdam ng hindi napapatawad. I made grave offenses to you before but you forgave me...but no, I am not returning the favor. I just know that once you were forgiven plenty it is also very easy to give your forgiveness to others because you already know what they've been through."

"Thank you." Mahina kong sagot.

"And...and it is very easy to forgive you Sam. I just cannot make myself angry to you for so long."

Tumango ako at ngumiti. Matt is such a wonderful man. Alam ko naman iyon dati pa pero nagpabulag ako sa sitwasyon. At ngayon...nakakakungkot na hindi na siya sa akin.

Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan namin at ganoon lang kami ng matagal. Inayos ko na ang sarili ko at aaktong tatayo ng hinawakan niya ang braso ko. Napaupo ulit ako.

"Matt?"

Hindi siya nagsalita at hinawakan niya ang mukha ko. Hindi na ako nakapagreact ng lumapit ang mukha niya sa mukha ko at ng nilapat niya ang labi niya sa labi ko. One, tender kiss. Matapos ay nilayo niya ng konti ang mukha niya sa akin.

Tumingin lang ako sa kanya.

"Sam..." Nilapit niya ulit ang mukha niya sa akin at nilapat niyang muli ang kanyang labi pero hindi na siya tumigil ngayon. Tuloy-tuloy ito hanggang sa bumilis. At hinayaan ko lang siya at sinagot ko ang bawat halik niya sa akin. Alam kong kailangan kong tumigil dahil mali pero hindi ko magawa iyon.

Tinayo niya na ako at inalalayan niya ako patungo sa sofa. Hiniga niya ako roon habang hindi pinuputol ang pagsasagutan ng mga labi namin.

Matapos ay bumagal ang paghalik niya sa akin hanggang sa tumigil ito. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko siyang nakapikit at hinaplos ang mukha ko. Ilang sandali pa itong hinaplos at kinapa ang mukha ko bago dumilat. Ngumiti ito.

"You're not a dream." Nakatitig lang ako sa kanya sa sinabi niya. "All this time when I see you like this it's a dream."

Inabot ko ang mukha niya at hinaplos ko iyon ng marahan. Nakatingin lang siya sa akin na para bang hindi makapaniwala.

"Mahal pa rin kita, Matt." Nakatingin lang ito sa mga mata ko na para bang inaalam kung totoo ang sinabi ko. "Wala naman nagbago doon...mahal pa rin kita." Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung mali bang sabihin na mahal ko pa rin siya dahil iyon ang totoo. "At alam kong mahal mo si Rea--" Binigla niya ulit ako ng halik. Iba ang pakiramdam ng halik niya na ito. Marahan, masugid at nagpakalat ng init sa katawan ko. It was overwhelming.

At hinayaan ko lang siya na kontrolin ako sa pagkakataon na iyon. Walang nagsasalita sa amin kundi ang mga katawan lang namin na nangungusap sa isa't isa at oo, binuhos ko sa muling pag-iisa namin ang buong pagmamahal ko.

Matapos ay magkayakap lang kami habang nagsisiksikan kami sa sofa. I felt him kissed me on my forehead and I didn't bother to open my eyes because of the sweet exhaustion.

"I still love you, Sam, so much." Napangiti ako sa binulong niya sa tenga ko. Niyakap niya akong mas mahigpit. Nagsumiksik lang ako sa dibdib niya at natulog ng ganoon.

...
"How are you feeling?" Nabigla naman ako ng maramdaman ko si Matt na niyakap ako sa likod ko habang nagluluto ng agahan.

"I'm happy but--" Natigilan ako ng maramdaman ko ang paghalik niya sa leeg ko.

"Daddy...Daddy..." Napatingin naman ako sa umiiyak na si Sammy na nagkukusot ng mata. Kakagising lang nito. Inalis na ni Matt ang pagkakayakap niya at kaagad kong iniwan ang niluluto ko at lumapit sa anak ko.

"Good morning, baby!" Ngiti ko rito. Tiningnan ako nitong mabuti. Kinarga ko naman ito at nagpakarga ito sa akin. "Anong gustong breakfast ng baby namin?"

Lumapit ako sa lutuan na ngayon naman ay si Matt na ang nagpatuloy.

"Ahm...ahm..." Nag-isip pa ito pero sa huli ay yumupyop na ito sa leeg ko at pumikit. Mukhang inaantok pa ito at wala pa sa mood.

"You want Mommy to cook pancakes for you?" Natigilan naman ako sa sinabi ko.

"Mommy..." Narinig ko naman salita nito. Tumingin ako rito at nakapikit pa rin siya. "Mommy...I want pancakes."

Napatingin naman ako kay Matt dahil sa sinabi ni Sammy. Ngiting-ngiti ito sa akin. Ito na naman ang luha ko. Kahit na alam kong subconciously ang pagtawag sa akin ni Sammy ng Mommy pero ang saya-saya ko.

"Okay, baby, Mommy will make pancakes for you."

Matapos magluto ni Matt ng hotdogs, eggs, at bacon ay ako naman nagsalang ng kawali at gumawa ng pancakes. Laking pasasalamat ko na bumili ako ng mold ng mga cartoon characters in hope na magagawa ko ito kay Sammy at ngayon nga ay nagagawa ko na.

"Teo, sa akin ka na muna magluluto si Mommy." Napangiti ako. Pinangatawanan na talaga ni Matt ang pagtawag ng Mommy.

"No!" Lalong yumakap ito sa akin ng mahigpit gaya noon baby pa ito. Nagkatinginan kami ni Matt sa ginawa ni Sammy. Tinulungan na lang ako ni Matt na maghalo ng ingredients at ilagay sa mold. Hindi na rin ako masyado makagalaw. Ang laki na kasi ni Sammy at mabigat na.

"Daddy, pihitin mo na sa kabilang side po." Pinihit naman ni Matt iyon pancake at matapos ang ilang segundo ay luto na ito.

"Look, baby, tingnan mo iyon shape ng pancake. Sino iyon?" Dumilat naman ito at sumilip sa pancake.

"Stuart." Salita ni Sammy.

"Si Mommy hindi kilala kung sino yon." Natawa ako sa sinabi ni Matt.

"Hindi nga. Sorry. Siya ba si Stuart, baby?" Tanong ko kay Sammy at tumango ito. "Akala ko minions lang pangalan nila eh.

"Hindi po Mommy. Meroon din Larry at Dave at Phil at Tim."

"Wow! Kilala mo sila?"

"Opo." Nagpababa na si Sammy sa akin at pumunta sa bag niya at naghalungkay. Matapos ay bumalik sa akin dala ang minions niya.

"Oh! Ito pala sila." Tumango naman si Sammy.

"O sige tama na muna 'yan. Kain na tayo Mommy, gutom na ako." Kinuha naman ni Matt si Sammy at inupo sa silya sa dining table habang tinatapos ko naman ang pancake ni Sammy.

Naging madaldal na si Sammy at kwento ng kwento na sa minions niya. Nakakatuwa na napagaling magmemorya ni Sammy ng pangalan at iyon mga napanuod niya.

"Baby, what do you call the very, very, very pretty lady?" Napatingin naman ako kay Matt sa tanong niya kay Sammy. Tumingin naman sa akin si Sammy.

"Mommy." Salita nito. Tumingin naman ako kay Matt at ngumiti ito sa akin. "Mo-Mommy, Daddy said last night that you are my Mommy. Ca-can I call you Mommy and not Tita Sam?" Napatingin ako kay Matt sa hindi ko pagkapaniwala. Hindi ako makapagsalita agad dahil parang natabunan ng kung ano ang lalamunan ko.

"Ye-yes...baby." Nanginginig ang boses ko at ito na naman ang pag-iyak ko.

"May mommy na ako!" Exclaimed pa ni Sammy at napangiti ako. "Mommy, hindi ka na aalis 'di ba po?"

"Hindi na." Pinunasan ko ang luha ko.

"Naayos niyo na po iyon sa malayong-malayo?"

"Yes, baby." Hikbi ko pa.

"Mommy, sabi ni Daddy kagabi sa'yo daw po ako nanggaling. Saan po ako galing sa'yo?" Napangiti ako sa inosenteng tanong ng anak ko.

"Dito." Turo ko sa puso ko. "Galing ka sa heart ni Mommy at ni Daddy dahil love namin isa't isa tapos bumaba ka at nagpunta sa tummy ni Mommy." Turo ko pa sa tiyan ko. Ngumiti si Sammy.

"Can I go in there again?" Napatingin naman ako kay Matt sa pagtawa niya.

"Baby, hindi na. Masyado ka ng malaki para magkasya sa loob ng tiyan ng Mommy mo." Tatawa-tawa pa ito. Bumaba ng inuupuan niya si Sammy at nagpunta sa akin at pilit sinisiksik niya ang ulo niya sa tiyan ko. Napangiti naman ako.

...
"Hindi ko alam na sinabi mo na kagabi." Salita ko sa kanya. Nasa labas kami ng bahay sa may kubong pahingahan at nilatagan namin ng mahihigan si Sammy sa papag na nagsisiesta na ngayon.

"He was asking for your story again and I made a very realistic story last night about you." Pinagmasdan ko ang mga mata ni Matt. "I told him that he can see his very, very, very pretty Mommy now because she came back and her beautiful name is Sam."

"Thank you." Lumapit ako sa kinauupuan niya na may dala-dalang namumukadkad na rosas. Naupo ako sa tabi niya at hinalikan niya ako sa sintindo. "Akala ko ang kwento ulit ay isa na naman akong alien na bumaba sa lupa at minahal ka." Tumawa naman si Matt.

"Para ba sa akin ang rosas na iyan?" Napangiti ako sa tanong niya.

"Remember the time that you dragged me somewhere and the place was all roses and sampaguita?"

"Yeah...I think I had a dramatic moment back then." Nahihiyang tugon niya. Napangiti ako ng malaki sa sinabi niya.

"Remember when you crushed the sampaguita and let me smell it?" Tumango ito. Ganun din ang ginawa ko sa rosas na hawak ko. Kinuha ko ang bulaklak at sinira, pinagpira-piraso at pinagulong-gulong ko ito sa palad ko. Matapos ay pinaamoy ko sa kanya ang halimuyak ng rosas. "Now, I understand what you meant about crushed flowers and forgiveness."

"Mabango nga." Salita nito sabay halik pa sa kamay ko. "Really?" Nagtaas pa ito ng kilay sa akin.

"Forgiveness is the fragrance that a flower sheds from the heels that crushed it." Ngiti ko sa kanya. "Now I know not because I learned to forgive but because I was forgiven. "Pagpapatuloy ko pa. "And you are the exact example of the rose that I just crushed. Kahit kasi malaki ang naging kasalanan ko sa inyo pero tinanggap mo pa rin ako at pinatawad ng ganoon kadali." Niyakap naman niya ako at dinantay ko ang ulo ko sa dibdib niya. Hindi ako nagsalita at nanatili lang akong nakaganoon sa kanya.

"Anong iniisip mo?" Umiling ako. "Sam, kahit na halos tatlong taon tayong hindi nagkasama hindi ibig sabihin noon ay hindi na kita kilala." Tiningala ko siya at nakatingin na ito sa akin. "Alam ko pa rin nga ang kiliti mo." Pilyong sabi pa nito.

"I...I'm thinking about Rea...en-enagaged na kayo tapos...tapos may nangyari sa atin." Tiningnan akong mabuti ni Matt na para bang may inaalam sa mga mata ko. "May mali...Matt..."

"Sam, unang-una walang mali sa nangyari sa atin dahil mag-asawa tayo." Haplos pa nito sa mukha "At pangalawa, nakipaghiwalay na ako kay Rea." Nanlaki naman ang mga mata ko sa inamin ni Matt.

"Te-teka...noon isang araw lang sinabi ni Sammy na kasama niyo siya?" Nagtatakang tanong ko. Nabanggit kasi ni Sammy na nagcheer sa kanya ang Tita Rea niya noon naglaro siya ng basketball.

"Nakapangako na kasi si Rea kay Sammy kaya ganoon...pero wala na kami. I broke up with her last week after I came here and had that honest conversation with you."

"Na-nasaktan mo si Rea, Matt...at a-akong dahilan bakit ka nakipaghiwalay ka sa kanya? Ayokong makasakit ng iba, Matt. Ayoko na."

"Kaya ba mas mabuti na lang na ikaw ang masaktan?" Mariin tingin ni Matt sa akin. "It's a choice that I have made, Sam, not yours." Seryosong sabi nito. "Sam, simple lang tumakbo ang utak ko at dahil doon simple ang naisip ko solusyon. Kailangan ko lang mamili. Kailangan ko lang pumili ng isa kahit na alam kong may masasaktan kasi mas makakasakit ako ng dalawang tao kapag hindi ako nagdesisyon. At pinili kita kasi hanggang ngayon mahal pa rin kita. Hindi pilit at walang ibang kondisyon basta mahal lang kita." Natahimik ako sa sinabi niya.

"Pero mahal mo si Rea..."

"I didn't say I love her. Gusto ko si Rea, Sam, pero hindi ko siya mahal. Oo, binalak ko na pakasalan siya kasi palagay ko naman ay matutunan ko rin siyang mahalin at para mabigyan ko na rin ng ina si Sammy. Nauubusan na rin kasi ako ng kwento tungkol sa'yo...But then...you came back."

"Pero ganoon kadali pinili mo ako?" Mahina kong tanong.

"Ganoon lang kadali sa akin kasi mahal kita. And I think my love for you is too great to be forgotten." Hinawakan niya ang mukha ko at pinagmasdan akong mabuti. "Sam, nasayang ang halos tatlong taon na dapat magkasama tayo at ayoko ng sayangin ang panahon ngayon." Tumango ako. "At ang anak natin sabik na sabik na sa'yo." Tumingin ako kay Sammy na natutulog sa papag. "Umuwi ka na, Sam."

"Sa-saan? Ito na ang bahay ko." Umiling siya sa akin.

"Sa bahay natin. Sumama ka na sa akin. Kailangan ka namin ni Sammy sa bahay." Natigilan ako sa sinabi niya.

"Matt...paano...marami tayong kailangan ayusin. Dito sa farm, ang pamilya mo, iyon annulment. Paano? Hindi ganoon kadaling uuwi ako sa bahay."

"Mahal mo ba ako, Sam?" Tumango ako. Tinaasan ako nito ng kilay na tila nanghihingi ng verbal na kompirmasyon sa akin.

"Mahal na mahal kita Matt." Tugon ko.

"Iyon anak natin na natutulog ngayon?"

"Mahal na mahal ko rin." Ngumiti siya sa akin at dinampian niya ang labi ko.

"Kung ganoon pala umuwi na tayo sa'tin. Kung anuman problema natin at kailangan natin gawan ng solusyon, baby, harapin natin at ayusin ng magkasama. Pwede ba iyon, baby?"

Tumango ako.

"Yes, baby, uuwi na ako."







Continue Reading

You'll Also Like

15.3K 1K 22
Hindi pinangarap ni Francesca ang maging bida. She's a Hufflepuff. She doesn't like adventure in her own life, she likes to keep everything peaceful...
230K 5.9K 53
Heaven's Angel University isang unibersidad kung saan puno ng lihim, misteryo, at mga hindi pangkaraniwang nilalang. Mga nilalang na tanging sa imahe...
116K 2.3K 35
Author's Note: Hi! This is the second time I'm revising this story after years of putting this on hold. Some of the chapters were written by 13 year...
4.8K 413 44
ROMANCE Janessa with her beauty and intelligence lived a happy life until her parents died when she was 14. When her adoptive mother died when she wa...