II Part - Chapter 12 - Sammy & Teo

3.9K 167 39
                                    

"Madam, maganda ka naman kahit mga luma ang mga damit mo. Pero naman, sinabihan ka na nga ni Sir Matt bumili ka ng damit...ewan ko ba naman sa'yo Sam." Paalis na ako papunta sa school ni Sammy dahil may presentation kasi sila ng achievements nila at hindi makakapunta si Matt kasama ko kaya ako lang mag-isa ang kasama ng anak ko.

"Hindi na muna sa ngayon." Madali ko pa. Sinundan lang ako ni Simone sa kwarto ni Sammy. Nabihisan ko na kasi siya kanina at naglalaro na lang ito.

"Baby, halika na." Silip ko sa kanya sa kwarto at tiningnan muna ako nito ng matagal.

"Si Tita Rea po pupunta?" Natigilan naman ako sa tanong ni Sammy.

"Hindi ko alam, baby. Kasama mo naman si Mommy." Tumingin muna sa akin ng matagal si Sammy matapos ay tumango. Ito ang problema na kinaharap ko sa isang linggo kong pamamalagi sa bahay si Sammy at ang attachment niya kay Rea. Oo, tinatawag niya akong Mommy at nakikipaglaro siya sa akin pero malimit ay hinahanap niya si Rea. Nakasanayan niya na rin siguro itong kasama at hindi ko masisisi ang anak ko.

Nilagay ko na ang bag ni Sammy sa likuran niya.

"Si Tita Rea siya po nagbubuhat ng bag ko." Napabuntong hininga ako. Sa isang linggo kong paghahatid sa kanya sa school ay lagi niya itong sinasabi sa akin.

"Teo, bag mo ito kaya kailangan ikaw po ang magbuhat. See, meroon din bag si Mommy." Tiningnan lang ulit ako nito bago nito kinuha ang bag niya. "Let's go, baby." Lahad ko ng kamay ko. Tiningnan lang ulit nito ang kamay ko kagaya ng ginagawa niya sa buong isang linggo. Alam kong kailangan ko munang sanayin ang anak ko sa presensiya ko pero minsan hindi mawala sa akin ang malungkot at maguilty. Sa huli ay kinuha niya rin ang kamay ko.

"Sam..." Tingin ko kay Simone at tumango ito sa akin. Palaging witness ito sa amin ni Sammy.

Gaya ng byahe namin sa nakaraang isang linggo tahimik si Sammy. Titingnan niya lang ako. Akala ko noon umuwi na ako sa bahay ay magiging maayos kami ni Sammy dahil na rin sa pinakita niya sa akin sa sleepover nila sa farm pero mali pala ako. Oo, pumasok sa isip ko na mahihirapan akong kunin ang loob niya dahil matagal kaming hindi nagkasama pero hindi ko inakala na si Rea ang magiging problema ko dahil sanay sa kanya ang anak ko at ito malimit niyang bukambibig.

Dumating na kami sa school ni Sammy at may teacher na nasa labas na talagang naghihintay sa amin.

"Good morning Ma'am. Good Morning Teo. Teo, who are you with?" Tumingin sa akin si Sammy.

"She is my Mommy." Sagot ng anak ko at tumingin sa akin ang teacher niya na gulat.

"Sorry po, Ma'am. Kayo po si Mrs. Domingo?" Tumango ako at tila naguguluhan ang teacher niya. "Mukha po kayong bata. Akala ko po kapatid kayo ni Teo. Atsaka kasi po malimit makita ko sa events ay si Mr Domingo at si Ms Garcia--" Natigilan ang teacher at tumingin sa akin. "Sorry po ulit Ma'am I didn't mean to say that."

"Okey lang po, Ma'am. Alam ko naman po na bago niyo lang ako nakita rito. Ako na ang laging naghahatid kay Teo. I'm Sam...Sam Domingo, Teo's biological mother."

Tumango ito at tumuloy na kami sa klasrum ng anak ko. May seats para sa mga magulang at lahat sila ay nakadamit ng maganda. Napatingin ako sa lumang damit ko. Tsk! Kailangan ko na ngang sundin si Matt sa sinabi niya.

Nagsisimula ng magpresent ang mga bata ng gawa nila at kasama na rin ang nakakatuwang eksplenasyon nila sa mga ginawa nila sa school at ang naging project nila. Tumingin ako kay Sammy at nakita ko itong palingon-lingon at malimit sumilip sa may pintuan. Mukha itong malungkot kaya pinuntahan ko ito sa kinauupuan niya.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon