II Part - Chapter 13 - Afresh

4.4K 162 33
                                    

"Matt si Boaz kaibigan ko. Boaz si Matt, asawa ko." Pakilala ko sa dalawa. Nasa bahay kami ng mga magulang ni Boaz dahil inimbitahan nila kami sa thanksgiving dahil sa mabilis na recovery ni Daddy Sac. Si Boaz ang nagbukas ng gate at nakangiti ito pero halatang natigilan siya ng makita niyang kasama ko si Matt at si Sammy na karga-karga ng Daddy niya. Nagkamay ang dalawa pero walang nagsalita.

"Ito na ba si Sammy?" Tanong ni Boaz.

"Teo." Pagtatama pa ni Matt.

"Hi Teo!" Tumingin lang si Sammy kay Boaz matapos ay tumalikod at dumantay na ulit sa balikat ng Daddy niya. Kahit si Sammy ay wala sa mood. Dapat kasi ay lalabas sila nila Mommy Naomi na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita pero nakiusap ako kay Matt na pumunta ngayon sa selebrasyon kina Boaz. Matagal na kumbinsehan ang naganap. Ayaw ni Matt na pumunta ngayon at sinabi niyang ako na lang daw ang magpunta pero bakas ko ang galit niya noon sinabi niya iyon kaya pinaliwanag kong mabuti kung bakit niya kailangan makilala sina Boaz maging si Mama Niel at Papa Zeke. Sinabi ko kay Matt na gusto kong magsimula kami na alam namin ang lahat-lahat ng nangyari sa nakaraan paghihiwalay namin at kilala ang mga taong napalapit sa amin at minahal at inuumpisahan ko iyon. Gusto kong makita niya kung gaano kabuti ang pamilya na kumupkop sa akin at gusto kong makilala sila rin ni Sammy.

"Pasensiya ka na kakagising lang ng baby namin." Ngumiti naman si Boaz sa sinabi ko.

"Tuloy kayo, Sam, Matt." Lumingon ako kay Matt at tumango lang ito sa akin pero halata ko na hindi niya talaga gusto ang pagpunta rito. Pero alam ko kapag nakilala na ni Matt sila magbabago ang pananaw niya.

Bumungad sa amin ang pamilya ni Boaz na si Nanay Rachel, Daddy Sac kasama sina Ate Gracie, Kuya Joshua at ang baby girl nila na si Dani na four years old na.

"Hi Sam!" Tumayo si Ate Gracie at sinalubong ako at niyakap. Sa tatlong taong pamamalagi ko roon ay naging close ako kay Ate Gracie at nagkaroon ako ng totoong palaban at gentle at the same time na ate sa kanya. "Namiss kita!" Yakap pa nito ng mahigpit sa akin.

"Si Matt po, asawa ko at si Teo ang baby po namin." Pakilala ko sa mag-ama ko. Nagsitayuan naman sila at pinuntahan kami at nakipagkamay at yakapan sa amin. Tumingin ako kay Matt at bakas ko ang pagkailang sa mukha niya.

"Matt? Ikaw ba iyan? Ikaw ba ang anak ni Naomi at Peter?" Napatingin naman ako kay Nanay Rachel sa tanong niya. "Ako si Tita Rachel na nakatira sa subdivision niyo noon? At ito si Gracie iyon kalaro mo." Tumingin lang si Matt kay Nanay Rachel na tila naguguluhan.

"Sila nga po ang mga magulang ko pero hindi ko po maalala kayo, sorry po." Ngumiti lang si Nanay Rachel.

"Naging kalaro ko siya 'Nay?" Tanong pa ni Ate Gracie.

"Oo, anak, kaso masyadong bata pa kayo. Four to five years old ka pa lang noon. Hindi pa nga kayo mapaghiwalay." Ngumiti naman si Matt na tila may naalala.

"Parang mayroon nga akong naalaala." Salita ni Ate Gracie. "Matty!" Tumawa si Ate Gracie at ngumiti si Matt. "Akalain mo nga naman. Ang liit ng mundo talaga."

Tumingin ako kay Matt at nakita ko itong nakangiti. Si Sammy naman ay bumaba sa Daddy niya at pinuntahan ito ni Dani. Nakatingin lang ito kay Dani at ngumiti si Dani ng maganda niyang ngiti. Kinuha nito ang kamay ni Sammy.

"Ayaw." Narinig kong sabi ni Sammy. Ngumiti lang sa kanya si Dani at tinuro ni Dani ang mesa atsaka kinuha ulit ang kamay ni Sammy. Hindi siya maintindihan ng anak ko. "Why you are not speaking?" Kaagad akong lumapit sa aide ni Dani.

"Teo, niyayakag kang kumain ni Dani. Doon ka raw umupo sa tabi niya at sabay kayong kumain." Tiningnan lang akong mabuti ng anak ko.

"Bakit hindi po siya nagsasalita?" Ngumiti ako kay Sammy matapos ay tumingin kay Dani na nakangiti ng napakaganda. Ang gandang bata talaga ni Dani. Hindi man siya totoong anak nila Ate Gracie at Kuya Joshua pero nakakahawig na rin nila ang bata dahil sila na rin ang nakagisnan niyang magulang. Naalala ko naman ang kwento tungkol sa pag-iwan mag-isa ng sanggol sa labas ng church building at si Ate Gracie ang nakakita sa kanya. May komplikasyon sa tenga si Dani kaya hindi ito makarinig at kasama na rin doon ang hindi nito pagsasalita. Congenital na raw ito. Pero kahit na ganun ay napakamasayahin nitong bata. Lagi itong nakangiti at lagi itong sumasama sa mga bagong bata tuwing assigned ako sa bible study ng mga bata. She will always make the new kid welcome.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon