II Part - Chapter 3 - Sowing Seeds of Faith

2.9K 137 48
                                    

"Sam, hindi ka ba muna kakain?" Tanong ni Mama Niel. Tumingin ako sa relo ko. Alas singko y media na ng umaga kelangan ko ng tumakbo.

"Mamaya na lang po pagbalik ko." Ngumiti ako rito. Tumango si Mama Niel pero nilapitan ako at hinawakan ang ulo ko. Ganitong-ganito si Mama. Pinagdarasal niya ako.

Kaagad akong lumabas ng bahay nila Boaz na napagpasyahan ko na rin upuhan ang isang kwarto para mas malapit ako. Kahit ayoko man aminin tama si Boaz. Mas madali para sa akin ang malapit sa trabaho.

"Good Morning, Sam."

"Good Morning, Papa Zeke." Nakita ko itong nakaupo sa veranda at nagkakape. Laging ganito ang scene tuwing umaga. Nakabukas na ang bible nito at nagbabasa. Sabi ni Papa Zeke ay morning devotion niya raw iyon at hindi maintindihan ang ibig sabihin nito.

"Nauna na sa'yo si Boaz." Tumango ako. Hindi talaga ako sumasabay kay Boaz na tumakbo.

Nagwarm-up ako saglit matapos ay nagsimula na akong magjogging. Ito na ang morning routine ko sa isang buwan na pamamalagi ko. Nalilibot ko na ang buong farm at hindi na ako madaling mapagod sa trabaho.

Pero hanggang ngayon ay hindi ko matapos ang buong farm na tumatakbo. Naglalakad pa rin kasi ako sa huli sa pagod. Iyon ang main goal ko ang matapos ang buong farm ng tumatakbo at hindi naglalakad.

Maliwanag na tuwing alas singko y media sa farm kaya hindi nakakatakot. Masarap at presko rin ang hangin. Ito ang paborito kong parte ng araw, ang umaga. Lahat ng bagay ay bago, fresh at masaya.

Umiiyak pa rin ako tuwing gabi dahil namimiss ko si Sammy. Marami pa rin bagay na tumatakbo sa isip ko. Na gusto ko ng bumalik kay Matt para makasama na ulit ang anak ko o kaya ay ipakiusap kay Matt na ibigay na lang sa akin si Sammy. Alam kong hindi naman kami aabot sa korte ni Matt sa custody kay Sammy. Although hindi pa sapat ang income ko pero palagay ko ay kaya ko ng bigyan kahit simpleng buhay si Sammy. Simpleng buhay lang, hindi kagaya ng maibibigat ni Matt sa kanya.

Nakakadalawang dulo na ako. Tumingin ako sa relo ko at alas sais y media na ganoon kabilis. Lumawig na rin ang araw.

Nadaanan ko ang lupa na pagtataniman ng mais. In a few weeks time sisimulan ko na ang pagtatanim. Nasa kalendaryo iyon ng bukid. Nakapagresearch na rin ako ng pataba at pesticide na maaring gamitin. Hindi ko pa nga lang nasasangguni kay Boaz dahil hindi pa kumpleto ang research ko. Balak ko pang pumunta ng bayan at magtanung-tanong sa supplier kung ano bang maganda at maayos na produkto at wala akong balak na ipaalam kay Boaz iyon hanggang final na.

"Pangatlo." Salita ko at nagpahinga ako ng kaunti. Nagsisimula na akong hingalin pero improvement na ito dahil nasa pangatlo na akong dulo. Dati sa unang dulo palang ay hingal na ako.

Nang pakiramdam ko ay kaya ko na ay tumakbo na ulit ako. Mabagal na ang pagtakbo ko pero hindi ako pwedeng maglakad iyon ang sinabi ko sa sarili ko. Dapat jogging lang. Kailangan ko itong maovercome. Pero sa huli matapos kong maabot ang pang-apat ay sobrang hingal na ako kaya naglakad na lang ako pabalik. Nakita ko si Boaz na nagkakape na sa may veranda. Kanina pa siya tapos magjogging. Tinanguan niya at tumango lang ako sa kanya.

"Kaya?" Tanong nito.

"Yup." Hingal kong sabi. Pagdating kay Boaz ayokong aminin na hindi ko kaya. Laging kailangan ay may 'can-do' attitude ako sa tuwing kakausapin ko ito. Bawal ang magreklamo at sumuko.

Matapos kong maligo ay nagpalit na ako ng standard kong damit sa bukid na preskong telang pantalon, sando at long sleeves na manipis na pamatong at Mojo sandals kung hindi naman kami pupunta sa putikan. Binili ako ng Mojo ni Mama Niel dahil kakailangan ko raw ito at true enough maalwan nga sa paglalakad at matibay ito.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon