II Part - Chapter 10 - Love & Forgiveness (Part 1)

4.3K 161 62
                                    

"Matt?" Hindi naman ako mapaniwala na nandito na naman siya. Nakapasok na ang kotse nito sa loob ng farm at pababa na ito ng kotse. Parang last week lang ay nandito siya. "Sammy..." Tumitig lang ako kay Sammy ng bumaba ito mula sa likod ng kotse. Tumingin ako kay Matt at nakangiti ito sa akin.

"Hi Tita Sam!" Exclaimed pa ni Sammy sa akin.

"Hi baby!" Lumuhod ako para pumantay ako rito. "Can I kiss you?"

Tumingin naman ito sa Daddy niya at tumango si Matt.

"Ang bango naman!" Halik ko pa sa pisngi nito. Naalala ko naman noon baby pa talaga si Sammy. Lagi ko itong inaamoy-amoy at hinahalikan. "How are you?" Tanong ko rito.

"I am good! I played basketball at school yesterday and my teacher said I was good. Si Daddy kasi nagtrain sa akin." Tiningnan ko naman si Matt. Naalala ko naman ang palaging sinasabi nito noon baby pa si Sammy na tuturuan niyang magbasketball.

"That's good! Mukhang magaling na coach si Daddy."

"Opo. And Tita Rea is my cheerleader. Meroon po siyang pompoms." Napangiti ako. Rea really cared for Sammy.

"Do you wanna see me play? Meroon po ba kayong basketball court dito?" Ngumiti ako sa anak ko.

"Wala Sam-Teo eh. Sorry. Pero meroon akong hammock. Iyon duyan. Tsaka meroon din akong alagang tuta."

"Duyan at tuta? Can I see, Tita?" Nanlaki naman ang mga mata nito. Mabuti na lang pala ay binigyan ako ng aso ng isa sa mga kliyente ko. Nakakatuwa na interesado si Sammy rito.

Tumingin ako kay Matt at tumango ito sa akin.

"Binibisita ka namin Tita Sam. Balita namin kasi mag-isa ka tuwing weekends." Tiningnan ko lang ng matagal si Matt sa sinabi niya. "Oh sige na. Akala ko ba pupunta kayo sa duyan at sa tuta?"

"Let's go Tita!" Kinuha ni Sammy ang kamay ko at hinila ako. Napatingin naman ako sa maliit na kamay niya na hawak-hawak ang kamay ko. Hindi ko maiwasan maalala talaga noon baby pa siya at mahigpit ang hawak ng kamay niya sa akin at kung saan-saan niya ako dinadala. "Tita Sam! Let's go na po." Tumayo ako sa kinaluluhuran ko at talagang tumatakbo kami ni Sammy. "Saan po Tita?"

"Puntahan muna natin si Blackie."

"Blackie?" Lumingon ako sa likod ko at nakita ko na nakasunod sa amin si Matt.

"Blackie ang pangalan niya kasi itim siya." Ngumiti si Matt pero palagay ko ay nang-aasar siya if I remember correctly that smile.

"You are just so creative in giving names, Sam." Ngumiti ito ng malaki. Kumpirmado. Inaasar niya ako. "Mabuti na lang talaga na ako ang nagdecide sa pangalan ni Sam--" Natigilan naman si Matt at tumingin ito kay Sammy.

"Tita, let's go na po. Daddy mamaya na po ninyo kausapin si Tita. We have business to do." Natawa naman ako sa tinuran ng anak ko. Saan niya nakukuha ang mga termino na iyon?

Nagpunta muna kami sa opisina at sinalubong kami ng makulit na si Blackie. Nilapitan agad ito ni Sammy at tuwang-tuwa ito. Gusto itong kargahin ni Sammy pero tumatakbo ito na tila nakikipaglaro sa anak ko at nakikipaghagaran na rin si Sammy rito and he keeps on chasing Blackie.

"Tita, ayaw pakarga ni Blackie. Tell him to stay in place." Naiinis na salita pa nito.

"Teo, mukhang ayaw niyang magpakarga. Maglaro na lang kayo ng ganyan o kaya pet him."

"Eh ayaw niyang lumapit sa akin." Nakanguso pang sambit ng anak ko.

"Halika dito, Teo." Nakaupo kasi ako sa may hagdanan sa harap ng office at lumapit naman ito sa akin. Kinandong ko siya sa lap ko saka ko tinawag si Blackie.

Journey of ForgivenessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon