Agent Night (Tagalog | Compl...

By nyxxiv

6.3K 251 7

Four dead students, one dead politician, one dead secret agent. What do they have in common--four punctured w... More

Agent Night
Chapter 1 - Night and Day
Chapter 2 - PUGITA
Chapter 3 - The Top Secret Coded in Black
Chapter 4 - The Argonauts
Chapter 5 - Undercover
Chapter 6 - Burnt Insignia
Chapter 7 - December 24, 1850
Chapter 8 - The Fall of Olympus
Chapter 9 - The God of Poetry, Apollo
Chapter 10 - The Erased Inferno
Chapter 11 - District Five's Guest
Chapter 12 - Alexander Santiago
Chapter 13 - The Heavenly Messenger
Chapter 14 - Guns and Fangs
Chapter 15 - The Brown Coded Case
Chapter 16 - Shooting Arrows
Chapter 17 - Alexander's Warning
Chapter 18 - The Viper
Chapter 19 - The Harlequin
Chapter 20 - The Cat's Out of the Bag
Chapter 21 - Battle Tactics
Chapter 22 - The Tale of Two Brothers
Chapter 23 - Pointing Guns
Chapter 24 - Save the Cross
Chapter 25 - Singko
Chapter 26 - Behind that Door
Chapter 27 - Underground Painting Exhibit
Chapter 28 - Agent Zero
Chapter 29 - The Justice's Instincts
Chapter 30 - Hush Tones
Chapter 31 - The Furies
Chapter 32 - Allies
Chapter 33 - Shadows
Chapter 35 - The Rise of the Sun God
Chapter 36 - There and Back Again
Chapter 37 - The Woman's Tear
Chapter 38 - Scary Feelings
Chapter 39 - Vincent
Chapter 40 - The Invitation
Chapter 41 - The Cult of Black Cloaks
Chapter 42 - Silhouettes
Chapter 43 - Starting Line
Chapter 44 - The Lion and the Cubs
Chapter 45 - The Elementals
Chapter 46 - To The Fairest
Chapter 47 - Ultimatum
Chapter 48 - Into the Night
Chapter 49 - Battlefield
Chapter 50 - Choices, Sacrifices
Epilogue
Author's Note

Chapter 34 - Dead Snake

64 3 0
By nyxxiv

Pagkatapos mag-almusal, nag check-out na kami ni Justin sa inn. Dumiretso kami sa St. Joseph Hospital upang dalawin si Tito Louie.

Pagdating sa labas ng kwarto kung nasaan si Tito Louie, hinarang kami ng dalawang pulis na hindi naka-uniporme at silang nagbabantay doon. Nalaman ko agad na mga pulis sila dahil kung tauhan sila ng Psyche, malamang nakasalampak na sila sa sahig dala ng walang ibang mauupuan sa hallway.

"Identification?" Maotoridad na sambit ng isa. Nakasuot ito ng polo shirt na green at maong pants. Matikas ang pangangatawan nito, mababa ng dalawang pulgada kesa kay Justin at marahil ay kasing edad din niya.

"Anicka Velchez," pakilala ko, pinipigil ang sarili na pagtaasan ito ng kilay. "And Justin dela Riva." Itinuro ko ang kasama ko.

Nagtinginan ang dalawa na ikinainis ko lang. Ayaw ko ang sinasayang ang oras ko ng ibang tao.

"I'm Anicka Velchez, the younger sister of Dominic Velchez and the patient is a friend of mine," paliwanag ko sa kanila.

"I.D?" inalahad ng isang naka-itim na t-shirt ang kanang kamay nito sa harap namin.

Bumuntong hininga ako at hindi na nakipagtalo pa. Wala rin naman akong magagawa. Mabuti na ang maingat sila.

Kinuha ko ang wallet mula sa back pocket ng suot kong pantalon. Naroon ang ilang mahalagang documents ko tulad ng ID ko sa kompanya, lisensiya, voter's ID, postal ID at ATM card. Wala kaming ID card sa PUGITA dahil naka-tattoo na nga sa mga katawan namin ang identification details namin. Parang bar code ang function ng identity tattoo namin.

Kinuha ko 'yung wallet mula sa compartment ng motor ko kanina bago kami pumasok ng ospital. Kapalit noon, iniwan namin sa sasakyan ni Justin ang mga armas namin dahil nga bawal sa loob ng ospital.

Ipinakita ko sa kanila 'yung ID na ginagamit ko sa trabaho ko kapag hindi ako si Agent Night. Nakumbinsi naman sila na hindi ko sila niloloko.

Ganun din ang ginawa ni Justin. Ipinakita niya ang ID niya sa dalawa, pero sa paraang hindi ko naman makikita. Lumalim lalo ang kunot ng noo ko dala ng reaksyon ng dalawang pulis. Parehong tila hindi makapaniwala ang dalawa na nagpalitan ng tinging siya-ba-talaga-'yun bago sabay na inilipat ang tingin kay Justin.

Nakangiti lang ang loko habang pinagmamasdan ang reaksyon ng dalawa. Mukhang nag-ienjoy sa ginagawa niya.

Lumingon siya sa akin at kumindat bago itinago ang wallet niya.

Tsaka ko lang na-realize. All those years na nasa iisang organisasyon kami at ilang beses nang nagkasama sa mga kaso, wala akong alam sa family background niya o kahit man lang 'yung regular job niya. Salungat naman dito, marami na siyang bagay na alam sa buhay ko.

Unfair.

Isinantabi ko muna iyon dahil pinahintulutan na kaming makapasok sa silid. Pagpasok, nabungaran naming masayang nagkukwentuhan si Tito Louie at ang bunso niyang anak na si Bianca.

"Ate Nicka!" Si Bianca ang unang nakapansin sa amin na sumalubong naman sa akin ng yakap.

Close kaming dalawa dala ng magkasundo kami pagdating sa photography.

Napansin naman nito si Justin. "Ate, boyfriend mo?" bulong niya sa akin na ikinalukot ng mukha ko.

Unang beses 'yon na mapagkamalan kaming magkasintahan ni Justin at...nakakakulo ng dugo.

"Hindi," sagot ko. "At hindi ko rin kaibigan. Ka-trabaho ko lang. Si Justin." Ang kasama ko naman ang binalingan ko. Nakangisi na naman siya. Bwisit talaga.

"Si Bianca nga pala. Bunsong anak ni Tito Louie." Pagpapakilala ko.

"Bianca," ibinalik ko ang pansin sa dalaga. "Pakibilhan naman kami ng makakain sa canteen. Kahit ano lang sa akin. Take Justin with you."

Nawala ang ngisi sa mukha ni Justin at napalitan ng pagtataka. Si Bianca um-oo lang, walang kaalam-alam.

Hinintay ko munang makalabas sila bago ako lumapit kay Tito Louie.

"Tito, kamusta?" bati ko.

"Mabuti na ang pakiramdam ko although sabi ng mga doctor, kailangan ko pang manatili rito para magpahinga," sagot niya. Pansin pa rin ang ilang lata sa katawan niya, dulot ng nakaraang pangyayari. "Ikaw?"

"Maayos naman na po ang kalagayan ko. Almost three days akong walang malay sa hospital, but I'm now okay although may pagkakataong sumasakit ang ulo ko o nahihilo ako."

Bumuntong hininga siya. Para siyang tumanda ng sampung taon bagaman 45 years old pa lang siya.

"I never thought that the paintings are that important," aniya.

Tumango ako. "It cost lives."

"What would you do about it?"

Nasa kamay ng Psyche ang mga paintings maliban doon sa The Woman's Tear na hiling ko'y nakatago pa rin. Isa lang ang gusto kong gawin sa mga 'yon kahit pa nga ilan lang 'yon sa kakaunting bagay na nagsisilbing ala-ala sa aking mga yumaong magulang: ang sirain lahat ng paintings na iyon.

Sa halip na sagutin ang tanong niya, iniba ko ang usapan. "Tito, gaano niyo kakilala sina Daddy at Ninong Raphael?"

Kumunot ang noo niya. "Samuel?"

Tumango ako bilang paglilinaw.

"Well, I sometimes went out with them during college. They're your father's best friends. At dahil siya naman ang pinaka-close kong kaklase noon, medyo nakaka-bonding ko rin 'yung dalawa. Samuel is a born businessman. Mula sa mayamang pamilya at sabi ni Samuel, bata pa raw siya ay katu-katuwang na siya sa negosyo ng mga magulang niya. Nag-iisa siyang anak."

I knew that, of course. Nakalakihan ko na ang kanya-kanyang life stories ng mga kinilala kong magulang.

"Si Raphael naman," kumunot ang noo niya. "Siya ang pinakatahimik sa kanilang tatlo, pero siya rin ang pinakamalapit kay Nicholas. Magkababata kasi silang dalawa. Eh, si Samuel kasi nakilala lang nila noong high school na. Dala ng parehong matalino sina Nicholas at Raphael, inalok sila ng scholarship doon sa pribadong paaralang pinapasukan ni Samuel. Then 'yun. Hindi na naghiwa-hiwalay ang tatlo."

Alam ko rin 'yon. In addition, ayon sa kwento sa akin ni Daddy Samuel, lumaki ang tunay kong ama sa pangangalaga ng ama nito—na lolo ko. Nagbibinata pa lang daw ang tatay ko nang magkahiwalay ang mga magulang nito. Naiwan ang tatay ko sa kanyang ama samantalang ang nakababatang kapatid nito ay sa ina sumama. Namatay ang lolo ko bago pa man magtapos ng kolehiyo ang aking ama. Then pagkamatay ng lolo ko, tsaka naman ni-recruit ng Psyche ang tatay ko. And the rest was history.

Pero hindi 'yun ang mga gusto kong malaman.

"Pero Tito, is there an instance na nagkagalit silang tatlo o may isang bagay ba na sa tingin mo maaaring maging sanhi ng hindi nila pagkakaunawaan kung sakali?"

Saglit siyang nag-isip. Ang lalim ng pagkakakunot ng noo niya.

"May isa akong natatandaang hindi nagpansinan si Raphael at Nicholas ng mahigit isang linggo. Pinakamatagal na tampuhan nila 'yun. Nainis nga rin sa kanila si Samuel noon kasi hindi niya mapagbati 'yung dalawa. Ayaw nilang i-kwento sa akin 'yung sanhi ng tampuhan nilang 'yun, pero natandaan ko, nasabi ni Nicholas na parang nagbago na raw si Raphael. Ganun. Por que raw may trabaho na siya, nag-iba na raw ugali niya."

Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan. Mining engineering ang tinapos na kurso ni Ninong Raphael. Pagkatapos niyang pumasa sa board exam, nagtrabaho siya sa ibang bansa. After three years, bumalik siya para magtayo ng negosyo which was the Vitto Gems, chain ng jewelry shop.

Subalit tulad nga ng sinabi ko noon, walang illegal transaction ang kompanya niya. However, I probably should be looking at a different angle now.

"And that was before or after you all graduated?"

"Before."

Hmm...Ano kaya 'yung trabaho na 'yun?

Bumuntong hininga ako. "Tito, kelan mo pa alam na nagtatrabaho ang tatay ko sa isang organisasyon?" tanong ko sa pabulong na tinig.

Ilang segundo rin niya ako tinignan bago sinagot. "Bago pa sila namatay ng iyong ina."

I gaped at him. He knew it long before I knew. "Then...you knew. The...why they died?"

Umiling siya. "But I knew it has something to do with your father's work."

"And the paintings. Did father tell you something about them when he entrusted them to you?"

Saglit siyang nag-isip. Kapagdaka'y umaliwalas ang mukha niya. "Isang bagay lang: his favorite painting was inspired by his mother. Sabi niya, sa ilang beses daw niya nakitang umiyak ang mama niya, higit daw na nagtataka siya kesa naaawa."

Kumunot ang noo ko. Hindi ko ma-imagine na umiiyak din si Agent Zero. She was the most stern-looking woman I've ever seen.

"Muntik na kasi noong ikabulag ng kanyang ina ang sakit niyang catarata. Upang hindi madamay ang kaliwa niyang mata, inoperahan ang kanan. She underwent an eye transplant."

That must explain the weird differences between Zero's eyes.

"At dahil doon, kapag umiiyak siya, kaliwa lang ang lumuluha."

Oohh. That was interesting to know, as interesting as finding a piece of the jigsaw puzzle in my mind. I thought I already knew where the diamond was, but I still wanted to make sure.

The door opened and I straightened myself. Nalingunan kong pumasok sina Bianca at Justin. Tiim ang mga bagang ni Justin at ang tensyon sa balikat niya ay nagpapahiwatig ng hindi magandang balita. He met my eyes and I knew we had to go.

Nagpaalam na ako kay Tito Louie at ibinilin kay Bianca ang kanyang ama. Nagtaka pa nga ang dalaga kasi ni hindi ko man lang tinignan 'yung pagkaing pinabili ko.

Lumabas na kami ni Justin. Hinintay ko munang makaliko kami bago ko siya tinanong.

"What happened?" I asked without looking at him.

His answer came out through clenched teeth. "Siyete's dead. No one knows how."

Bullshit.

Continue Reading

You'll Also Like

42.6K 2.9K 68
Fighting is required. Killing is a choice. How will you face a situation where killing is required? Simula pagkabata iniiwasan na si Gaia ng lahat d...
44.6K 2.1K 32
Symphonia is the name of the clan. From this powerful, mysterious, old clan came one of the most influential and famous families in the world, the...
240K 5.8K 42
Paano kung lahat ng alam mo sa sarili mo ay puro kasinungalingan lang? Hindi totoo at malabong maging totoo? Maniniwala ka pa kaya? Ariana Yzabelle C...
11K 369 35
In order to find herself she will face the harsh truth that is about to unveil. This is just the beginning she must imbrace to continue until the end...