Nakakapagpabagabag

By hiccupsoloud

3.9K 79 126

Mga karanasan ng isang Iskolar ng Bayan. Hindi naman masamang magkamali. Nagiging masama lang ito kapag ginaw... More

Nakakapagpabagabag
UPCAT
Alcohol
Hangover
Condom
I Never Dare
Mainit ang Kape
Aftermath

Boy Hunting

310 10 28
By hiccupsoloud

Kapag bored ka? Anong ginagawa mo?

Kami ni Jessa. Boy Hunting sa EE Bldg (see picture on the right -> that is the actual EE bldg.). Bored kami sa buhay eh, bakit ba?

Electrical Engineering Building – ang pinakabagong at pinakamagandang building sa CEAT at pinamumugaran ng mga lalaki, hindi lang biologically male kundi lalaki talaga as defined by the norms of the society. Lalaki. Gwapo. Matalino. At babae ang hanap. Perfect combo.

Bio si Jessa at Socio naman ako. Compare and contrast? Marami. Kasama na doon ang scope ng mga aaralin. More of society etchos ang inaaral ko. S’ya naman, duh, obvious ba? Pero parehas kinulang ng male species ang population sa courses namin. Male na hindi male din ang hanap. Go figure.

Nasa bukana lang kami, nakaupo sa floor. Alas 5:30 na sa Fossil watch ko. Sakto, uwian na.

Nakataas ang shades ko at nagmistulang headband samantalang si Jessa naman tinitwirl ang hair at nagninibble ng lip.

Biglang nagvibrate ang phone ko. Si Jessa!

Jessa: te, four o’clock. Dali! 8/10 – R, 7/10 - L

Tumingin ako sa four o’clock ko. May naglalakad na dalawang lalaki. Nasa 5’8” ang height ng nasa kanan at nasa 5’6” naman ang nasa kaliwa. Medyo may hitsura parehas pero mas bet ko ang nasa kaliwa, malaki ang mata, makapal ang kilay. Si Mr. Kapal Kilay!

Trina: 9/10 – L, 7/10 – R

Boy Hunting Mechanics:

1.      Avoid talking. Baka isipin ng crowd malandi ka. Keep it to yourselves. Gamitin ang cp. Make sure naka plan or naka unli text.

2.      Use clock as reference. Para cool. Military style.

3.      Don’t fret to rate. 1-10, 1 being the lowest, 10 being the highest. Mga in between? So-so.

4.      “Finders Keepers” para fair. Mas naunang nagsabi, sa kanya ang right sa rite of passage.  

5.      Do the hair thing

a.      Hair toss – “Crush kita.”

b.      Pout – “Hindi pwede.”

c.      Lip Bite – “Pwede na.”

d.      Lip Bite + lick – “Shet. Yummy.”

e.      Hair flick – “Gusto kita.”

f.       Tilt and smile – “Suggestive.”

g.      Neck stroke – “I feel sexy.”

So far, sa dinamidami ng dumaan, si Mr. Kapal Kilay lang ang napa hair toss ako. Makalipas ang isang oras, nagdecide kaming magdinner sa Cadapan’s.

Paalis na kami ni Jessa sa EE nang biglang hinila niya ang braso ko.

“Girl, ano ba?” saway ko sa kanya.

Nagvibrate ang cp ko.

Jessa: 12 o’clock!!!

Tumingin ako straight ahead at biglang nanlaki ang mata ko.

“Kni-Knight!!!” bulalas sabay tinuro ko ang lalaking naglalakad sa aking harapan.

Kinurot ako ni Jessa sa tagiliran.

“Shit. Kilala mo ‘yan?” bulong ni girl.

Sumimangot ako. “Manyak ‘yan.”

“Oh!” napa gasp si Jessa. I couldn’t help it. Manyak naman talaga ang tingin ko kay Knight.

“Neal…” sabi niya.

“Huh? Ano?” kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Humakbang siya papalit sa'min. In fairness, mukha siyang tao ngaun. Maong pants at gray shirt, at  heto pa, shocking discovery! Mukhang nagsuklay at nag ahit si gago. Papasa na siya bilang 8/10.

Inabot niya ang kamay hindi sa'kin  kundi kay Jessa.

"I'm Neal. And you are?"

Napansin kong nagblush si Jessa. Nag hair flick si ate. Napa "oh" ako.

"I'm Jessa."

At tinanggap niya ang kamay ni Neal. Akala ko shake hands lang p-pero, dinampian niya ito ng isang quick but subtle kiss. Nagwawala na ang super ego ko. Gusto kong magwala.

"Best friend ko yan! Gago!"

Sinipa ko si Neal sa ankle. Napa wince siya sa sakit. Sinadya ko 'yon! Wholeheartedly! Lumingon siya sa'kin at tinitigan n'ya ko ng masama.

"Ba't mo ko sinipa?"

Hindi ako nagpatalo. Nakipagtitigan contest ako sa kanya.

"Sabi mo sa'kin Knight ang pangalan mo. Tapos ngayon naman, Neal? Ano 'yon? Joke? Manloloko!"

“Eh parehas ko namang pangalan ‘yon eh.”

Nasa gitna nga pala kami ng pathway papuntang waiting shed. At hindi ko man naisin, tinatapunan kami ng mga curious stares ng mga naglalakad na strangers.

"Gosh, LQ ba 'to?" sabi ng isang kuya.

"Baka naman na 5-6. Naniningil ng utang yan?" sabat pa ng isa.

"Sira. Baka buntis. Ayaw lang panagutan." 

Napatingin ako sa ateng nagcomment. Tiningnan ko siya ng ubod ng sama hanggang sa napatakbo siya palayo. Burn ate, burn!

"Girl, magkakilala ba kayo ni Neal?" tanong ni Jessa.

Hinila ko siya at naglakad kami palayo kay Neal.

"Siya 'yung lalaking kinwento ko sa'yo nung isang araw. At hindi siya cute. Antipatiko sya. Tara na nga."

I was getting furious. Ayoko ng ganitong feeling. Nanlalaki ang mga butas ng ilong ko. It was so ugly. Napabuntong-hinga siya sa sinabi ko.

"Oh my gosh! Girl! Baka s'ya ang destiny mo! Ano ka ba! Pwede na! Mukhang yummy!" kinikilig na sabi ni Jessa. Umirap lang ako.

"Ayoko dun. May date pa ako mamaya at sasamahan mo pa 'ko sa IC's."

IC's bar - may taas at baba. Ito ang place kung saan uso magpakalasing, sumayaw, at maglandi na parang wala nang bukas!

Napakagat-labi si girl sa sinabi ko. Biglang nagvibrate ang phone ko. May nagtext! Si Knight/Neal/Stalker/Antipatiko!!! Hay, andami niyang pangalan.

Neal: Sakit nun ha. 

Me: You deserve it.

Neal: May araw ka rin sa'kin.

Me: Duh! AS IF! 

Neal: Magdasal ka na.

Napatigil ako sa paglalakad. Tumigil din si Jessa.

"Girl, anyare?" usyoso nito. Tiningnan ko siya and I let out a lopsided grin. 

"Wala girl. May naisip lang ako. Err. Wala pa akong susuotin sa date ko mamaya." ako na marahil ang pinakasinungaling sa balat ng lupa. Sorry bestfriend. 

"Hay naku! Leave it to me baby. Sus. Ako ang reyna ng ukay ukay. Duh."

Napayakap ako bigla kay Jessa. Siya talaga ang pinaka the best sa lahat ng mga kaibigan kong babae. To the rescue lagi. Buti na lang girl scout ang best friend ko.

"I super love you!"

"I super love you too! Pero don't get me wrong ha, I like boys, not girls."

"Kadiri ka. Mas tomboy ka sa'kin tapos sasabihan mo 'ko ng ganyan?"

"Girl, I'm just being practical! In a biological sense of thinking!"

Sinundot ko ang boobs niya sabay halakhak.

"Hey!"

At ayun, nagsundutan kami sa tabi ng kalsada. Muntanga lang pero ganito kami ka- fun.

Mag aalas 9 na ng gabi. Nasa Roy’s Apartment kami sa may F.O. Santos at busy sa kakalagay ng make-up. Nagdecide akong magsuot ng black tube dress na puno ng glitters at 4” silver stilettos. I doted myself for being petite and well, yeah, puhrettttyyy!

Busy si Jessa sa pagcucurl ng buhok niya at ako naman occupied sa pagkuha ng vanity pictures sa kama niya.

“Hair up or hair down? Geez. I can’t decide!” reklamo ko.

“Girl, magcurls ka na rin para Jaboom twins tayo.”

Nakadapa ako sa kama at nakapanglumbaba na nakatingin kay Jessa. Compared sa’kin, mas may curves si girl, mas matangkad, mas maputi, mas maganda.

“I feel so insecure.” I confess.

OO nga naman. Bakit nga naman hindi? Ako ang bestfriend ng babaeng “It Girl” ng buong batch. Maganda, matalino, pero…pero…wild.

“Wag ka ngang ganyan!”

Tinapunan ako ni Jessa ng hairbrush at muntik lang naman akong tamaan. Dimapot ko ‘to at nagsuklay. Masyado na ata akong nagseself pity.

“Ano naman ang nakain mo at nagaganyan ka. Remember honey, ang pagiging insecure means pagiging pangit.”

“Oh my God, mistress! Educate me!!!” I pleaded.

Tinuro niya sa’kin ang tip ng curling iron. Again, muntik lang akong tamaan. Wild talaga.

“First and foremost. Maganda ka. Maganda ako. Kaya magkaibigan tayo. Like begets like. Law of attraction.”

“But opposites attract. C’mon! Okay fine. Magcucurl na ako ng hair.”

Almost 11 na nang matapos kaming mag-ayos. Naglakad lang kami papuntang IC’s taas. Napuno na ang inbox ko sa kakaflood ni Koko.

Koko: Wer na u?

Trina: Coming!

At ang text kong ‘yon ay 45 minutes ago pa. Girls will always be girls. Late entrance. Early exit. Like a Queen!

Amoy usok ng sigarilyo ang forever amoy ng IC’s bar kaya balewala rin ang pag-aapply ko ng Victoria’s secret na pabango. Paunti unti nang nagsisidatingan ang mga tao. Na-spot-an namin sina Koko and company sa corner booth. Perfect for group date. Andun din pala si Luis at ang +1 niyang laging bago. Pero nasaan na ang date ko?

“Hi guys! ” bati namin ni Jessa.

“Finally! Dumating din sa wakas! Late as ever Ms. Francisco!” bungad ni Luis.

“Duh. What’s new? Hui Koko, nasan na ‘yong friend na sinasabi mo?” sagot ko naman.

“Hey Koko babes!”

“Baby doll! Come to Papa.”

And they smooched. Oo, minsan hindi ko maintindihan sina Jessa at Koko. They like each other but they also like to be single. I’m not sure about this. Pero kineclaim nilang nasa “Open Relationship” sila.

I smiled. At least, happy ang mga pinakapaborito kong tao.

Pero. I feel so left out! Lahat sila may partner at ako naman…

“Grabehan lang! May mas lalate pa pala sa’kin?!”

Nakakarami na ako ng shot ng Tequilla Sunrise. The night is young and so am I. I like to live young, wild and free.

“Teka lang. Nagdodota pa eh. Hintayin mo na. Rumerekta na lang daw. Makulit na nga ako e” sabi ni Koko.

“Pupunta lang ako sa comfort room.”

Iniwanan ko muna sila to mind their own businesses. Nagretouch muna ako. Nakaramdam ako ng kaunting excitement. After so many days, ang mga hormones ko talaga nagwawala. Naghahanap tuloy ako ng laman.

Sigh. Ang hirap naman maging desperado.

Continue Reading