UPCAT

491 14 27
                                    

"...more than 16, 000 students took UPCAT but only 2000 of you got accepted in the university...blah blah blah...you are the cream of the crop...congratulations mga Iskolar ng Bayan..."

Palakpakan.

Bumuntong-hininga ako sabay sulyap sa puti kong relo. 2 hours pa. Tsk. Pinagmasdan ko ang aking paligid at dahan-dahan akong naglakad patalikod. Samo't saring emosyon ang nakapinta sa itsura ng mga tao. May natutuwa. May naiinis. At mayroong walang pakialam. Basta ang alam ko, kating-kati na akong lumabas ng Baker Hall. 

16 years old ako noon. Fresh from high school. Isang alumna ng sikat na private sectarian secondary school. Freshman lang ako. Tabula rasa. At ngayon lang nagkaroon ng Iska sa kasaysayan ng aming angkan.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang naipasa ko ang UPCAT - ang isa sa pinaka inaantabayanang eksaminasyon sa balat ng hayskul sa Pilipinas. Hindi ako matalino, hindi rin ako masipag. Sadyang maswerte lang talaga ako. 

Patuloy pa rin sa pagsalita ang Chancellor habang nagnininja moves ako palabas ng building. Andaming tao. Ang init. Masalimuot. Malagkit na ako. 

"Excuse me, makikiraan nga," sabi ko. 

Narinig ko na halos lahat ng mura at pambabastos sa mundo bago ko pa tuluyang malasap ang halos ng init ng araw sa aking kayumangging balat.

At pucha, tagos sa buto ang init ng panahon. 

Napilitan akong ilabas ang aking dilaw na Fibrella. Ayaw na ayaw ko pa namang nagpapayong. Pero wala akong choice 'di ba? Ayaw ko namang maging nog-nog pagdating ng panahon. 

Dahil marami pa 'kong oras bago magsimula ang unang klase sa hapon, nagpasya akong maglibot-libot muna. 

First day. First Year. First time kong maglakad mag-isa sa campus.

Kalayaan, o ang tamis mo!

Pagkalipas ng dalawang taon...

"Kat! Hoy Kat! Gising na!"

Binuksan ko ang isa kong mata at nakita ko si Abie, ang dakila kong roommate, na nakatayo sa gilid ng kama ko. Tumalikod ako at nagtalukbong ng kumot.

"Five minutes. Di pa ko late," sabi ko sabay taboy sa kanya.

"Hoy! Five minutes mo nagiging five hours. Bumangon ka na! Malelate na 'ko sa klase ko!" saway nito sabay sara ng pinto. 

Napilitan akong bumangon. Bigla kong naisip na malapit na pala akong mamaximum doon sa isa kong subject. Dali-dali akong bumaba ng double deck at tumalilis patungong banyo.

Shit. Walang tubig.

Talaga namang ang troll ng tadhana. Kung kailan pa ko nagmamadali, saka pa nanggago. Muntik na kong lamunin ng inis ko nang biglang sumagi sa isipan ko na...uso pa namang pumasok ng hindi naliligo.

NakakapagpabagabagWhere stories live. Discover now