Hangover

334 10 11
                                    

Tumutusok. Kumikirot. 

Napaungol ako sa tindi ng sakit ng ulo ko.

Dumilat ako habang pinipisil ko ang aking noo. Tinamaan ako ng matinding hangover. Madilim pa rin ang paligid at pinilit kong inalala ang nangyari noong nagdaang gabi. 

Ngunit wala akong maalala.

"Hindi na ako maglalasing ever..." sabi ko sa sarili ko. Ito ang numero unong pangako ko sa sarili ko na lagi ko namang napapako. Parang sirang plaka, paulit-ulit. Parang gobyerno lang ng Pilipinas.

Gumulong ako padapa ngunit ako'y bumulusok sa matigas at malamig na sahig.

 "Ow, aray..." 

Bumangon habang hinihimas ang aking ilong. Tumingin ako sa paligid at saka ko lang namalayang wala ako sa dorm kundi nasa kwarto ako ng kung sinuman. Bigla akong nagpanic. Kinapakapa ko ang sarili ko para makasiguro. Wala namang nagbago. Wala namang masakit maliban sa tumitinding hangover. Ngunit di ko mapigilang pangunahan ng kaba.

 "Patay! 'yong gamit ko!" Cellphone.Susi.Puri. 

Umakyat ako sa upper bunk ng double deck kung saan ako nahiga kanina. Kakalapag ko pa lang sa malambot na kutson nang marinig kong may nagbukas ng pintuan. Dali-dali akong nagtalukbong ng kumot at nagtago sa sulok ng kama.

"Gising ka na pala. Good morning" bati sa'kin.

Boses lalaki. Nanlaki ang mga mata ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nang mga oras na 'yon, gusto kong gulpihin ang sarili ko. Mukang tanga lang.  Huminga ako ng malalim at nangalap ng lakas ng loob. 

"'wag n'yo po akong sasaktan. Bata pa po ako. Marami pa po akong pangarap sa buhay."

Pinilit kong inalala ang lahat ng self defense acts na alam ko. Hindi pa ako handang magahasa o mamatay.

Inay. Itay. Patawarin n'yo po ang makasalanan n'yong anak. Magpapakabait na po ako.Hindi ko pa po nasasabi kung gaano ko kayo kamahal. S'ya nga po pala, may utang pa ako sa tuition. Pakibayaran na lang po.

Humalakhak na parang walang bukas ang lalaking kakapasok lang ng kwarto. Natinag ako. Biglang gumaan ang dibdib ko. Mukhang hindi naman siya salbahe pero ayoko kasing mag-assume.

"Siraulo ka ba? Hindi ako rapist at saka hindi ko type ang mga babaeng tomador."

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa sinabi niya. Tomador? Tanga ka ba? Nasa elbi ka kaya, ungas. 

Dumungaw ako mula sa taas ng double deck. "Bading ka ba?"

Nakita kong nakahandusay siya sa lower bunk, nakataas ang dalawang paa at may nakakandong na laptop. 

"Kung halikan kaya kita dyan." malamig na sambit nito sa'kin. 

Napalunok ako ng di oras. "Di na kailangan. Nagbibiro lang ako. Pasensya na."

Tiningnan niya ako ng masama. "Tatawa na ba ako?" 

Napakaantipako ni kuya. Umusog ako sa paanan ng kama at kinuha ko na ang mga gamit ko.

 "Hindi na po kailangan." sabi ko na may halong kaunting pagkairita.  Bumaba ako mula sa upper deck at nilapitan ko siya. Sinundan niya lang ako ng tingin. 

 "Paano nga pala ako napunta rito?" tanong ko. 

 "It's for me to know and for you to find out." 

Napabuntong-hinga ako. Naramdaman kong nanlaki ang butas ng ilong ko. Hari nga ata ng mga antipatiko ang kausap ko.

 "Please?" 

NakakapagpabagabagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon