Condom

529 9 13
                                    

Lumaki ako na may takot sa Diyos. Simula't sapul, ang lahat ng miyembro ng angkan namin ay Katoliko. Dugong-bughaw. Nagsasamba sa dakilang Ama, Anak at Espiritu Santo. Sa kapanahunan pa ng mga Kastila. Sa pagsikat at paglubog ni Padre Damaso. 

Ngunit ngayon, sa palagay ko, kaunting kaunti na lang ang bahid ng kabanalan sa aking katauhan. 

"Pabili pong condom."

Matalim ang tingin na tinapon sa'kin ng Aleng tindera sa Mercury Drug Store. Isang bata na naka dilaw na summer dress, white flip flops at nakasuot ng shades ang nakaabang sa counter. Napalunok ako. Awkward.

Limang minuto ang nakalipas at lumabas na ako ng store na pawang may nagsisitakbuhang daga sa aking dibdib. Dali dali akong nagpara ng "Kanan" na jeep. 

"Sa may Raymundo lang po!" bungad ko sa driver sabay abot ng bayad. 

Hinablot ko ang panyo sa aking tote bag at nagpunas ng pawis. Intense ng experience! First time kong bumili ng condom sa drug store. First and last! How I wish!

"Strawberry pala ang paborito mo?" 

Nagulat ako nang biglang may bumulong sa'kin. Napatingin ako sa nagsalita at nahampas ko siya ng malakas sa braso. Nagulantang ako. Naiwan ko palang bukas ang bag at nakabungad ang maliit na kahon na kulay bughaw. Nakakahiya. Ang estranghero sa Ilag's pa ang nakapuna!

"Ikaw!" bulalas ko. 

Tumawa lang ang lalaki. Mabilis kong sinara ang bag. Ramdam ko ang mga mapangkutyang titig sa'min ng mga ibang pasahero sa jeep. Buti na lang nakashades ako. Nakahinga ako ng maluwag.

"Grabe, iba na talaga ang mga kabataan ngayon" sabi pa isang Ale.

Kinurot ko sa tagiliran ang lalaki sa tabi ko. Madiin. Pinung-pino. At napangiwi siya sa sakit. Laking tuwa ko lang nang tumigil na ang jeep sa  may sakayan malapit sa Raymundo Gate.

"Aray!"

Humagikhik lang ako at umakmang bababa na kasabay ng ibang pasahero. Ngunit. Subalit. Datapwat. Isang malamig na kamay ang humawak sa braso ko at hinila ako paupo. 

"Knight Palacios, tandaan mo pangalan ko."

Habang naglalakad ako papuntang NCAS, nagpaplay ng paulit-ulit sa isipan ko ang pangalan ng estranghero at ang malalim at malamig niyang boses. Hinimas ko ang parte ng braso ko na hinawakan niya. Malamig pa rin. Tumindig ang balahibo ko. 

Kinabahan ako. 

Napasulyap ako sa Fossil kong relos at nanlaki ang mata.

"8:13 na! Putik! Late na naman ako!"

Isang late pa. Isang late na lang pala. Magagalit na naman sa'kin ang professor ko. Binalewala ko na lang sinabi ng Palacios na 'yan. He's not the real danger. Being late is!

NakakapagpabagabagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon