Mainit ang Kape

246 2 5
                                    

Naranasan mo na bang mag-isa? Naaalala mo pa ba ang mga panahong sarili mo lang ang iniintindi mo at hindi ibang tao? Naramdaman mo na bang maging isolated?

Neal: Labas na.

Ako kasi...

Trina: No.

Ako kasi...

Neal: Labas na sabi eh.

Ako kasi...

Trina: I don't want to. Leave me alone!

...miss ko na ang mga ganung moment.

Neal: Lalabas ka? o ako papasok jan?

Sabi nila, ang mga taong pinanganak na may balat sa pwet malas daw. May balat ako sa hita, malapit 'yon sa pwet, ibig sabihin ba malapit din ako sa malas?

Trina: Asa. 

Binaon ko ang mukha sa unan pagkatapos kong magreply. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa pinapatulan ang mga texts nito.

At biglang may sumipa pabukas ng pintuan. Tiningnan ko ang orasan, malapit na mag alas dos ng madaling araw. Napakabayolente naman magbukas ng pintuan. Nakakadisturb. 

Umikot ako para tingnan kung sino ang pumasok. Laking gulat ko na lang at muntikan nang lumuwa sa socket ang mga mata ko. Si Neal!

[Flashback]

Lumapit sa'kin si Kuyang tinapunan ko ng takong. Napaupo ako sa hagdan at nanlumo sa sarili. Nag-uumapaw na ako sa kahihiyan.

"Sorry Miss. Heto, ingat ka na lang next time. May kasama ka ba?" 

Nakayuko ako all the time at hindi ko man lang maaninag ng maayos ang mukha ng kumausap sa'kin dahil umiikot ang paningin ko. Sisihin ang alcohol.

"Meron. Pasensya na. I'm having a bad day. Sorry."

Inabot niya sa'kin ang takong. Dahan-dahan kong tinaas ang nanginginig kong kamay para kuhanin ito ngunit laking gulat ko na lang nang biglang niya kong hawakan at hinila patayo. 

"Halika, let me help you."

Agad kong binawi ang kamay ko at tinapunan siya ng nagtatakang tingin. 

"Sorry pero feeling ko kaya ko pa naman."

Mukhang pamilyar ang lalaking nakatayo sa harap ko. Balibaliktarin ko man ang isipan ko, hindi ko pa rin maalala kung anong pangalan niya.

"Nagkita na ba tayo before?" tanong ko.

Napakamot ng ulo si kuya. Plinantsa niya ng kamay ang nakatayo niyang buhok. Pinagmasdan ko siya ng maigi. Muntik lang naman akong madulas.

"Jasper!"

Napangiti siya at binalik ulit sa ayos ang buhok. Kaya pala hindi ko siya maalala, hindi pa kasi kami nag-uusap ever since. Siya ang poging freshie na kaklase ko sa SocSci 3.

"Katerina, tama?"

"Trina na lang."

"Okay Trina. Ikaw 'yong laging late sa klase."

Napanguso ako sa sinabi niya. "K. Guilty."

Naramdaman kong nagvibrate ang cp ko sa bag. Dinukot ko ito at binuksan. Andaming texts. Lahat galing kay Neal. Nagdilim ang paningin ko at nagngitngit ako sa galit.

"Jasper, di ba? Tara, hatid mo ko sa dorm. Now na."

Napataas siya ng kilay sa sinabi ko pero bago pa man siya makapagreklamo ay hinila ko na siya papalayo sa IC's. Assertive ako eh, with force. 

NakakapagpabagabagOù les histoires vivent. Découvrez maintenant