Picture Perfect (Damien Jovan...

RosarioTheGoddess द्वारा

211K 5.3K 142

Kenna Naveen Cervantes is a popular model worldwide. 17 pa lang kasi siya ay nagmo-model na siya sa mga pamos... अधिक

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21: The Last Chapter

Chapter 19

7.8K 193 4
RosarioTheGoddess द्वारा

"MARRIAGE certificate?! With Naveen?! And she agreed to this?!" he exasperatedly asked his grandfather.

"Yes, apo. Aren't you happy? Iyo na si Naveen." nakangiting tinapik tapik siya nito sa balikat.

"I am happy, Lolo. Pero hindi niyo ba siya binlackmail para magpakasal sa akin?"

Umiling ito. "No, hijo. We didn't do anything to your Kenna." umupo ito sa couch sa opisina niya.

He sighed heavily. "How is this possible? To get a certificate like this.. what did you do?"

"It's all about the connections and money, hijo." ngumiti ito sa kanya.

"Alam ba talaga ni Naveen ito?"

He shrugged. "I don't know. Pero ang alam ko nadala na sa kanya kaninang umaga ang kopya niya ng mga papeles."

Minasahe niya ang kumikirot niyang sentido. "Maybe that's why she went back to Golden Ridge. Yari nanaman ako nito. Akalain pa nun ako ang nakaisip sa pagpikot sa kanya."

Natawa ang Lolo Eulo niya. "Hijo, kami ng Lolo Emman niya ang nagplano nito. Kasabwat namin ang mga kapatid ni Kenna. Pati na yung bestfriend ni Kenna.. si.. ano nga ang ngalan nun? Yung lalaki.."

"Si Fabrice?" kunot noong tanong niya rito.

Napapitik ito sa hangin. "Yun!"

"Why would he help you? Mahal nun si Naveen."

His Lolo shrugged. "Sobrang mahal niya siguro si Kenna kaya niya nagawa iyon."

He sighed. "Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari."

Natawa ito. "Hijo, umuwi ka na sa asawa mo. Gawan niyo na kami ng apo ni Emman."

"Lolo!" saway niya rito.

"Jova-- Oh, Hi Lolo!" nagmano si Nixon rito.

"Anong ginagawa mo rito?"

Ngumuso si Nixon. "Birthday ni Akito next month. Dinala ko lang ang invitation." inabot nito sa kanya ang imbitasyon.

"Japanese inspired?" kumunot ang noo niya. "Anong trip niya?"

He shrugged. "Baka kasi hapon siya?"

Napailing siya. "Oo nga pala!" nakangiting iniabot nito sa kanyang calling card.

"A flower shop? Kanino to sa'yo?"

"Gago! Sa fiancée ko yan!" natatawang wika nito.

Napaisip siya. "Do they sell white and pink roses?"

Tumango ito. "Oo naman."

"Can they fill up a garden with roses? Yung nakapaso."

Nag-isip ito. "Siguro. I'll ask her. Teka! Bibili ka? Para kanino?" kunot noong tanong nito.

He smiled. "Para sa asawa ko."

PUNUNG-PUNO ng pink and white roses ang bakuran niya. At nanunuot na rin sa ilong niya ang mabangong samyo noon. And take note, nakatanim sa paso ang mga roses.

"Woah!" napakapit siya sa pintuan.

The man chuckled. "Okay lang po ba kayo, ma'am?"

Kumunot ang noo niya. "I don't remember hiring a landscape artist to decorate my garden."

Ngumiti ito. "Pasensiya na ho, ma'am. Asawa niyo ho ang nagpadala nito rito. Sabi niya ho dapat nakatanim para daw po buhay at hindi nalalanta. Para raw pong pag-ibig niya sa'yo, humahalimuyak at namumukadkad." inabot nito sa kanya ang clipboard na may papel. "Pakipirmahan na lang po, Misis."

She frowned. "Wala akong asawa." napilitang pinirmahan niya ang papel at ibinalik iyon rito. Kung hindi lang gago si Damien baka mag-asawa na kami ngayon at baka nanganak na ako. Tsss. "Salamat."

"Than you po, ma'am. Bagay na bagay po kayo ng asawa ninyo. Pogi at maganda." nakangiting sumaludo ito sa kanya at sumakay na sa truck nito.

Malalim na napabuntung-hininga siya. "Hindi ko pa natanong kung sino ang nagpadala. Jusko!" natapik niya ang noo. Tiningnan niya ang walang hanggang pink and white roses na nakaayos sa garden niya. "Kailan pa to? Pagkarating ko wala naman to." kumunot ang noo niya nang makita ang pang-dalawahang upuang bench swing sa kaliwang bahagi ng garden niya. "Sino ba tong pa-mysterious na asawa ko?" she sighed heavily. "Makatulog na nga lang!" naguguluhang pumasok siya ng bahay niya.

"ASAWA?! Akala ko ba si Kenna lang ang mahal mo?!" sigaw ni Tiffany sa kanya habang naghahapunan siya sa Sabroso.

"Oo nga, pare. Bakit hindi namin ito alam? Kung hindi pa kami nasabihan ni Nixon ay hindi pa namin alam." iling na wika ni Dion.

He sighed. "It's complicated." itinuloy niya ang pagkain.

"Nakakaloka!" napahawak pa sa noo si Tiffany. "Akala ko ba si Kenna ganda lang ang gusto mo? Ang mamahalin mo? Bakit ka ganyan?"

"Atsaka anong 'It's complicated' ka dyan! Pang-facebook lang yun!" dagdag pa ni Dion.

"GUYS!" humahangos na pumasok si Nixon sa Sabroso.

"Oh?" tanong ni Tiffany rito.

Binalingan siya nito. "Kilala ko na ang asawa mo!" ngumisi ito.

He sighed. "Shut your mouth!" uminom siya ng tubig.

"So kasal na pala kayo.. bakit hindi kami invited?" umupo ito sa tabi niya.

"Walang naganap na kasal." he shrugged.

"Explain it, Jov. Please!" inalog alog siya ni Tiffany.

He sighed. "Fine! Ang Lolo niya at ang Lolo ko ang nagpasimuno ng lahat. Wala akong malay na ang pinipirmahan ko pala ay ang marriage certificate na pala namin. Kaya ayun.. may asawa na pala ako.. kanina ko lang nalaman."

"Sino nga kasi?!" halos sabunutan na siya ni Tiffany.

"Si---"

"Omg! Is that Kenna? She's so beautiful!"

"Lapitan mo na, Bryan!"

"Ayoko nga!"

"Tss. Duwag!"

"Tangina mo!"

Napalingon sila sa mga nag-iingay na mga lalaki sa bungad ng resto. Nahagip ng paningin niya ang pigura ng isang babaeng kalalabas lang ng kotse.

"OMG! IS THAT---" bulalas ni Tiffany.

"Naveen.."

IRITABLENG nagising siya dahil sa gutom. Naalala niya na ang huling nakain niya ay dalawang piraso ng cookies at isang baso ng gatas bago siya umalis ng Tagaytay. Malalim na napabuntung-hininga siya. Nag-check siya sa internet ng pinakamalapit na makakainan. Ayaw na kasi niya ng nga fast food chains. Sawa na siya. Sabroso? Sa labas lang ng village? But I'm too lazy to walk.. I'll just bring my car. Hehe.

Mabilisang naligo at nagbihis siya ng simpleng black dress na hanggang tuhod at nagsuot ng plain black flats. Nanghihina na siya sa gutom. Paano ay alas siyete na ng gabi. Naku! Sana naman hindi punuan ang resto na yun. Tsk.

She grabbed her keys and wallet. Nagmamadaling sumakay siya sa kotse niya at pinaandar iyon. Halos puno na ang parking lot sa naturang resto. It was a five minute harurot drive from her house. Pagkaibis niya sa sasakyan ay nakaramdam siya ng hilo. Napakapit siya sa hood ng kotse niya at napalunok. Kaunting tiis na lang sistema ko. Makakakain rin tayo. Wuuu!

Pagkapasok sa naturang resto ay kaagad siyang sinalubong ng mga crew at inalalayan siyang umupo sa isang bakanteng silya. "Thank you." she muttered.

"What's your order, ma'am Kenna?" nakangiting tanong ng lalaking crew.

"Uhm.. Seafood paella and an order of pringá."

"Is that all, ma'am?" tanong nito. Tipid na tumango at ngumiti lang siya. Tumingin siya sa labas ng bintana. She sighed. Being here.. brings back a lot of memories.. Ano kaya ang gagawin ko kapag nagkita kami? By chance.. would I hug him.. or would I punch him hard?

"Love! Let me explain!" hinawakan ng lalaki ang braso ng babae.

"Ano ba?! Ikaw ang unang umayaw sa akin tapos ngayon babalik ka kung kailan ayos na uli ako? Pwede ba, Vincent! Umalis ka na lang?" iritang wika ng babae.

"Love, hindi ko kaya kung wala ka.."

"Ngayon mo lang narealize? Sana sinabi mo yan noon! Pero naka-move on na ako, Vincent. Kaya please lang tigilan mo na ako."

Huminga ng malalim ang lalaki. "Happee Love Castro, I know this is too sudden to say.. but can you go out with me? Will you date me for real? Wala nang pagpapanggap. All I can offer you is myself. Ako lang. Please date me." hinawakan nito nang mahigpit ang kamay ng babae.

"Ano to?" sulpot naman ng isang lalaking gray ang buhok. "Dark, sino siya?"

"Siya si Happee Love. Ang babaeng sa tingin ko mahal ko na." pakilala nito sa bagong dating na lalaki.

"Sa tingin lang? Hindi ka sure?"

"Malay natin baka mahal ko na siya." he smirked.

"Paano na si---"

"Cherry, anak!" masiglang sinugod ng niyakap ng isang matandang babae ang babae.

"Ch-Cherry?!" bulalas ng dalawang lalaki.

Kumunot ang noo ng matanda. "Oo, bakit? Cherry ang palayaw ng apo ko na si Happee! Pakielam niyo ba? Sino ba kayo?"

Namutla ang lalaking nagngangalang Dark or Vincent o ewan ba niya. "Cherry? Cherry ang nickname mo?"

"Oh eh ano naman sa'yo?" masungit na inirapan siya ng huli.

Nagulat siya nang mahigpit itong niyakap ng lalaki. "I've been looking for you!"

"A-Ano?" naguguluhang tanong ng babae rito.

"Cherry, it's me.. Bright!" nakangiting hinaplos nito ang mukha ng babae.

Halata ang gulat at shock sa mukha ng babae. Shocks! Telenovela taping ba ito? Ilabas ang camera! "B-Bright? Ikaw ba talaga yan?"

"It's me, Cherry. It's time to fulfill my promise."

"Huh?"

Nanlaki ang mata niya nang halikan ng lalaki ang babae. "Will you marry me?"

"Yes!" naghalikan pa uli ang dalawa. Binaling niya ang tingin sa labas ng bintana. Edi wow! Sila na masaya! Ako na bitter! Ako na sawi! Edi wow!

She sighed heavily. Dumating na rin ang inorder niya. Makakain na lang at mabubusog pa ako. Kaysa sa love love na yan. Sus! Masasaktan lang ako. Tsss.

"Kenna?" napatingala siya sa babaeng medyo maumbok na ang tiyan.

"Tiffany! Omg! You're pregnant! I'm happy for you!" nakangiting niyakap niya ito.

"Thanks! Ikaw kamusta ka na?" nakangiting umupo ito sa tapat niya.

She shrugged. "Ito.. maganda pa din."

Natawa ito. "Gaga! I mean your love life."

She smiled. "Hmmn.. Wala eh."

"Anong wala? Sa ganda mong yan? By the way, sagot ko na dinner mo." nakangiting tinawag nito ang waiter at nagpakuha ng isang baso ng tubig.

"Thanks."

"Kailan ka pa nakabalik rito sa village?"

"Ngayon lang."

"Bakit?"

She shrugged. "Just want to spend more time alone, I guess."

"Oh.."

Napangiti siya. "So kinasal na pala kayo ni Doc. Ilang months ka pa?"

"Kinasal kami 8 months ago. Pinaabot ko ang invitation kay Jov pero mukhang hindi niya naiabot sa'yo. 5 months to go pa ang baby." nakangiting hinaplos nito ang tiyan.

She smiled. "Can't wait to have my own child."

"Mag-asawa ka na kasi." biro nito sa kanya.

Natawa siya. "Soon. Charaught!"

"Basta wag kang matakot subukan uling magmahal. Alam kong natatakot ka kasi nasaktan ka. Pero Kenna iba talaga kapag mahal mo eh. Every pain is worth it.. at kaakibat ng isang relasyon ang masaktan ang isa't-isa. Kasama na yun sa isang relasyon eh. You just have to find someone na kakayanin ang beast mode mo." nakangiting hinaplos nito ang tiyan.

She chuckled. "Dragona mode. Tsk."

"Tiffany! Oh. Hi, Kenna. Welcome back." biglang sumulpot sa kung saan si Dion at hinalikan ang asawa sa pisngi. Napangiti siya. "Uwi na tayo. Baka mastress si baby sa ingay mo." he chuckled.

"Ewan ko sa'yo!" hinampas naman ito ni Tiffany sa braso. Binalingan siya nito. "Paano.. uwi na kami ng asawa ko. Ingat ka sa pag-uwi, Kenna." nakangiting tumayo na ito. Nakaalalay naman si Dion rito.

"Mag-iingat rin kayo." she smiled at them. Dion gave her a curtly nod.

Asawa ko at anak ko.. ang sarap pakinggan.. I wonder how happy that feels.. to have your own family.

Pasakay na siya ng sasakyan niya nang mahilo siya at nahulog niya ang susi. Napakunot noo siya nang may lalaking dumampot rito. Bago niya maaninag ang mukha nito ay dumilim na ang paligid.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

316K 8.5K 30
Boss Series #2 TREVOR: Her Boss' Broken Heart And Broken Leg Trevor felt like crap when his fiancee decided to broke off their upcoming wedding becau...
410K 6.1K 24
Dice and Madisson
1K 97 65
Si Kent ay kilalang heartthrob sa kanilang school, siya ay isa sa pinakamayang nag-aaral sa school na iyon. Hindi lang siya kilala dahil sa siya ay m...