Deathbound [Published Under C...

By iamrurumonster

1.7M 72.3K 7.3K

A girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates... More

Author's Note
Prologue
1. Banished
2. Run. Hide. Run
3. Ensnared
4. Ali's Culprit
5. Captives
6. Ascend
8. New Abode
9. The Recruits
10. Split Emotions
11. Chains and Clones
12. Unkempt Gut
13. Freed
14. Sheryl's Curse
15. Thorns of the Dark Rose
Deathbound Characters
16. Near Yet Far
17. Bounced Back
18. Tempt Me Not
19. Raiders
20. Plan. Print. Pain.
21. Almost
22. Happenstances
23. The Noobs
24. Bue's Secrets
25. Transformed
26. Levi
27. Nułł
28. Torn
29. Gutter
30. Deceived
31. The Channel
32. The Puzzle
33. Tempted
34. Unreturned
35. A Dark Return
36. Blur
37. Flipped
38. Double Source
39. Prince of Tulsa
40. Envisage
41. Hidden Agenda
42. Missing Pages
43. The Lucas Journal
44. The Crisis
45. The Last Reunion
46. Claremur
47. The Great War
48. Dodged
49. Plan B
50. On the Cards
51. It Lasted Til Death
52. Undetected
53. The Annihilation
Epilogue
Deathbound Published Under Cloak Pop Fiction

7. Buttonholed

32.5K 1.4K 86
By iamrurumonster

I dove like a swimmer not thinking what will happen next; if I fall hard with a ground catching me, or if several attacks from outside would kill me before I feel the gravity's impact of my sudden jump. Ang pagkakaalam ko'y 'yon ang una kong naisip nang biglaang magkagulo sa loob ng box at nagsimulang mamatay ang ilan sa mga nandoon. Nakita kong nakatakbo na si Pea palayo sa wasak na box ng walang kahirap-hirap. Kasunod noon ay ang magkakasabay na pagsabog na naganap sa malaking kahon ilang segundo pagkatapos kong bumagsak sa lupa.

I felt my left shoulder in pain after realizing it was the first to hit the ground. Tila kumalat ang kirot mula doon patungo sa buo kong katawan dahilan para mahirapan akong gumalaw. Magkakasunod pang pagsabog ang gumawa ng ingay mula sa deportation point at halos wala na akong makita dahil nabalot na ang buong paligid ng makapal na usok.

"Ali! Ali!" Narinig kong sigaw ni Pea sa dakong kanan ko. Her voice was not clear enough because of the random explosion taking everywhere but I was able to detect her heartbeat which helped me recognize her. Hinihingal ito at halatang pinapakalma ang sarili. Naramdaman ko ang bahagyang pagkalma ng tibok ng puso niya.

Gumapang ako na halos nakapikit ang mga mata dahil sa sobrang hapdi nito dahil sa nakabalot na usok sa paligid. Dala ang kirot sa buo kong katawan lalong-lalo na sa kaliwa kong balikat, tila isa aking sugatang pagong na mabagal ang pag-usad patungo sa bago kong kaibigan. The wind was blustering because of the inexpected commotion. Hindi patin natigil ang pagpaasabog sa box.

Ito na ang sinasabi ni Pea. Isa itong paraan para masubukan kung sino ang matibay at makakaligtas. Isa itong recruitment process na kailangang malusutan. Kailangan ko pang mabuhay! Kailangan kong makabalik sa Alpha!

"Ali! Dito!" Pea's voice became more audible. Halos nakikita ko na ang mga malalagong halaman kung saan marahil ito nagtago.

Nagpakawala pa ako ng isang impit na tunog mula sa aking bibig dulot mg kumikirot kong braso. Nakailang gulong pa ako bago ko narating ang kinaroroonan nito. Sumiksik ako sa makapal na kumpol ng mga ligaw na halaman. Halos hindi ko na maaninag ang si Pea dahil mausok parin ang paligid.

Naramdaman ko ang paglapat ng kamay nito sa aking likod bago ito nagsalita. "This will help... for now."

"A-Anong susunod nating gagawin?" Halos hindi ko mabigkas ng malinaw ang aking mga salita dahil sa pagsisimula ng pamamanhid ng aking katawan.

Pinalunok ako nito ng isang kapsula ng xalium bago uli nagsalita. "We are outnumbered Ali. Most definitely, killers and recruiters ang mga nakapaligid saatin ngayon. The realms always send both their best killers and recruiters every deployment. Kaya wala tayong gagawin kundi maghintay at magtago. For sure, may mga alius na may kakayahang i-tract ang kapwa alius gaya ng ability mo. If that happens, we have to do plan B." Hihingal hingal uli nitong paliwanag. She was holding my left arm as if we're the only allies in this new hell. We were.

"What's the plan B?" Agaran kong tanong sa kanya nang maipon ko ang pwersa patungo sa namamanhid kong bibig. Nahirapan akong magsalita.

"Run and..."

"And what?"

"Run! Kapag naabutan nila tayo, we have to fight for our lives. Well," she paused and sighed deeply, "let's just wish na recruiter ang makakahuli saatin. Atleast we have the chance to prove our worth."

Huminga ako ng malalim. Dinig parin ang sigawan ng mga taong at alius na nakikipagbakbakan para sa kanilang buhay. Umaalingawngaw parin ang mga pagsabog sa buong deployment area. It sounded hell. Like death came down for us and we have no choice but give up. It made me wish to be in heaven after death kung totoo man ang langit. Atleast after this hellish death land, sa paraiso parin ang bagsak ko.

Pea was as quiet as me habang hindi parin matigil ang ingay na tila isang musika na ng kamatayan sa buong Delta.

It took me several minutes to heal. Sa wakas ay umepekto na ang xalium bago mawala ang nilapat na numbness skill ni Pea. Normal ang pakiramdam ko pero saglit lang 'yon. Biglang natigil ang sunod-sunod na pagsabog sa paligid at sinakop naman ito ng nakakabinging katahimikan. My heart beat faster.

Danger! Nararamdaman ko ang tibok ng puso ng isang alius.

Marahil ay napansin ni Pea ang aking reaksyon. Nabasa siguro nito ang tumatakbo sa isip ko kaya pabulong at halos nanginginig itong nagtanong. "Someone's coming?"

I nod slowly and closed my eyes and tried to detect where the hearbeat is coming from. Kanan! Halos napasigaw ako sa naramdaman. Huminga ako ng malalim at sinubukang kontrolin ang kanyang emosyon. Hindi ko ma-penetrate ang katawan ng alius. Sinubukan ko uling pasukin ang open link ng tracker pero sadyang malakas ang pwersang nakabalot dito. Something is protecting the tracker at hindi iyon galing sa ibang alius kundi galing din sa kanya. Mabilis kong minulat ang aking mga mata at agad namang bumungad ang hindi mapakaling si Pea na halos pagpawisan na sa sobrang kaba. "Pea, a tracker found us! Ang masama, I can't stop him!"

Lalong gumuhit ang kaba sa mukha ng babae. Kagaya ko ay hinahabol din nito ang paghinga para pakalmahin ang sarili. "We have to do plan B."

"Run or fight?"



"Run!" Pagkasabing pagkasabi ng bago kong kaibigan ang salitang iyon ay mabilis niyang hinablot ang kanang braso ko.

Awtomatiko naman akong napatayo at sumunod sa pagtakbo nito. My reflexes had gone crazy active and alert since I ascended Delta. Halos mapatalon kami sa bawat hakbang palayo sa kalaban. Halos punuin ng sugat mula sa talahib na nilalagpasan namin ang balat ko pero hindi ko na maramdaman ang hapdi. Mas nangibabaw saakin ang takot.

I have never been so afraid my whole life. Bakit ngayong nasa bingit na ako ng kamatayan ay saka ko naman pilit sinasalba ang buhay ko? Siguro nga ay nakahanap na ako ng mas matimbang na dahilan para mabuhay. Hindi ako nahirapang mag-isip ng dahilan. Si Levi, ang paghihiganti ko para kay amang Lucas at ang mga batang alius na naiwan ko sa Alpha -sila ang dahilan ko kung bakit kailangan ko pang mabuhay at makaligtas sa mga nakaambang hamon ng kamatayan. Hindi pa ako mamamatay!

"Ali! Bilis!" Pea was a fast runner. Talagang hinanda siya para sa ganitong uri ng buhay. Tatlong metro ang layo nito saakin at pansin kong dala parin ang malaking bag na pabaon ng mga magulang niya.

Walang lingon-likod akong kumaripas ng takbo. Nakakalimandaang metro na kami palayo sa deployment area. Nasa kalagitnaan na kami ng kagubatan ilang segundo pa ang lumipas. Dakong unahan ko lang si Pea na mabilis parin ang takbo nang bigla itong lumiko pakanan. Napasunod ako. Akala ko'y papasok pa ito sa kaloob-looban ng masukal na gubat pero bigla itong nadapa at parang nawalan ng kontrol sa katawan. Nang nang abutan ko ito'y nakadapa na ito sa lupa, nakatitig sa kawalan ang mga mata at hinahabol ang paghinga.

"Pea!" Niyugyog ko ang babae pero hindi ito sumagot. Nataranta ako nang marinig ko ang mga paparating na kalaban. Sampong tibok ng puso ang papalakas na papalakas. Ibig sabihin at papalapit ng papalapit ang mga itom. Mukhang malapit na sila.

Hinihingal si Pea. May malay. Nakamulat ang mga mata ngunit tila paralisado ang buong katawan. Sinubukan ko itong buhatin pero hindi kinaya ng lakas ko ang bigat niya. Wala akong nagawa kundi hilahin ito ng ilang metro patago sa likod ng isang malaking punong pinaliligiran ng makakapal na baging. Tinakpan ko ng mga tuyong dahon ang buong katawan nito at saka pinakiramdaman ang paligid. Nasundan kami. Magaling ang tracker nila na halos hindi ko ma-penetrate ang katawan gamit ang chaining ability ko. Ano nang gagawin namin?

Paupo akong nakayuko habang nakayakap ang aking mga braso sa aking mga binti. Sinubsob ko ang pawisan kong mukha sa aking mga tuhod saka pumukit. My vision turned purple again. The terrestrial became a purple land with living animals in green color. Ganito ang nakikita ko tuwing ginagamit ko ang aking tracking ability with eyes closed. Ang lupa, halaman, mga bato at tubig ay nagiging kulay ube samantalang lahat ng mga hayop at tao ay kulay berde. Nakikita ko kung gaano kapula ang kanilang mga ugat, utak at puso.

Hindi ako nabigo, nakita ko ang sampong dilaw at pula na hugis tao ang mabilis na gumagalaw palapit sa kinaroroonan namin. Nakita ko agad ang isang malaking bulto ng katawan na kalmado lang ang tibok ng puso. Marahil siya ang tracker na hindi ko makontrol kanina. Isa rin ang tila walang pagbabago sa pagtibok ng kanyang puso. Pito dito ang nag-aapoy sa galit at tila dahil 'yon sa paghabol saamin. Habang ang isa'y parang walang buhay ang puso. Hindi normal ang tibok ng puso ito. Isang pagtibok sa bawat sampong segundo. Babae siya at halatang pagod na pagod sa paggamit ng kakayahan.

Nagitla ako at napamulat ng mata. Marahil siya ang dahilan ng pagkakaparalisa ni Pea. Sinubukan kong pumikit muli. Kailangan kong mapigilan siya sa ginagawa. Sa isang iglap ay naging kulay berde uli ang paligid. Sinimulan kong padaluyin ang aking chaining chord sa lupa. Kulay dilaw ito sa paningin ko na gumagapang pakanluran kung saan abala ang sampong taga-tugis namin. Halos isang minuto ang inabot ko bago ko mailapit ang chain sa kanilang teritoryo. Napansin ko ang pag-iwas ng chord sa tracker at biglang lumihis pakanan. Pinalakbay ko malapit sa taong gumagamit ng paralysis ability ang aking chain. Halos pigil ang aking paghinga nang ipulupot ko sa paa nito ang dilaw na tali. Hindi ako nahirapan. Pinaakyat ko ang chain nito patungo sa kanyang puso at utak. Dadaliin ko ang utak niya kahit na ikapahamak ko pa. Alam kong mapanganib pang subukang ikontrol ang utak niya gaya ng sabi ni amang Lucas pero wala na akong magagawa. It's a do or die! Tila mga ugat ng punong kumalat at sumakop sa puso at utak ng babae ang chains. Nagawa ko! Hinigpitan ko ito.

"Ahhhhh!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko. Nakita kong napaluhod ang babae sa sobrang sikip siguro ng dibdib niya.

Kontrolado ko na siya!

Nang mapagtanto kong pagmamay-ari ko na ang katawan ng babaeng nagpaparusa kay Pea, binuhol ang aking chord bago nagmulat ng mga mata.

Gising na si Pea. Gulat ito sa itsura ko pero nang maglaon ay napagtanto rin niya ang mga nangyayari.

"Ali. Anong susunod nating gagawin? Mukhang hindi imubra ang plan A and B natin!"

"Negotiate. Gaya ng sabi mo, dalawa lang ang pakay nila. Ang mag-recruit o ang pumatay. Let's get out and bargain our lives."

Napatango na lang si Pea. Tila nagdalawang isip pa ito sa una pero nakumbinsi ko rin nang marinig niya ang sunod-sunod na pagsigaw ng babaeng hawak ko.

"Let's go." Halos pabulong kong sabi.

Twenty steps. It took us that distance to finally face the ten heartbeats chasing us. Isang maputi at maiksing buhok na babae ang hawak ng kakayahan ko, sa tabi nito ang isang mamang malaki ang pangangatawan na tinadtad sa peklat ang balat na may tracking ability. Lima ang mukhang mga pangkaraniwang tao lang na may hawak na patalim na iba't-iba ang hugis. May isang payat na dalagang taas limang talampakam, malaki ang mata, nakasalamin at nakapusod ang kulay putik na buhok. Katabi nito ang isang matandang nababalot ng metal na baluti at sa dakong harapan nila ay isang binatang taas higit anim na talampakan, maputi at may kulay berdeng mga mata. Mukhang siya ang leader ng grupo at mukhang hindi ko magugustuhan ang ugali niya.

"Bitiwan mo ang kasama namin!" Anang isang patpating lalaki na may hawak na malaking panabas at may nakasukbit na shot gun sa tagiliran.

"Hayaan niyo kaming makatakas at bubuhayin ko siya!" Nagtapang-tapangan kong sabi. Halos pigil ang aking boses upang hindi mahalata ang panginginig ko.

"Sino ka para hilingin ang kalayaan mo?" Anang lalaking may hazel green na mata. Halos hindi ito gumalaw sa kinatatayuan. Hinahawi na ng malakas na hangin ang magulo nitong kulay chokolateng buhok. Parang balewala sa kanya ang aming presensya.

"Mawawalan kayo ng kakampi sa oras na wasakin ko ang puso ng babaeng yan!" Hindi naman ako natinag. Kailangan kong magmatapang at magmatigas para mabuhay.

"Go! Higpitan mo ang tali mo sa puso at utak niya. Kill her." Seryoso nitong sabi. Walang emosyon sa mukha nito. Mukha siyang walang buhay. "Pakawalan mo man siya o hindi. You will die anyway."

"Ahhh. Alec! Please save me!" Pakiusap ng babaeng hawak ko ang puso. Nakaluhod na ito dahil sa higpit ng pagkakatali ko sa dibdib niya.

"Kill Divina." Susol uli ng lalaking may berdeng mata at tinawag na Alec no'ng babae.

Papatay na ba ako ng babaeng walang kalaban-laban? Hindi ito ang itinuro saakin ni amang Lucas. Hindi ako kriminal!

"Ali." Nanginginig na sabi ni Pea sa likuran ko. Pinipigilan ba ako nito o umaayon itong tapusin ko na ang buhay ng babaeng hawak ko?

"Kill her!" Pasigaw na utos ng lalaking masungit.

Nang magtagpo ang mga mata namin ay nabasa kong wala talaga itong pakialam kung tapusin ko ang buhay ng kasama niya. Nagdalawang isip pa ako. Biglang nanghina ang mga tuhod ko at mabilis kumawala ang mahigpit na pagkakatali ko sa puso ng babae.

"Walang puwang sa mundong ito ang mga mahihinang katulad niyo." He declared.

I became teary eyed. Naalala ko ang mga pangaral ni amang Lucas. The tears blurred my vision and I welcomed death for the uncounted time. Tears crawled on my cheeks before I felt my entire body paralized. The last vision I had was my body falling down to the ground.

###

Continue Reading

You'll Also Like

192K 3.6K 11
60 stunning girls, One handsome bachelor, One reality dating show, A battle of fancy dresses and stilettos begins. In a journey of dreams, hope, lov...
310K 21.3K 54
VOLUME 1 Eivel L. Leoda was known as a genius. However, it seems like solving riddles and questions in real life won't help her solve her personal pr...
5.1M 196K 44
Akala ni Jill Morie ay tapos na ang laban, matapos nilang matalo ang Memoire ay payapa na silang namumuhay ngayon sa Isla Ingrata. Subalit biglang ma...
5.2M 267K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN