How to Make a Nerd Cry?

By NeverBePrettyGirl

8.3K 134 113

How to make a nerd cry? It was easy to make a person cry, yet there is Lew who deserves more. Not just a simp... More

Prologue
Chapter 1: tear rain
Chapter 2: Casanova and Nerd
Chapter 3: Nerd on Speech; Casanova on Varsity
Chapter 4: 1st attack (antagal na upload)
Chapter 5: 2nd attack
Chapter 6: 3rd attack
Chapter 7: 4th attack
Chapter 8: 5th attack
Chapter 9: Casanova's Revenge
Chaper 9.5 : the rules and regulations
Chapter 10: I am Fritz Mendez
Chapter 11: Blushing
Chapter 12: Blushing 2
Chapter 13: Meet the Parents
Chapter 14: Happy Roses Day
Chapter 15: Roses are Red, I love Red, you have Red?
Chapter 17: destiny?
Chapter 18:"bayad ko"
Chapter 19: number
Chapter 20:the another guy
Chapter 21: date me
My note
Chapter 22: This day

Chapter 16: A hug

185 3 2
By NeverBePrettyGirl

Chapter 16: A hug

FRITZ MENDEZ POV

Halos isang linggo ko na siyang sinusuyo suyo, kung minsan nga ehh, nauubusan ako ng pasensya sa kasupladahan niya at sa kapangitan niya, pero tinitiis ko. Heto kami pupunta sa mga indigeneous people at mag-aabot ng konting tulong. Para masaya. At ito, apat na ang nagagawa kong steps. YES! way to go!

5. Get her contact information.

Ok! nahihirapan ako sa kanya, kung bakit? eh wala daw siyang phone, walang facebook, or twitter. Pero wattpad meron. tss! PALUSOT lang?

Sumakay kami ng bus papuntang Banawe Rice Terraces. Alam niyo were going to Ifugao..ahahahahahahahahahahahahahaha :D ok ako na OA sa mga places.

Nang nakarating na kami sa Ifugao, nagpahinga muna kami galing sa byahe. Mga ilang oras lang ay nagumpisa na kami.Buti nalang medyo nawala na yung issue about kay Nerd at pinapakinggan na siya ng mga ka co- members namin. Kasi naman itong si Nerd, pinapatulan lahat. hindi man lang niya isipin ang sarili niya. Concern ba ako?! NO WAY!

“sige guys, magpahinga muna tayo ngayon. Ok?”-Nerd

May biglang dumaan “ok! Feeler.” Nagtawanan sila,sasagot pa sana si Nerd ng bigla ko siya hawakan at mag-utter ng words na, “Leave her”.  Hinigit niya ang kamay niya ng malakas at umalis.

Nang gumabi na, kumain na ang lahat, pero hindi ko nakita si Nerd. Sabi nila nag-aayos pa raw ng gamit, pero pagdating  niya, wala na siyang pagkain.

“BAKIT?!” napatingin sa akin ang lahat.

“BAKIT HINDI NIYO INIWANAN NG PAGKAIN SI LEW?!!!”sigaw ko sa kanila, nakaktitig lang sila, habang nakita ko si Nerd na nagtakip ng mukha. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko. Pero nagagalit talaga ako sa kanila.

“sinong lew?”

“SINONG LEW?!” tinuro ko si nerd. “SIYA!BAKIT KAYO…”

“SHUT UP! Shit!”-  sigaw ni nerd. “sige lang, kain lang kayo… hindi pa ako gutom.”- tumalikod siya at parang wala lang nangyari,

Ano ba talaga si Nerd sakanila? MULTO?! Mga,AHH! Bwisit!. naupo na lang ako at kumalma.

Gabing gabi na.. sinubukan kong lumabas para magpahangin.. patay na ang lahat ng ilaw sa tent, maliban sa isa. Kanino pa ba? Edi kay Nerd.

“hmmm… hey!” walang sumagot.

“gising ka pa ba?” sabi ko ulit

“malamang, nakabukas pa ang ilaw ko.”

Nerd? ang pilisopo mo! Pasalamat ka kailangan kong magpakabait.

“ah- okay pwede bang pumasok?”

“bawal.”

“please!”

“bawal”

“wala ka talagang awa, nilalamig nako.”

“kasalanan ko ba? Ikaw ang pumunta dito?”

“Lew! Please!” kunwari akong sumisinghot ng sipon.

“bawal.”

“alam mo, kung hindi lang kita mahal kanina pa ako nagalit.”

“sino ba nagsabi sayo na mahalin mo ako!?” wow feeler siya, pero oo nga naman ako ang nagsabi.

“bahala ka papasok ako.” Pwersahan kong binuksan ang tent niya pagbukas ko…

“WAAAHHH!!!!!!!”

“STOP SHOUTING!”

“sorry nagulat lang ako sa mukha mo…” ikaw kaya ang nasa position ko hindi ka magulat na pagbukas mo biglang may babaeng nakatitig sayo.. hoooh! Basta hirap iexplan. Katakot. akala ko multo lang.

Tiningnan niya ko ulit tapos bumalik sa kanyang binanasa.

OUTSIDE POV

“WAAAHHH!!!!!!!”

“STOP SHOUTING!”

Biglang may sumigaw..

“girl ano yun?”

“edi tingnan natin..”

Tumingin sila sa labas, at…

“OMG! Girl si papa Fritz, pumasok sa tent ni Nerd the Flirt.”

“WOAH! Anu kaya ang gagawin nila?”

“OMG! Girl don’t say that, virgin pa si Papa Fritz.”

“Wala tayong magagawa”

Bumalik sila sa pagtingin.

“look! The shadow.. what the! They were.. OMG!!  Girl let’s sleep! Masyadong rated PG!.”

Pumasok ulit sila sa tent at natulog na.

FRITZ MENDEZ POV

Kung tinatanong niyo kung anong ginagawa namin? Wala! Nakaupo ako, siya naan nagbabasa, HORROR ata tong babae na ito!

“ang init…” bulong niya.

Napangiti ako. Tumingin siya sa akin.

“bakit?”-Nerd

“ang init noh?!”

“bakit?”

“hayy!” tinanggal ko ang shirt ko “HOOH!”, tumingin ako sa kanya, pero hindi na siya nakatingin sa akin.

“manyakis…” sabi niya sa mahinang boses.

“h-hoy! Sinong manyakis?”

“ikaw…”

“bakit?”

“bigla- bigla kang naghuhubad.” kung alam ko lang Nerd, pinagpapantasyahan mo na ako. hehe!

“eh sa ang init eh.. ikaw rin kaya maghubad?”

 Bigla niya akong tinapunan libro.

“aray!”

“pervert…”

“HAHAHAHA! Hindi naman ako masyado pervert, depende sa kasama ko.”

Tumingin siya sa akin, HORROR talaga ang mukha niya. Nagkatitigigan kami, hindi ko alam kung sino ang unang aalis ng tingin namin sa isa’t isa nang..

BBBBRRRRRRRRRRRR!!!

BRRRRR!!!!!!!

inilihis niya ang tingin niya sa akin.

“h-hindi ka pa kumakain?”

“malamang.”

“tss! MINI ka! (ang mini ay isang expression ng TANGA! )

“w-wala ka bang pagkain?” sa akin siya nanghihingi ng pagkain? sige kahit papaano may puso naman ako.

“wait ha!” ibinalik ko yung tshirt ko at lumabas ako ng tent niya para kumuha ngpagkain. Instant noodles lang ang nakita kong available, bumalik ako kaagd, at binigay sa kanya,

“GRABE!! Gutom ka talaga?”  parang isang higop niya lang yung noodles. tss! kahit minsan ang lakas niyang mang-inis sa akin, naaawa rin ako sa kanya, wala siyang kaibigan at parang galit pa ang lahat sa kanya, dahil sa akin. pero hindi ako makokonsensya.

“oo eh, ang tagal kong hindi kumain.”

“bakit hindi ka naghingi? MINI!”

Yumuko lang siya at nagbasa ulit.

Bigla ko siyang hinigit papalapit sa akin. Halos madama ko na ang hininga niya sa lapit ng mukha namin, habang kita sa mga mata niya ang gulat at lungkot (naiimagine niyo ang position nila?)

“b-bitiwan mo nga ako!”

OUTSIDE POV

“OMG! sumigaw si ‘Nerd the flirt’ na bitiw daw, at parang galit ang boses niya, it means si Papa Fritz ang namimilit."

“OMG! isa lang ang ipinahihiwatig, mahal ni Papa Fritz si Nerd.”

"Gonna cry friend my heart." sabay hawak sa dibdib niya, yung iba naman kumuha ng tissue at kunyaring naiiyak.

"kung ganun nga, di na ako tumututol sa kanila. huhuhu."

"pssssh!! magpatulog nga kayo." mahinang sigaw ng isa.

"ikaw naman Curtain, ehh broken hearted nga kami."

"kanino ba?"

"kay Nerd at kay Fritz." sabay punas ng tissue sa mata.

"sinong Nerd?" tanong ng isa.

"si Lauretto lew."

"wait? omg! si four eyes! yes! may lovelife siya? galing galing ng friend ko, kaya kayo matulog na kung ayaw niyong mabalatan ko ng buhay."

agad na pumasok yung mga babae, habang ang laki ng ngiti ni Curtain, at iniisip na, ikaw four-eyes ha, may tinatago. hehehe.

FRITZ MENDEZ POV

“tumingin ka sa akin.”

“ayoko”

“TINGIN SABE!”

Hindi parin siya tumitingin.

“bakit ayaw mong tumingin?”

“my virgin eyes.”

“HAHAHAHAHAHA!!! VIRGIN?!!! AHAHAHAHA!!”

OUTSIDE POV

 dahil pinapasok sila ni Curtain sa loob na lang sila ng tent nakikinig.

“girl did you hear that? Virgin?”

“yah! OMG! What the!”

FRITZ MENDEZ POV

“MINI! Hindi ka naman aanuhin ka ng abs ko. Look Lew!

Tumingin siya pagtingin niya, hindi alam kung ano tong naramdaman ko, parang nakaramdam ako ng awa, pero hindi lang yun, parang naninikip ang dibdib ko, ewan ko ba ang susunod kong ginawa ay di ko inasahan

NIYAKAP KO SIYA NG MAHIGPIT!! nasasaktan ba ako sa mga ginagawa sa kanya? parang gusto ko siyang protektahan pero gusto ko siyang masakatan.

“f-fritz.”

“haha! Unang beses mo akong tinawag sa pangalan ko.”

“b-bitawan mo ako.”

“ayaw! Hayyy! Alam kong nasasaktan kana Lew, wala ka pang friend na pwedeng pagsabihan ng problema mo, pwede naman ako eh. Iyak ka lang.. no probs!”

Hindi siya sumagot

“atsaka, Casanova pwede mong iyakan, ahahaha! Swerte mo!”

Nakaramdam ako ng tulo ng luha sa balikat ko, tapos pumatong siya sa balikat ko at umiyak. Habang umiiyak siya, parang ramdam na ramdam ko yung pain niya pati ako nasasaktan.. ANG SAKIT!

Ilang minutes rin siyang nakapatong sa balikat ko.

“lew?”

Hindi siya sumagot, pagtingin ko, nakatulog na siya, siguro gumaan na ang loob niya kahit papaano. Pinatay ko na yung ilaw at natulog na trin.

OUTSIDE POV

“girl, nagdikit sila OMG!”

“at ngayon namatay ang ilaw! OMG!!.. si papa fritz!”

Continue Reading