CONCEALED VAMPIRE

By Author_S

565K 12.1K 1.3K

All Rights Reserved. Copyright 2013: A Fiction/ Vampire/ Mystery/ Tragic/ Comedy/ Romance Story written by Au... More

CONCEALED
PROLOGUE : [ ISANG PATIKIM ]
Author's Note + Introduction :)))
BLOOD 1: LEGEND [ The Vampires' Ancestors ]
BLOOD 2: THE BEGINNING
BLOOD 3: NIGHTMARES
BLOOD 4: CHANGES
BLOOD 5: BIG NIGHT
SPECIAL CHAPTER: DANIEL'S THOUGHTS
BLOOD 6: CONFUSED
BLOOD 7: CIPHERS
BLOOD 8: ROMANCE
BLOOD 9: QUALMS
BLOOD 10: TRUTH AND LIES
BLOOD 11: IDENTITY UNVEILED!
BLOOD 12: HIDDEN FATE
BLOOD 14: UNEXPECTED
BLOOD 15: CONFESSIONS
BLOOD 16: JEALOUS
BLOOD 17: DEATH
BLOOD 18: FAITH
BLOOD 19: DAY 1
BLOOD 20: AFTER DEATH?
BLOOD 21: REVELATIONS (1)
BLOOD 22: DAY 2
BLOOD 22: DREAMS OF REALITY
BLOOD 23: RETALIATION
BLOOD 24: CURLED TRUTH
BLOOD 25: INSIDE QUEN'S MIND
BLOOD 26: INSIDE QUEN'S MIND (2)
BLOOD 27: DEEP IN SAM'S MIND
BLOOD 28: RESOUNDED FEELINGS
BLOOD 29: LOVE FROM HATRED
BLOOD 30: DREAMS OF REALITY (2)
BLOOD 31: IMPRINTED DESTINIES
BLOOD 32: MISERIES OF PAST
BLOOD 33: LOVE CURSE
BLOOD 34: REDEMPTION (1)
BLOOD 35: REDEMPTION (2)
BLOOD 36: THE VISITORS
BLOOD 37: FLINCH OF THE FINAL VOYAGE
BLOOD 38: MOMENTS OF LOVE
BLOOD 39: ROOTING THE ROOTS
BLOOD 40: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (1)
BLOOD 41: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (2)
BLOOD 42: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (3)
BLOOD 43: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (4)
BLOOD 44: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (5)
BLOOD 45: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (6)
BLOOD 46: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (7)
BLOOD 47: PUTTING BACK THE MISSING PIECES OF THE PUZZLE (8)
BLOOD 49: HATRED
BLOOD 50: REVELATIONS (2)
BLOOD 51: RESOLVED
BLOOD 52: FIRST KISS
BLOOD 53: AFTERKISS
BLOOD 54: THE MISSION
BLOOD 55: THE MISSION 2
BLOOD 56: ACTION
BLOOD 57: WANTED
BLOOD 58: ?
BLOOD 59: UNEXPECTED
BLOOD 60: TRUST
BLOOD 61: ROCK
BLOOD 62: I DONT WANT HIM TO DIE
BLOOD 63: RESURRECTION
BLOOD 64: SACRIFICE
BLOOD 65: BRIGHT SUN
BLOOD 66: UNVEILED TRUTH
BLOOD 67: TRUE STORY
BLOOD 68: FACE OFF
BLOOD 69: FACE OFF
BLOOD 70: FINALE
AUTHOR'S NOTE :)
EPILOGUE
SURPRISE!!!!

BLOOD 13: MOMENTS

8.7K 189 28
By Author_S

a/n: moments na. ito na ang hinihintay ninyo. pbb teens toh. hahahah. kaya please play the song  first. dali na. xDDD sige read na. :D


 <-=KATHRYN'S POV=->


"Mahal na yata kita, Kath" Sabi ni Daniel.

Halos manigas ako sa upuan ko ng narinig ko ang mga sinabi ni Daniel. Napatingin na lang ako ng diretso sa daan at kunwa'y hindi ko narinig ang mga sinabi niya. Nahihiya rin akong humarap sa kanya. Nararamdaman ko kasi ang init sa mukha ko at sa mga oras na ito, sigurado akong namumula ng parang kamatis ang mga pisngi ko.

"M-m-magdrive ka n-na." Utal-utal kong sabi, "G-gabi na."

Bigla namang ngumiti si Daniel sa akin, isang nakakalokong ngiti. Lalo siyang lumapit sa akin hanggang sa halos ilang milimetro na lang ang pagitan niya sa akin. Hindi ako makalingon sa kanya. Isang maling galaw ko at siguradong mawawala na ang virgin lips ko. 

“Eh, paano kung ayaw ko?!” Ramdam na ramdam ko ang hangin mula sa kanyang bibig na humahaplos sa pisngi ko. Pinipigilan ko ang sarili ko dahil parang manginginig na lang ako bigla. Bakit ba ganito ‘tong si Daniel ngayon? Ano bang kinain nito at anlakas mangtrip.

“Kung ayaw mo…” Inayos ko ang buhok ko, nag-move patagilid, at naramdaman kong medyo lumayo ang mukha niya sa akin. Nang makakuha ako ng timing, naisip kong bumaba na lang sa kotse at magtaxi pauwi kaysa kung ano pa ang mangyari sa loob ng sasakyan. “Aalis na lang ako.” Pagpapatuloy ko sa naudlot kong pangungusap.

Ngunit ng hahawakan ko na ang lock ng side door ng kotse, bigla na lang itong hinila ni Daniel at hinawakan ang mga kamay ko, “Huwag.” Sabi niya.

“Ano bang problema mo, ha?!” Sagot ko. Pero bigla akong napatahimik ng bigla niya ulit inilapit ang mukha niya sa akin, this time in a faster moment.

                                                   

“Alam mo, Kath? Hindi ko maintindihan sa’yo kung manhid ka o nagtatanga-tangahan.” He said coldly at saka ko lang na-realize na inayos niya ang seatbelt para sa akin. Pero hindi ‘yun ang pinansin ko, kundi ang mga katagang binitawan niya. Parang may mga kakaibang bagay ang biglang naglaro sa loob ng puso ko at bigla na lang itong kumirot na para bang may hinahanap-hanap.

“Anong ibig mong sabihin, Daniel?” –Ako.

“Wala.”

Matapos noon, pinaandar na ni Daniel ang kotse at tuluyan na kaming umalis. Mula noong moment na ‘yun, hindi na matanggal sa utak ko ‘yung mga bagay na nangyari sa kotse. Hindi ko na alam kung ano iisipin ko. Kung totoo ang pinagsasabi ni Daniel, magiging kumplikado ang lahat. Mahal ko rin naman siya pero kasi… eh paano kung trip trip lang ‘yung pinagsasabi niya kanina? Ay!!! Ewan nga. Ayaw ko namang masabihan ng assuming at ayaw na ayaw ko ang magpe-pretend. Isa pa, ano na lang ang sasabihin ni Tito at Tita?

Ang gulo! Ang gulo-gulo!  Sa buong panahon namin sa kotse, hindi na kami muling nag-usap. Lalo tuloy akong kinabahan. Halos mangilid-ngilid na ang luha ko sa sobrang gulo ng utak ko.

Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at isinubsob ang mukha ko sa kama. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako kaya’t pagmulat ng mata ko, ramdam na ramdam ko ang gutom na kumukuryente sa mga ugat ko. Tumingin ako sa orasan at, “Oh my gosh! It’s… it’s almost twelve o’clock in the midnight?!” Napatayo na lang ako bigla at lumabas sa kwarto ko.

“Wala pa akong assignments at plans para sa play. Nakakainis. Bakit ba kasi ako nakatulog at nakapagtataka namang hindi nila ako ginising?!” Bulong ko habang bumaba sa hagdan. Dumiretso kaagad ako sa refrigerator.

Sinilip-silip ko kung ano ang pwedeng kainin sa refrigerator kaso… “Bakit walang pagkain dito?! Hindi ba sila kumain? Baka naman naubos na? Hay. Mukhang hanggang bukas pa ako magtitiis ng gutom ha?” Kinuha ko na lang ang tubig at naisip ko na lang na magtimpla ng gatas pero laking gulat ko ng may isang nilalang ang biglang lumitaw sa harapan ko ng isinara ko ang pinto ng refrigerator.

“Ay anak ng tokwa!” Halos mabitawan ko ang hawak-hawak ko sa gulat, “B-Bakit gising ka pa, Daniel?”

“Gutom ka na rin?” Tanong ni Daniel.

“Ah… eh… oo. Bakit?” Sabi ko at inilapag ang tubig sa mesa. Unti-unti ko ring kinuha ang mga kailangan ko para makapagtimpla ng gatas, para kahit papaano may laman ang tyan ko.

“Hindi pa rin kasi ako kumakain.” Sabi niya.

“Hala? Bakit? Eh wala nan gang pagkain dito sa ref eh.”

 

 

 

“Wala talagang pagkain diyan kasi umalis sila Mom kanina. Hindi pa rin bumabalik. Nag-iwan lang siya niyan oh. Wala rin sila Manang, kasama nila. Only us were left here.” Tapos itinuro niya ang isang supot sa gilid. Kaagad ko naman itong pinuntahan at nakita ko ang isang marinated chicken sa loob.

“Hoy. Bakit dito mo lang ito nilagay? Dapat nasa ref ito! Baka mamaya nasira ito.”

 

 

 

“Alam ko ba?!”

 

 

 

“Hindi ka ba marunong magprito nito? Manok lang ito ha?”

 

 

 

“Marunong!”

 

 

 

“Eh bakit hindi mo ipinrito ito?”

 

 

 

“Ah… eh…” Bigla kong naalala ang isa sa pinakaayaw na bahagi ng pagluluto ni Daniel, ang matalamsikan ng mantika. Ngumiti na lang ako sa kanya. “Hoy! Anong nginingiti-ngiti mo dyan?”

 

 

 

“Wala. Maupo ka na diyan. Kawawa ka naman.” Itinigil ko muna ang pagtitimpla ng gatas at sinumulang iprito ang manok na iniwan ni Tita. “Bakit hindi mo ako ginising kanina?”

 

 

 

 

“Ang himbing ng tulog mo.” Sabi niya.

“Pwede naman kasi akong gisingin, eh di sana pareho tayong hindi gutom ngayon.” –Ako.

“Akala ko kasi uuwi agad sila Mommy eh. Kaya ayun.” –Daniel.

“Maraming namamatay sa maling akala.” Sabi ko at muling lumingon kay Daniel at ngumiti sa kanya.

“Tama, kaya nga alam ko na kung ano ang nararamdaman ko para sa’yo eh.” Seryosong sabi niya at tumayo mula sa kanyang pagkakaupo.

“Alam mo, kanina ka pa sa sasakyan ha? Tigi… Aray!” Bigla na lamang tumilamsik ‘yung mantika sa braso ko kaya bigla akong napalayo. Hindi ko naman inaasahang nakaharang ang upuan sa likod kaya bigla akong natalisod. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata dahil alam kong babagsak ako pero naramdaman ko na lang na may biglang sumalo sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Daniel. “D-Daniel?!”

“Oh? Bakit parang nagulat ka pa eh kanina pa ako nandito kasama mo ha? Ang lousy mo.”

 

 

 

 

“Bakit ang bilis mo? Andun ka lang kanina ha?”

 

 

 

“Ewan ko. Baka adrenaline rush. Baka magaan ka? Baka gusto mo ng tumayo?” Sarkastikong sagot niya kayat tumayo na ako at tinapos ang piniprito ko. Matapos noon, hindi na naman ako pinansin ng mokong. Napaka-bipolar nito. Ipapalamon ko na ito sa buwaya. Sabihin ko kaya kila Titan a ipacheck-up ito? Nakakaloka.

“T-Tara. K-kain na tayo.” Sabi ko matapos kong maluto ng fried chicken. Ang awkward ng feeling sa dinner table. Matapos namin kumain at ligpitin ang mga pinggan ay pumanik na kaagad ako sa kwarto dahil napakarami ko pa talagang dapat gawin.

“Assignments. Play. Oh my gosh. Matutulog pa kaya ako nito?” Kaagad kong binuklat ang books ko at sinimulan ang misa sa mga tambak kong gawain.

“Hoy.” Hindi ko pala naisara ang pinto ng kwarto ko at nakatayo ngayon doon si Daniel. Kahit hindi ko na lingunin alam ko kung sino ‘yun.

“Oh, ano na namang problema?” Sabi ko habang busy sa paggawa ng aking mga dapat gawin.

“Nasira ‘yung fan sa kwarto ko tapos nagmamalfunction ‘yung aircon.” –Daniel.

“Anong gagawin ko? Aayusin ko?” Sagot ko pero tuloy-tuloy pa rin ako. Wala akong pakialam sa trip ng mokong na ito ngayon.

“Pwede rin.” Sabi niya.

“Ano ako? Yaya mo? Nagluto na ako kanina tapos ngayon, pagaayusin mo naman ako ng sirang electric fan at aircon sa kwarto mo?” Napailing na lang ako. Naramdaman kong pumasok siya sa loob.

“Eh, kung ayaw mo, dito na lang ako matutulog.” Sabi niya tapos humiga sa bed ko. Bigla naman ako napatigil sa pagsusulat.

“Hoy, Daniel!” Sigaw ko pero hindi naman siya natinag, “Daniel!” Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa kinaroroonan niya.

“Oh?” Sagot niya.

“Wag ka dyan. Pwesto ko ‘yan mamaya eh.” Sabi ko.

“Gisingin mo na lang ako mamaya.” Sabi niya at bigla na lang humilik.

“Hoy.” Hindi na siya ulit sumagot kaya minabuti ko na lang na magsulat ulit.

Nung natapos ko na ang mga assignments, minabuti ko na lamang na wag na munang ayusin ang concept para sa play dahil pasado alas-dos na rin. Mamaya na lang siguro sa school. Pumunta na ako sa higaan at naalala kong nandun nga pala si Daniel.

“Daniel…” Mahinang tawag ko.

“Daniel.” Ayaw pa rin niyang magising.

“Uy, Daniel, matutulog na ako.” Pero wala pa rin. Dahil hindi siya magising, kinuha ko na lang ang unan ko at naisip kong sa sofa na lang matulog sa baba. Hindi na rin kasi ako kumportableng matulog kasama ni Daniel, simula noong magbago siya. Pero bigla kong naramdaman ang kamay niya na hinawakan ang kamay ko.

“Dito ka lang, please?” Sabi niya.

“A-ano?” Hinila niya ako bigla at nakita ko na lang ang sarili ko nakahiga sa kama ko habang katabi siya. Magkaharapan kami at nakita ko siyang nakapikit pa rin.

“Just be in my side, please.” Seryoso ang tono ng boses niya at nakita kong unti-unting bumubukas ang mga mata niya kaya’t bigla akong tumalikod.

Naramdaman ko na lang ang mga braso niya gripping on my waist, as if he’s hugging me. I refused pero masyadong malakas ang mga braso niya at tila wala rin isyang balak na tanggalin ang mga ito.

“Ano ba, Daniel?!!” Sabi ko.

“Let’s stay like this for a while, Kath. I just want to be like this.” Sabi niya.

“Ano bang nangyayari sa’yo ha?” –Ako.

“Tinanong mo ako sa kotse kung anong problema ko ‘di ba?” –Daniel.

Napatahimik ako bigla. I stopped nagging. Bigla na lang nag-iba ang atmosphere sa paligid. Ramdam kong seryoso talaga si Daniel at hindi ito trip trip lang.

“Tinanong mo rin sa akin kung bakit ako nagkakaganito ‘di ba?” –Daniel.

I kept in silence.

“Tinanong mo rin kung bakit ako biglang nag-iba, ‘di ba?”

 

 

 

Still, I kept my mouth shut. Gusto kong marinig ang sasabihin niya. Gusto ko lang ang makinig.

“Sasagutin ko na iyan. May isang taong manhid kasi ang hindi pumapansin sa akin. May isang tao kasing hindi nakikita ang nararamdaman ko sa kaniya. Ako naman kasi itong si Torpe, hindi masabi-sabi ng diretso sa kanya.”

Nagulat ako at naalala ang sinabi niya kanina sa kotse, “Alam mo, Kath? Hindi ko maintindihan sa’yo kung manhid ka o nagtatanga-tangahan.”

 

 

 

 

“’Yung tao na ‘yun ang naging sanhi ng lahat ng pagbabago ko. Kapag may kasama siyang iba, lalo na kapag lalaki, nagseselos ako. Ang gulo kasi ng puso ko eh. Hindi malaman.” –Daniel.

D-Daniel.” –Ako.

“Pero isa lang ang sigurado ko ngayon eh. Mahal ko siya. At umamin ako sa kanya kanina. Kaso akala niya yata, joke lang iyon. Manhid kasi.” –Sabi niya.

“D-Daniel.” –Ako.

“At sigurado ko, mamaya, ang manhid na ‘yun bigla na lang magtatanong ng, anong ibig mong sabihin, Daniel, o kaya naman, bakit mo sinasabi ‘yan.Sabi niya at naramdaman kong ngumiti siya. Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin at hinayaan ko naman siya dahil tila may kakaibang kuryente sa puso ko sa mga naririnig ko. Medyo kumikirot ito pero alam ko, nag-e-enjoy ako at masaya ang puso ko sa mga naririnig ko.

“Sana hindi ka na maging manhid, dahil ngayon, Kath…” Inilapit niya ang kanyang bibig sa tainga ko at lalong nanigas ang katawan ko, “Sigurado akong mahal kita, hindi bilang isang kapatid, kundi bilang isang taong gusto kong makasama sa buong buhay ko.”

 

 

 

Halos mamilog ang mga mata ko sa narinig kaya’t hindi ako umimik. Nasa state of shock ako. Ramdam ko. “M-may lagnat ka ba?”

“Kita mo? Manhid ka.” Sabi ni Daniel.

“Oh, baka naman nagda-drugs ka?” Sabi ko.

“Manhid.” Sabi niya, “At least hindi na ako torpe.”

“Ano?” –Ako.

“Manhid.”

Nainis na ako sa paulit-ulit niyang sinasabi, “HINDI AKO MANHID! IKAW KAYA ANG MANHID! MATAGAL NA KITANG MAHAL BAGO MO PA MAREALIZE NA MAHAL MO AKO.”  

 

 

 

“Anong sinabi mo? Mahal mo ako?” Anak ng pating. Nadulas ako. Bakit ko sinabi ‘yun? Aissshh!

“I mean…” Magdadahilan sana ako pero bigla siyang tumayo at biglang lumakad pero nakita kong nakangiti siya.

“Sabi mo mahal mo ako, matagal na! Wala ng bawian, Kath! Mahal mo ako at yan ang sinabi mo!” Lumabas siya ng kwarto at parang paslit na nagtatalon.

Sumunod naman ako sa kwarto niya at… “HOY! AKALA KO BA SIRA ANG ELECTRIC FAN AT AIRCON MO?”

“Bakit ka sumunod? Namiss mo ako agad?” –Daniel.

Kanina, bi-polar, ngayon, mahangin na. Ano ba talagang ugali meron ang lalaking ito?

“Liligawan kita. Magsisimula na ako bukas! Tandaan mo ‘yan!” Sabi niya at bigla akong pinagsarhan ng pinto, “GOOD NIGHT!!!” Sigaw niya mula sa kabilang side.

Bigla akong binatukan ni Lexi, “Wow! Ang sweet naman!”

 

 

 

“Oo nga!” Sabad naman ni Julia.

“Mula noon, hindi na ako nakatulog kaya nagfocus na lang ako sa paggawa ng concept ng play.” Sabi ko, “Hindi ko kasi alam yung kakaibang naramdaman ko nun eh. Para akong… kinikilig na … basta. Awkward!” Sabi ko.

“Pakipot pa kasi eh.”  Sabi naman ni Lexi.

 

 

“Oo. Pag niligawan ka, pahirapan mo muna.” Sabi naman ni Julia.

“Ang mean mo talaga, Julia. Oh ayan na pala sila. T-teka… sino… yung kasama nila?!” Sabi ni Lexi kaya napalingon kami ni Julia at laking gulat ko kung sino ang kasama nila.

 

 a/n: sana nagustuhan niyo. :D nailike niyo na ba ang page natin?




QUESTION:

Sino ang kasama nina Quen, Sam, at Rick? 

Continue Reading

You'll Also Like

70.2K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
16.4K 1.5K 17
The story centers around a boy called Majesty, due to his curiosity he woke up and the world has changed. A world where fights and dangers are everyw...
34.4K 1.3K 54
Wattpad #1 in ADVENTURE STORY 2017 ***WINNER OF 2017 WATTPAD WORLD AWARDS FOR BEST IN FANTASY STORY*** © 2017 Kuya Ronnie Tagumpay © All rights reser...
28.6K 1.4K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...