BHO CAMP #4: The Retribution

By MsButterfly

3M 72.3K 5.6K

I'm Serenity Hunt. A simple woman with a simple life. Or that is what I'm trying to show everyone. Maayos na... More

BHO CAMP #4: The Retribution
CHAPTER 1 ~ Serenity ~
CHAPTER 2 ~ Supladong Alien ~
CHAPTER 3 ~ Kiss ~
CHAPTER 4 ~ Forever ~
CHAPTER 5 ~ Visit ~
CHAPTER 6 ~ Detective ~
CHAPTER 7 ~ Game Time ~
CHAPTER 8 ~ Unravel ~
CHAPTER 9 ~ Fifth ~
CHAPTER 10 ~ Storm ~
CHAPTER 11 ~ Ale ~
CHAPTER 12 ~ Code ~
CHAPTER 13 ~ Yat Yat and Mi Mi ~
CHAPTER 14 ~ Beauty ~
CHAPTER 15 ~ Fiancé ~
CHAPTER 16 ~ Warning ~
CHAPTER 18 ~ Start ~
CHAPTER 19 ~ XX ~
CHAPTER 20 ~ Promise ~
CHAPTER 21 ~ Call ~
CHAPTER 22 ~ Face ~
CHAPTER 23 ~ Failure ~
CHAPTER 24 ~ End ~
CHAPTER 25 ~ Through The Years ~
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Up Next

CHAPTER 17 ~ Tears ~

94.7K 2.6K 176
By MsButterfly

CHAPTER 17

STORM'S POV

Napakurap ako mula sa pagkakatitig ko sa repleksyon ko sa salamin nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko. Sumungaw ang ulo ni Mommy Hurricane mula roon.

"Mauna na kami ni Ale. Sigurado kang ayaw mong magpahatid sa daddy mo sa Paige's?"

Ngumiti ako at umiling. "I'm fine, Mom. Ang lapit lapit lang ng Paige's. Wala naman sigurong biglang aatake sa akin."

"You can't be so sure, Storm."

"Yes, I know. But I'll be fine." tumingin ako muli sa salamin at nginitian ko siya roon. "Kasama ko naman si Hermes."

Saglit na tahimik na nakatingin lamang siya sa akin. Makalipas ang ilang sandali ay ngumiti siya at tumango bago tahimik na isinarado ang pintuan.

Gaganapin ang celebration para kay Comet. Ang dating drummer ng Royalty. As far as I remember, Comet died in a mission involving King, my cousin Freezale's husband. Nalutas ang misyon pero buhay ang naging kapalit.

That's the dark part of being an agent. We're trained to save lives but we are also trained to ready ourselves to lose so much.

"Natatakot pa rin ako sa iyo." bulong ko sa repleksyon ko.

Natatakot ako. Natatakot ako dahil alam ko na hindi ko na maibabalik ang dating ako. Hindi na lahat maayos.

A broken glass can be put back together. It can still be beautiful but it will remain broken. At kahit anong gawin mo, hindi maglalaho ang nasira. You'll look at it and you will never forget that it's not the same. That it will never be the same again.

That's why I'm afraid. Dahil alam ko na malaki ang nabago sa akin. Sinusubukan ko na kalimutan pero hindi maalis sa isip ko lahat ng pinagdaanan ko...lahat ng nagawa ko. An agent must save life. An agent must hunt criminals. But when I changed, when everything that happened changed me, I turned into one.

"It's too fast." I whispered. "You're remembering too fast."

"Storm!"

Napapitlag ako. Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Sky na nakapamewang na nakatingin sa akin. "Gaano katagal mo tititigan ang sarili mo sa salamin? Maganda ka na, okay? Magkamukha ata tayo no."

"Right."

Naglakad ako palapit sa kaniya. Sabay na lumabas na kami ng kwarto ko. Akmang magtutuloy-tuloy na ako sa paglabas ng flat ng pigilan ako ni Sky nang nasa living room na kami. "May problema ba?"

Ngumiti ako at umiling. "Wala."

"Sa ating dalawa ako ang great pretender, hindi ikaw. You're lying."

"Sky, matagal na kitang natalo sa titulo na iyan." inangkala ko ang braso ko sa kaniya at iginaya ko na siya palabas. "And I'm not lying. May naalala lang ako."

"Na ano?"

Sinarado ko ang pintuan ng flat ko at hinarap ko siya. "Katulad ng kung ano na ang nangyari sa magazine publication ko."

"It's fine. I'm handling it." she said with a pout.

Napataas ang kilay ko. "Ikaw? Seryoso ka?"

"Ang sama mo naman. Maganda din naman ang taste ko sa fashion ah."

Natatawang napailing ako. "Taste? Like black and red? Mabuti na lang pala naaalala ko na ang bagay na iyon. Baka bumagsak pa ang business ko ng wala sa oras."

"Ang sama mo!"

Dinilaan ko siya at tumakbo na ako paalis. Sigurado naman na dadaanan niya pa ang asawa niya. I need to find Hermes anyway. Sabi niya sabay kaming aalis pero hindi naman siya dumating.

Akmang kakatok na ako ng makarating ako sa flat niya pero napatigil ako ng may tumawag sa pangalan ko. Si King, ang asawa ni Freezale.

"Bakit nandito ka pa? Hindi ka a-attend sa gig namin?" sinaklot niya ang dibdib niya. "Magiging miserable ang buhay mo kapag hindi mo narinig ang boses ko."

Tumingin ako sa wrist watch ko. "Ikaw dapat ang nagmamadali di ba? Your concert will start in 3, 2, 1-"

Umangat ang sulok ng labi ko nang hindi pa natatapos ang sasabihin ko ay tumakbo na siya paalis. Bago pa siya tuluyang mawala ay sumigaw siya. "Wala na diyan si Hermes! Iniwan ka na n'on dahil mas gusto niya akong makita! I'm simply irresistible!"

Pinaikot ko ang mga mata ko. Sira ulo talaga.

Naglakad na lang ako papunta sa control room. Panigurado ako na mas madaling hanapin si Hermes kung doon na lang ako didiretso. Kung bakit naman kasi ngayon pa naisipan ng isang iyon na magpaka-Dora The Explorer.

Nang makarating ako sa tapat ng control room ay akmang itutulak ko na ang pintuan pero napatigil ako ng makita kong nakaawang iyon.

TAHIMIK na sumimsim lang ako sa hawak ko na kopita. Inilibot ko ang paningin ko. Puno ang Paige's. Halos hindi na rin magkandaugaga ang mga nakatokang server dahil sa dami ng mga tao. Pero sa kabila niyon madali lang nahanap ng mga mata ko ang kinaroroonan nila Hermes.

Hindi naman sila mahirap hanapin dahil siya at ang mga kasama niyang mga agents ang pinakamagulo sa lahat. Sumasayaw sila sa saliw ng tugtugin habang si King na nasa stage ay todo bigay sa bago niyang kanta na "Give Up". Kaya naman pala mayabang ang asawa ng pinsan ko. May ibubuga naman kasi talaga.

"Smile as if there's nothing wrong! Pretend that you are strong. But it's there...you know it's there. Deep in your mind, you know it's there!"

Napailing na lang ako ng makita ko na nagpapacute na humarap siya sa kinaroroonan ng asawa niya na hindi naman siya pinapansin dahil nakaharap si Freezale sa laptop nito.

"Give it up, there's nothing you can do! Give it up, this is another lose! Give it up, you can't win this fight! Give up...give up..."

Parang patalim na humiwa sa akin ang lyrics ng kanta ng Royalty kahit pa na mabilis ang beat no'n. Bawat palo ng musika ay dumadagundong iyon sa kabuuan ng lugar. Everyone obviously are enjoying the loud music but it affects me differently. Bukod sa nakakadagdag iyon sa sakit ng ulo ko ay pakiramdam ko tila patalim na iniitsa ang mga salita sa kanta patungo sa akin.

Tinungga ko ang laman ng baso na hawak ko at padabog na ibinaba ko iyon sa lamesa. "Stupid King."

"Hello."

Tumaas ang kilay ko ng makita ko ang isang guest na lalaki na lumapit sa akin. Sinenyasan niya ang bartender para marahil sa refill ng inumin niya. "Ngayon lang ata kita nakita dito, Miss."

Pinigilan kong paikutin ang mga mata ko. Iyon na lang ba talaga ang linya na kayang i-produce ng mga taong luto na ang utak sa alak? "Hmm."

"Not fond of talking?" he asked. "That's fine. With me, you don't need to talk. I'm man of actions."

"You're right."

Ngumisi siya at humakbang palapit sa akin. "Yeah?"

"Hindi mo kailangan magsalita dahil wala naman akong plano na makipag-usap pa sa'yo." Bumaba ako mula sa pagkakaupo ko sa high stool at akmang maglalakad na ako paalis ng hawakan niya ang kamay ko. Magkasalubong ang kilay na hinarap ko ang lalaki. "Bitawan mo ako kung gusto mo pa na umalis dito na dalawa ang kamay."

"Feisty. I like that." he said with a smirked.

Iniangat ko ang isa ko pang kamay pero nahawakan niya rin iyon. Inipit niya rin ang mga binti ko ng mga binti niya para hindi ko siya magawang sipain.

Inilibot ko ang paningin ko sa lugar at nakita ko si Hermes na sinusuong ang dami ng mga tao para makalapit sa amin. Kita ang nagbabagang galit sa mga mata niya sa paraan ng pagkakatingin niya sa lalaki.

Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaki at matamis na ngumiti ako. "You know what?"

"What, baby?"

"I can make your world rock."

Dinilaan niya ang labi niya at pagkatapos ay inilapit ang mukha sa akin. "Bakit hindi natin simulan na ngayon?"

"Sure."

Inatras ko ang mukha ko at buong lakas na pinatama ko ang ulo ko sa kaniya. Napahiyaw siya at lumuwag ang pagkakahawak sa akin dahilan para mabilis na makakawala ako. Umatras ako ng bahagya at sinipa ko siya 'doon'.

Sunod-sunod na mura ang kumawala sa bibig niya. Halos mamaluktot siya pero pinigilan ko siya sa kwelyo para makatayo pa rin siya ng ayos. "Hindi pa ako tapos." pagkasabi niyon ay umigkas ang kamao ko at pinatama ko iyon sa kaniya.

"Storm!"

Hindi ko pinansin si Hermes. Nanatiling tutok ang atensyon ko sa guest. Binitawan ko na ang lalaki at hinayaan ko siyang bumagsak sa sahig. Tumalungko ako at nakangiting tinignan ko ang lalaki na matalim ang tingin sa akin. "How's that? World rocking huh?"

"You bitc-"

Napalis ang ngiti ko. "Ito na ang huling beses na makikita ko ang mukha mo sa lugar na ito."

"Wala kang magagawa kung gusto kong pumunta rito!"

"Really? What if I kill you then?"

He scoffed. "You can throw a mean punch, yes. But you're a woman. As if I'll call your bluff."

"But I'm not bluffing, baby." I moved closer and whispered to his ear. "That's a promise."

Tumayo na ako at nilingon ko ang isa pang junior agent na si Cage. Umangat ang sulok ng labi ng lalaki at sumaludo sa akin bago kinaladkad paalis ang guest na masama ang pagkakatingin sa akin.

Napalingon ako kay Hermes nang hawakan niya ako sa braso at iniharap sa kaniya. Kita ang magkahalong pag-aalala at galit sa mga mata niya. "What was that?"

Humarap ako kay Hermes. "Wala naman."

"Storm-"

"Wala lang ako sa mood. But I'm fine now." hinawakan ko siya sa kamay at hinila ko siya papunta sa dance floor.

Nahawi ang mga tao ng makarating kami sa gitna. Mukhang umiilag na ang iba lalo na ang mga nakakita sa nangyari kanina. Akmang magsasalita ako pero napigil iyon nang muling sumabay ang pagkirot ng ulo ko sa malakas na pagtunog ng mga instrumento ng banda. But lace with that are murmured voices that are starting to sound clearer and clearer with each beat of the music playing.

I can hear various conversations in my head as if it's spilling from a container of memories. Mga memoryang hindi ko pa gustong harapin kaya mas pinili kong hayaang nakatakip iyon at malayo sa akin. But now the locks from that dark place that I thought were strong enough to keep everything in are starting to disintegrate into ashes as if crumbling to the force fighting against it. The force that is me. A part of me that is reaching for the truth.

"Storm are you okay?"

Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ko ang mga mata ni Hermes. Bumabakas roon ang maraming emosyon pero nangunguna roon ang pag-aalala. "Wag mo akong tignan ng ganiyan."

"Storm, I said are you okay-"

"Wag mo akong tignan na para bang mawawala na lang ako bigla."

Naguguluhan man ay marahang hinaplos niya ang pisngi ko na para bang ingat na ingat siya sa akin na tila ba isa akong babasaging diyamante. Umangat ang isa niyang kamay at idinampi iyon sa noo ko. "Nakakunot na naman ang noo mo. Kung ano-ano kasi ang iniisip mo."

I'm hurting him again. I'm hurting him still. Noon man hanggang ngayon lagi ko siyang nasasaktan dahil patuloy ako sa pagtakbo palayo sa kaniya. Sa katotohanan. I'm not ready. Masyadong mabilis. But I was forced to listened. I'm forced to look at the things that I'm afraid to acknowledge.

Inangat ni Hermes ang mga kamay ko at inilagay iyon sa mga balikat niya at pagkatapos ay hinapit ang katawan ko upang mas mapalapit ako sa kaniya. I can hear the change in the music here in reality but I can't focus on it because the voices are now louder than before. "Hermes..."

"Hmm?"

"Thank you." I whispered, my voice lace with the pain that reflects the agony I'm feeling.

"Thank you para saan?" Bumakas ang pagkagulat sa mga mata niya na kaagad ding napalitan ng pagtataka. Nang hindi ko sinagot ang tanong niya ay muli siyang nagsalita. "May problema ba Storm?"

"Wala naman. Naisip ko lang na ang swerte ko. Dahil sa kabila ng lahat nandiyan ka pa rin. Hindi ko maiwasang isipin na paano kung may tao pala na mas karapat dapat ng pagmamahal mo?"

"I don't care about that."

"But-"

"If there's something I'm sure of that is there's no one else I want to be with in this lifetime but the woman standing in front of me." pinisil niya ang tungki ng ilong ko. "Even though she beats up men when she's in a bad mood."

"I'm not really in a bad mood. I just have a lot in my mind."

"Like?"

Mahigpit akong napakapit sa kaniya nang kasabay ng pagtahimik ng mga boses sa utak ko ay ang paglinaw ng noon ay mga memoryang para bang sobrang layo na hindi ko magawang maabot. Sobrang layo dahil hindi ko iyon magawang tanggapin pabalik sa akin. It's not a rush of memories surge through me as if they were gone and back but it was like taking off a thin cloth to reveal what's already there. What's already inside me but I wasn't just ready to see it.

"Like how life hates me. Na parang gusto niya akong bumigay hanggang sa hindi ko na kayanin lahat ang bigat ng dinadala ko." I said, my voice coming out as a whisper.

"Alam ko Storm na nagdududa ka sa buhay na mayroon tayo ngayon. Naranasan mo kung paano mawalan ng kinakapitan at ng mga taong mahal mo. Pero hindi mo na kailangang matakot ngayon. Hindi mo na kailangang matakot kahit kailan."

"Hindi mo ako kailangang protektahan." bulong ko. "Hindi mo responsibilidad iyon."

"You don't need to be strong all the time."

"Hermes..."

"Hindi ko masasabing madali na mahalin ka pero mas mahirap na itigil ang pagmamahal ko para sa'yo." marahan niyang wika. "Kaya kahit anong gawin mo nandito lang ako. Hindi kita iiwan."

Malungkot na ngumiti ako. Hindi ko na nagawang pigilan ang luhang kanina pa nagbabanta sa mga mata ko. "I'm sorry."

Nanlaki ang mga mata niya at nag-aalalang pinunasan niya ang mga luha ko. "Storm, don't cry. If I said something-"

"I'm sorry. I'm so sorry."

"Storm-"

"For loving him, for hurting you, for not realizing what I really feel. I'm sorry. I'm sorry that I kept on hurting you."

Mas madaling tanggapin ang katotohanan na sinira ng isang tao ang buhay ko pero ang hirap dalahin ng katotohanan na sana...sana hindi nasira kung hindi lang ako nagkamali. Kung sana mas binuksan ko ang mga mata ko para makita ang katotohanan.

"Wala akong ginawa kundi saktan ang mga tao na nasa paligid ko. Lalo ka na. Pero hindi ka umalis. Mas pinili mo na masaktan." Umangat ang kamay ko at idinampi ko iyon sa pisngi niya. "I'm sorry you suffered because of me. That you're still hurting. I'm sorry that you keep on sacrificing for me. Sorry dahil lagi mo kong inuuna at kung ano ang magpapasaya sa akin."

Animo may sumaklot sa puso ko ng bumitaw ang mga kamay niya na nakahawak sa akin habang ang mga mata niya na puno ng takot ay may luhang naglalandas.

"Storm...you..."

"I realized three things." bumaba ang kamay ko sa tapat ng puso niya. "Matagal ng nawala ang nararamdaman ko para kay Adonis." muling bumaba ang kamay ko at sa pagkakataon na ito ay hinawakan ko ang kamay niya. "And my son...he's our son right?"

I looked up at him but I can't see him clearly because of the tears that keeps on cascading down my cheeks. "H-He's ours right?"

His eyes glistened with wet as his own tears fell from his eyes. He nodded his head before he speak, his voice breaking. "He is."

"He'll grow up and his father will be with him." I whispered as the calmness of the truth envelopes my heart. "His father is not a monster. His father is a good man. He won't call him tito because Ale will call him Dad."

Iniangat ko ang kamay niya at inilapat ko iyon sa tapat ng puso ko. "And three, I realized, I've fallen in love with you. And it kills me that I didn't see it sooner."

Bumitaw ako sa kaniya at hinayaan ko na bumagsak ang katawan ko nang maramdaman ko ang panlalambot ng mga tuhod ko. Nanatili ako sa kinaroroonan ko at pilit na hindi ko ininda ang sakit sa mga tuhod ko dahil sa pagkakaluhod ko.

"I'm sorry. Ang dami kong maling desisyon. Ang dami kong maling ginawa. All I can do is hurt you. To bring you pain. I'm so sorry."

"You're wrong."

Luhaan na nag-angat ako ng tingin. Pero hindi na kailangan. Because he kneel down too, his hands reaching for my tear streaked face.

"You're wrong, Storm. Because you just made me the happiest man on Earth."

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
1.4M 45.2K 43
All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet like a princess. But I never thought it...
5.8M 98.1K 52
(PUBLISHED BY LIB) Hius Secret Agent Bride To Be, now a published book under LIB creatives. Php 110. Available at all Precious Pages branches, Nation...