Behind the Scenes

By legitimagines

30.5M 120K 23.8K

What happens if they're out of public's view? What happens behind the scene? More

Behind the Scene (KathNiel fanfic)
BTS 1- Reward for kuya ♥
BTS 2- Kulitan to the MAX
BTS 3 - Oh My Daniel Padilla
BTS 4- SELOSA? ü
BTS 5 - My Kathryn Bernardo
BTS 6- Another day of kakulitan ♥
BTS 7- Ainah's Party
BTS 10- Showbiz Inside Report? :))
BTS 11- 11:11
BTS 12- Our day ;)
BTS 13- Our Day "Tuscany il Ristorante"
BTS 14- Isang nakakalokang Araw :P
BTS 15- Who's the GIRL?
BTS 16- I'm always here for you, No Matter What..
BTS 17- Nakakainis ka! Alam mo yun?!
BTS 19- Love for love
BTS 20- Awkward day!
BTS 21- "That's what we call LQ- Magui"
BTS 22- All is BACK :')
BTS 23- All is well :) {Happy KATHNIEL Day!}
BTS 24- the Buzz :)
BTS 25- MOY?
BTS 26- My Only YOU :3
BTS 27- Star Magic Sportsfest
BTS 28- Star Magic Sportsfest 2
BTS 29- Together
BTS 30- IKAW lang talaga
BTS 31- SM Ball finally together <3
BTS 32- SM Ball Finally Together 2
BTS 33- SM Ball "Photo Booth" :)
BTS 34- Room Sweetness
BTS 35- Expect the Unexpected
BTS 36- Happy Anniversary!
BTS 37- This is exciting
BTS 38- It's what we call LOVE :))
BTS 39- Good Morning America!
BTS 40- Surprise?
BTS 41- Surprise? 2
BTS 42- A day with you
BTS 43- Bye America
BTS 44- Your baby left for a purpose
BTS 45- Nueva Ecija?
BTS 46- Wooden Hammock
BTS 47- Everything you do is <3
BTS 48- BernarDilla :)
BTS 49- Freedom <3
BTS 50- Don't be afraid baby <3 ; FB?
BTS 51- Simple yet sweet.
BTS 52- Memories with him..
BTS 53- YOUR friends are my friends :)
BTS 54- Facebook Party?! :)
BTS 55- Happy NEW Year!
BTS 56- Happy NEW Year part 2
BTS 57- Game 3
BTS 58- Random Day
BTS 59- It's okay
BTS 60- Shooting?
BTS 61- Shooting Day
BTS 62- Shooting Day part 2
BTS 63- SUBIC
BTS 64- SUBIC 2
BTS 65- SUBIC 3
BTS 66- SUBIC 4
BTS 67- Bye
BTS 68- Long Distance
BTS 69- Long Distance 2
BTS 70- Long Distance 3
BTS 71- I'm sorry
BTS 72- Guilty?
BTS 73- the "Moves"
BTS 74- the "moves" 2
BTS 75- A day with YOU and them
BTS 76- GHOHOL
BTS 77- Jogging with Magui?
BTS 78- the Plan
BTS 79- This is it!
BTS 80- April 26, 2013
BTS 81- Daniel Live!
BTS 82- Lagot na?
BTS 83- Tito <3
BTS 84- BF
BTS 85- Subic round 2
BTS 86- Subic round 2 part 2
BTS 87- Subic round 2 part 3
BTS 88- Subic round 2 part 4
BTS 89- Subic round 2 part 5
BTS 90- Subic round 2 part 6
BTS 91- She's not well.
BTS 92- Jealous babe
BTS 93- Lasagna Day
BTS 94- Congratulations Kath!
BTS 95
BTS 96- Yellow band-aid
BTS 97- Her mother, her best friend and her DJ.
BTS 98- Wrong Send?
BTS 99- Kris TV and Flashbacks
Raine's Note. PLEASE READ thanks! :*
BTS 100- I love you a minion times
BTS 101: Fishball
BTS 102- Color Fun Run
BTS 103- Couple of the Night
BTS 104- My MVP
BTS 108- Merry Christmas!
BTS 109- DATE?
BTS 110 - P and HK
BTS 111
BTS 112- Welcome Back Baby
BTS 113- Hello Singapoooo
BTS 114- Batangas-Sleepover
Author's Note
BTS 115- Dog Party
BTS 116- A concert date with my baby
BTS 117- Basketball
BTS 118- Happy birthday miss beautiful!
BTS 119- #Kathryn18
BTS 120- Adventure
BTS 121- This long distance is killing me
BTS 122- Happy Birthday Teen King!
BTS 123- Rehearsal
BTS 124- Concert-Hospital
BTS 125- Jelly Jelly
BTS 126- Lol Have Fun baby!
READ ME
BTS 127- It will begin
BTS 128- ROUND 1
BTS 129- Round 1.1
BTS 130- This too shall pass
BTS 131- Round 2
BTS 132
BTS 133- Is it over?
BTS 134- Putting things back to where it used to be
BTS 135- New Zealand; New beginning
BTS 136- Boyfriend duties
BTS 137- KN and friends
BTS 138
139
BTS 140- Nothing's Gonna Stop Us Now (reposted)
BTS 141- Love x Hate Relationship (reposted)
BTS 142- Madame Baby's Baby Boy
BTS 143- KATHRYN XIX complete
BTS 144
THANK YOU!
Raine Answers..
BTS2

BTS 145- Buhay ng Nagmamahal

60.3K 753 250
By legitimagines

Shoutout to the BTS FAMILY! Love ko kayo super! 😘 I hope you enjoy this last update thanks! 💕

Kath's P.O.V

>FLASHBACK<

Natawa ako sa sagot ni JD sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako naniniwala sa mga sabi sabi ngayon? Sobrang solid na ng tiwala ko kay DJ. Iniisip ko, ano nanaman kayang kasinungalingan ang sasabihin sa akin? Ayoko. Ayokong malaman dahil hindi naman importante at alam kong kasinungalingan lang.

To: JD

I know him better than you. Alam ko lahat ng kalokohan niya simula sa mga pinaglaruan at ginamit niyang babae nung high school siya pati mga subok niya sa mga bisyo. Yung pag cut class niya, yung second classroom na niya ang director's office and everything else. Yung napag-usapan nila noon na pagpasa-pasahan ang isang babae, alam ko yan. Alam ko rin na alam mo yun pero hindi mo alam kung bakit niya ginawa ang mga bagay na yun. Yan mismo ang lamang ko sayo. Btw, hindi ako tanga may evidence na kaya sana wag ka nang magdeny.

>END OF FLASHBACK<

Natatawa nalang ako tuwing naalala kong pinatulan ko yung lalaking yun. Alam kong alam ni DJ na minessage ko si JD pero nagtaka ako kasi hindi niya man lang nababanggit sa akin. Haay. Wala talagang pakialam yung lalaking yun sa mga ganitong problema. Nakwento rin pala sa akin nila Sed yung mga pino-post ng mama ni JD sa Facebook. Tinawanan nalang ni DJ yun pero ako medyo napa-isip ako. Ayoko namang mag-isip ng masama against them kasi for sure laking tampo ni DJ sa akin yun. Hindi ko nalang pinakialaman kasi mga kaibigan ni DJ yan. Pero wag lang talaga silang lumagpas sa limits gaya ni JD kasi I'm here to protect my boyfriend lalo na't ayaw niyang pinapatulan angmga taong ganun.

Btw, magkasama kami ni Arisse ngayon dito sa bahay. Napasagi lang sa isip ko yung lalaking yun dahil nakita ko yung tweets ng fans about fifi.

Arisse: Kaaath ano na?

Kath: Ha? Ano nga yun?

Arisse: Kukuha na tayo?

Kath: Game na kuha na tayo.

Arisse: Magugustuhan kaya ng dalawang yun?

Kath: *giggle* Of course... not. I can't imagine them watching Katy Perry's concert. Hahaha!

Arisse: *giggle* Sasama kaya sila? Baka masayang yung dalawang ticket.

Kath: Si DJ? Sasama yun. Eh si Pat?

Arisse: I think so.. pero paano kung nag-usap silang iwan tayo?

Kath: Iwan din natin sila.

Arisse: HAHAHA! Ang gandang sagot naman niyan ate girl!

Balak namin ni Arisse na kumuha ng extra two seats para sa concert ni Katy Perry kasi isasama namin sina DJ at Pat. Hindi sure si Arisse kung sasama yung dalawa pero ako sure ako sasama sila. Kung hindi man sumama si DJ, magtatampo talaga ako sa kanya. Nag-effort ako tapos hindi siya sasama?

(A/N: Ayaw niya kasi sa effort. Ayaw niya sa landingan ng airplane. *uuyy nag-iisip siya* kbye)

Umorder na kami ng tickets. Sabi ni Arisse siya na raw bahala sa paghawak ng tickets. Sa kanila kasi ide-deliver yung tickets eh.

DJ's P.O.V

Nakahiga ako ngayon dito sa bed ko. Nagpapahinga bago maligo. Kakatapos lang kasi namin magbasketball. Ang huling alam ko kasama ni Arisse si Kath magl-lunch daw si Arisse sa kanila. Sabi ko sa kanya dapat laging ganun. Mas gusto ko kasing hindi siya lumalabas ng bahay. Nag-aalala ako sa safety niya. Ayaw pa man din magpasama ng security. Chineck ko agad yung phone ko nung nagvibrate siya.

From: Babe 😘
Nanghihina.

Patay magkakasakit yata to ah.

To: Babe 😘
Puntahan kita?

From: Babe 😘
Moody.

From: Babe 😘
Ayaw mamansin.

From: Babe 😘
Ang sungit.

Isa isa kong binasa yung mga text niya. Ano bang meron? Nagvibrate ulit yung phone ko.

From: Babe 😘
Lumalaki ang tyan.

Anong lumalaki ang tyan? Lumalaki ang tyan niya? Eh naggi-gym naman siya mapapaliit niya ulit yun. Nagvibrate ulit yung phone ko.

From: Babe 😘
Buntis

DJ: S*

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa huling text na nabasa ko. Eh hindi naman kami.. Napatayo ako. Wala pang nangyayari sa amin kaya ibig-sabihin hindi ako ang may gawa. Kung hindi ako, sino? Ibig-sabihin may iba siya? Bakit? Paano? Bakit hindi ko man lang napansin? Parang gusto kong manuntok! Tinawagan ko agad si Kath sa sobrang galit ko.

DJ: Sagutin mo. Sagut-Hello?! Bakit ka buntis? Sino? Sabihin mo sa akin kung sino? Sabihin mo! Ito ba ang ganti mo sa akin sa kag*hang ginawa ko noon? Grabe Kathryn *naiiyak* grabe ka. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Magpapakamatay nalang ako. Hindi ko kaya itong nangyayari ngayon! Hindi ko matanggap! Ano?! Magsalita ka. Magexplain ka sa akin. Sabihin mo sa akin kung sino yang p* lalaking yan. Makikipagbugbugan ako hanggang sa mabura yung mukha niya!

Kath: Sorry.

DJ: Sorry? Mawawala ba yang bata sa sorry na yan?! Grabe Kathryn anong nangyari sayo?! Alam na ba to ni tita Min? Ano hindi niya alam? Ayan. Magaling ka. Ako. Akong magsasabi sa kanya. Wala akong pakialam kung magalit ka sa akin. Gagawin ko ang tama!

Kath: Babe..

DJ: Hindi mo ako madadaan sa babe babe. Wag mo akong tawaging babe kung hindi naman ako ang mahal mo!

Kath: Please basahin mo yung text ko sayo.

DJ: Ewan ko na Kath. Ewan ko.

Binato ko yung phone ko pagkatapos kong ibaba yung tawag. Halos iuntog ko na sa simento yung ulo ko dahil hindi ko talaga matanggap. Hindi ko tanggap. Umupo ako sa kama ko at huminga ng malalim. Naala ko si tita Min. Pinulot ko agad yung phone ko. May tatlong bagong text si Kath.

From: Babe 😘
Si Snow.

From: Babe 😘
Lolo ka na?

From: Babe 😘
I love you my love. Wag nang mainit ang ulo kasi ikaw lang ang baby ko. Mwah mwah!

Hindi ko maintindihan yung text ni Kath. Bakit biglang may Snow? Binasa ko ulit lahat ng text niya sa akin..

-Nanghihina.

-Moody.

-Ayaw mamansin.

-Ang sungit.

-Lumalaki ang tyan.

-Buntis.

-Si Snow.

-Lolo ka na?

-I love you my love. Wag nang mainit ang ulo kasi ikaw lang baby ko. Mwah mwah!

DJ: P*ng in*!!! MUNTIKAN NA AKONG MAGPAKAMATAY AT MAKAPATAY! Bakit ba naglalandi si Snow?! S* T*nga DJ! Ffff

Nagvibrate yung phone ko, tumatawag si Kath. Sinagot ko agad pero hindi ako nagsalita.

Kath: Daddy? Buntis po si Snow hindi si mommy okay? Chill lang po tayo daddy. I love you po *giggle*

DJ: Nakakainis naman!

Kath: Bakit naman?

DJ: Tngin* namang balita yan!

Kath: Hahaha!

DJ: Muntikan na akong magpakamatay! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko! Bakit ba hindi mo diniretsyo sa akin na si Snow ang buntis?! Grabe! Grabe!

Humiga ako sa bed at huminga ng malalim. Chill Daniel. Hindi si Kath ang buntis. Hindi si Kath. Si Snow. Aso. Aso lang si Snow. Yung aso ang nabuntis. Hindi yung girlfriend mo. Ikaw lang Daniel. Ikaw lang ang boyfriend niya.

Kath: *giggle* Kasi gusto ko ng suspense. Hindi ko naman alam na iba ang maiisip mo eh. Chill ka na baby. Walang Kathryn Bernardo na buntis. Wag mo akong isusumbong kay mama ha? *giggle*

Natawa nalang din ako sa sarili ko. Oo nga! Sinabi ko pang isusumbong ko siya kay tita Min! Hahahaha! Nahahalata yata ni Kath na nanginginig pa rin yung boses ko kaya sabi niya mag facetime kami. Tinanggap ko agad yung tawag niya. Yun ang kailangan ko eh. Kailangan ko siyang makita para kumalma ako. Kathryn na may buhat na Snow agad ang bumungad sa akin.

DJ: Patingin ng tyan.

Tinutok niya yung camera kay Snow habang nakangiti siya.

DJ: Hindi yan. Yung tyan mo.

Napansin kong sumeryoso yung mukha ni Kath na galing sa sobrang saya.

Kath: Bakit, hindi ka naniniwala sa akin na hindi ako ang buntis?

DJ: *kamot sa noo*

Kath: Kailangan mo pa bang makita yung shape ko para maniwala sa akin?

DJ: Baby hindi naman sa-

Kath: Iba na ba tingin mo sa akin? Na kaya kong gawin yun? Or, wala kang trust?

DJ: Meron! Pero-

Kath: Pero gusto mong makita yung shape ko? Ironic yata?

Yumuko at huminga ng malalim.

DJ: Sorry. Kinabahan lang naman ako eh. Ayoko kasing mangyari yun. Alam ko namang hindi mo gagawin yun pero natakot ako. *frown*

Kath:...

DJ: Sorry na bal. Hindi ganun ang intensyon ko.

Kath: Siyempre... *serious face* joke lang!! *giggle*

Shet! Pinagti-tripan ba ako ng babaeng to?!

DJ: Binabaliw mo ba talaga ako?

Kath: *giggle* I love you too.

Pinakalma lang ako ni Kath at pagkatapos naming mag-usap nagpost ako sa facebook.

Daniel Padilla

Haaay grabe. Nakakahinga na ako ng maluwag. First time kong naramdaman yun. Alam niya kung paano ako pagtripan. Haay kung hindi ko lang mahal eh.

Comments:

Kathryn Chandria Manuel Bernardo

I love you too hahaha!

...

DJ's P.O.V

Papunta ako kina Kath kasi simula kagabi kinukulit na ako niya na i-date ko raw siya ngayon. Nagulat nga ako eh first time niyang i-request yun sa akin. Siyempre ibibigay ko naman yun sa kanya pero niloko ko siyang ayoko. Natatawa ako kasi hindi siya nagreply sa akin pero nagtext siya ng 'group message' DAW.

"From: Babe

GROUP MESSAGE

Ngayon nga lang ako magre-request ayaw pa. Masakit pala pag hindi ka mahal ng mahal mo.

Good night sa mga may boyfriend na SWEET!"

Alam ko namang sa akin lang niya sinend yun eh. HAHAHA! Ang cute talaga ni Kath kahit kelan! Tinawagan ko siya at sinabing magbihis ng maaga kasi magl-lunch date kaming dalawa. Natuwa naman siya sa sagot ko.

Pagkarating ko kina Kath si Snow agad hinanap ko. Nakahiga lang siya. Umupo ako para haplusin siya. Tumaba nga siya. Nakakatawa lang kasi si Cola daw ang bumuntis sa kanya. Buti nalang talaga aso lang itong mga to kasi kung hindi, incest na talaga. Bigla nalang may tumalon at yumakap sa akin galing sa likod. Halos ma-out of balance ako sa ginawa niya. Hinalikan niya ako sa pisngi.

Kath: *breathe in* Bango ng baby ko! Powdery!

Natawa ako. Habang naka tingin pa siya sa akin, tinignan ko yung lips niya. Ngumiti ako tapos hinalikan ko yun.

Kath: Heey! Don't! Nakalipbalm ako.

DJ: Oh bakit?

Kath: Nagd-dry kasi lips ko. Nawi-wind burn na ata.

DJ: Yan kasi eh. Hindi kailangan ang lipbalm. Ano pang kwenta ko?

Ngumiti si Kath tapos tinignan yung labi ko tumingin siya sa mata ko tapos nagpa-cute siya. Handang-handa na ako nung bigla niyang tinulak yung mukha ko tapos kumalas sa pagkayakap niya sa akin.

DJ: Aray! Baby naman!

Kath: Masyado kang maraming alam. *giggle* Let's go!

DJ: *smirk* Mamaya ka sa akin.

Kath: Mamaya ka rin.

Wow. Masyado yatang matapang ang girlfriend ko ngayon ah. Masaya to.

...

Nagpunta kami sa restaurant na lagi naming kinakainan nila Pat kung nagd-double date kami. Siya rin nagrequest na dito raw.

Kath: Baby?

DJ: Yes?

Kath: Gaano mo na nga ako kamahal?

DJ: *kunot noo*

Kath: Hmm.. Gusto ko lang ulit malaman.

DJ: Mahal kita to the point na kaya kong gawin lahat para sayo.

Kath: Lahat?

DJ: Oo.

Kath: As in?

DJ: Oo nga.

Kath: Gusto ko ng sample.

Napakunot noo ako sa sinabi ni Kath. Ano bang nainom neto? Magsasalita na sana ako nung may inabot siyang envelope sa akin. Kinakabahan naman ako dito. Simula nung buntis buntis na yun lahat ng ginagawa ni Kath nakakatakot na. Dahan dahan kong binuksan yung envelope.

DJ: Ay sht.

Kath: *giggle* Surprise!!!

Ako? Pupunta sa concert ni Katy Perry?! Pwede bang magbasketball nalang buong araw?!

Kath: So?

DJ: *nod* Game!

Kung hindi lang talaga kita mahal eh.

Pagkatapos naming kumain umuwi rin kami agad kina Kath sabi ko kasi sa kanya gusto kong humiga lang parang nagbugbog akosa huling basketball namin eh. Okay lang naman sa kanya. Nakahiga ako ngayon sa lap ni Kath habang nanonood kami dito theater nila. Minamassage niya yung ulo ko. Napansin kong nakatingin siya sa braso ko.

DJ: Bakit?

Kath: Parang pumapayat ka na.

DJ: Talaga? *smile*

Kath: *hawak sa braso ni DJ* Nagbubuhat ka sa inyo?

DJ: Hindi. Ayoko nakakatamad.

Kath: Ayan. Ang tamad kasi eh. Edi sana may abs ka na rin ngayon.

DJ: Bakit abs ba basehan ng kagwuapuhan? At least ako ngingiti lang nagrarambulan na lahat.

Kath: *giggle* Yabang.

DJ: Oh umamin ka bi. Ikaw kapag tumitingin sayo konti nalang mahihimatay ka.

Kath: OA yan ha.

DJ: *giggle*

Kath: Ikaw kaya. Wala pa akong ginagawa deds ka na.

DJ: Baka pag tulog ako may nagpipictorial sa akin?

Kath: Siguro may laging nagpipicture sa paa ko?

DJ: Baka may laging sumisiksik sa akin para magpa-hug?

Kath: Siguro may laging inaamoy yung buhok ko? Kapag hindi makapagpigil pati sa harap ng maraming tao inaamoy ako?

DJ: Baka may nagpapanic kung inaasthma ako?

Kath: Siguro may hindi kayang wala akong text sa kanya?

DJ: Baka mahal mo ako?

Kath: Siguro mahal mo rin ako?

DJ: *smirk* *yakap kay Kath*

Kath: Loser ka talaga.

DJ: Lagi naman akong talo sayo eh.

Kath: Girl power!

DJ: Loser ka nga rin eh.

Kath: We're both losers!

DJ: Kaya bagay talaga tayo eh.

Kath: Pero sino kaya yung sinigawan ako nung binabalita ko lang sa kanya na buntis si Snow?

DJ:...

Kath: Hahahaha!

DJ: Tangin*! Nagpanic ako! Wag mong uulitin yun ha?

Kath: *giggling*

Yumuko si Kath habang tumatawa. Lolokohin nanaman ako neto. Hinawakan ko yung dalawang pisngi niya.

DJ: Halika may sasabihin ako.

Kath: Ano?

DJ: Bubulong ko.

Mas binaba pa ni Kath yung ulo niya tapos tinaas ko rin yung ulo ko at sinalubong ko yung lips niya. Pinalo-palo niya ako para bitawan siya pero hindi ko ginawa. Hanggang sa kinurot niya na ako. Napabitaw ako kasi ang sakit ng kurot niya.

DJ: Aww! Ang sakit!
Kath: Masakit nga hindi mo ba nage-gets? Nagwi-windburn yung lips ako.

Kevin: Yung alin?

Napatingin kaming dalawa ni Kath sa nagsalita.

DJ: HAHAHA!

Kevin: DJ pag masakit wag pinipilit.

Kath: Yuck! Kadiri kayo!

Kevin: Hahaha! Joke lang! Bye!

Pagkasara ni kuya Kevin ng pinto tumatawa pa rin ako. Kinuha ni Kath yung throw pillow tapos pinatong niya sa mukha ko tapos dinaganan niya ng kamay niya yung unan.

DJ: Baby hindi ako makahingaaa!

Kath: Ano kayang magandang panoorin?

DJ: *giggling*

Kath: *mas dinidiinan ang pagpatong sa unan*

DJ: *yakap kay Kath* *hinihigpitan*

Kath: Araay! Ang higpit! *bitaw sa unan*

DJ: *kiss Kath's tummy* *smile*

Kath: Pangit.

DJ: *make face*

Kath: *giggle* Ang pangit talaga.

.....

Valkyrie

April 25, 2015

11:30 PM

Kath's P.O.V

Nandito kami ngayon sa Valkyrie. Actually marami kami, friends ni DJ pati sina Vice nandito. Pinaalam ako ni DJ kina mama at papa. Pinayagan naman siya na isama ako dito pero nung una ayokong sumama sa kanya. For sure kasi maaga rin akong uuwi kasi may appointment ako ng early morning ng 26. Pero pinag isipan ko ng mabuti, kung hindi ako sasama for sure tampo agad yun. Eh ayokong mangyari yun, sigurado akong masisira araw niya. Ayaw ko namang masira ang araw niya sa mismong birthday niya. Inexplain ko nalang na maaga akong aalis kasi may gagawin ako ng early morning. Okay naman sa kanya at inexpect ko na yun.

Hindi ako iniiwan ni DJ, sobrang bantay siya sa akin at sobrang balot din ang kamay niya sa akin. Bumulong si DJ sa akin.

DJ: Okay ka lang?

Kath: *nod*

DJ: May gusto kang inumin?

Kath: *shake head*

DJ: Gutom?

Kath: *shake head* I'm okay.

DJ: *yakap kay Kath* I love you.

Kath: *smile* Are you happy?

DJ: You always make me happy. *kiss Kath's forehead*

Tumingin ako sa watch ko. Saktong kakaturn sa 11:59

Kath: 59, 58, 57, 56.....

DJ: Huh?

Tinuloy-tuloy ko lang yung pagbilang ko.

Kath: 10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1

Tumingin ulit ako sa watch ko.

Kath: Baby.

Hinila ako ni DJ palayo ng konti sa mga tao.

DJ: Ano yun? Anong gusto mo? Hindi kita marinig eh.

Kath: *shake head* Happy Birthday baby. *smile*

Nag-tiptoe at inencirlce ko yung arms ko sa leeg ni DJ. Yumuko naman siya at nagsmile.

Kath: I love you.

Isang mabilis na peck sa lips ang binungad ko sa birthday niya. Binitawan ko rin siya agad.

DJ: *breahte deep* Ang bitin.

Kath: *giggle* You stop.

DJ: No you stop. Sinimulan mo eh *smirk*

Napatingin nalang kaming dalawa sa nagsalita.

Vice: Wala na bang kasunod yung kiss na yun? Itong mga to naman nambibitin!

Kath: *shocked*

Vice: Oh ano Danyel, jackpot?

DJ: G* umalis ka nga dito! *giggling*

Vice: Wag kayong mag-alala wala akong nakita. Kapag nag guest kayo sa GGV, promise wala akong nakita. Hindi ko rin alam na kayo na. Wala akong iku-kwento. *thumbs up* *giggle* Next time wag niyo na akong bitinin ha? *takbo paalis*

DJ: Ako nga rin nabitin eh.

Kath: *suntok sa tiyan ni DJ*

DJ: *giggle*

Isa-isa na silang lumapit kay DJ para i-greet siya. Kinantahan na rin siya ng Happy Birthday. Inaya ko siyang pumunta sa dance floor. Nung una ayaw niya pero napilit ko rin siya. Magkakasama kami nila Vice na nasa dance floor. Natatawa nga ako sa kanilang dalawa eh. Si DJ kasi sobrang balot sa akin yung dalawang kamay niya. Si Vice naman binubunggo si DJ or inaalis yung kamay ni DJ sa akin para mabitawan ako. Puro mura naman ang sinasagot ni DJ sa kanya.

Bigla nalang nagplay ang 'Earned It by the Weeknd'. Napangiti ako, Fifty Shades of Grey. Pinanood namin nila Arisse yun. May lalaking sumayaw sa pinaka gitna ng dance floor. Hinila ako ni DJ palayo. Pinanood lang namin yung lalaki. Napapangiti ako kasi ang galing niyang sumayaw. Nagulat ako nung sinabayan ni DJ yung kanta. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman kasi nakadikit sa tenga ko yung lips niya habang bumubulong sa akin.

DJ: Cause girl you're perfect..

Parang biglang huminto yung heartbeat ko.

DJ: You're always worth it..

Mygosh DJ...

DJ: And you deserve it.. The way you work it..

Humigpit yung hawak niya sa kamay ko. Mafe-faint ako dito. Tigilan mo ako DJ.

DJ: Cause girl you earned it.. Girl you earned it..

Magkatitigan lang kaming dalawa. Parang wala akong tugtog na naririnig. Wala akong nakikita kung ang lalaking rason ng mga ngiting ito ngayon. I love this guy so much. So sooo much. Nagising nalang ako sa katotohanan nung nagsihiyawan siya sa moves nung lalaki. Pumalakpak nalang din ako.

Bumalik kami ni DJ sa place namin kanina. Inoobserve ko siya habang umiinom siya. Kontrolado. Hindi na ako kumukuha ng drink ko. Minsan umiinom nalang ako sa hawak niya. Kaya hindi masyadong malakas yung iniinom niya. Nagstay ako doon for few more minutes. Nagpaalam na ako ng 1:30. Hinatid naman ako ni DJ sa sasakyan though ang hirap talagang lumabas kasi maraming gustong kumuha ng picture namin. Buti nalang yung security ni DJ talaga namang nakatulong sa paglabas naming dalawa. Binuksan ni DJ yung door ng van for me. Nagulat ako nung pumasok din siya.

Kath: Oh? Uuwi ka na rin? Akala ko ba mags-stay ka?

Tumingin lang siya sa akin at nagsmile.

DJ: Mar? Pwede ba kaming mag-usap ni Kathryn? 5 minutes lang.

Mar: Ah sige DJ okay lang.

Lumabas naman ng van si kuya Mar. Yumakap agad sa akin si DJ.

Kath: Ano to?

DJ: 5 minutes, just the two of us.

Kath: You and I? *giggle*

DJ: Kasi puro lalaki na kasama ko mamaya. Mamimiss kita.

Natawa ako kay DJ.

Kath: Tama. Puro lalaki lang dapat kasama ha?

DJ: *tingin kay Kath* Yes ma'am.

Kath: Good!

The whole time na nakayakap siya sa akin pinaalalahanan ko siya.

Kath: Control lang okay?

DJ: Yes ma'am!

Kath: Enjoy ka lang and umuwi na before 4.

DJ: *nod*

Alam ni DJ na kailangan ko nang magpahinga kaya hindi siya masyadong naging makulit ngayon. Parang bata nga lang talaga siya. I can't believe he asked for a 5-minute hug from me. Well kung yun ang makakapagpasaya sa kanya, ibibigay ko na. Bago siya lumabas ng sasakyan inayos ko yung buhok niya. Inalis ko rin yung dumi sa corner ng lips niya.

Kath: Okay. Go. I love you.

DJ: I love you too.

Hinalikan niya ako ng mabilis at lumabas na siya. Magtext daw ako kapag nakauwi na kami. Narinig ko pang pinaalalahanan niya si kuya Mar na mag-ingat sa pagdrive.

Ford's Residence

April 26, 2015

8:00 PM

Kath's P.O.V

After ng commitment ko umuwi ako to change my clothes tapos dumiretsyo na ako dito sa bahay nila DJ. May celebration pa kasi dito sa kanila eh. Nagulat ako kasi sina Sed ang sumalubong sa akin. Nandito pala sila. Nakaupo ako dito sa bench nila DJ sa labas. Hinarang kasi nila ako tapos pinaupo sa tabi nila. Pagdating ni DJ hindi niya ako napansin dahil inipit nila ako sa dulo. May dala siya Jack Daniel's at cups.

Sed: Pare nasabi ko na ba sayong break na kami ni Krishna?

DJ: Oh?! Pare kelan pa?

Sed: Three weeks ago.

DJ: Anong nangyari?

Sed: Ayoko nang alalahanin. Pero pare nasabi ko na rin ba sayong may nililigawan ako bago?

Natatawa ako pero pinipigilan ko. Alam ko na kung anong balak ng Sed na to.

DJ: Oww! Matinde! Sino pare?

Sed: Inaya ko siya ngayon eh.

DJ: Oh? Nasaan?

Sed: Ms. Beautifu-

DJ: G*! Baby nandito ka na pala!

Kath: *giggling*

Hinila ako ni DJ patayo tapos niyakap niya ako.

Les: Siete oo na girlfriend mo na!

Sed: Bakit mo ba niyayakap yung nililigawan ko pare? First come first serve ang usapan natin diba? Nauna ako diyan.

DJ: Pare wag ganyan. Wag kang fifi.

All: Hahahaha!

Pumasok muna ako sa loob para mag-hi kina tita. Yakap naman agad sa akin si Lella.

Lella: Ate Kath let's go sa room namin.

Kath: Yes baby girl?

DJ: Lella no.

Siniko ko si DJ.

Lella: Kuya DJ ipapakita ko lang yung tent ko.

DJ: Mamaya na. Tawagin mo si ate Magui mo sabihin mo nandito si ate Kath.

Lella: Sige po.

Pagkaakyat ni Lella napatingin ako kay DJ.

DJ: Bakit?

Kath: Wow super strict si kuya.

DJ: Wag kang magulo hindi nanaman ako papakinggan ng mga yan.

Kath: *giggle*

Kumain lang ako ng deserts. Iniwan muna ako ni DJ kasi ieentertain niya yung ibang visitors. Sina tita Karla ang kasama ko ngayon. Habang nagkukwentuhan sila naglean ako sa shoulder ni tita Karla.

Mama Karla: Anak okay ka lang?

Kath: Ah opo tita.

Mama Karla: May gusto ka bang kainin?

Kath: *smile* Okay lang po tita.

Mama Karla: Tignan niyo itong si Kath ang ganda pa rin kahit pagod no? Galing pa ng trabaho to.

Bigla akong nahiya sa sinabi ni tita sa mga kaibigan niya.

Ana: Maiinlove ba naman si DJ kung hindi ganyan kaganda ang prinsesa niya?

Jaiho: Kahit kakagising niyan maganda pa rin.

Kath: Jai! Hindi naman! Pangit ko nga mukhang siopao. *giggle*

Karla: Hindi naman din sa ganda lang nainlove si DJ eh. Yung personality at attitude din kasi maiinlove ka.

Kath: Hala tita. *nahihiya*

Ako pa rin ang tinatadtad niya hanggang nung dumating si DJ. Saktong nagtatawanan kami nung dumating siya. Tumabi siya sa akin.

DJ: Anong meron?

Mama Karla: Oh bakit ka nandito? Kukunin mo si Kath? Bawal. Iniwan-iwan mo tapos aagawin mo agad sa amin.

DJ: *kamot sa ulo*

Kath: *giggling*

DJ: Hindi ko naman iniwan ah. Pinakain ko lang.

Mama Karla: Iniwan mo pa rin anak. Nagsusumbong nga sa akin. Ako ang nilalambing.

Tumingin agad si DJ sa akin. Nag-nod naman ako kasi kinakalabit ako ni tita Karla. Hinila ni DJ yung ulo kong nakasandal kay tita Karla tapos umakbay siya sa akin. Natatawa na ako pero pinipigilan ko.

Lella: Kuyaaa!

Mama Karla: Ayan na ang mukhang kuya DJ.

Jaiho: Literal na nasa kanya ang mukha ng kuya.

All: Hahaha.

Nakipagkwentuhan na ulit si tita Karla sa mga kaibigan niya.

DJ: Oh bakit?

Lella: Kuya ayaw ni ate.

DJ: Pilitin mo.

Lella: Pinilit ko na nga eh.

DJ: Puntahan mo ulit.

Lella: Ayaw nga niya kuyaaa.

DJ: Ano bang ginagawa?

Lella: Nagvi-video sila ni ate Analain ng sayaw.

Kath: Ohh wow! Wag na kasi bi. Bababa rin naman yang mga yan eh. O kaya panoorin natin. Tara!

Lella: Ate Kath let's go.

Tumayo ako at walang nagawa si DJ. Sumunod nalang siya sa amin. Pagkapasok namin sumasayaw nga yung dalawa. Gumagawa pala sila ng dubsmash nila ng Little Einstein eh. Unang pumasok si DJ. Natawa ako kasi dumaan siya harap ng phone ni Magui edi natakpan na yung dalawa.

Magui: Kuya DJ!!

DJ: *stays in front of the camera* Bakit?

Kath: *giggling*

DJ: Si ate Kath mo oh.

Lumapit si Magui sa akin tapos bumeso't yumakap siya. Lumapit din sa akin si Analain.

Magui: Kuya go down na. Ate Kath will stay with us. *cling kay Kath*

DJ: Anong go down na. Lahat tayo bababa. *hawak kamay ni Kath*

Lella: We will dance the Little Einsteni pa.

DJ: Wag na yang dance dance na yan.

Nag-argue pa yung magkakapatid hanggang sa si DJ din ang nasunod ginamit niya yung pagiging birthday celebrant niya para mapapayag yung mga kapatid niya. Pagbaba namin..

Jaiho: Kath! Kath halika dito picture tayo.

Ana: Teka sasali ako!

Analain: Ako rin!

Lella: Ate Kath tabi tayo!

Magui: Me tooo!

Natawa ako kasi kay DJ nila inabot yung phone.

Mama Karla: Ang bait niya sa anak ko ha. Kung sino ang celebrant siya ang nagpi-picture.

DJ: Ma gusto mo ikaw nalang mag-picture?

All: Hahaha!

Mama Karla: Ganyan ka baby bubuot ah. Pa-kiss nga!

DJ: Maaa!

Lumapit si tita Karla kay DJ tapos niyakap siya. Pumapalag naman si DJ hahaha.

Mama Karla: Kapag ako nasiko mo DJ sisikmurahin kita.

Kath: Hahaha!

Mama Karla: Kath mukha siyang unggoy no? May pimples nanaman kakapuyat.

Tumingin ng masama si DJ kay tita.

Mama Karla: Unggoy na malaki ang eye bags. Kita mo Kath bukas may Band-Aid nanaman yan. Unggoy na unggoy lang.

DJ: Ma tumabi ka nga diyan sa daanan ang laking harang oh.

Bigla namang sinuntok ni tita Karla si DJ. Ahahaha!

DJ: Ma ang sakit nun ah!

Mama Karla: You deserve it anak. *titig kay DJ* You're so cuuuute!!!

DJ: MA ANO BAAA!!

Hinila ako ni DJ palayo kay tita Karla tapos lumabas kaming dalawa.

DJ: Dun ka na sa mga kaibigan mooo!

Mama Karla: Sinisigawan mo ba ako DJ?

DJ: HINDI!

Kath: *giggling*

Pagkalabas namin ni DJ nakiupo kami kina Sed na nag-iinuman. Kinuha niya yung cup na inabot ni Kats.

DJ: Gusto mo? (uminom)

Kath: *shake head*

Kats: Ikaw Kath?

Kath: Sige lang. Kayo nalang.

Nagkwe-kwentuhan lang kami. Super nakikita ko sa kanilang na-miss nila yung isa't-isa.

Kath: Bakit hindi niya dinala mga girlfriends niyo?

Sed: Next time. May ibang lakad eh.

Les: Hindi ko nasabi eh.

DJ: Ay may girlfriend ka pala Les?

Les: G*

Sed, Kats, DJ and Kath: HAHAHAHA!

DJ: Kelan mo siya dadalhin dito?

Les: Bakit?

DJ: Wala tatanungin ko lang kung ilang beses siya nauntog.

All: Hahaha!

Pinalo ko sa lap si DJ. Ang bastos talaga neto kay Les kahit kelan. Hahaha!

Les: Ikaw Kath? Ilang beses nauntog?

Kath: Hindi ako nauntog eh.

DJ: Ano ka ngayon tsong?!

Kath: Tanga lang ako.

All: HAHAHAHA!

Tumingin si DJ sa akin. Tumawa lang din ako, niyakap ko siya patagilid tapos hinawakan ko yung kamay niya.

Kath: Joke lang Bali. *giggle*

DJ: *balot ng kamay sa waist ni Kath*

Kath: Ah Kats, si Dae?

Kats: Ha?

Kath: Bakit hindi mo sinama si Daezen?

Kats: Na-miss ko na talagang tumugtog.

Les and Sed: HAHAHAHAHAHAHA!

Kath: Ha? Anong meron?

DJ: Break na kayo tsong?

Kats: *giggling*

Sed: Hindi. Hindi pa naman diba brad?

Les: Papunta palang.

Kats: G* ka. Kapag kayo ang nag-break wag kang lalapit sa akin tatawanan lang kita.

DJ, Sed and Les: Hahaha!

Kath: Kats kwentooo!!

Kats: Hindi lang kami okay ngayon. Pero kami pa rin.

Kath: Awww *frown*

Kats: Pupuntahan ko siya bukas.

Kath: Ahhh. Normal fights.

Kats: Sana *giggle*

Sed: May laman ang mga sinasabi mo brad!

DJ: *giggle* Sinong susunod sa yapak ni Sed?

Les: Kayo.

DJ: *tingin kay Les*

Les: Ang hindi susunod! Teka lang kasi may kasunod pa!

Kath: *giggle*

Sed: Muntikan lang sila Les!

DJ: Pasensya, mahal ako eh.

Kath: *tingin kay DJ* Excuse me?

DJ: Joke lang baby. Joke.

Les: Buhay under. *DJ tingin kay Les* Under---armour diba? Yung sapatos ni Steph Curry?

Natawa ako kay Lester. Ang dami talagang kalokohan neto. Magkaibigan nga sila ni DJ.

Les: Kath ayaw mo? *abot ng cup*

Kath: Okay lang ako.

Les: Kahit para kay DJ?

Kath: Ano namang connect ni DJ diyan?

Les: Birthday niya kasi. Para sa birthday niya.

Sed: Ayaw niya talaga Les baso mo yan eh. Ayaw niyang ma-infect.

Kats, DJ and Kath: Hahahaha!

Sed: Iabot mo yung baso ni DJ gusto niyan.

Kath: *giggle* Baliw!

DJ: Gusto mo?

Kath: *shake head*

DJ: Wag nga kasing pinipilit. Ayaw nga niya eh.

Kath: *giggle*

Sed: Paano pag napa-inom ko siya?

DJ: Kaya mo?

Sed: Oo! Tara Kath jack en poy.

Kath: Ayoko.

DJ: Kitams.

Napapansin kong si Kats ang pinaka tahimik sa kanila na hindi naman usual. Nakikitawa nalang siya tapos inom talaga ng inom. Unlike DJ, Les and Sed na kontrolado lang. Nakita niya akong nakatingin sa kanya. Sinenyasan ko siya ng, 'okay ka lang?' Umoo naman siya. Lumapit sa akin si Magui, bigla naman silang napatahimik.

Magui: Ate Kath?

Kath: Yes?

Magui: Can I drink-

DJ: ANO?! NO! Hindi pwede Magui! Ano ba yang sinasabi mo?!

Bumulong sa akin si Magui. Hinayaan niyang magsalita yung kuya niya. Natawa ako sa binulong ni Magui, 'Can I drink your water?' May bottled water kasi ako sa tabi ko. Napangiti akong tumingin kay DJ.

DJ: ANO?

Kath: Yes Magui. It's okay.

DJ: BABY! ANONG YES?! NO MAGUI! KATHRYN ANO BA?! Isusumbong ko kayo kay mama!

Kath: Here's my water Magui. Yours na.

Magui: Thanks ate Kath!

Bigla namang napatahimik si DJ.

Les: HAHAHAHAHA! No Magui! No! You can't! HAHAHAHAHA

DJ: Lagot ka sa akin Lester!

Les: HAHAHAHA! Nakakatawa talaga si Sed! Hahaha! Ang pangit mo pala Sed nakakatawa ka!

Sed: Ano?!

Les: Si Katsumi hahaha! Nakakatawa! Hahahaha!
Kats: Bakit mo ako dinadamay diyan?!

Les: Hahahaha! Teka iihi lang ako. *takbo*

Kath: *giggling* Ang baliw talaga nun.

Sed: Hindi na yun babalik dito.

DJ: Sira ulo eh.

Isa-isa nang nagsiuwian yung mga bisita ni DJ. Sina Sed dito raw matutulog ako naman uuwi sana pero si DJ ang maghahatid sa akin eh nakikita ko na sa itsura niya na sobrang pagod siya. Kaya nagpaalam ako kay mama na hindi na ako uuwi. Matutulog nalang ako sa room nila Magui na kanina pa akong pinipilit na dito matulog. Sina DJ nandoon na sa room niya while nandito na ako sa room nila Magui.

Naka tulog na yung tatlong girls habang ako hindi makatulog. Tumayo ako, nagsuot ng earphones tapos sumilip sa bintana.

DJ's P.O.V

Habang naglalaro sina Sed ng 2k15, lumabas muna ako ng kwarto para silipin si Kath sa room nila Magui. Nagulat ako kasi pagpasok ko, tatlo lang ang nakahiga. Isa-isa ko pang sinilip yung mga mukha nila. Kumatok ako sa cr nila Magui pero walang sumasagot kaya binuksan ko, walang tao. Tinawagan ko yung phone niya at biglang may nagvibrate sa table nila Magui, phone ni Kath. Kinabahan na ako. Baka umuwi siya, hindi nalang nagsabi. Lagot ako kay tita Min neto! Ang sabi ko kasi ako ang maghahatid. Eh sinabi naman niyang hindi na siya uuwi.

Naisip ko naman si mama kaya pumunta ako sa room niya. Mas lalo lang akong kinabahan kasi wala namang katabi si mama. Lahat ng cr sa baba chineck ko pero walang tao. Yung buong first floor nilibot ko na rin pero wala talaga. Lumabas ako ng bahay, yung mga kasambahay naglilinis ng mga kalat.

DJ: Nakita niyo ba si Kath? Umuwi ba siya? Sinong sumundo sa kanya?

Si manang ang sumagot sa akin.

Manang: Nasa court DJ.

DJ: Salamat po.

Tumakbo agad ako sa court. Wala naman akong nakikitang tao. Nakita ko lang si Shadow na nakaupo sa tabi ng bench. Sinisilip ko kung may kasama siya pero wala akong makita. Lumapit ako.

DJ: *breathe deep*

Si Kath nakahiga sa bench.

DJ: Kaya pala hindi ako makatulog eh.

Bigla siyang napaupo nung nakita niya ako.

Kath: Bakit ka nandito?

DJ: Ikaw ang bakit nandito?

Umupo ako sa tabi niya.

Kath: Hindi kasi ako makatulog eh.

DJ: Bakit hindi ka pumasok sa room ko? O kaya tinext mo nalang sana ako.

Kath: Hmmm. Baka tulog ka na. Tska itong day lang na to ang bonding mo with them kaya ayokong makisali.

DJ: *tingin kay Kath* Aysus! *kiliti kay Kath*

Kath: Totoo nga! *giggling*

DJ: Eh anong ginagawa mo dito?

Kath: Nakita ko kasi si kuya Romeo kanina nung sumilip ako sa bintana. Tutulungan ko sana silang magligpit pero ayaw nila akong patulungin kaya dito nalang ako nagpunta.

DJ: Binabantayan ka pa ni Shadow oh.

Kath: *giggle* Ang sweet nga niya eh. Kasi nung nakita niya ako nakabuntot na siya sa akin.

DJ: *smile* Well-trained ba?

Kath: As if trinain mo siya. *roll eyes*

DJ: *giggle*

Napansin kong giniginaw si Kath kaya hinila ko siya palapit sa akin at niyakap ko siya.

Kath: Bakit hindi ka pa tulog?

DJ: Kasi nga nandito ka pa. Kaya pala hindi ako mapakali eh.

Kath: Asus.

DJ: *giggle* Tara na sa taas?

Kath: Kawawa naman si Shadow walang kasama.

DJ: Marami siyang kasamang aso doon.

Kath: Pero gusto niya akong kasama baby.

DJ: Ha? Bakit sinabi ba niya sayo? Paano mo nalaman?

Eto nanaman siya. Akala mo kung may dugong aso eh. Kung ano anong sinasabing nararamdaman ng aso.

Kath: Kasi nagstay siya dito kasama ako. Tapos kinakausap ko siya kanina nakikita kong masaya siya.

DJ: *kamot sa ulo*\

Kath: Tignan mo oh masaya siya diba? Shadoow! Come here! Good boy! *kiss Shadow's head*

DJ: Naantok na siya oh kaya matulog ka na rin.

Napatahimik si Kath. Tumingin siya sa akin..

Kath: Okay. Tara?

Ayun! Buti naman! Hinatid ko si Kath sa room nila Magui. Mags-stay pa sana ako doon pero ayaw niya, matutulog na raw siya kaya bumalik na ako sa room ko. After mga 30 minutes sinilip ko ulit siya, nagulat ako kasi wala kulang nanaman ng isang nakahiga sa bed pagpasok ko sa loob naka upo siya habang natutulog sa couch. Ano bang problema neto ang luwang ng bed dito pa siya natulog. Kinuha ko yung hawak niyang phone tapos binuhat ko siya, bridal style, at hiniga ko siya sa bed nila Magui. Inayos ko yung kumot at unan niya. Nung gumalaw si Lella muntikan na niyang masuntok yung mukha ni Kath kaya hinuli ko agad yung kamay ni Lella. Binuhat ko si Lella para iusog palayo kay Kath. Dapat kasi si Magui ang katabi ni Kath eh, masyadong magulo matulog si Lella. Tinignan ko kung komportable na si Kath, palabas na sana ako ng kwarto nila pero parang hinihila ako ng tulog na mukha ni Kath. Nakita ko nalang yung sarili kong nakahiga sa gitna nila Kath at Lella. 5 minutes. 5 minutes lang promise.

Seth's P.O.V

Ako ang huling nakatulog kaninang madaling araw, wala pa si DJ nun. Feeling ko hinintay niyang makatulog si Kath kasi nabanggit niya sa amin na hindi raw makatulog si Kath. Kaso nagtataka ako kasi nandito na ngayon si tita Karla, ginising ako at hinahanap si DJ. Alangan namang hanggang ngayon hindi pa nakatulog si Kath?

Sed: Tita hindi ko po alam eh.

Sinundan ko ng tingin si tita Karla nung naglakad siya palabas ng kwarto ni DJ. Tumayo ako at sinundan si tita. Nakita kong pumasok siya sa kwarto nila Magui. Patay kang bata ka! Lumapit si tita Karla sa lalaking nakayakap sa nakatalikod na Kathryn. Natatawa ako kasi yung paa ni Lella nasa katawan na ng kuya niya. Bakit ba kasi nakipagsiksikan pa itong lalaking to. Hahahaha! Mas natawa naman ako kay tita Karla kasi pinicturan niya muna sila bago niya pinitik yung tenga ni DJ. Kinurot kurot niya si Dj tapos hinila yung buhok pero hindi pa rin nagising si DJ. Kaya ang ginawa niya kinurot niya yung ilong ni DJ. Galit na nagising si DJ.

DJ: Ano ba?!

Mama Karla: Ano ba? Ikaw ang ano ba. Tumayo ka diyan *whispering*

DJ: *tingin kay mama Karla* *tago sa kumot; yakap ng mas mahigpit kay Kath*

Mama Karla: Tatayo ka diyan o hindi na mauulit ang pagtulog ni Kathryn dito?

DJ: *upo; stretching* Ano bang gagawin ko?

Mama Karla: Andyan si tita Kris sa baba. Mag-ayos ka.

Lumabas agad ng kwarto si tita Karla. Paglabas ni tita, humiga ulit si DJ.

Sed: G*! *giggling* Tumayo ka diyan babalikan ka ni tita sige. Ninja moves ka ha. Akala ko naman sinasamahan lang si Kath kasi hindi makatulog. Hindi mo naman sinabi sa akin na may balak kang matulog sa tabi ni Kath. Hahaha!

Lumabas na agad ako ng kwarto nila Magui. Ang lakas talaga ng tama ni DJ kay Kath!

Philippine Arena

May 07, 2015

DJ's P.O.V

Hindi ko talaga matanggap na nakatayo ako ngayon dito sa Philippine Arena kasama ang libo-libong tao. Nakikinig sa mga taong nakikikanta sa babaeng nasa stage na hindi naman ako ganun kainteresado. Pwede bang 'The One That Got Away' nalang ang kantahin mo para alam ko rin? Nagsisigawan na silang lahat dahil sa sayang nararamdaman nila pero ako nakatitig lang sa mga ilaw sa stage. Doon ko nalang binabaling ang atensyon ko.

Ayoko kung nasaan ako ngayon. Hindi ako natutuwa. Bakit ba ako nandito? Kinalabit ako ni Pat.

Patrick: DJ ayos ba?

DJ: *shake head* *fake laugh*

Patrick: Kita mo sina Kath oh sumasayaw. *giggle*

Napatingin ako kina Kath. Ano nga ulit yung tanong ko kanina? Bakit nga ba ako nandito? Tama. Para sa kanya. Nandito ako para sa babaeng mahal ko. Napangiti ako nung nakita kong masaya siya.

Patrick: Oh biglang ngumiti. Tara sayaw din tayo.

DJ: Bro wag nga.

Patrick: Bakit? Dapat masaya din tayo tignan mo sina Arisse.

DJ: Ayoko. Masisira image ko.

Patrick: Tapos sumama ka dito? Hahaha!

DJ: Siyempre ni-request sa akin eh. Bakit ikaw masaya ka ba?

Patrick: Ako? Aba siyempre! HINDI!

DJ: Hindi ko nga alam kung ano yung mga kinakanta niya eh.

Patrick: I feel you bro.

DJ: Ilang kanta pa ba ang kakantahin niya?

Patrick: Sampo pa yata.

DJ: ffff uwi tayo.

Patrick: Hahahaha!

Habang nagrereklamo ako kay Patrick bigla nalang may humawak sa braso ko. Tinignan ko siya. Si Kathryn.

Kath: Bali are you okay?

Patrick: Hindi. Gusto na nyang umuwi.

DJ: Masaya. Masaya.

Tinulak ko palayo si Patrick.

Kath: Are you sure?

Arisse: Kath kita naman sa mukha nilang dalawa na nag-eenjoy sila eh. Hahahaha!

DJ: Masaya woooh!

Patrick: Hahahaha! Nasaan na yung 'ffff uwi na tayo?'

DJ: Joke lang yun.

Natawa nalang si Kath at Arisse sa aming dalawa. Nadi-diappoint talaga ako sa nangyayari ngayon. Hindi ko talaga inimagine yung sarili kong manood ng concert ni Katy Perry para sa isang babae. Napakahalaga talaga sa akin ni Kath. Hindi ko siya kayang makitang nadi-disappoint sa akin. Tuwing nararamdaman ko yung 'gusto ko nang umuwi' lagi kong tinitignan si Kath para mawala yung pakiramdam na yun.

Ganito ang buhay nang nagmamahal...

Gagawin mo ang lahat para sumaya lang siya. Lulunukin mo ang kahihiyan para ipaalam sa mundo na mahal mo siya. Kahit marami kang kalaban para maukha siya, magsusumikap ka pa rin. Haharapin mo ang mga lumalaban sayong mga kaibigan, tagahanga at mga kapamilya para lang sa makuha siya. Hindi ka matatakot na humarap sa masungit niyang mga kapatid at striktong mga magulang dahil mas matatakot ka mismong sa taong mahal mo. Unti-unti mong mabubura ang mga maling ugali mo dahil ayaw mong yun ang dahilan para iwanan ka niya. At kung nagkamali ka, hindi ka magsasawang paulit-ulit na humingi ng tawad para lang bumalik siya sayo. Papanindigan mo at ipaglalaban. Magiging corny ka dahil gusto mong malaman niya kung gaano mo siya kamahal. Ang pinaka importante sa lahat, natutunang kong kung nagmamahal ka, dapat seryoso ka. Dahil walang relasyong nagtatagal sa loko loko lang. At si Kathryn ang kauna-unahang babaeng sineryoso ko sa buhay ko.

Dahil kay Kathryn, napatunayan ko na meron ngang destiny. Yan ang nangyari sa aming dalawa. Hindi ko hahayaang mag-iba ang direksyon ng destiny na to. Dahil alam kong bumabiyahe na kaming dalawa papunta sa forever.

Dalawang asul na pusong nagmamahal, peke ang lahat sa tingin ng iba dahil hindi nila alam kung anong nangyayari Behind the Scenes.

A/N: Yeheeey! I hope you enjoyed the last chapter of this book! Sana napasaya ko kayo sa tuwing makikita niyo sa notification niyo na nag-update si Raine. Maraming-maraming salamat po sa pagsupport sa BTS kahit umaabot ng buwan bago ako magupadte. Thank you so much kasi naiintindihan niyo tuwing matagal ako mag-update. Huwag na sanang malungkot yung mga nagme-message sa akin na huwag kong tapusin itong book na to.... dahil sa susunod na update ko Book 2 na tayo! I love you so much guys thank you po so much!

Continue Reading

You'll Also Like

18K 1.3K 30
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
11.4K 1.7K 45
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
86.1K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
560K 8.3K 18
"If I kiss you now, baka lalong hindi mo makakalimutan at hanap-hanapin mo pa ito" ROSSANA LUNA. Gagawin ang lahat para sa pamilya. Huwag lamang magu...