Caught In His Arms (Published...

By VentreCanard

60.1M 1.6M 409K

Former title: In the Arms of Five Hot Jerks Ferell Series #1 - Dove She's like a beautiful dove, dressed in... More

LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS
Note
Prologue
-
--
Mission 1
Mission 1.2
Mission 2
Mission 2.2
Mission 3
Mission 3.2
Mission 4
Mission 5
Mission 6
Mission 7
Mission 8
Mission 9
Mission 10
Mission 11
Mission 12
Mission 13
Mission 14
Mission 15
Mission 16
Mission 17
Mission 18
Mission 19
Mission 20
Mission 21
Mission 22
Mission 23
Mission 24
Mission 25
Mission 26
Mission 27
Mission 28
Mission 29
Mission 30
Mission 31
Mission 33
Mission 34
Mission 35
Mission 36
Mission 37
Mission 38
Mission 39
Mission 40
Mission 41
Mission 42
Mission 43
Mission 44
Mission 45
Mission 46
Mission 47
Mission 48
Mission 49
Mission 50
Mission 51
Mission 52
Mission 53
Mission 54
Mission 55
Mission 56
Mission 57
Mission 58
Mission 59
Mission 60
Mission 61
Mission 62
Mission 63
Mission 64
Mission 65
Mission 66
Mission 67
--
Mission 68
Mission 69
Mission 70
Mission 71
Mission 72
Mission 73
Mission 74
Mission 75
Book 2
Epilogue
A/N
Published under Pop Fiction
THANK YOU SO MUCH

Mission 32

667K 17K 2.1K
By VentreCanard

Mission 32


Nakatanaw ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Pauwi na kami.


I know this will be for the meantime, alam kong magtatanong at magtatanong si Nero tungkol sa mga kakaibang kinikilos ko.

Sinulyapan ko ang lalaking nakahilig sa balikat ko. I wonder if he is really sleeping or just pretending and teasing me. Kanina pa kasi yang pangisi ngisi sa akin. Masayang masaya sa nangyari kanina.  I know, I can't stop Nero from asking with just a simple kiss. Siguradong aalamin niya kung bakit na lang ako umiyak ng ganon. At alam ko sa sandaling ito pinapakiramdaman niya ang mga kinikilos ko. Yes, I never been like this before kaya medyo paranoid ang hari ng mga Shokoy sa mga inaasta ko.

Napabuntong hininga na lang ako at itinuloy ang pagtingin sa labas ng bintana.


Should I contact Aylip? No! Florence, that's not a good idea. I'm still damn confused to Tanya's confrontations. If she really did see Nero's name at Aylip's list. Who would be the client then? Ganun na lang ang galit niya kay Nero? I'm pretty sure, she's not just an ordinary girl. She must be a damn big time! Coz she can afford Aylip's expensive service. Then who is she? One of Nero's girls?


"Hashuuuu!!!"


"Hashuuuu!!!"


"Hashuuuu!!!"


Naputol ang pag iisip ko dahil sa halinhinang pagbahin ng mga Shokoy. Kasi naman nabasa sila ng ulan tapos pawis na pawis, yan tuloy ang nangyari. Kahit si Nero ay naririnig ko na ring bumabahin, ako lang ata dito ang hindi tinamaan ng sipon.

Hindi ko akalaing sinisipon din pala ang mga Shokoy.


"Bakit naman kasi hindi nyo hinintay tumila ang ulan bago kayo bumalik sa van. Nagmamadaling umalis? Hindi matanggap ang pagkatalo?" pang aasar ko sa kanila. Talo kasi sila, kawawang mga shokoy.


"Badtrip 'tong si Wada!" asar na sagot ni Owen.


"Bakit kayo ni Nero? Hindi nyo rin hinintay ang pagtila ng ulan? Nagloving loving pa ata kayo under the rain. Tsss. Corny nyo" iritadong sabat ni Troy. Natahimik ako sa sinabing 'yon ni Troy. He just hit the home! I can feel that I'm blushing right now.


"Fuck you Troy!" sagot ni Nero. Gising naman pala. Talagang hobby nitong si Nero na magtulug tulugan.


"Hashuuuu!!!"


"Hashuuuu!!!"


"Hashuuuu!!!" nagsunod sunod na naman sila sa pagbahin.


"Ang lamig. Patayin nyo ang aircon" reklamo ni Tristan.

Mga 30 mins din ang hinintay namin bago kami makarating sa subdivision na sinasabi nila. Dapat daw sa villa kami tutuloy pero dahil sa sinisipon na ang mga alaga kong Shokoy mas pinili na nilang sa malapit na subdivision na daw kami tumigil dahil may bahay daw sila doon.

Rich kids kasi ang mga Shokoy, madaming bahay.


Fortuna Subdivision. Tumigil ang sasakyan namin sa tapat ng isang malaking kulay gray na bahay. May gate ito na nagsisimula nang bumukas.

Kung ikukumpara sa mansion nila sa Leviathan ang desinyo ng bahay na ito talagang magkaibang magkaiba. Moderno ang disenyo nito. Agad nagsibaba ang mga Shokoy.


"Welcome Warden, first time mo lang dito right?" tanong sa akin ni Aldus.


"Uhmmm, yes" sagot ko sa kanya habang nililibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nila.


"Haha. Na miss ko dito" sabi ni Owen. Nagsimula na kaming pumasok, pinagbuksan kami ng dalwang katulong.


"Sinong natira dito?" tanong ko sa kanila. Sayang naman kung walang titira sa ganitong kagandang bahay.


"Kami, minsanan nga lang" sagot sa akin ni Troy.

Nagmamadali na siyang tumaas. Malamang liligo na ang isang 'yon. Si Aldus at Tristan ay nagdiretso sa kusina. Si Owen naman ay tumaas na rin. Kami na lang ni Nero ang nasa sala.


"Uhmm, Nero.." nakaupo na siya sa sofa at mukhang antok na antok na.


"What?" mood swings na naman to!


"Wala akong damit" nag aalangan pa ako kung sasabihin ko kanya o hindi. Dapat kasi bibili pa kami ng damit kaso mukhang pagod na siya. Should I go alone then?


"You want to go to shop?" tanong niya sa akin.


"Anong susuotin ko? Ermm pwede naman na ako na lang. I know you're tired" sagot ko sa kanya.


"Manang!!!" sigaw niya. Wala pa sigurong ilang minuto ay nakita ko na ang tinawag niyang Manang.


"Kindly bring her to Nally's room" utos ni Nero sa kanya. But wait, who's Nally?


"Hood we'll go to shop next time ok? I don't want you to go alone. Is it okay with you?" hindi agad ako nakasagot sa kanya. Sino si Nally?

Bigla tuloy akong nawalan ng ganang magpalit ng damit.


"Okay" sagot ko sa kanya. Tumango lang siya sa akin at hinilig na niya ang ulo niya sa sofa. He really looked tired.


"Tara na hija" muli kong sinulyapan ang nakapikit na si Nero. I need to ask him right? Pwede naman diba?

Sumunod na lang muna ako kay Manang. Pagkabukas na pagkabukas ng kwarto ni Nally?

Agad kong napansin na hindi masyadong feminine ang disenyo ng kwarto niya, halos kulay cream na may konting touch of lime green ang nakikita ko. Sa bedsheets, sa curtina, sa carpet at maging ang couch. Hindi siya katulad ng ibang babae na sobrang daming abubot sa kwarto. Pero ang mas nakakuha ng pansin ko ay malaking oil painting na nakasabit sa dingding niya. At dito na nasagot ang tanong ko.


"Nero's sister?" pagtatanong ko kay Manang.

Napakaelegante ng painting na ito. Magkatabing nakaupo sa isang kulay lush na sofa si Nero at 'yong Ate niya. Yes, Ate dahil pansin ko na medyo bata pa dito Nero at madali mong malalaman na mas matanda sa kanya 'yong si Nally. Nasa likuran nila ang Mom at Dad nila.

Naka black tux si Nero at ang style ng buhok niya ay parang kagagaling lang sa pagtulog, though I find it hot. He's probably 15 or 16? in this painting. Hindi ko maiwasang mapangisi nang mapansin ko na medyo kunot na ang noo ni Nero. I know his not fond of this stuff. Malamang mainit na ang ulo nito nang kinukuhanan sila.

Nakablack tux din ang Dad niya kung pagmamasdang mabuti mapapansin talagang namana ni Nero ang mga mata niya sa kanya. Hypnotic yet mysterious, once you get captured there's no escape. Hindi lang mata kundi pati ang tamang tabas ng ilong, I wonder kung may ibang lahi ba ang mga Ferell na ito. Coz I can't deny the fact that these Shokoys are very handsome in their own damn different way. And last, their serious look. Parehong pareho sila ng Dad niya. I wonder if they do get along with each other.

Lumipat ang paningin ko sa Ate niya, Nero's girl version. She's wearing a bloody red tube long dress, mas lalong pinatingkad nito ang pagkamestiza niya. Nakataas ang bukok niya, just like a royal style mas lalong na emphasize nito ang kanyang collarbones na talagang makakakuha ng atensyon ng kahit sinong lalaki.

She's not wearing any earrings but I saw a very familiar necklace. Hindi ko na napigilang hawakan ang painting. I've seen this before.


"Na mimiss ko na nga ang mabait na senyoritang yan" nagulat na lang ako nang biglang nagsalita si Manang.

Agad kong tinanggal ang kamay ko sa painting, pakiramdam ko ay napaso ako.


"Nasaan po siya?" tanong ko kay manang.


"Nasa ibang bansa na ang batang 'yan, ewan ko nga ba kay Nero kung bakit hindi siya doon na din tumira kasama ng pamilya niya. Mas gusto pa niyang dito kasama ang lolo at mga pinsan niya" sagot sa akin ni Manang habang naghahalungkat siya ng mga damit sa closet.


"Matagal na po sila doon?" naupo na ako kama habang pinapanuod si manang sa paghahalungkat.


"Oo, mahigit walong taon na ata" what? 8years?

Dinadalaw naman ba nila si Nero? Paano ang setup nila? Is it okay with them na malayo sila sa anak nila? For 8 freaking years?


"Manang! May nagkasya ba sa kanya?" nagulat na lang kami nang pumasok bigla si Nero.


"Nako. Nahihirapan pa akong makahanap Hijo, masyadong malaki ang dibdib ng Ate mo. Walang magkasya sa kanya" inosenteng sagot ni Manang habang naghahalungkat pa rin ng mga damit.

Siguradong kulay kamatis na naman ang mukha ko. Is it that small? Hindi naman! Malaki lang talaga ang sa Ate ni Nero.


"Prrffft..." nakakainis 'tong si Nero! Kita ko kung papaano niya pigilin ang pagtawa niya.


"Nakakainis kang Shokoy ka! Shoo! Umalis ka na nga dito!" pinagtutulak ko na siya palabas.


"Why? I'm not complaining on it Hood" natatawang sabi niya.


"Shut up Ferell!" malakas ko siyang tinulak at pabagsak kong sinarado ang pinto. Narinig ko na lang ang malakas na katok niya sa pinto.


"I'll just take a bath Hood. Kakain na tayo mamaya, bilisan nyong humanap ng damit. Mayron naman sigurong maliit dyan si Nally" narinig ko ang pahabol niyang pagtawa. Kainis!


"Just shut the hell up Ferell!" sinipa ko pa ang pinto bago bumalik papalapit kay Manang. Padabog akong umupo sa kama.


"Nako pasensya na hija" nahihiyang sabi sa akin ni Manang.


"Ayos lang po. Tutulungan ko na po kayong maghanap" totoo naman kasi, nanliit 'yong akin kumpara sa Ate ni Nero. Hindi ko maiwasang sumulyap ulit sa painting na 'yon. To be specific, to that necklace. Just the same design right

Agad kong ipinilig ang ulo. Nevermind Florence, nevermind. Ibinalik ko na lang ang pansin ko sa paghahanap ng damit ko.


"May mga bago pang panloob dito si Nally, hindi pa naman niya nagagamit hija"


"Sige po, salamat" sana lang kasya sa akin. 

Sa huli nakahanap na rin kami ng mga damit na kasya sa akin. Nagbabad muna ako sa tub para maligo at dahil tutulog na rin naman kami mamaya, napili kong isuot ang pantulog ni Nally, victorioan dress 'yong abot sa talampakan.

Nagsuot na lang ako ng kulay lime green na robe bago bumaba. Nakaupo na sa kani kanilang pwesto ang magpipinsan. Ako na lang ang hinihintay nila.


"Nice sleep wear Wada, akala ko nga si Nally ka. Hahah" sabi ni Owen.


"Nally? The girl on that painting? Your sister right?" tanong ko kay Nero.


"Tss" 'yon lang ang isinagot sa akin ni Nero. Huh?


"Yes, she is Nero's sister" sagot sa akin ni Tristan.


"Oo nga parang parehas din sila ng attitude ni Nally" sabat ni Aldus.


"No way! Mas sweet si Ate Nally kaysa dyan kay Doll" sagot ni Troy.


"Palibhasa sipsip ka doon" ismid na sagot ni Tristan.


"Wait, wait. You suppose to call her Ate right? Bakit si Troy lang ang naririnig kong natawag sa kanyang Ate?" talaga bang pinanganak nang walang galang ang mga Shokoy na to?


"No way!" sabay na sagot nilang lahat maliban lang kay Troy.


"Sipsip lang si Troy kay Nally" sabi ni Tristan.


"Gusto kasi niyan binibaby siya. Nabibilog niyan si Nally" sabat ni Aldus.


"Mga inggetero lang kayo. Favorite lang talaga ako ni Ate Nally kasi ako daw ang pinakacute sa ating lima" proud na sabi ni Troy.

Kanya kanyang ismid ang mga Shokoy. Hindi na lang sila nagsalita, itinuloy na lang nila ang pagkain.



"Uhmm. I'm curious. Where's your family Shokoys? Bakit kayo nasa poder ni LG?" matagal ko na itong gustong malaman. Well I know just few parts in Nero's side, what about the others? Abandoned child?


"Long story Warden" sagot ni Aldus.


"No comment" sagot naman ni Tristan.


"Ewan" maiksing sagot ni Owen.


"Ayokong pag usapan" sagot din ni Troy. Natahimik silang lahat sa tanong ko. Pakiramdam ko ay tunog na lang ng mga kutsara at tinidor ang naririnig ko.

Did I ask something offensive?


"Hi! Everyone! Pasabay naman kaming magdinner" halos mabitawan ko ang hawak kong kutsara at tinidor. Hanggang dito ba naman? Hindi nila ako tatantanan?


"Akyat bahay ka Tanya" pabirong sabi ni Aldus. Kasama na naman niya si August na mabilis inalis ang titig sa akin nang nagtama ang paningin namin.


"Do you have any problem with my girlfriend Tanya?" seryosong tanong ni Nero.


"Nero.." saway ko sa kanya.


"What? Bakit? We're friends, right Florence?" inosenteng sagot ni Tanya.


"Is there something wrong?" curious na tanong ni Aldus.


"Wala. Alam nyo naman ang pinsan nyong yan. Hindi kami close" simpleng sagot ni Tanya. Nakaupo na silang dalwa ngayon. Kasalukuyang silang nagtatakal ng pagkain.


"Walang luto sa inyo Tanya? Naghihirap?" tanong sa kanya ni Troy.


"Hoy! Wag mo nga akong kuwestyunin kung makikain ako dito. Diba gawain nyo 'to nong dito pa kayo tumira hindi man lang kayo nahihiya sa amin" sabay irap niya kay Troy.


"Warden, kapitbahay kasi namin si Tanya. 'Yong next house, kanila" sabi sa akin ni Aldus. Tumango na lang ako sa kanya, kaya naman pala madali siyang nakarating dito.


"Kamusta na kayo ni Dylan Tanya? Hindi ka pa din pinanpansin? Sabi na sayong ako na lang mas gwapo pa ako doon" pabirong sabi ni Owen.


"Excuse me? Magmamadre na lang ako no! Di hamak na mas gwapo naman sayo si Dylan! Hmmmp" maarteng sagot sa kanya ni Tanya.

Naputol ang asaran nilang dalawa nang narinig namin ang malakas pagsamid ni Troy.


"O akala ko ba nakanta lang sa simbahan bakit ganyan ka na lang makareact sa salitang madre?" natatawang sabi ni Aldus.


"Bakit kailangan ba may dahilan ang pagsamid? Hindi ba pwedeng nagkamali lang ako sa pag inom ng tubig? Tsss" padabog na tumayo si Troy at lumabas ng dining room.


"Anong meron sa kanya? Hindi naman pikon 'yon diba?" nagtatakang tanong ni Tanya.


"Kasi naman, hindi siya pinapansin nong babae. Alam mo naman si Troy, mahawak. Prrffttt---" halos hindi matuloy ni Aldus ang pagkukuwento dahil sa kalagitnaan pa lang natatawa na siya.


"Tss. Ako na nga ang magtutuloy!" nakisali na rin si Tristan. Si Owen at Nero tahimik lang na kumakain. Alam kong maingat na hindi nakikisali si Owen dahil sa sandaling sa kanya malipat ang atensyon nang dalawang pinsan niya siya naman ang pa uulanan ng tukso.


"Tapos?" curious na tanong ni Tanya. I wonder kung ganito ba talaga sila kaclose nina Tanya. Well 3 years, matagal din 'yon.


"Hanggang tingin na lang si Troy. Sa madaling salita hanggang crush lang si Troy" walang emosyong pagtutuloy ni Tristan. Dito ko na hindi napigil. Napahagalpak na rin ako ng tawa. Maging si Owen at Nero ay nakitawa na rin. Kahit ang tahimik na si August na utas din ng katatawa.

Nakakatawa naman kasi ang paraan ng pagkukwento ni Tristan. Walang kwenta!


"Bakit ang pangit pakinggan? The hell?! Crush? Si Troy?" humagalpak na naman ng katatawa si Aldus.


"Seriously? Who's that girl? Maganda ba talaga siya?" tanong ni Tanya.


"Ewan ko. She's different from his usual type" sagot ni Aldus. Napansin ko na tumayo na si Nero.


"Tutulog na ako" mabilis siyang nakalapit sa akin at hinalikan ang noo ko. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang mabilis na pagtaas ng kilay ni Tanya at August. Hindi ko alam kung insecure ba sila sa relationship namin ni Nero o ano?


"Goodnight" rinig kong bulong niya sa akin bago siya umalis ng dining room. Medyo natahimik muna sila ng ilang minuto dahil don sa ginawa ni Nero. Pero agad ding nakagawa ng usapan si Tanya. She's good on conversation.


"What about you Owen? You seems silent, kanina pa" tanong niya kay Owen.


"Diba ikaw nga? Dapat matagal mo na akong sinagot Tanya" sagot niya kay Tanya.


"Oh, wag na tayong maglokohan dito. Sino ang kasalukuyang kinalolokohan nito?" tanong niya kay Aldus.



"Basta sexy ang suot nung babae kanina, labas pa nga 'yong pusod kaso hindi rin pinansin si Owen. Kawawang nilalang" painosenteng sagot ni Aldus.


"Bakit ang dami mong alam Aldus Ferell?!" iyamot na tanong ni Owen. Ngayon siya naman ang padabog na umalis.

Habang iyamot silang nagsisialisan, utas naman kami sa kakatawa. Mayamaya pa ay nagpaalam na rin si Tristan, tutulog na rin daw siya.


"O pano ba yan girls? Una na rin ako sa inyo. Matulog na rin kayo ng maaga" sabi ni Aldus bago kami iniwan dito sa kusina. Tumayo na rin ako at balak ko na ring umalis.


"Are you sure, you don't really want to talk to us? I know you have your own questions on your mind. We are willing to answer" sabi sa akin ni Tanya. Heto na naman po kami.


"Mukhang nahimasmasan ka na naman right?" pagsingit ni August.


"Ano pa ba ang itatanong ko sa inyo?" sagot ko sa kanila.


"Ikaw lang ang makakasagot niyan" mabilis na sagot sa akin ni Tanya.


"Okay then, who's the client? Sinong babae ang nagreklamo kay Nero?" tanong ko sa kanila. I really need to know.


"Hindi mo pa siya nakikilala?" halos sabay pa sila sa pagtatanong sa akin.


"How would I know her? I told you for so many times! I never contacted Aylip!" naiinis na talaga ako sa kanilang dalwa.


"That's probably Nero's lover, who else?" sagot ni August.


"I'll be straight again Florence, yes nung una we wanted to stop you. Since this is against the Aylip, kung maaari we'll be your love story's antagonist para lang matulungan ka. You're not aware to Aylip's power kasi hindi ka active kaya you have the guts to disregard the rules but you should know that once you disobeyed it, you'll be the wrecked one" concern na sabi sa akin ni Tanya.


"We've witnessed that for so many times" seryosong sabi ni August.


"But you know, we changed our plans after we've witnessed that scene----" pansin ko ang bahagyang pagbablush ni Tanya.


"What?" scene? I don't get it.


"That scene near the fountain" straight na sabi sa akin ni August.


"What? You even followed me there?!" pakiramdam ko ba ay bigla na lang akong nahiyang humarap sa kanila. Kung gaano kapula ang mukha ni Tanya mas doble pa siguro ang pagkapula ng sa akin.


"Ofcourse we watched it from the beginning until to the end" sabi ni August in a very casual tone na para bang nakita niya lang kami ni Nero dun na nagjack em poy.


"Nice style huh? A kiss, pero sa tingin mo mapapagtakpan ng isang halik yang tinatago mo?" tanong sa akin ni August na talagang nakapagpagising sa akin.


"What will I do then?" matigas na tanong ko sa kanila.


"Until now, hindi pa siguro aware ang Aylip regarding your business" sabi ni Tanya pagkatapos niyang uminom ng tubig.


"So chill? Until they noticed?" sarcastic na tanong ko sa kanila.


"Wala naman siyang magagawa, let's just wait what will happen. Just prepare yourself" sagot ni August.


"So hanggang kaya pa namin dalawa, pagtatakpan ka lang namin" natigilan ako sa sinabi ni Tanya. I just don't get it bakit nila ako tinutulungan ng ganito?


"Just don't be surprised pag nagkabukingan na" pahabol ni August.


"Here's the deal, we'll do our very best to make it a secret. Aylip won't know for the meantime but the moment they noticed what's really going on. You'll promise to us to pretend that you don't know us. That we never know each other, is that okay?" seryosong sabi sa akin ni August


"Okay" 'yon na lang ang nasabi ko.



"Then, it's settled" pagtatapos ni Tanya.



--

VentreCanard

Continue Reading

You'll Also Like

122K 2K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
624 65 14
A compilation of my personal suggestions for the best Christian-Spiritual stories here in Wattpad. Here I will give the: - Title of the Story - Name...
6K 123 18
Abakada: I love you. Mahal kita, kaso nakakapagod na.