Mission 5

805K 23.2K 7.4K
                                    

Mission 5


Pabilog ang disenyo ng kabuuan ng napakalaking mansion. Pagpasok sa main gate ay agad bubungad ang malaking fountain na pinalilibutan ng mga halaman at mga namumutiktik na mga pulang rosas.

Sa tuktok ng fountain ay isang serena na may hawak na lyre.Why I'm having this strange feeling? I've seen different styles of fountains before, pero bakit parang may iba sa pakiramdam ko habang tinitigan ang bawat pag agos ng tubig mula sa malaking fountain na ito? Weird Florence.

Buhay na buhay ang pag agos ng tubig, bakit kaya walang ganito sa mansion namin? Napakapayapa ng lugar na ito, na parang gugustuhin mo na lang tumigil dito. Bago makapasok ng mansion ay may ilang baitang pa ng hagdan para makapasok. At sa magkabilang sulok nito ay estatwa ng dalawang napakalaking aso. Kung hindi ako nagkakamali ay mga lobo ang mga ito. Creepy.


"Hija?"


"Yes?" mabilis kong sagot nang kuhanin ng matanda ang attention ko. Hindi ko na hinintay na magsalita pa ang matanda at nagsalita na ulit ako.


"Until when can I stay here? I can pay my rent if it's necessary" naningkit ang mata ko nang tawanan na naman ako ng matanda. Like seriously? Nakakatawa ba ako?


"Rent? You can stay here for free" seryoso ba ang matandang ito? Sa pagkakaalam ko, wala ng libre sa mundo.


"You know, I don't really trust you. Lalo na sa paraan ng pagkikita natin, I know it was all scripted. I'm not dumb" napairap na lang ako nang muli akong tawanan ng matanda. Sino naman ang maniniwala na magpapalaboy laboy siya sa palengke kung ganito pala siya kayaman?


"Will you stop laughing at me? Ano ba ang nakakatawa?" inis kong tanong sa matanda.


"Matalino ka nga, ano ba naman ang aasahan ko sa isang Florence Almero?" nanlamig ako sa sinabi niya. Kilala niya ako! Shit!


"Kilala mo ako?" tinanong ko pa. Kahit kasasabi niya lang ang pangalan ko. Damn.


"Umpisa palang hija, gusto mo ng tulong hindi ba? I'm here to help you" mahinahon niyang sagot sa akin. He must be one of my Dad's people. Shit, huli na ba ako? Why so fast?


"What do you want from me? Sindikato ka ba? Wala ka ng ransom na makukuha sa daddy ko, mahalaga sa kanya ang pera kaysa sa sa akin o baka naman you're one of his people?" tumaas ang kilay ko sa kanya.


"Poor little girl walang alam, kailangan ko ng tulong mo at kailangan mo ng tulong ko. Magtutulungan tayo" wait? That's sound like a syndicate invitation.


"At ano naman ang tulong na kailangan ng isang matandang mayaman na ito? At paano kung ayaw ko?" matapang na tanong ko sa kanya.


"Then, I don't have any choice but to report you to your Dad. You are soon to be married right?" what the hell? Kahit 'yon alam ng matandang ito?


"How dare you! Wag na wag mong tatawagan ang magaling kong ama" napataas na ang boses ko sa matanda. Hangga't maaari ay ayaw ko pa na mahuli. Gusto ko munang lumayo.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon