Mission 57

459K 16.4K 5.3K
                                    

Mission 57


Simula nang nawala si Mommy hindi ko na ginusto na magcelebrate ng birthday ko. Para saan pa at magpapakasaya ako kung wala na naman ang taong nagpapasaya sa akin tuwing kaarawan ko. 

At my young age, I've seen my mom's effort during my birthdays. Everything is always well planned from small to big details. Eventhough kami kami lang ang magkakasama tuwing birthday ko masaya na ako, as long as my Mom and grandparents are around. 

Pero nang namatay si Mom, nawalan na akong ganang icelebrate ang birthday ko. To the point na nakakalimutan ko na birthday ko na pala, akala ko imposibleng may makalimot sa sarili nilang kaarawan pero ngayon napag isip isip ko na possible rin pala kung gugustuhin talaga ng isang tao na kalimutan ito. Simula ng nawala si Mom for me, my birthday is not important anymore. Aksaya lang sa oras. 

Habang lumalaki ako hindi ko pa rin maiiwasan na may maghahanda para sa birthday ko. Buti pa ang ibang tao may pakialam sa kaarawan ko pero ang sarili ko matagal nang tumigil magsaya, birthday is not that significant.

Kung magkakaroon man celebration hindi na ganun kasaya tulad ng dati. Yes my grandparents are there as well as Gio and Kuya Nik, my two friends Aira and Camilla. Alam ko na pinipilit nila maging masigla ang bawat kaarawan ko pero wala talaga silang magawa kasi sa tuwing birthday ko, mas namimiss ko ang Mommy ko, mas nabubuhay ang galit at paninisi ko sa Daddy ko. 

Sa halip na maging masaya ako nadedepress lamang ako. Pero hindi ko inaasahan ang nangyayari ngayong gabing ito. Iisa lang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. All I can feel is happiness inside me. Everytime I look around to the crowd, all I can do is to smile sincerely. 

Akala ko hindi ko na ulit mararamdaman ang ganitong klaseng saya. This is such an overwhelming feeling, all those important people of my life are all gathered here for me. Nasanay na akong anim na tao lang ang kasama kong magcelebrate ng birthday ko. But from what I'm seeing right now, I can't even count them. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha, ang dami na pala nila. Hindi ko man lang napansin na madami pang nagmamahal sa akin, my mom didn't really left me alone. 


"Her 16th rose is no other than a huntsman?" yes a huntsman. A handsome huntsman is now approaching me with an axe on his back. Nagulat pa nga ako nang bigla niyang inilapit sa mukha ko ang rose na hawak niya.

Napapikit na lang ako ng ihaplos niya bahagya sa pisngi ko ang rose na hawak niya. Bago pa ako makamulat ay nahapit na niya ang bewang ko.



"Happy Birthday to the most gorgeous Warden" nagsimula na kaming magsayaw.



"A huntsman huh?" itinaas ko ang kilay ko sa kanya.


"Yes?" ngising sagot niya.



"So kaninong plano ito?" bahagya siyang natigilan sa tanong ko.


"Why me Warden? Nadamay lang ako. Sorry kung hindi ka namin pinansin ng ilang araw, part of the plan" kung ganun pinagtulungtulungan na naman pala ako.


"Ang hilig nyo rin akong pagkaisahan" sagot ko sa kanya.


"This is all for you. We want it special for you, kaya nagtiis kaming hindi ka pansinin. Sa tingin mo ba madali lang sa amin na hindi ka pansinin Warden? Halos magsuntukan na kaming lima. In short kagulo na kaming lima" natatawang sabi niya.


"Then, should I say thanks?"


"Wag na. Sarcastic ka na naman Warden, ganda mo talaga" inirapan ko na lang siya.


Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon