Mission 13

704K 21.9K 4.6K
                                    

Mission 13


Unang umaga kasama ang mga Ferell.

Naghanda ako ng masasarap na pagkain na sinigurado kong magugustuhan nilang lima. Para ipamukha sa kanila na malaki ang mawawala sa kanila pag hindi sila sumunod sa mga gusto kong mangyari.

Sa aking murang edad ay tinuturuan na ako nang aking lola na magluto ng mga pagkain. Pilit niyang itinatak sa aking isipan na dapat marunong magluto ang isang babae kahit nasa mayaman itong pamilya. Ipinamulat niya sa akin na importante ang babaeng may alam sa kusina. Masaya ako ngayon at pinakinggan ko sila noon.

Unang lumabas sa lungga si Troy na may napakalaking ngisi sa kanyang labi. Ang ganda naman ng gising ng shokoy na ito. Mabuti pa siya.


"Good Morning Doll! Wow naman! ang daming pagkain" naupo na siya at nagsimula nang kumain. Doll? San naman 'yon nanggaling?

Sunod na lumabas sa kanyang hideout si Tristan.


"Morning" naghihikab pa siya at gulo gulo pa ang buhok. Katulad lang din ni Troy nagsimula na siyang kumain.

Hindi din nagtagal ay lumabas na rin si Owen.


"Magandang Umaga Wada!" mabilis naman akong kinindatan ni Owen bago siya umupo sa kanyang silya. Wait, what the hell is Wada?

Sunod na lumabas si Aldus.


"Morning Warden" binigyan niya naman ako ng isang napakatamis na ngiti. Seriously? Warden? Saan nanggaling ang mga tawag nila sa akin? Ang ganda ng pangalan ko, bakit kailangang iba ang itawag nila sa akin?

Napansin ko nagdiretso si Aldus sa posisyon ko. Wala namang upuan sa tabi ko? Saan ito papunta? Tumigil siya sa harap k at bahagya siyang yumuko siya sakin. Pilit kong iniatras ang aking upuan para makagawa ng distansya sa kanya. At mabilis ko siyang tinutukan ng sandok.


"Anong problema mo!?" inis kong tanong habang nakatutok sa kanya ang sandok na hawak ko.


"Oh" may paghawak pa siya sa noo niya na parang may nakalimutan. Kailangan na nga talaga nito ng pagkain mukhang masama na ang tama nito.


"I'm sorry, I thought you're my breakfast" maarteng sabi ni Aldus na may kasama pagkagat labi. What the fuck? Is he flirting on me? Ang landi, agang aga.


"Gusto mong kumain o hindi? Itatapon ko na ang sa'yo?" mataray na sabi ko.


"Ito naman hindi na mabiro" dali dali na siyang naupo sa kanyang upuan. Gusto pa talagang tinatakot. Damn.


"Mga the moves nitong si Aldus masyadong bu--" sinadyang bitinin ni Troy ang sasabihin niya.


"Bulok" mabilis na sabi ni Owen. Kaya sabay na silang nagtawanan.


"Nakita ko na 'yan kay Katrina" biglang sabi ni Tristan.


"Oo nga, pati kay Diana" pagsingit ni Troy.


Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon