Mission 48

443K 14.6K 2.1K
                                    

Mission 48


This feeling, I don't like it. She's my opposite. I don't like her presence. I don't like her touching Nero. Hindi ako makagalaw sa nakikita ko. But I never did lower my chin, I did raise my eyebrow and look to them straight.


"Excuse me?" padarag kong hinila si Nero sa pagkakayapos ng babae sa kanya pero agad ko din naman siyang binitawan, ni sulyapan ang mukha niya ay hindi ko na magawa. Feeling ko anumang oras ay sasabog ako. Gusto ko lang manapal, manapal at manapal.

Nagbilang ako ng tatlo sa isip ko. Ayoko ng catfight dahil unang tingin ko pa lang sa babaeng kaharap ko ay wala na siyang panama sa mukha, katawan o kung saan pang larangan laban sa akin. She's taller and she looked quite matured probably same age with Nero 19? Ako 17? But I'm still prettier than her.

Magsasalita na sana ako nang unahan ng babae.


"Oh, who is she?" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ok go maghanap ka ng ipupula sa akin baka makakita ka.


"Answer her Nero" itinaas ko ang kilay ko sa babae.


"She's my girl---" bago pa natapos ni Nero ang sasabihin niya, agad akong humarap sa kanya.

Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Sino ako girlfriend? Tang ina mo Nero! Alam mo naman pala na may girlfriend kang tao bakit may kasama ka ng iba? At talagang nasa mansion na? Pinaltan na agad ako kinabukasan? The fvck? Kaya pala iniiwasan niya na ako, may bago na siyang kasama. Ganun na lang ba 'yon? At talagang sinusuportahan siya ng mga pinsan niya, akala ko ba kakampi ko na ang mga Shokoy na yan? Na may 'concern' sila sa akin, mukhang mabilis lang pala 'yong mawala sa loob ng apat na araw.


"Oh my god!" pakinig kong tili nang babae. I don't care at all. Manuod ka na lang, wag na wag kang magtangkang makisali dahil pagsisisihan mo yan.


"Fvck you Ferell! We're done" hindi pa ako nasiyahan sa sampal na ibinigay ko sa kanya, itinulak ko rin siya pero hindi man lang siya napaatras. Nanatili lang walang ekspresyon si Nero Ferell. He's just staring me with his blank expressions. Hindi ka man lang ba mag eexplain man lang Nero?

Agad dumalo sa kanya ang babae niya pero agad din naman siyang tinabig ni Nero, wag ng mahiya Nero aalis na rin naman ako. Malaya ka na ulit gawin ang dati mong gawain.

Bago pa ako magmukhang talunan mabilis na akong humakbang patalikod sa kanila at nagsimula nang umalis. Siguro hindi na talaga mawawala sa sistema ni Nero ang pagiging babaero. Malingat lang ako may nakapulupot na agad sa kanya. Damn Ferell.


Habang naglalakad ako papalayo naririnig ko ang pagtatalo ni Troy at si Nero pero hindi ko masyadong marinig ang pinag uusapan nila dahil patuloy lang ako sa paglalakad. At wala na rin akong gustong marinig mula sa magpinsang Shokoy na 'yon. Mga manloloko sila! Magsama sama sila!

Di hamak na mas maganda naman ako sa babaeng kasama nila. Siya na ba ang bagong Warden? Doll? Hood? They preferred my opposite? Kasi umay na sila sa mapuputi at may maladyosang mukha kaya ngayon naman ang hanap nila ay morenang seductive?

Damn. Marahas kung pinunasan ang pisngi ko. They don't deserve my tears! Mga sinungaling sila! Pero agad akong napatigil sa paglalakad may nakalimutan ako, may kulang akong ginawa at hindi pwedeng ipagpaliban. Mabilis akong humakbang pabalik.

Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon