Picture Perfect (Damien Jovan...

By RosarioTheGoddess

211K 5.3K 142

Kenna Naveen Cervantes is a popular model worldwide. 17 pa lang kasi siya ay nagmo-model na siya sa mga pamos... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21: The Last Chapter

Chapter 5

9.5K 277 2
By RosarioTheGoddess

"GROCERY shopping is so damn tiring. I forgot to buy cigarettes. Ugh!" she sighed heavily. Isang buwan na nang ihinto niya ang paninigarilyo pero mukhang ngayon ay kakailanganin niya uli ang mabahong usok ng sigarilyo.

Maingat na isinalansan niya ang kanyang pinamili sa cupboards niya. "I'm starving. But I'm too lazy to cook something.." she groaned.

Naisipan niyang lumabas at kumain sa nakitang café kanina. Verdant Soul Café.. nice name.

Kinuha niya ang wallet at cellphone niya. Saan kaya makakabili ng yosi?

Luminga linga siya sa paligid at may nakita siyang lalaking naninigarilyo. Nilapitan niya ito at kinalabit. Tumingin ito sa kanya. "Excuse me. Where can I buy a pack of cigarettes?"

Inabot nito sa kanya ang lighter at ang isang pakete ng sigarilyo. "There. Now go." walang emosyong sabi nito. Aabutin niya sana ang wallet niya nang magsalita itong muli. "Just go. I don't need your money."

She sighed and lit a stick. Hinithit buga niya iyon. "Thanks." tumango lang ito sa kanya.

Dinutdot niya sa ashtray ang paubos na niyang sigarilyo dahil naka-AC unit ang naturang café. Sa labas na lang siguro siya kakain para makapag-yosi siya.

"One black coffee and a slice of chocolate cake."

Naramdaman niyang tumahimik ang paligid. She sighed. Pagkabayad ay agad niyang dinala sa labas ang inorder niya at nagsindi ng sigarilyo. She sipped on her drink.

"Diba si Kenna yun? Yung bagong model ng Penshoppe! Ang ganda niya pala talaga."

"Oo nga. Ang sexy pa."

"Tapos ang kinis at ang puti pa."

"Kaso nagyoyosi."

"Shut up. Wala kayong pakielam kung anong gusto niyang gawin." wika ng isang lalaking nagbabasa ng diyaryo.

She crossed her legs and finished her cigarette. Bigla namang tumunog ang cellphone niya. "Hello, Sofie?"

"Search jovannicabriga on instagram. Now!"

"What? Why?" nakakunot noong wika niya.

"Just do it. It's going viral." yun lang at ibinaba na nito ang linya.

Agad siyang pumunta sa Instagram at hinanap ang pinapahanap ni Sofie. Malakas na napamura siya in Spanish para cool. "Mierda! ¿Qué coño es esto?!" malakas niyang sambit.

Agad niyang tinawagan si Sofie. "Who the fuck is Jovanni Cabriga?!"

"I-I don't know."

"Find him." naiinis na wika niya rito.

May umupo na lalaki sa harap niya pero hindi niya iyon pinansin. "Do everything. Find that bastard!" nang makitang may mga batang naglalaro sa di kalayuan ay hininaan niya ang boses niya.

"Pero sa tingin ko.. andyan lang sa tabi ang kumuha ng picture."

Pilit na pinakalma niya ang sarili. "What do you mean?"

"Kailan mo suot yung nasa picture?"

"This morning."

"Then nasa tabi tabi lang siya."

"Who is this Jovanni guy?"

"He's a well knowned photographer."

"I'll sue him." minasahe niya ang sentido niya. Pinatay na niya ang cellphone niya at nagsindi uli ng sigarilyo. Hithit buga ang ginawa niya.

"Don't you think you're risking your health and everybody's health around you?" nakangiting tanong ng lalaking nasa harap niya.

"Shut up." naiiritang wika niya.

"Why are you looking for Jovanni?"

Napatingin siya rito. "Do you know him?"

"You don't remember me anymore? I was with you on the plane with my bansot.. este fiancée."

"What do you want?"

"I am asking you why are you looking for Jovanni." he leaned back comfortably on his seat.

"I'll sue him." galit na wika niya.

He smiled. "May I know why?"

"Do you know where he lives?"

"Barcelona Street. The one at the end of the street. At the right side."

"Thanks." agad siyang tumayo dala ang wallet at cellphone niya.

"He's not home." pahabol nito.

"I don't care."

SUMUGOD siya sa bahay ng kutunglupang si Jovanni. Wala siyang pakielam kung makasuhan man siya ng trespassing.. mas mabigat naman ang ipapataw niyang kaso rito. His house has a manly aura with the smell of men's cologne. In-on niya ang cellphone niya at tiningnan niya ang oras. Where the hell is he?! Sumalampak siya sa couch nito at doon naghintay. Anak ng tokwa! Nasaan na ba yung mamboboso ba yun?! Nakakainis.

Tiningnan niya uli ang picture niya sa Instagram account nito at napakaganda nun. She was arching her back on the bed with her mouth ajar and her eyes closed. It looks so sensual. Kita rin na shirt lang at panty ang suot niya. Mahinang napamura siya. My brothers would freak out. I look like a porn star. HD rin ang picture at hindi halatang kinuhanan mula sa malayo. Gago talaga yun. I'll keep my curtains shut from now on.

Napahikab siya. "Damn! Hindi ko man lang nakain ang cake ko." umakyat siya sa kwarto nito at nakitang napakalinis nun except sa mga nagkalat na pictures sa desk nito. Humiga siya sa malaking kama nito at niyakap ang isang unan. It smells good. Kinuha niya ang remote ng aircon at itinodo iyon. Pumikit siya at nagpasyang iidlip muna siya.

PABALIK na siya sa bahay niya galing sa isang photoshoot sa studio niya nang tumawag sa kanya si Dion. Napakunot noo siya. "I'm driving." bungad niya rito.

"Grabe ka sa akin. Wala man lang hello!" natatawang wika nito sa kabilang linya.

He sighed. "I'm tired, okay? Just tell me what you want."

"Ano yung picture na pinost mo sa Instagram mo?"

Napaisip siya. Awtomatikong may matamis na ngiti na naglakbay sa mga labi niya. "A photo of me and Kenna."

"Weh?"

"Oo nga. Bakit ba?"

"Bakit parang galit ang labidabs mo?"

"Galit? Si Kenna?" napakunot noo siya.

"Sabi niya pa nga magsasampa siya ng kaso sa'yo eh. G na G kanina nagmura pa ng espanyol."

"Nagbibiro ka ba? Bakit naman siya magagalit sa picture na magkasama kami? Pumayag naman siya nun."

"Pare, mukhang bad shot ka kagad sa future misis mo. Umuusok ang ilong kanina. Buti hindi ako nagpula."

"Nakausap mo ba?"

"Oo. Sinabi ko ang address mo. Sinabi ko rin na wala ka doon pero I don't care daw. Baka nasa bahay mo na yun."

"I'll call you later." tinapon na niya sa pasengger seat ang bluetooth earpiece niya at pinaharurot ang kotse niya. Bigla siyang naexcite na ang dalaga ay nasa bahay niya.

Pagkagarahe ng kotse niya ay agad siyang tumakbo papasok sa bahay niya. Wala ito sa sala. He shrugged. Baka hindi na tumuloy nang makitang walang tao.

Umakyat na siya sa kwarto niya para maligo at magbihis dahil sa totoo lang ay kanina pa siya init na init sa suot niyang sweatshirt at pantalon. Natigilan siya nang makitang may babaeng natutulog sa kama niya. Teka.. wala naman akong girlfriend diba? Wala pa ring ibang babaeng nakakaalam kung nasaan ang bahay ko.. sino to?

Dahan dahan niya itong nilapitan at marahang hinawi ang mahabang buhok nitong tumatabing sa mukha nito. He smiled nang makitang ang babaeng gumugulo pala sa isip niya ang kasalukuyang natutulog sa kama niya. May naamoy siyang kakaiba sa hangin. "Amoy yosi?" nag-spray siya ng air freshner para mawala ang amoy na iyon sa hangin.

Kumuha siya ng pamalit at agad na nagtungo sa banyo para maligo.

NAG-UNAT si Kenna at mahinang umungol pagmulat ng mga mata niya. Nakita niyang madilim na sa labas ng floor to ceiling window ng kutunglupang si Jovanni. Naghikab siya at niyakap nang mahigpit ang unan. Nakita niyang medyo malayo naman pala ang mansyon niya sa mansyon nito. Ibig sabihin.. super mega HD ang camera niya. Super mega zoom rin?

Nagulat siya nang may mag-ring na cellphone sa tabi ng cellphone niya. Wala naman to kanina ah..

Nairita siya sa kakaring kaya naman agad niya iyong sinagot. "Hello?" mahinahong sagot niya.

Napasinghap ang nasa kabilang linya. "Sino ito? Ito ang telepono ni Damien hindi ba?" tanong ng matandang babae sa kabilang linya.

Damien? Sino yun? Diba Jovanni ang pangalan nung photographer? "Uhm.. yes. Do you have a message for him? He left his phone at home."

"Eulogio! Ang apo natin! May girlfriend na." rinig niyang sabi nito sa kabilang linya. "Ahm.. hija.. anong pangalan mo?"

"Kenna po."

Napasinghap ito. "Kapangalan pa ng magandang apo ni Emmanuel!" the old woman cleared her throat. "Nasaan ba si Damien ngayon, hija?"

"I'm sorry but to tell you the truth I'm trying to find him too."

Tumawa ito. "O sige, Kenna hija. Pakisabi na lang na tumawag ang Lola Leonora niya."

"I'll tell him po."

"Nice to meet you, Kenna anak."

"You too, Lola Leonora." napangiti siya.

Nagulat siya nang lumabas sa CR ang naka-boxers at shirt lang na lalaki. Napakunot ang noo niya. "You?"

Halatang nagulat rin ito na hawak niya ang cellphone nito. "You're awake now." nakangiting lumapit ito sa kanya. "Who called?"

"Lola Leonora." she was glaring at him. Hinaklit niya ito sa braso. "Take that picture down!" galit na wika niya rito.

"What picture? The selfie we took together?" nakakunot noong wika nito.

She scoffed. "What selfie are you talking about? It was just me laying in bed!" napadiin ang hawak niya sa braso nito.

Nanlaki ang mga mata nito at agad na binuksan ang laptop nito. "Shit! I didn't mean to upload that! I was supposed to upload the selfie we took."

Malakas na binatukan niya ito. "Take it down now."

Napakamot naman ito sa batok. "I really didn't mean to, Kenna."

"Take it down. Now. Or say something intelligent like you're having a project with me or something!" inis na sigaw niya rito.

Napabuntung-hininga ito. "I will. I'm really sorry. It was so stupid of me to upload your picture accidentally."

"Gago ka pala eh! Una pa lang paano ka nagkaroon ng picture ko na ganun!" she glared at him.

Nagulat naman ito nang marinig siya mag-Tagalog. "You.. You speak Tagalog?"

"I'm half Filipino. Answer me! Paano ka nagkaroon ng ganung picture ko! Namboboso ka ba?" inis na dinuro niya ang noo nito.

He cleared his throat. "Ha?" nag-iwas ito ng tingin.

"Anong ha ka diyan? Sapakin kaya kita?" iniharap niya ang mukha nito sa kanya. "Umayos ka ng isasagot kundi malilintikan ka sa akin." banta niya rito.

"Kasi.. ano.. I was testing out the zoom power of my camera and I accidentally pressed the shutter. Totoo yun. I editted your picture to black and white because it already was beautiful and I wanted to be more sexier."

She sighed. "At bakit mo naman in-upload?"

"I didn't mean to. Like I said I thought I uploaded our picture together."

Binatukan niya ito. "I hope you learned your lesson. Ikaw ang bahalang magpaliwanag sa mga tao kung bakit ka may picture ko."

"Am I forgiven now?" tanong nito sa kanya.

Umiling siya at ngumisi. "No. You'll be my slave for two months. Kahit saan ako magpunta sasama ka. Kahit sa bundok pa ng tralala."

Natigilan ito. "What? You can't do it?" tinaasan niya ito ng kilay.

Malawak na ngumiti ito. "No. Thank you, Kenna."

Napakunot siya ng noo. "For what, Jovanni? Or Damien. Or whatever your name is."

"Dahil hindi ka nagsampa ng kaso."

Inirapan niya ito. "I need a slave that's why. Ikaw naman ang guguluhin ng tao kapag nagkataon, not me. Do you know how to cook?" masungit na tanong niya rito.

Tumango naman ito. "Cook something healthy. No oil as possible." sabi pa niya.

Nakangiting sumaludo ito sa kanya. "Yakang yaka ko yun. Ano pa?"

"May sigarilyo ka ba diyan?" tanong niya rito.

Umiling ito. "I don't smoke."

She heaved a sigh. "Tsk. Gusto ko magyosi."

"That's bad, you know."

"Alam ko."

"Then why do you still want to smoke if you know that it's bad for you?"

She shrugged. "Magluluto ka ba o ano? Kanina pa ako nagugutom ang tagal tagal mong dumating."

"Sorry, my lady." yumukod ito at hinalikan ang kamay niya. "Magluluto na po."

She cleared her throat. "Go! Shoo!" inirapan niya ito.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 157 20
Namulat si Heidi sa makamundong gawain ng kanyang ina na nagtatrabaho bilang isang nagbibigay aliw sa mga dayuhan sundalo o negosyante. Bilang isang...
98.7K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
31.7K 880 15
"You are married to him for five f*cking years but why on earth, you are still a virgin?!" Lahat ng mga tao ay mayroong sikreto at hindi naiiba doon...
1K 99 65
Si Kent ay kilalang heartthrob sa kanilang school, siya ay isa sa pinakamayang nag-aaral sa school na iyon. Hindi lang siya kilala dahil sa siya ay m...