Picture Perfect (Damien Jovan...

By RosarioTheGoddess

211K 5.3K 142

Kenna Naveen Cervantes is a popular model worldwide. 17 pa lang kasi siya ay nagmo-model na siya sa mga pamos... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21: The Last Chapter

Chapter 3

11.5K 283 12
By RosarioTheGoddess

TINULUNGAN niyang kunin ang mga gamit ni Kenna nang makitang dalawang naglalakihang bagahe ang dala nito. Ang dami naman niyang dala..

"Thanks."

Nakita naman niya na palinga-linga si Dion at Tiffany na hinahanap siya. Itinaas niya ang kamay para makita siya ng mga ito. "Di." tawag niya rito.

"Omg! Kenna! I'm not a fan pero sobrang ganda mo kaya fan mo na ako." nakangiting wika ni Tiffany.

"English, babe." siniko naman ito ng fiancée nitong si Dion.

"Can we take a picture?" nakangiting tanong ni Tiffany kay Kenna.

Tumango naman ang huli. "Sure."

Inalog siya ni Tiffany. "Jov, dali na. Chance ko na to."

Napabuntung-hininga siya. "Oo na. Wala naman akong choice."

Nakita niyang tumaas ang sulok ng labi ni Kenna. Napangiti rin tuloy siya. "On one condition."

Napatingin si Tiffany sa akin. "Ano ba yun? Dali na."

"Picturan mo rin kaming dalawa." he smirked.

Inirapan siya nito. "Dadamoves ka lang idadamay mo pa ako. O sige na. Dalian mo na. Baka umalis na tong si Gandang Kenna."

Agad na inilabas niya ang kanyang DSLR camera at kinuhanan ang dalawa. Nagmukhang bubwit si Tiffany sa sobrang tangkad ni Kenna. Umabot lang ito sa balikat ni Kenna.

Umiling si Dion. "Mukha kang wallet size kapag katabi mo si Kenna, babe." natatawang wika nito.

Inirapan naman ito ni Tiffany. "Heh! Akin na nga yang camera. Kayo naman, Jov." kinuha nito ang camera mula sa kanya at iniumang sa kanila. "Akbayan mo, Jov. Dali na."

"Sasakalin talaga kita, Tiffany." pabulong na wika niya rito.

Si Kenna naman ay pinulupot ang kaliwang kamay sa baywang niya. Walang hinto naman sa pagkuha ng picture si Tiffany. "Ang ganda ng shots ko. Palitan na kaya kita, Jov?" biro nito sa kanya.

Ngumisi siya. "Bawal bansot."

Napasinghap ito. "Ako? Bansot? Ouch." madramang wika nito.

Natawa si Dion. "Bansot ka man sa aking paningin.. bansot ka pa rin." banat nito.

Kinuha na niya kay Tiffany ang camera niya bago pa maisipan nitong ibato iyon kay Dion.

Pinaghahampas naman ni Tiffany ang tatawa tawang si Dion.

"Kenna!" napalingon sila nang may matangkad na lalaking tumawag kay Kenna.

"I've been here for almost 10 mins. Where have you been?" tanong rito ni Kenna.

"Sorry. Come on. Paparazzi's are already spread around the entrance." hinawakan nito sa baywang si Kenna at may dalawang lalaki namang nagbuhat ng mga gamit ni Kenna.

Tumingin sa kanya si Kenna at tumango. "I'll leave now."

"Bye, Kenna. Ingat ka." kaway rito ni Tiffany.

Tipid na ngumiti lang ito at kumaway.

Mahinang siniko siya ni Tiffany. "Uuuy! Selos si loverboy!" asar nito sa kanya.

Hindi niya na lang kinibo ito. Patuloy niya pa ring tinatanaw kung saan nagpunta ang dalawa.

"KENNA, nabasa ko yung article sa facebook. Kamust raw yung bata." tanong ng Kuya niya habang inililipat ang mga bagahe niya sa sports car nito. Kakalapag lapag lang kasi nila sa taas ng Velencoso Grand Hotel. Ayon sa Kuya niya ay kaibigan niya ang may-ari ng hotel. Imbes na dumiretso sila sa mansyon ng Lolo niya na may helipad naman ay dumaan sila roon dahil naiwan daw nito ang sports car nito doon sa naturang hotel.

She heaved a sigh. "He's dying.."

"Oh." natahimik ito.

"Kuya, I'm planning to go back to England as soon as possible. I need to be with that boy."

Tinapik nito ang balikat niya. "I understand. Mom, told me to read the article. I saw how you talked to that lad. He's a very brave fellow."

"His last wish was to take a picture with me." malungkot na ngumiti siya. "After Grandpa's party.. I'll fly back."

"Agad? Hindi ka ba magpapahinga muna?" tinulungan na siyang makasakay nito sa sasakyan.

Umiling siya. "It's the least I can do for him."

Pinisil nito ang balikat niya. "Okay. Ikaw ang bahala. I'll support you, bunso."

Matipid na ngumiti lang siya at tumingin sa labas ng bintana nang umandar na ang sasakyan.

"KENNA, apo!" ngiting ngiting salubong sa kanya ng Lolo niya. "Three years na kitang hindi nakikita. Ang laki-laki mo na. Literally."

Natawa siya. "I missed you, Lolo." niyakap niya ito ng mahigpit.

"I missed you too, apo. Buti naman at nakadalo ka sa birthday party ko." marahang tinapik nito ang likod niya.

Ngumiti siya. "Sorry po. I've been busy for quite a while."

Nakangiting tumango naman ito. "Naiintindihan ko, apo."

"Apo kong maganda!" sigaw ng Lola niya.

She chuckled. "Lola!" mahigpit na niyakap siya nito.

"Miss na miss na kita. Madalas ka pa namin makita sa telebisyon, magazine at dyaryo kaysa sa umuwi ka rito." nagtatampong wika nito.

She smiled and kissed her grandma's cheeks. "I promise to be with you all more often, grandma. Babalik balik ako rito kapag wala akong masyadong schedule."

Kinalabit siya ng Kuya Diego niya. "Ayos na ang plane ticket mo pabalik sa England mamayang madaling araw."

"Mamayang madaling araw? Alas sais na ng gabi ah." napakunot ang noo ng Lolo niya.

Tumango siya. "Lolo.. I need to be with him."

"Him?! May kasintahan ka na ba?!" gulat na wika nito.

Binatukan naman ito ng kanyang Lola. "May article na kumalat na may kausap na cancer patient ang apo mo. Baka yun ang pupuntahan niya."

She sighed. "Opo. Siya nga po."

Pinisil ng Lolo niya ang balikat niya. "Well.. he need you than I do."

"Salamat, Lo. Babalik din ho ako agad dito kapag maayos na ang lahat."

Tumango naman ito. "Anong oras ang pinabook mo, Diego?"

"3am po, Lo."

"Ako na ang maghahatid sa kanya sa airport. Andyan na rin naman ang chopper ko sa helipad." wika naman ng Kuya niyang si Alejandro.

"Thanks, Kuya."

"Sige na. Umakyat ka na at magbihis. Alas otso ang start ng party. Magpahinga ka muna." nakangiting niyakap siya ng Lolo niya.

"I will, Lo. Can I ransack the kitchen? I'm starving."

Natawa ang Lolo niya. "Sure. Eat everything you want, apo."

"Yes!" napahikab siya pagdating sa kitchen. Busy ang lahat ng staff doon at panaka-nakang patingin tingin sa kanya ang mga ito. Binuksan niya ang ref at kinuha ang vanilla milk na alam niyang sa Kuya Noah niya at ang isang balot ng chocolate chip cookies sa cupboards. Kumuha siya ng baso at dumiretso sa sala. Magkatabi ang kanyang magulang at ang kanyang grandparents. Magkakatabi naman ang kanyang mga Kuya.

Nilantakan niya ang cookies. Nang aabutin yung ng Kuya Alejandro niya ay agad niyang inilayo yun. Binelatan niya ito.

"Lolo oh! Ang damot ni Navi!" sumbong nito sa Lolo nila.

Inirapan niya ito. "Magtigil ka nga! Ang laki laki mo na sumbongero ka pa rin."

Nag-pout pa ang hudyo at ininom na lang ang vanilla milk na nasa baso.

"You're so childish, Kuya." umiling siya.

"Hija, nakapag-leave ka na ba?" tanong sa kanya ng ina niya.

Napabuntung-hininga siya. "Opo. But my day off will start next month. Since I already signed a contract for particular brands this month. Next month I will be free for almost three weeks since after I have a photoshoot for Calvin Klein at New York and Bottega Veneta at Italy."

"Wow! Big time ka na pala talaga, bunso." bulalas ng Kuya Diego niya.

She rolled her eyes. "Ay, Lolo. Wait. Yung gift ko sa'yo." inisang lagok muna niya ang tirang gatas ng Kuya niya.

Umakyat siya sa kwarto niya sa mansyon ng grandparents niya at dumiretso sa kwarto niya roon. Iniakyat na rin kasi ng tauhan ang gamit niya. Binuksan niya ang luggage niya at napangiti ng makita ang regalo niya sa Lolo niya. It was a Robert Dubuis Limited Edition Pulsion. Hilig kasing mangolekta ng Lolo niya ng mga relo. Bakit kaya lahat ng mayayamang matanda relo ang gusto?

Nakangiting bumaba siya at iniabot ang paperbag sa Lolo niya. Nanlaki ang mata nito. "A Robert Dubuis?"

Tumango siya. "Open it, Lo."

Halos lumuwa ang mata nito nang makita ang regalo niya. "Limited edition ito ah. Hindi ko na to naabutan sa market."

Ngumiti siya. "Like it, Lo?"

"I love it, apo." mahigpit na niyakap siya nito. "Salamat. Susuotin ko ito ngayong gabi." nakangiting ibinalik nito sa paperbag ang kahit ng relo.

"Kuuuu! Ipagmamayabang mo lang ang regalo ng apo mo sa'yo!" asar rito ng Lola niya.

"Aba'y maski ang mga kumpadre ko ay walang ganitong relo. Talagang ipagmamalaki ko ito. Isa pa at regalo ito ng pinakamaganda kong apo!"

Natawa siya. "I know that, Lo. O sige na. I'll be resting upstairs for a bit."

"O sige. Magpahinga ka na, apo." tinapik ng Lola niya ang likod niya.

"See you later, Navi!"

Kumaway lang siya sa mga kumag niyang Kuya.

"THIS is my apo, Eulo." pakilala sa kanya ng Lolo niya sa isa sa mga kaibigan nito.

"Hello po." kinamayan niya ito.

"Totoo ngang maganda ang apo mo, Emmanuel." nakangiting wika nito sa Lolo niya.

"Where's your apo?"

Napatingin siya sa Lolo niya. Is he setting me up with someone?

She cleared her throat. "Uhm, Lo. I'll go out for some fresh air, if you don't mind."

Umiling ito. "Sige lang, hija." ngumiti ito. Nakahinga siya ng maluwag at agad na umalis sa tabi ng mga ito.

"Ah! Andyan ka lang pala, Jovanni." narinig pa niyang wika ng Lolo niya.

Agad siyang lumabas sa garden para makalanghap ng sariwang hangin. Maraming bisita ang Lolo niya dahil 80th birthday nito. Sa edad niyang iyon ay malakas pa rin ang Lolo niya at walang bakas ng sakit. Sana ganoon pa rin siya kalakas pagtanda niya. Umupo siya sa swing at sumimsim ng wine sa kopita niya. It was a chilly night. Tumingala siya sa langit at napangiti nang makita ang mga nagkikislapang mga bituin. It was a very clear sky tonight at maraming stars. Kailan nga ba nang huling tumingala siya sa langit at tinitigan ang mga bituin? Siguro ang huli ay noong 16 siya. Kasama niya pa ang mga Kuya niya sa bahay nila sa England noon bago siya lumipat sa sarili niyang condo. Siyam na taon na rin pala..

Malalim na napabuntung-hininga siya. I'll spend my time more with my family now.. ayokong magsisi na hindi ko sila nakakasama pagdating ng panahon. I want to create more beautiful memories with them. she shivered. Sa nipis ba naman ng tela ng suot niyang long gown ay talaga namang lalamigin siya.

"THANK you for being here with John, Ms. Kenna. And thank you for all your help." nakangiting kinamayan siya ng ama ni John.

"Is he awake?"

"Yes. Please come in."

Tinanggal niya ang face mask niya at ang cap niya pagpasok sa private room kung saan naka-confine si John.

"John." mahinang tawag niya rito. Nakatingin kasi ito sa labas ng bintana.

Awtomatikong napangiti ito ng makita siya. "Kenna!"

Niyakap niya ito. "Hi there. Have you been eating healthy these past few days?" umupo siya sa kama nito.

Tumango ito. "Yes. Because Sofie said that it was all from you. Where have you been?"

"I went to the Philippines and visited my grandparents."

"Oh! How are they?"

"They're perfectly fine. They wanted to give you this." nakangiting inabot niya rito ang paperbag kung saan may mga tsokolate na nakalagay.

"What is this?" tanong nito.

"Open it."

Dahan dahang binuksan nito ang paperbag. "Wow! Chocolates! Tell them I said thank you." nakangiting binuksan nito ang wrapper ng chocolate.

"My brothers wanted to give you this." iniangat niya ang hawak na laruang kotse. "And this is.. from me." inabot niya rito ang katamtamang laking teddy bear.

"Wow! Thank you, Kenna." nagningning ang mga mata nito. "This is too much."

"You deserve it, lad." hinalikan niya ang noo nito.

"Can I ask you something, Kenna?" tanong nito sa kanya habang yakap yakap ang bigay niyang teddy bear.

"Sure. What is it?"

"Why aren't you smiling at the pictures?"

Natigilan siya. "I don't know. Maybe it looks much more cooler if I don't smile."

"Really? Because I think you'll be cooler and prettier when you smile."

Napangiti siya. "I'll keep that in mind, John."

"You have a beautiful heart, Kenna. Thank you for everything." nakangiting hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan siya sa pisngi. "Be more beautiful.. smile at the photos for me, okay?" he held his pinky up and urged her to pinky swear.

She chuckled and curled her pinky finger to his. "I promise, John."

"I'm sleepy. Can you call my dad outside?"

Tumango siya at lumabas ng private room nito. Nakita niyang umiiyak sa labas ang ama nito. Inabutan niya ito ng panyo at tinapik sa balikat. "John's waiting for you."

Tumango ito. "Thank you, Kenna. For making my John happy." niyakap niya ito at marahang tinapik sa likod.

"Come on. Let's get inside."

Pagkapasok nila ay nakapikit na ito. Hinawakan niya ang kamay nito. "John.. dad's here."

Iminulat nito ang mga mata at ngumiti. "Dad.. I love you. If you see mom.. tell her I love her with all my heart. I don't hate her. I just love her."

Biglang may pumasok na babae sa kwarto at lumapit sa kama ni John. "Johnny.. mum's here. Fight for me." umiiyak na sabi nito.

Napangiti siya at binigyang daan ang ina nito. Tumingin sa kanya si John at binalingan uli ang ina. "Mom, that girl is supposed to be my wife. Her name is Kenna. She's a model, mom. I love her so much. Isn't she beautiful?"

Ngumiti siya sa ina nito. "I'm Kenna, John's.. fiancée?"

Natawa naman ang ina nito. "I'm Matilda, John's mum. I just got home from Afghanistan. I saw your picture with him."

Hinila ni John ang kamay ng ina. "Mom, I just want to let you know that I love you.. and I'm sleepy.." humihikab na wika nito. Hinigpitan naman ng ina niya ang hawak sa kamay ng anak niya.

"Rest now, Johnny.."

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 32.9K 42
Samantha Greyshel Enriquez, a supermodel who gets cheated on by his long term boyfriend, Xander Abueva. He left her for her best friend. Their relati...
4.7M 127K 15
Kilala si Eizel Nicole San Diego bilang isa sa mga sikat na modelo sa buong mundo. Naparangalan na siya bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa ba...
22.1M 533K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]