Half Dead

By RenisuSenpai

3.5M 50.1K 8.5K

Adrian is a typical nerd in his college years. His life can't get any worse, everyone knows that. But that's... More

Prologue
Conflict 1- I'm Normal! Am I?
Conflict 2- I'm a Criminal!
Conflict 3- Nerd no More
Conflict 4- She Thinks Amalayer
Conflict 5- Astral Projection
Conflict 6- And so I Met Them
Conflict 7- Trouble Always Follows
Conflict 8- One Fearsome Angel
Conflict 9- Like Brother, Like Sister
Conflict 10- A 6 day Countdown; Day 1
Conflict 11- A 6 day Countdown; Days 2-4
Conflict 12- A 6 day Countdown; Day 5
Conflict 13- A 6 day Countdown; Day 6
Conflict 14- The Game of Choice
Conflict 15- Worried Sick
Conflict 16- Her Perception
Conflict 17- Cutest Nerd
Conflict 18- True Tears
Conflict 20- Point of View Mash
Conflict 21- The Dead Body's Freedom
Conflict 22- What troubles Raven Most
Conflict 23- The Worst of Luck
Conflict 24- What Hurts the Most
Conflict 25- And So they Kissed
Conflict 26- Start of the 2nd Season
Conflict 27- Reaching the Limit
Conflict 28- Third Chance?
Conflict 29- Anything But That
Conflict 30- Back Home
Conflict 31- Not Another Ghost Story pt.1
Conflict 32- Not Another Ghost Story pt.2
Conflict 33- One Playful Day
Conflict 34- A Problem of Two
Conflict 35- "SOMEDAY" Sam and Days
Conflict 36- Princess on a Canvas
Conflict 37- Raven's Anomaly
Conflict 38- The Thing He Never Mention
Conflict 39- Caught for an Eye
Conflict 40- Hold on to it, Adrian
Conflict 41- Just Move on, Hillary
Conflict 42- Now Say it, Samantha
Conflict 43- Deal with it, Raven
Conflict 44- All This Time?
Conflict 45- To Treat Him Right
Conflict 46- All in one Blow
Conflict 47- Stationary Switch
Conflict 48- Another Conflict
Conflict 49- She Thinks Amalayer, Again
Conflict 50- Just a Normal Day
Epilogue- Half Dead, Again?
Webtoon Series Announcement

Conflict 19- Temptation of Bestfriend

71.2K 1K 167
By RenisuSenpai

A/N: Pangungunahan ko na kayo! Alam ko baduy yung title ng Chapter na 'to pero wag kayong tumawa.

Seryoso ako -_____-

Btw, don't play the Video just yet ok?

(Raven's POV)

"Welcome back Mr. Perez. How was your vacation?" Tanong ng prof namin bago pa man nya simulan ang klase.

Dahil nga sa letter na pinadala ng mama ko, or should I say mama ni Adrian, ang alam ng lahat ay nagbakasyon lang ako sa Batangas for 1 month.

Nakanga-nga namang nakatingin ang mga classmates ko saakin. Di ko alam kung anong meron at ganito sila makatingin. Namiss ba nila ako? Ganito ba kasikat si Adrian sa klase?

After ng class, lumabas akong mag-isa ng classroom. Lahat sila nakasunod ang mata saakin. Nagsisimula na akong mairita. Worse, may lumapit pang isang babae saakin.

"Uh. . . Adrian. . . umm," nag b-blush sya, "sorry kung hindi ko tinanggap yung alok mong date saakin dati ah. Di pa kasi ako ready nun eh. Pero ngayon ok na.Readyna ako."

What the heck is she saying?

"Adrian! Sorry din kung binasted kita nun." Sigaw ng isa pang babae. "Ayaw pa kasi ng parents kong magka boyfriend ako dati. Pero ngayon OK na raw."

"S-sorry. Pero kailangan ko nang umalis eh." Nagbow ako sakanila sabay dali daling lumakad palayo.

Habang naglalakad naman ako sa pathway, dinig ko ang bulungan ng mga babae. Parang kinikilig sila na ewan. Ano ba talagang problema nila ha?

Nabunggo ko naman ang isang lalaki dahil di ako nakatingin sa dinadaanan ko. Naiilang na kasi ako sa tingin ng mga taong nakapaligid saakin.

"Adrian?" Sabi nung lalaki. "Wow, totoo pala yung balita. Parang nagbago nga yung itsura mo."

Nagtilian bigla yung mga babae sa paligid. May naririnig akong sinasabi nilang pangalan. Jetro if I heard it right.

"Uh. Jetro?" I tried.

"Yes?" He respond.

"Pwedeng tumabi ka sa daan? Nagmamadali ako eh." Tinapik ko sya sa braso para umusog sabay tuluyan na akong lumakad.

"Anyare dun?" Tanong nya sa isa nyang kasama. He shrugs.

Dumaretso ako ng C.R at naghilamos. Tiningnan ko sa salamin ang basa kong mukha. Akala ko ba nerd 'tong si Adrian? Akala ko ba pangit sya at di kinagigiliwan ng ibang tao? Pero bakit ganito? Parang pareho lang nung ako pa si Raven!

YasayResidence

"Urgh~" Sigaw ko habang nakaharap sa salamin sa kwarto ni Samantha.

"Bakit ba kanina ka pa sigaw ng sigaw dyan ha?" Tanong nya habang nakaupo sa kama at nagbabasa ng libro.

"Nakakainis talaga! Akala ko pa naman tatahimik na ang buhay ko kapag naging ako na si Adrian."

"Wow ha! Ang laki ng problema mo." Pailing-iling nyang sabi.

"Di ka nakakatulong." Umupo ako computer chair nya at pinaikot 'to ng isang beses.

"E bakit ba kasi nagpagwapo ka ulit?Akalakobaayawmonyan?" Tanong nya.

"Seryoso ka? Ako magpapagwapo? Psh. Malay ko ba. Ang alam ko lang namumuhay lang ako ng normal."

"Paanong normal?"

"Kung paano ang lifestyle ko as Raven."

Pano nga bang Normal? Hm. . .

1. Atleast 8 hours of sleep

Eh nakakaboring naman kasi kapag walang ginagawa eh. Kaya natutulog nalang ako lagi

2. Naliligo 2 times a day

Minsan nga 3 o 4 times pa e. Nakakairita kasi kapag malagkit ang katawan.

3. Naghihilamos pagkagising at bago matulog

E sino ba namang hindi? Kahit sino naman siguro ganun ang ginagawa diba?

Hay EWAN! Sumpa talaga 'to saakin. Pati ba naman yung pangit, napagwapo ko. Wat da pak!?

"Baliktad naman kayo ni Adre." She chuckled. "Sya 'tong gustong gumwapo nun pero wala syang magawa. Ta's ikaw naman gusto mong pumangit pero kabaliktaran ang nangyayari. Hahaha."

"Ah! Anong gusto mong gawin ko?"

"Aba ewan ko sayo. Haha."

"Amp. Puro ka ewan ko sayo. Umusog ka nga!" Tumabi ako sakanya sa kama.

Bigla nya akong pinalo ng malakas sa braso. Parang gulat na gulat sya. Nakatakip pa yung kamay nya sa chest nya. Psh. Para namang may chest sya.

"Ano bang problema mo? Parang tumabi lang ako ha!" Sigaw ko.

"At bakit mo ako tatabihan? Kamako 'tono!" Katwiran nya.

"E ano bang masama? Gusto nga kitang tabihan ee bakit ba?" Lumapit ako sakanya para asarin pa sya lalo.

"Wag kang lalapit! Sisigaw ako!!" Sigaw nya.

"E sumisigaw ka na nga eh!"

"Kahit na! Sisigaw ako ng mas malakas! Rape!" Tinotoo nga nya.

"Psst hoy! Anong rape? Sipain kita dyan eh."

"Mama! Si Adrian ni re-rape ako!"

"Aba! Ang kapal mo ah! Sa payat mong yan pagnanasaan pa kita? Walang magtatangkang magrape sayo pweh!"

"E ikaw! Ang pangit mo na nga, ang pangit pa ng ugali mo!" Nag belat sya.

"Ako pangit? Wahaha! Eh namomroblema na nga ako sa kagwapuhan ko e!"

Para kaming mga batang naghahabulan sa kwarto. Tumatalon kami sa kama at nagbabatuhan ng unan. Ang sarap makipaglaro sakanya.

Sa totoo lang ganito yung gusto kong klase ng friendship. Si Days kasi, di makabasag pinggan. Napakahinhin. Next to impossible kung makalaro ko sya ng ganito. Pero syempre hindi ko naman sya pinipilit. Mahal ko si Days kung ano at sino sya.

Nung una kong makilala si Hillary nun, mag-isa pa syang nakaupo sa swing. Nilalamig sya nun kaya ibinigay ko ang favorite jacket ko sakanya.

Isang araw, may nagbalik saakin nung jacket sa harap mismo ng bahay namin. Nakabox pa at may letter na nagsasabing thank you.

Pagkalabas ko nung jacket sa box, naamoy ko ang sobrang bangong pabango. Simula nun, gustong-gusto ko nang inaamoy ang jacket kong yun.

Hanggang sa hinanap ko sya mismo. Di ko na rin kasi gaanong maalala yung itsura nya eh. Pero nung mahanap ko sya, di ko na sya pinakawalan pa dahil sa pabango nya. At unti unti, naging close nga kami at naging bestfriend.

*Play the Video

"Tara labas tayo!" Aya ni Samantha saakin.

"Saan tayo pupunta?"

"Kahit saan! Haha." Bigla nya nalang akong hinatak palabas.

Malapit na ang fiesta dito sakanila kaya naman maraming mga nagtitinda sa kalye. May mga pagkain, mini games, souvenir, at kung ano ano pa.

"Dun tayo oh!" Turo ni Samantha sa stall na puno ng mga manika.

Paglapit namin, doon ko lang nalaman na para makakuha ang manika, kailangan mong laruin ang game kung saan babarilin yung mga nakadisplay na laruan. Kapag natamaan mo lahat, you can choose any stuff toy you want.

Nilaro namin yun at umabot hanggang 10 tries. Nanalo kami ng isang doll na parang mas makakamura pa kung binili nalang namin. Pero ayos lang kasi enjoy naman.

Sunod naman, tumingin tingin kami ng mga damit. Yung buong daan kasi napalibutan ng mga stalls. Akala mo divisoria. Kumain kain naman kami ng kung ano-anong street-food pagkatapos. Pinanuod din namin yung mga nagpeperform dun sa stage. May pa dance contest kasi.

Lumalim ang gabi at nag announce sila na may gaganaping disco party mamayang 12:00 am hanggang 5:00 am. Since wala kaming pasok bukas, nagdesisyon kami ni Samantha na mag attend.

"Mukha namang masaya eh." Nakangiting sabi ni Samantha.

"Mukhanga." I agree. "Pero uwi muna tayo. Maaga pa kasi masyado eh. Gusto kong magpalit ng damit at maligo."

"Good idea! Parang ako ako rin eh."

Mga 9pm palang kasi kaya maganda nang umuwi muna kami. Dun ako umuwi sa bahay ni Adrian syempre. Tinanong ako ni mama, yup I address her as mama, kung saan raw ba ako pupunta. Sinabi ko na magdidisco lang kami ni Samantha.

After kong maligo, nagbihis na ako agad. Simpleng baby blue na long sleeves at skinny jeans sinuot ko. Habang tinitingnan ko ang sarili sa salamin, bigla kong naisip si Samantha. Ano kayang susuotin nya? Hm. . .wala namang babagay na damit dun sa butiking yun eh. Hahaha.

Anyway, tumuloy na ako sakanila agad para sunduin sya. Sa sala nalang ako naghintay dahil nagbibihis pa raw sya sabi ng mama nya. Ang arte naman nun. Ang tagal magbihis akala mo naman kung sinong kagandahan. Haha.

"Kanina ka pa ba?"

Napalingon ako sa likuran ko nang may marinig akong boses. Si Samantha pala yun. Pero parang ibang Samantha.

"S-Samantha?" Naging speechless ako nang makita sya. Ewan ko kung may mali ba sa mga mata ko pero for a moment, parang bigla syang gumanda.

"Tara na." She smiled. Her eyes did the same.

Nakatingin padin ako sakanya. Di ko maalis ang tingin ko! Parang ang sarap nyang titigan sa suot nya. Shoulderless tops na long sleeves at simpleng headband na may flower design.

"Hello?" Lumapit sya ng konti sa mukha ko. "Ang sabi ko po tara na."

"Y-yah! Tara na nga." I shook it off.

"Let's go." Nauna na syang lumakad palabas.

Nakarating kami sa disco larty ng 11:30. Maganda ang pagkakaayos nila dito sa park na akala mo may mag dedebut. May mga magagandang ilaw, pinalibutan nila ng christmas lights ang mga puno, malilinis ang mga table, maganda rin ang stage na may nakasulat pang malaking "Happy Fiest Brgy. Pilar" sa background. May banda rin sila na nagpo-provide ng music.

Maya maya pa, nagpatayan na ang mga ilaw. Naghiyawan bigla ang mga tao sa paligid na tila nae-excite na. Habang kami naman ni Samantha, nakaupo lang sa isa sa mga table. Ilang saglit pa, bumukas na ang higanteng disco light na nasa gitna ng park. Nagsitayuan ang mga tao at sumayaw kasabay ang mga ilaw. Hinatak ako bigla ni Samantha para tumayo.

"Tara sayaw tayo!" Nakangiting aya nya.

"Mamaya na. Nakakahiya." Medyo mahinang sabi ko.

"Ha? Ba't ka naman mahihiya? Sira ka talaga! Tara na." Lalo nya pa akong hinatak hanggang sa napatayo na ako.

Sinabayan ni Samantha ang ilaw at music sa pagsayaw. Ang Cute ng galaw nya, ang cute nyang sumayaw pero halata naman na marunong sya. Habang ako, nakatayo lang at nakayuko. Ngayon ko lang naalala, hindi pala ako marunong sumayaw. -_-

"Raven! Sumayaw ka naman!" Sigaw ni Samantha saakin habang nilalabanan ang malakas na music.

"Nahihiya ako. Hindi ako marunong." Sigaw ko malapit sa tenga nya.

"Hay nako." Napahinto sya. She just gave me a "Psshh." Look .

Kasalanan ko ba talagang hindi ako marunong sumayaw!?

Hinatak nya nalang bigla ang kamay ko at napunta kami sa bandang gitna. Dun sa pwesto kung saan kitang-kita kami ng lahat. Nakapatapat pa saamin ang pesteng spotlight.

"Ngayon ka mahiya! Haha" Saka nya itinuloy ang pagsayaw nya. "Gayahin mo lang kase 'ko."

Tinitingnan ko lang sya kung paano ang ginagawa nya at parang sira ulo ko syang ginaya. Di ko alam kung may mukha pa akong ipapakita after neto. Napahinto kasi ang mga tao at pinapanuod lang kami. Yung iba nakangiti ng nakakaasar, malamang tinatawanan ako sa mga isip nila!

Ayoko namang lumakad pabalik sa table namin kasi mas nakakahiya kung ganun. At sigurado, magagalit saakin 'tong si Samantha.

However, sinet aside ko nalang muna ang lahat ng hiya ko. Sumayaw ako na parang nag-aagaw buhay. Nagulat ako sa mga sunod na nangyari.

Nakisabay saamin ang mga tao hanggang sa unti unti nagkaroon nalang ng isang flash mob! Hindi ko alam kung planado ba 'to ni Samantha o ano pero mukhang enjoy na enjoy sya sa mga nangyayari.

Habang pinagmamasdan ko sya, napangiti na rin ako. Napaka inosente ng itsura nya. Halatang wala syang ibang gusto kundi magenjoy lang ng todo kasama ako.

Teka. Ako nga ba talaga o si Adrian? Pero ako naman si Adrian ah! So ibig sabihin ba nun ako talaga? O pwede ring hindi? Ay ewan!

Maya-maya pa, huminto nalang ang masayang music at napalitan ng slow song. Sumayaw by partner ang mga tao sa paligid hanggang sa kami nalang ni Samantha ang natitirang hindi.

Dito ako nagkaroon ng pagtatalo sa isip. Should I hold her hands? Isasayaw ko ba sya o tatayo nalang kami rito? Wala namang masama kung isasayaw ko sya diba? Pero pwede rin kasing ikagalit nya yun. Ano ba talaga?

"Tara umupo na muna tayo." Aya nya sabay lakad paalis.

"Teka!" I undecidedly grab her hand. Hindi ko alam kung tama bang gawin ko 'to.

"Oh bakit?" Tanong nya habang inosenteng nakatingin saakin.

"Sumayaw pa tayo."I gently pulled her closer to me.

Dahan dahan ko syang isinayaw kasabay ang napaka sweet na music. Pero hindi sya makatingin saakin. Para syang nahihiya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya kasalukuyan.

"Ako naman ang magdadala sayo ngayon. Mas magaling ako sa ganitong sayaw." Banat ko. I'm not sure if it works though.

Actually pangalawang beses ko palang talaga sumayaw sa slow song. Yung una, sa JS prom namin. Si Days ang kasayaw ko noon. Ngayon naman etong si Samantha. Pero diba ako si Adrian ngayon? So ibig sabihin ba nito hindi 'to counted?

"Bakit parang nahihiya ka? Tumingin ka kaya saakin." I said.

"Hindi lang ako komportable." Hindi parin sya makatingin saakin.

"Bakit? Eh bestfriend mo naman ako diba? I mean, technically."

"Yun na nga eh. Hindi naman kami sumasayaw ng ganito ni Adre. Hmp."

"Pwes, wag mong isiping ako si Adrian. Tumingin ka saakin." I slightly lifted her face closer to mine.

Habang patuloy lang kami sa pagsayaw, bigla nalang akong may naramdamang pumatak sa mukha ko. Ganun din kay Samantha. Napatingala ako at dun ko nalamang umuulan na pala.

Naghiyawan ang mga tao. Imbes na sumilong sila, itinuloy pa nila ang sayawan.

"Tara sumilong tayo." Hinatak ko ang kamay ni Samantha.

Sumilong kami ni Samantha malapit sa may stage. Hindi naman kami gaanong nabasa eh.

"Badtrip naman oh! Panira ng moment." Angal ko habang pinapanuod ang ulan.

"Haha. Buti nga umulan eh." She said.

"Ha? Bakit naman?"

"E kasi malapit mo na akong halikan. Buti nalang natigil." Nag belat sya saakin.

"DUH! Ba't naman kita hahalikan?" Pakiramdam ko bigla nalang namula ang mukha ko.

"Biro lang Haha." Mahina nya akong sinuntok sa braso. "Dyan ka na nga! Sasayaw pa ako!"

"Sige sumayaw ka mag-isa mo! Di kita sasamahan."

"E di wag!" Lumakad na sya palayo.

Gusto kong sumunod pero I have my word! And besides, ayokong mabasa sa ulan no! Ano namang masaya pagsasayaw sa- urgh!

"Samantha! Hintayin mo nga ako!" Di ko na napigil ang sarili ko at sumugod na rin ako sa ulan.

Dahil sa nangyari, basang-basa kaming umuwi ni Samantha. Hinatid ko muna sya sakanila bago ako tumuloy saamin.

"Pasok ka muna." Aya nya.

"Hindi na. Uuwi na ako." Nangininig na ako sa ginaw.

"Hay nako. Halika na dito. Magpapagawa ako kay mama ng Hot Choco dali!" Hinatak nya ako papasok.

Pinatuloy ako ni Samantha sa kwarto nya. Pinahiram nya muna ako ng t-shirt at t'walya bago sya tumuloy sa banyo para magpalit din. Ang laki laki netong damit na pinahiram nya. Siguro sa papa nya 'to. O baka naman kumot nya. -,-

"Matagal ka pa dyan!" Sigaw ko.

"Patapos na ako wag kang excited." Sagot nya na nasa loob parin ng banyo.

Sumandal muna ako sa kama. Kanina ko pa hinihipan 'tong hot choco pero ang init parin. Maya maya pa, narinig kong bumakas na ang pinto ng banyo. Paglingon ko sakanya, napaso ako bigla.

Alam kong iniisip nyong nakatapis lang sya na kita legs. Pero mali kayo! Naka pajama sya at pink na sando. Nabigla lang kasi nakakatawa ang itsura nya. Ang payat payat na ewan hahaha. Flat Chested pa. Bwahaha.

"O bat parang gulat na gulat ka?" Tanong nya.

"Wala! Haha. Natatawa lang ako sayo. Ang pangit mo kase." Asar ko.

"Yan ka nanaman sa pang aasar mo ah." Umupo na rin sya sa kama. Nagpupunas padin sya ng basang buhok.

"E totoo naman kasi. Try mo kaya magpataba kahit konti." Suggest ko. "Eh parang kapag niyakap kita, para na din akong yumakap sa hangin eh. Hahaha."

"Aish! As if naman na papayakap ako sayo no?"

"Oo nga. Yayakapin ko nalang yung hangin! Bwahaha." Dugtong ko pa.

"Ang yabang talaga." She muttered.

"Hahahaha. Ganito din ba kayo lagi ni Adrian?" I asked out of the blue.

"Ha? Bakit mo natanong?"

"Wala lang. Nakakainggit lang kasi."

"Nakakainggit? Bakit? Hindi ba kayo ganito ni Hillary?"

"Sa totoo lang, may pagkaboring na tao yun eh. Mahinhin, tapos sa t'wing inaasar ko sya hindi sya lumalaban. Ta's hindi ko magawang makipaglaro sakanya gaya ng ginagawa natin."

"Eh ano naman? Sa ganun syang tao eh. Di mo kailangan baguhin yun. Instead, matuto kang tanggapin kung paano sya makibagay. Tulad namin ni Adre. Mahirap pakisamahan yung nerd na yunsatotoolang. But still, I can manage to do so dahil pinakikiramdaman namin ang isa't-isa."

Napatahimik ako sandali. Kung sabagay tama sya eh. Sometimes I'm trying so hard na maging makipagkulitan kay Days. Yun bang nakikipag paluan ng unan, nagbabatuhan ng mga pang-asar, naglolokahan. Pero sa t'wing ginagawa ko yun, parang nahihirapan syang makisama. Kaya bigla nalang akong tatahimik at magsosorry sakanya. Di ko tuloy maexpress gaano yung totoo ako kahit gusto ko.

Pero itong si Adrian at si Samantha, bilib ako sakanila! Napaka tibay kasi ng relasyon nila. Aminin nyo, gusto nyo ng ganitong klase ng friendship diba?

"Pero alam mo," she continued,"namimiss ko din sa Adre kahit papaano. Nakakainis sya na ewan."

"Ha? Bakit naman?"

"Parang lumalayo na sya saakin simula nung magkapalit kayo ng katawan. Si Hillary na nga ang lagi nyang nakakasama eh."

"Nagseselos ka kay Days?"

"H-hindi ah!" Bigla syang namula. "Er. Siguro? Pero as bestfriend lang syempre!"

"Bestfriend lang ba talaga?"

"Oo! Bestfriend. . . . . lang." Napayuko sya.

Sa tingin ko nagsisinungaling sya. Halata namang gusto nya na talaga si Adrian noon pa eh. Di nya lang talaga siguro maamin sa sarili nya.

"Bakit ikaw," balik nya, "di ka ba naiinis kasi mas naging close na sila? Lalo na't hindi pa alam ni Hillary na si Adrian ang nasa katawan mo."

"At bakit saakin napunta ang usapan ha?"

"Aminin mo na. Nagseselos ka rin!"

"Oo na! Aminado naman akong mahal ko si Days eh."

"You see? Pareho lang tayo. . . except for the fact na may gusto ka sa bestfriend mo."

"Lulusot pa eh. Alam ko namang may gusto ka rin kay Adrian eh. Aminin mo!"

"Wala nga!"

"Sige nga, tumitig ka nga sa mga mata ko kung di ka talaga nagsisinungaling." Hamon nya.

"A-ayoko nga! Bakit ko gagawin yun?"

"See? Natatakot kang malaman ko ang totoo."

"Oo na oo na! Pero slight lang naman no! Hindi kagaya nung sainyo ni Hillary hmp!"Medyo namumula na ang mukha nya.

"Hahaha. I knew it."

"Tsaka oy, bestfriends lang talaga kami! There's no way na maglelevel up pa kami dun!"

"Sabi mo eh." I murmured. I'm not really convinced. "Anyway, plano kong kumprontahin si Adrian bukas."

"Sasama ako!" She exclaimed."Gusto ko, ring marinig yung explanation nya."

"Weh? Gusto mo lang syang makita eh."

"Duh! Hindi ah." Deny nya. "Pero teka nga, hindi kaya mabigla si Adre kung makita ka nya? I mean hindi nya pa alam na nahanap na kita eh."

"Wala akong pakealam kung himatayin pa sya. Basta't ang mahalaga, maibalik ko si Days saakin at maexplain ko sakanya ang lahat."

"Yan nanaman yung pagiging selfish mo eh. Isipin mo muna ang mga pwedeng mangyari bago ka sumugod pwede?"

"E hindi na kasi ako mapakali eh. Baka mamaya kung ano pang gawin nyang bestfriend mo sa bestfriend ko. Mukha pa naman syang manyakis."

"Hoy! Hindi manyakis si Adre ah! Napaka-inosente nun. Drugs nga hindi nya pa alam eh."

"Kahit na! Wala padin akong tiwala sakanya."

"Pero kay Hillary may tiwala ka naman diba? Ang kwento mo saakin, inexplain mo na sakanya ang lahat bago ka pa man mapunta dyan sa katawan ni Adre. Sigurado ako kahit papaano, nagets nya na ang binigay mong clue."

"Sana nga." Napayuko nalang ako at napabuntong hininga.

"Ewan ko ba kasi sayo," napailing sya, "parang aamin ka lang dyan sa bestfriend mo, ang dami dami mo pang kaartihan. Tingnan mo ngayon, umabot ka pa sa pakikipagpalit ng katawan ng iba. Tsk tsk. Ang labo mo rin eh."

"Hindi mo kasi naiintindihan. Hindi yun ganun kasimple!"

"Ewan ko sayo."



Hindi nya kasi ako naiintindihan. Akala nya siguro napakababaw ko. Ang totoo kasi nyan, may mas malalim pang dahilan kung bakit pinili kong mapunta sa katawan ng iba.


Sobrang lalim na wala nang dapat ibang makakaalam. Lalo na silang tatlo.


Si Days, Samantha. . . at mas lalong si Adrian.





————————————————————————————————————-

Continue Reading

You'll Also Like

130K 4.2K 34
(Mystery/Thriller: Rank #10 ) Ang lugar kung saan hinuhubog ang mga binatang gustong mapalalim ang paglilingkod Kay Kristo. Dito rin sa lugar na 'to...
823K 28.6K 47
#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy Book 1⭐ Kinailangang mag-transfer si Arle...
6.4M 245K 49
|COMPLETED| Despite coming from a non-magical family, Snow Brielle Sylveria still yearns to become one of the gifted. When the opportunity to attend...
3.7K 191 18
People with dark sense of humour will find the stories here, funny.