DJ’s P.O.V
6:00 am ang flight namin. Pero 4:30 na hindi ko pa rin makuha yung tulog ko. Kanina pa ko paikot-ikot dito sa room namin, hihiga, uupo, tatayo, maglalakad. Naubos ko na ata yung tubig sa water dispenser pati yung mga chichirya na nandito sa kwarto namin. Nababaliw na talaga ako. Hindi na nga makatulog hindi pa maisip kung ano yung masamang nagawa kay Kath :( Kanina ko pa iniisip kung ano ba talga yung kasalanan ko kay Kath…
Ang alam ko wala eh.
Pero imposible naming wala diba? Alam kong galit siya hindi lang to basta bastang tampo kasi hindi niya pinapansin yung mga tawag at text ko eh. Kung nagtatampo lang siya sasagutin niya yun.
>>FLASHBACK<<
Kanina ko pa tinatawagan si Kath pero hindi siya sumasagot. It’s either tulog siya o may ginagawa. Siguro nasa bahay pa nila yung tutor niya.
Nagp-practice kami ngayon pero isang pasada palang nagsiupuan na lahat.
Nagsilabas kami ng sari-sarili naming cellphone..
Thrice kong tinext si Kath..
From: Babe :*
Baaaaaaaaaaaaaaaaaabe!
From: Babe :*
Babe reply ka naman oh? Please? :*
From: Babe :*
Babaaaaaaaaaaa :(
Tatawagan ko sana siya ulit pero naririnig ko na yung boses ni mama…
Isalang ibig sabihin neto, papunta na siya dito at isa lang ulit ibig sabihin niyan.. Bawal kaming makita ni mama na may hawak na kahit anong gadget. Yun ang no. 1 rule niya habang nagpra-practice eh.
DJ: Uy! Tayo! Tayo! Practice dali!
Sed: Mamaya na J! Pagod pa kaming lahat.
DJ: Tayo na kayo daliiiii!
Kats: Teka lang naman J tinetext ko pa si Dae mamaya magalit nanaman to sa akin mag-aaway nanaman kami.
DJ: Mamaya na yan! Halina kayo!
JC: Kuya chillax ka nga lang 5 mins.
DJ: Andyan na nga si mama eh!
Kats: Wala pa nga oh.
DJ: Naririnig ko na nga siya eh!
Sed: Wag ka ngang magulo diyan.
Pinipilit ko silang tumayo pero si Les lang ang nakinig sa akin. Tinago ko na yung phone ko tapos hinawakan ko yung bass ko.
DJ: Ayaw niyong making sa akin ha. Sige bahala kayo.
Lumapit ako kay Les tapos tumugtog ako, sinabayan naman niya.. Habang tumutugtog kami ni Les..
Mama Karla: Aba! Aba! Aba! Ang sabi sa inyo mag practice hindi makipagtextan. Bakit dalawang tao lang ang nasa stage?
Sed, Kats and JC: O.O
Ito na nga bang sinasabi ko eh. Pero dahil matitigas ang ulo niyo bahala kayo sa buhay niyo.
JC: e-eh.. Ma.. Chinecheck lang naming yung twitter naming.
Mama Karla: Alam niyo, sa isang banda kailangan ang disiplina. Isipin niyo ha, paano kayo magiging magaling at sikat na banda kung wala kayong disiplina? Ilang beses ko na bang sinabi sa inyo na kung practice, practice? Hindi ko naman sinasabing hindi pwede. Hindi ko kayo pinagbabawalan, kung hindi practice go. Magtwitter ng magtwitter. Pero yun nga dapat alam niyong ipwesto yang mga ginagawa niyo. Alam niyo? Kailangan niyo ng disiplina. Kayong tatlo akin na ang mga cellphone niyo.
Buti nalang! Salamat sa Panginoon hindi ko kausap si Kath nun dahil kung kausap ko siya makukuha rin itong cellphone ko at mas lalo ko siyang hindi matetext. Binigay naman nila yung mga cellphone nila.
Sed: Tita sorry..
Kats: …
JC: Sorry ma.
Mama Karla: Sorry din kasi makukuha niyo lang tong mga cellphone na to pag tapak natin sa Manila.
Habang nagsasalita si mama nagvavibrate yung phone ko. PATAY.
Please ma umalis ka na. Alis na maaaaaa.
Mama Karla: O magpractice na kayo. Isang pasada tapos punta na tayo.
Umalis na si mama tapos sinagot ko naman yung tawag..
DJ: Hello? *whispering*
Kath: Buti naman sinagot mo no?
DJ: Babe mamayang gabi nalang ha? Sige bye ingat ka love you! *still whispering*
Kath: Ha an---
*tooooot*
Sorry baby.
After nun pinatay at binulsa ko agad yung phone ko. Once kasi na makuha tong phone ko patay na. Hindi ako makakacommunicate kay Kath…
…
Tahimik kaming lahat sa biyahe. Pero natatawa ako sa itsura nung mga nakuhanan ng cellphone. Hahahaha! Buti nalang talaga alisto ako. Sinabi ko naman sa kanila eh, hindi lang nila ako pinakinggan. Si Les lang ang nakikinig sa akin kaya siya lang ang naligtas. Hahahaha!
Pagkababa na pagkababa naming sa sasakyan ang daming nagsigawan. May isa namang babaeng biglang yumakap sa akin.. Umiiyak siya.
DJ: Ate? Okay ka lang po ba?
Fan: DJ!!! I love you!
P5: *giggling*
Nakita kong hawak ni Sed yung phone ni Magui tapos pinicturan niya kami. Aba nahiram pa neto yung phone ni
Magui. Mautak ang loko ah.
Sed: Popost ko to sa facebook.
DJ: Pati sa twitter kung gusto mo.
Sed: Hahahahaha!!
Pinahawak ko muna yung phone ko kay mama.
DJ: Ma, pinapahawak ko lang yan ah. PINAPAHAWAK
Mama Karla: hahaha! Oo na dali galingan niyo.
After ng show kumain kami tapos dumiretsyo na agad sa hotel. Yes! Pwede ko nang tawagan si Kath..
Paulit-ulit kong tinatawagan si Kath pero hindi niya sinasagot. Tulog na kaya to? Baka. Hayaan ko na nga, bukas nalang.
Chineck ko nalang yung facebook ko.. Nagulat nalang ako sa nakita kong post ni Kath..
Kathryn Chandria Manuel Bernardo
The trust of the innocent is the liar’s most useful tool.
Ano to? Bakit trust trust trust nanaman pinopost neto?
Kinakabahan na ako. May nagawa nanaman ako.
Nagcomment ako. Hinihintay ko siyang magreply. Kung hindi to nagreply within a munite galit nga siya.
Wala.
Galit nga.
Ano bang ginawa kong masama?
Bakit nasa ‘TRUST’ issue nanaman kami?
Ang alam ko lang naman nagtratrabaho ako, PERIOD.
Nagcomment ako ng nagcomment. Nagbabakasakali akong magrereply siya.. pero WALA </3
Nirefresh ko kasi baka may comment na hindi ko lang nakikita pero wala pa rin eh. Ang nakita ko lang isa pang post..
Kathryn Chandria Manuel Bernardo
Guys wanna talk to a bunch of girls but get mad when you talk to other guys. Shet lang.
Graaaaaaaabe! Ano nanaman to?! Kasi naman! Hindi ko na napag iisipan yung mga ginagawa ko paminsan -______-‘
Bakit ganun?
Miss na miss na miss na miss ko na siya pero ganito pa yung nangyayari. Galit nanaman siya sa akin. Alam naman niyang hindi ko kaya tong mga gantong sitwasyon eh. Lalong lalo na ngayon na magkahiwalay kami. Hindi ko siya mapuntahan. Kung pwede lang magdrive para makarating na sa Manila ginawa ko na. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari. Tatawag ako hindi niya sasagutin. Magtetext ako hindi siya magrereply. KATHRYN CHANDRIA MANUEL BERNARDO, wag mo naman akong pinahirapan oh.
Chineck ko yung twitter account ko.. May nakita akong magandang kuha ng picture ko habang tumutugtog kami kanina. Kinuha ko yun tapos pinost sa instagram ko.
Baby, para sayo tong picture na to. Miss na miss na kita. Sana magkaayos na tayo soon. I…
‘Miss you…’
JC: Kuya okay ka lang ba? Ang tahimik mo ah?
DJ: Okay lang. Medyo masakit lang ulo ko.
Sed: Naku! Kelangan ng kisspirin.
All except DJ: HAHAHAHAHAHA!
Sed: Tawagan nga natin si Ka—
DJ: Tsong wag ngayon.
All: *shocked* *tahimik*
DJ: Tigilan niyo muna si Kath. Kahit ngayon lang.
Sed: uy J. Okay ka lang ba talaga?
Les: Tsong okay ka lang ba?
DJ: Okay lang ako. Wag niyong pakialaman si Kath.
Pumunta ako sa veranda ng room namin tapos tinawagan ko ulit si Kath..
Babe sagutin mo naman oh.
Pleeeeeeeea—O.O
sinagot niya!
DJ: Babe?
Kath:….
DJ: Babe?
Kath:….
DJ: Babe?
Kath:….
DJ: Pansinin mo naman ako oh. Galit ka ba sa akin?
Kath:….
DJ: Yung bang pinatayan kita ng phone? Babe mag-eexpl—
Kath: Wag na. Matutulog na ako.
DJ: Babe..
Kath:….
DJ: Baby.. Baa..
Kath: Tama na.
DJ: Ano bang ginawa ko? Para naman alam ko babe please?
Kath: Tanong mo sa picture na pinost ni Sed. Sige matutulog na ako.
*toooooooooot*
Pinost ni Sed na picture? Ano yun?
Pumasok ako sa loob.
DJ: Sed.
Sed: Oh?
DJ: Patingin nga ako ng facebook mo.
Sed: Bakit?
DJ: Basta.
Tinignan ko yung facebook niya sa laptop..
DJ: G*go! Bat mo to pinost?
Sed: Sabi mo nga sa akin pati sa twitter ipost ko eh.
DJ: *kamot sa ulo* *galit* *bagsak ng katawan sa bed* *exhale*
Sed: Bakit? Anong meron?
DJ: P*ta! *bangon*
Sed: Uy J.
DJ: Galit sa akin si Kath.
Sed: Huh? Bakit? Alam naman niyang fan lang yun diba?
DJ: Alam niya pare. Oo. Hindi naman bobo yun eh. Pero alam mo rin namang sensitive siya pag dating sa mga ganyan diba? Ito nga yung lagi naming pinag aawayan diba? Alam mo yun. Alam ni Les. Alam ni Kats. Alam ni JC. Alam nating lahat!
Sed: Pare sorry idedelete ko nalang..
DJ: …
Sed: Pare..
DJ: Ang g*go naman! Paki-delete nalang!
Sed: Sorry talaga J. Ako kakausap kay Kath.
DJ: …
Sed: J.
>>END OF FLASHBACK<<
Hindi ako galit kay Sed..
Naiinis lang -_______-‘ kasi tapos na eh. Nangyari na. May magagawa pa ba ako? Kung magagalit ako kay Sed edi mas dadami pa yung kaaway ko. Pero sorry talaga siya ng sorry sa akin. Pinapabayaan ko nalang.
Grabe. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kanina ko pa tinatawagan si Kath pero pinapatayan niya ako. Siguro nakulitan siya sa akin kaya piñata niya yung phone niya. Kaya ang ginawa ko tinextan ko nalang siya.
To: Babe :*
Babe… Sige na please mag-usap naman tayo. Kahit isang oras lang. 30 minutes? 20? 10? Please?
To: Babe :*
Hindi ako matutulog hanggat hindi tayo nagkakabati. Babe naman eh. Yung picture nay un fan lang. Alam kong lagi nalang ganto ang sinasabi ko. Siguro hindi ka na naniniwala sa akin ngayon kasi paulit-ulit nalang pero babe… Please?
To: Babe :*
Usap na tayo :( Kung gusto mo akong sigawan habang nag uusap tayo okay lang. Basta bae mag-usap tayo please?
To: Babe :*
Babe.. Ikaw lang naman talaga eh. Ikaw lang. Alam nating pareho yan.
To: Babe :*
Babe please? :(
Wala akong nareceive na kahit anong reply.
Si Kath kasi kahit sinasabi niyang okay lang sa kanya na makipagpicture yung girls sa akin yung totoo, ayaw niya. Siguro sinasabi lang niya na okay lang kasi wala naman siyang magagawa. Ewan ko. Siguro nararamdaman din niya yung nararamdaman ko tuwing may lalaking lumalapit sa kanya para magpapicture o para may sasabihin lang. Pero yun nga artista kami. Hindi namin yun maiiwasan. Kaya nga ganito lagi ang pinag aawayan naming eh. Mostly ako yung nagsisimula ng away XD :( Dati okay lang sa kanya kahit sa harap pa niya mismo nagpapapicture yung fan sa akin. Sinasabi pa nga niya, ‘okay lang. Masaya ng akong nakakapagpasaya ka eh’ Pero ngayon, siguro nagsawa na siyang itago yung nararamdaman niya.
Haaaaay Kathryn Bernardo sumagot ka na. Please baby.
Nagulat ako nung biglang nag open yung door.
Mama Karla: Oh. Good Morning anak!
DJ: Good morning ma.
Mama Karla: Himala ang aga mong nagising ah.
Tinignan ko yung oras.. 5:00 na pala? Ang bilis ng oras ah.
Mama Karla: Gisingin mo na sila para hindi tayo mahuli. Teka? Natulog ka ba?
DJ: H-ha? O-Oo naman.
Mama Karla: Parang hindi eh. O siya anak pagbalik ko rito ready na kayo ha?
DJ: Opo ma.
Ginising ko na sila..
Nagayos na kami..
Habang naglalakad kami palabas ng hotel..
Sed: Pare?
DJ: Oh?
Sed: Ayos na ba?
DJ: Hindi pa.
Sed: Pare pag nakuha ko yung phone ko promise ako ang magsosorry sa kanya para sayo.
DJ: Wag na. Ako na.
Sed: Pa—
DJ: Wag na Sed.
Sed: Sorry talaga J.
….
Nandito na kami sa airport naghihintay kami ng flight namin 5:30 palang kasi.,
Graaaaabe. Kanina pa ko paulit-ulit na tinatawagan si Kath pero hindi niya talaga sinasagot. Grabe dali ang tagal mag 6:00 gusto ko nang makatapak ng Manila. Pupuntahan ko si Kath.. Pupuntahan ko siya.
Les: J!
DJ: *tingin kay Les*
Les: May sasabihin ako sayo.
DJ: Ano yun?
Les: Pero bago yun, tignan mo muna tong cellphone ko. Punta ka sa messages, may bibilhin lang ako
Ano nanaman bang kalokohan tong ginagawani Les? -______-‘
Sige na nga. Mabasa na nga..
O.O
Katext niya si KATH! O.O
To: Kath
Bro!
From: Kath
Bro!
To: Kath
Aga mong nagising ah.
From: Kath
Ganun talaga :)
To: Kath
Kamusta?
From: Kath
Ayos lang. Ikaw?
To: Kath
Weh? Ayos lang?
From: Kath
Oo. Ayo slang ako. Bakit?
To: Kath
Sinungaling ka talaga.
From: Kath
Oo na. HINDI. Masaya ka na?
To: Kath
Hahahaha! Ano ba kasing meron?
From: Kath
Wala. Mababaw lang.
To: Kath
Kath, kung mababaw yan makakatulog ka ng mahimbing. Pero mukhang hindi ka natulog eh.
From: Kath
Oo na.
To: Kath
Ano na nga?
From: Kath
Wala nga eh.
To: Kath
Sige na kasi.
From: Kath
Tanong mo siya.
To: Kath
Luh. Hindi nga din niya alam eh.
From: Kath
Imposibleng hindi niya alam eh siya ang gumawa.
To: Kath
Ang hirap mo namang pilitin. -_____-‘
From: Kath
Haha. Anong ginawa niyo kahapon?
To: Kath
Nagpractice.
From: Kath
Yun lang?
To: Kath
Hapon na kasi kami nagising eh kaya konting oras nalang natira para sa practice.
From: Kath
Anong oras kayo nagpractice?
To: Kath
Mga 6 ganun. Kath, tatawag ako sayo mamaya ha?
From: Kath
Basta bat wala akong makakausap na makakasira sa araw ko :)
Ang g*go kasi ni Sed pvta!
To: Kath
Hahaha oo sige.
Kaaaaaaaathryn :( Miss na miss na miss na kita :( Sobra. Sobra. Sooooooooooooobra :(
Kinuha ko yung phone ko tapos tinext ko siya..
To: Babe :*
Good Morning babe. Sana makapagusap na tayo kasi miss na miss na miss na miss na kita. Sana bigyan mo ako ng chance para makapagusap tayo. I love you po :*
Dumating si Les…
Les: Ano?
DJ: Tawagan mo na dali!
Les: Teka lang.
Nagsuot kami ni Les ng earphones..
*ringing*
Sh*t miss na miss ko na yung boses niya. Grabe sana naman magkabati na kami.
Kath: *clear throat* Hello?
Les: Pare!
Kath: Bakit?
Les: Wala lang. Nasa airport na kami.
Kath: Ahh.. Kamusta?
Les: Ayos lang ikaw?
Kath: *exhale* Ewan.
Les: Chillax ka lang kasi Kath.
Kath: Sira. Ayos lang ako no.
Les: Ano na?
Kath: Ha?
Les: Ano?
Kath: May nakakarinig ba sa akin?
Les: *tingin kay DJ* Wala bakit?
Kath: Les.
Les: Ano?
Kath: Kamusta?
Les: Ayos nga diba? Paulit-ulit?
Kath: *giggle* Hindi.
Les: Hahaha! Linawin mo kasi yung sinasabi mo.
Kath: Siya.
Les: Ha?
Kath: Kamusta pambababae niya?
Sabi na nga eh! Ang g*go naman kasi ni Sed! Grabe hindi rin nag-iisip yun eh! P*ta!
Les: Ano?! Sino? Pambababae? Hoy walang babaero sa amin.
Kath: Meron nga eh.
Les: WALA ngan eh.
Kath: *giggle*
Les: Nagseselos ka lang siguro.
Siniko ko si Les. Sira ulo talaga to kahit kelan.
Kath: Whatever.
Les: Sino ba kasi? *nagpipigil ng tawa*
Kath: Ay Les!
Les: *giggling* Marami nga kasing tao dito diba? Nandito si tita Karla, si JC, Sed ang dami kaya naming dito. Sino ba? Yung baby mo?
Kath: Sapak gusto mo?
Les: Hahahaha! Ano ba kasing nangyari?
Kath: Wala.
Les: Oh edi hindi ko sasabihin kung kamusta na siya. Madali akong kausap Kath. *giggling*
Kath: Okay lang. Who cares.
Les: DJ baby ko halika dito.
Sumenyas si Les sa akin..
DJ: Bakit?
Kath: Sheeeeeet! Lester wag mong ipaparinig sa kanya tong usapan natin isa!
DJ: *natatawa*
Les: Ano? Nakikisali ka dyan. Si baby ko naman yung kausap ko.
Kath: Sira ulo ka!
DJ: Sinong kausap mo?
Les: Si baby m—
Kath: LEEEEEEEEEES!
*toooooot* *toooooot* *tooooot*
Sobrang nakakagaan ng loob na marinig yung boses niya grabe. Parang sobrang himbing ng tulog ko kagabi yung feeling. Gustong gusto ko nang marinig yung ‘I love you’ niya yung ‘baby’ ‘pottie’ ‘pot pot’ ‘babe’ ‘DJ’ ‘ingat ka’ at kung ano ano pa. Yung tawa niya, yung ngiti niyang gustong gusto ko nang makita, yung kamay niyang miss na miss ko nang hawakan, yung bewang niyang comfort zone ng kamay ko. Yung yayakapin ko siya kasi nagtatampo sa akin kasi inaasar ko siya. Yung lelean siya sa akin kasi naantok siya o kaya nanlalambing siya. Yung ihahatid ko siya sa bahay nila tapos habang nasa sasakyan kami nagsusumbong siya sa akin kasi daw hindi pa siya kumakain, kasi naaantok na daw siya pero yung totoo nanlalambing lang siya.
DJ: Les Salamat pare!
Les: Salamat ka dyan? May bayad yun
DJ: Ano?
Les: Challenger.
DJ: O.O
Les: Gusto ko yung puti.
DJ: g*go!
Les: Hahahahahaha!
DJ: Salamat pareeeee!
….
After ng ilang oras nakarating na rin kami sa Manila…
DJ: Ma mauna ka kayo
Mama Karla: Oh bakit saan ka pupunta?
DJ: Basta ma.
Mama Karla: Kila Kath?
DJ: ….
Mama Karla: O siya sige dalhin mo na rin tong binili ko kay ate Min. Umuwi ka agad ha? Wag mong guguluhin doon si Kath.
DJ: Opo ma hindi ko siya guguluhin. Salamaaaaat! *yakap kay mama Karla*
Mama Karla: Okay ka lang ba anak?
YEAH! YEEEEEES! Akala ko hindi ako papayagan ni mama! Aayusin ko to! AAYUSIN KO TO. Baby I’m coming for you! :*
Instagram and twitter: imlorraineperez