Project: Black Out (Philippin...

By EMPriel

50.1K 1.7K 290

Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawag... More

Project: Black Out (Overview)
Chapter 1: The Chosen Few (Ang Iilang Napili)
Chapter 2: The Grave of the Dying Nation (Ang Libingan ng Naghihingalong Bansa)
Chapter 4: Unusual Story (Hindi Karaniwang Kwento)
Chapter 5: Dance of the Shadows (Ang Sayaw ng mga Anino)
Chapter 6: Civil War Rising (Ang Pagbangon ng Digmaang Sibil)
Chapter 7: Identity Crisis
Chapter 8: City in the Dark (Ang Siyudad sa Dilim)
Chapter 9: Written in Blood (Isinulat sa Dugo)
Chapter 10: An Invisible Enemy (Ang Hindi Makitang Kalaban)
Chapter 11: Faded Memories (Ang Kumukupas na mga Alaala)
Chapter 12: Burn Baby! Burn!
Chapter 13: The Flawless and the Renegade (Ang Pino at ang Taksil)
Chapter 14: Time Will Tell (Ang Oras ang Makakapagsabi)
Chapter 15: A Shadow's Blood (Ang Dugo ng Isang Anino)
Chapter 16: Before the Dawn (Bago Magliwanag)
Chapter 17: War of the Shadows (Ang Digmaan ng mga Anino)
Chapter 18: Freedom Fall (Ang Pagbagsak ng Kalayaan)
Chapter 19: The Dogma (Ang Prinsipyo)
Chapter 20: Black Propaganda
Chapter 21: March of the Dead (Ang Martsa ng Kamatayan)
Chapter 22: Oblivion Cry (Panaghoy ng Kawalan)
Chapter 23: Rain of Fire (Pag-ulan ng Apoy)
Chapter 24: A Cold Christmas (Ang Malamig na Pasko)
Chapter 25: The Final Countdown (Ang Huling Bilang)
Chapter 26: The Son of the Devil (Ang Anak ng Diablo)
Chapter 27: Illusions in the Air (Ang mga Ilusyon sa Hangin)
Chapter 28: The Last Ace (Ang Huling Alas)
Chapter 29: The Division (Ang Paghahati)
Chapter 30: The Last Laugh (Ang Huling Halakhak)
Chapter 31: Santelmo

Chapter 3: Broken Dreams, Broken Promises (Nasirang Pangarap, Nasirang Pangako)

2.5K 90 9
By EMPriel

If a country is to be corruption free and become a nation of beautiful minds, I strongly feel there are three key societal members who can make a difference. They are the father, the mother and the teacher.

-A.P.J. Abdul Kalam


"Dalawang bidders ang natagpuang patay kanina lamang sa gilid ng isang tambakan sa border ng Bidder District City at ng Mandaluyong. Kahindik-hindik ang sinapit ng mga biktima matapos matagpuang patay at wala nang mga memory gene. Hanggang ngayon ay pinaghahahanap pa rin ng otoridad ang suspect. Maswerte naman at nahagip ng CCTV camera ang suspect na kung susuriing mabuti ay isang bid. Hindi man nakuha ang eksaktong pangyayari ay kinilala naman ito ng ilang mga bid na kumakain malapit sa pinangyarihan ng krimen..."

Pinapalabas ang balitang iyon sa luma nang TV ni Mang Fred. Makikita sa video ang paglalakad ng isang babae na gula-gulanit na ang kulay pulang damit at nakabalabal ng kulay tsokolate. May dala siyang sako at galing siya sa pinangyarihan ng krimen na iyon. Napatingin naman si Dylan sa suot ng kanyang ina. Bagama't malabo ang kuha ng video na iyon sa mukha ng kanyang ina ay alam niya na siya iyon dahil sa suot at sa balabal nito na kulay tsokolate.

"M-Ma?" nanlalaki naman ang mga mata ni Dylan habang nakatingin sa kanyang ina.

"Linda sabihin mo ang totoo. Sa kanila ba galing ang mga memory gene na 'to?!" bulyaw naman ni Mang Fred. Hindi naman nagsalita ang ina ni Dylan na nakatulala lamang sa harap ng TV habang nakaupo at pinapanood ang balita.

"Linda sumagot ka!"

"Oo! Ako nga! Pero...hindi ako ang pumatay sa kanila..." Napapikit naman si Mang Fred at tila hinihilot pa ang kanyang ulo dahil sa labis na konsumisyon.

"Kahit naghihirap tayo hindi natin magagawa ang pumatay tandaan mo yan. Hindi natin yan ugali. Mga bidders lang ang gumagawa niyan sa atin. Bakit mo 'yon nagawa?"

"Mang Fred. Maniwala kayo...hindi ako ang gumawa niyan," tugon naman ni Linda.

"Pero sino? At bakit nasa'yo 'to?" Muli namang kinuha ni Mang Fred ang supot na naglalaman ng memory gene at inilabas iyon sa pamamagitan ng pagtataktak dito. Bumagsak naman ang mga aparatong iyon sa sahig na pinapatungan na lamang ng mga lumang kahoy. Tila galit namang tumitig si Mang Fred sa kanyang kausap, lumapit naman si Dylan sa kanyang ina at agad siyang niyakap.

"I-isang lalaki..." wika ni Linda. Tila hindi na nito matapos pa ang kanyang sasabihin dahil sa pagtangis.


"Ano?" tanong naman ni Mang Fred.


"Isang lalaki ang nagbigay sa akin niyan...patay na ang mga katawan ng dalawang 'yan at nakita kong wala na silang memory gene. Nakatakip lang ang mukha niya...m-may sinabi siya sa akin..." nanginginig na tugon naman ni Linda. Tila kinilabutan naman si Dylan dahil sa kanyang narinig. Muli niyang tiningnan ang memory gene na kanina lamang ay tinutunghayan niya.


"Ano?! Anong sinabi niya? B-bakit? Bakit ikaw pa?!" tila lalong nainis si Mang Fred. Nakaramdam ito ng hindi maganda sa paligid kaya't siya'y naglakad patungo sa isang maliit na siwang kung saan makikita ang labas ng maliit nat sira-sirang barung-barong na iyon. Sa pagkakataong iyon ay malakas na ang hangin sa labas at halos wala nang makita dahil sa labis na pag-ulan ng nyebe. Sa di kalayuan ay naaninag niya ang ilang mga ilaw na gumagala. Muli siyang humarap sa lumang TV at pinanood ang balita.


"...at patuloy ngang pinaghahahanap ang mga nawawalang memory gene ng di pa kilalang mga biktima sa ngayon. Napag-alaman natin kani-kanina lamang na maaaring madakip ang kawatan dahil sa mga CCTV camera na nakapalibot sa paligid ng border at sa maaaring pagtaguan nito..."


Nanlaki na lamang ang kanyang mga mata at paika-ikang bumalik sa kanyang pinanggalingan. Hindi naman maintindihan ni Dylan ang ginagawa niya. Napatabi na lamang siya habang inilalagay ang kanilang nakakalat na gamit sa sako na pinaglalagyan nito.


"A-anong sinabi niya Linda?" tanong niya habang pasulyap-sulyap sa pintuan. Tila inaabangan niya ang peligrong parating. Maya-maya pa ay lumapit siya sa kanyang mesa upang ilagay din sa di kalakihang bag ang kanyang mga gamit.


"I-Ilipat...ilipat ang mga memory gene. Para malaman ang totoo..." napatingin namang muli si Mang Fred sa kanya at tila naguluhan.


"Ano po? Ilipat sa ibang katawan?" nagtaka din si Dylan sa kanyang narinig.


"T-tayo ngang mga bid ay hindi nakakagamit nito. Tapos...tayo pa ang maglilipat nito sa ibang katawan?! Nahihibang ba siya?" Patuloy naman sa pag-iyak si Linda na tila hindi na masagot ang tanong ng lalaki. Kinukuskos niya na lamang ang kanyang mukha habang nalulunod ito sa pagluha. Ilang sigawan naman ang kanilang narinig sa labas. Napatingin na lamang si Dylan at si Mang Fred sa paligid at muling inempake ang kanilang mga gamit.


"Nakita na nila ang mukha mo sa TV...sa buong sulok ng bansa. Kailangan niyo nang umalis dito..." wika ni Mang Fred. Nakarinig naman sila ng ilan pang mga sigawan at pagbagsak ng ilang mga kagamitan. Matapos noon ay tatlong sunod-sunod na putok ang kanilang narinig.


"Alam na nila na nandito ka. Kailangan niyo nang umalis!" wika ni Mang Fred. Agad nitong hinila ang isang lumang bag na pahaba at inilagay ang kanya namang mga gamit sa loob ng bag na iyon. Kinuha niya din ang memory gene na kanina lamang ay tinitingnan ni Dylan. Ang iba pa niyang mga gamit sa pagkalikot sa mga aparato niya ay inilagay niya din sa bag na iyon.


"Bilis magmadali na tayo," dagdag niya. Napatayo naman si Linda at hinila ang kanyang anak. Tumingin din ito sa labas sa pamamagitan ng maliit na siwang ng barung-barong na iyon. Mas lumalapit at lumalakas ang mga ilaw sa paligid. Napansin din niya ang paglikot ng mga ilaw na iyon at ang ilang mga taong nagtatakbuhan. Agad namang kinuha ni Mang Fred ang isang panlamig at isinuot kay Dylan. Kinuha naman niya ang isa pang makapal na tela na kulay puti at iniabot kay Linda.


"Bilisan niyo wala na tayong oras..." pagmamadali ni Mang Fred na para bang bumubulong. Naglakad ito patungo sa isang bakal na tila pinto ngunit parte iyon ng pader ng kanyang bahay. Lumuhod siya sa pintuang iyon at inikot ang bakal na nagsisilbi nitong pihitan upang bumukas. Buong lakas niyang inikot ang bakal na iyon kahit alam niyang mahihirapan siyang buksan ito dahil sa yelo na namuo na sa paligid ng ikutan nito. Lumuhod din si Dylan sa kanyang harapan at tinulungan si Mang Fred.


Isang putok naman ng baril ang muling umalingawngaw, kasabay noon ay ang pagsigaw ng isang lalaki sa labas ng bahay. Llong kinabahan ang ina ni Dylan. Napatakbo ito patungo sa bakal na pinto, naibagsak pa nito ang sako na kanyang bitbit at tnulungan din sa pagbubukas ng bakal na pinto na iyon ang dalawa. Napalingon pa ito sa kabilang pintuan kung saan niya narinig ang putk ng baril, Ilang mga yabag pa ang sumunod. Alam niya na sa pagkakataong iyon ay nasa harapan na ng bahay ang mga sundalo na naghahanap sa kanila.


"Ssshhh..." wika naman ni Mang Fred nang marinig niya ang pagtangis ni Dylan. Maya-maya pa ay umingit na ang bakal na hawakan senyales na umiikot na ito upang mabuksan ang bakal na pinto. Nagmadali naman sa pag-ikot si Linda nang maramdaman niyang gumagaan na ang kanyang mga kamay. Nang tumigil ang pag-ikot ng bakal na hawakan na iyon ay agad namang inangat ni Mang Fred ang pinto. Isang maliit at pababang hagdan ang kanilang nakita. Agad na kinuha ni Linda ang kanyang dalang sako at nauna sa pag-baba sa hagdan na iyon.


"Ito...gamitin mo Linda," wika naman ni Mang Fred. Inilabas niya ang isang light stick. Binali niya ito at lumabas naman doon ang isang kulay asul na ilaw. Inabot niya iyon kay Linda upang gawing gabay sa kanilang daan. Sumunod namang pumasok si Dylan sa makipot na butas na iyon. Nang makapasok si Dylan ay agad namang inabot ni Mang Fred ang kanyang bag. Kinuha iyon ni Dylan at saka bumaba sa madilim na butas. Muli namang kinuha ni Mang Fred ang isa pang light stick. Binali niya ito at lumabas naman ang kulay berdeng liwanag nito. Bababa na sana siya sa butas na iyon ngunit isang bomba ang sumabog sa harap ng kanyang bahay. Dahilan upang bumukas ang pinto nito. Napatingin na lamang si Mang Fred sa pintuan na iyon. Agad na nagpasukan ang mga sundalo at tinutukan siya ng baril. Nakaputing uniporme ang mga ito na animo'y bumabagay sa namumuti nang paligid dahil sa pagbagsak ng makakapal na nyebe.


"Tigil!" bulyaw ng isang sundalo. Dahan-dahan namang itinaas ni Mang Fred ang kanyang kamay. Napalunok na lamang ito ng laway habang tinititigan ang mga sundalong iyon. Dahan-dahan niya namang ibinuka ang kanyang kamay kung saan hawak niya ang light stick. Bumagsak iyon sa loob ng butas, ipinihit niya naman ng dahan-dahan ang kanyang ulo sa lagusan na iyon at dahil sa ilaw ay naaninag niya ang mukha ni Dylan. Naroroon pa rin siya at tila takot na takot sa mga nangyayari. Aabutin na sana nito si Mang Fred gamit ang kanyang kanang kamay, napapahagulgol pa ito sa iyak ngunit tinakpan ni Linda ang kanyang bibig. Tila nagpupumiglas naman si Dylan sa pagkakakapit ng kanyang ina at pilit na inaabot pa rin ang paa ni Mang Fred. Ngumiti naman si Mang Fred at gamit ang kanyang bakal na paa ay inangat niya ang bakal na pinto ng dahan-dahan upang isara.


"Sabi nang tigil!" sigaw ng isang sundalo. Nakaangat na ang paa ni Mang Fred at ang bakal na pinto na iyon. Sa isang iglap ay binigla niya ang pagsara ng pinto na iyon. Agad namang hinigit ng isang sundalo ang armalite na kanyang hawak. Sumunod din ang isa pang sundalo. Tila bumagal ang lahat, nakita ni Dylan ang pagtagos ng bala na iyon sa katawan ng lalaki. Sumambulat pa ang dugo sa loob ng butas na iyon ngunit nagawa pa ring maisara ni Mang Fred ang pinto. Hindi naman makasigaw si Dylan. Napapikit na lamang ito habang gigil na gigil na kinakagat ang kanyang labi.


"T-tara na anak...tara na," nanginginig naman ang boses ng ina ni Dylan. Nagpumiglas naman si Dylan at sinubukang bumalik sa bakal na pinto ngunit sunod-sunod na putok pa ang kanyang narinig sa labas. Napatigil na lamang siya at tila natulala. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatingin sa kulay berdeng light stick na nabahiran pa ng dugo ni Mang Fred.


"T-Tito..." iyon na lamang ang nasambit niya. Isang mahigpit na yakap naman ang kanyang tinanggap mula sa kanyang ina. Humahagulgol din ito ng tahimik habang yakap ang kanyang anak.


"Anak...anak..." wika ni Linda habang hinahaplos ang ulo ng kanyang anak. Tila naiisip at namumulat naman si Dylan sa mga nangyayari. Ang kaibahan ng mga bidders at mga bid, ang kanilang kahirapan, ang kawalan ng hustisya at ang memory gene. Ang lahat ng iyon ay naghahalo sa kanyang isipan. Napailing na lamang siya ng bahagya at tumulo ang mainit na luha sa kanyang mukha.


_______________________________


October 29, 2280 - 7:24 PM - Makati City Bidder District - 17°C


"Masama ba akong tao? Masama ba akong tao kung ipinakita ko sa kanila kung ano ang kaya nilang gawin?" tanong ni Dylan. Nakaupo lamang siya sa isang magarang upuan habang tinutunghayan ang view ng buong syudad ng Makati sa rooftop ng isang kilalang hotel na nagngangalang 'The Golden Heritage'. Nasa pinakatuktok ang kanyang kwarto at sa balkonahe ng kwartong iyon ay nakapwesto ang kanyang upuan. Bahagya niyang hinahalo ang kanyang white wine sa pamamagitan ng pag-alog sa baso sa kanyang kanang kamay. Nilagok niya ang laman noon at nilapag niya ito sa isang maliit na mesa sa kanyang kanan na napapatungan pa ng pula at mamahaling muwebles pagkatapos. Maya-maya pa ay sinalinan ng isang matandang lalaki ang basong iyon ng white wine. Posturang-postura ang tayo nito at napakalinis din ng kanyang suot na coat. Sa kaliwang braso naman nito ay nakasampay ang isang magarang tela na kulay puti at pinapalamutian ng mga magagara at maliliit na iba't-ibang kulay ng bato. Ipinatong niya ito sa balikat ng binata at muling tumayo sa kanyang gilid.


"Depende sa kung sino ang titingin at huhusga..." sagot naman ng matandang lalaking iyon. Bahagya namang napakamot si Dylan sa kanyang batok. Natamaan ng kanyang daliri ang kanyang memory gene, hinimas niya ito at bahagyang kinakalmot na para bang kinamumuhian niya ang aparato na nakakabit sa kanyang ulo. Ibinaba niya ang kanyang kamay matapos ang ilang segundo at muling kinuha ang kanyang baso na naglalaman ng white wine.


"Napakaraming tao ang umaasa sa kagalingan na dulot ng memory gene. Sa mahabang buhay...pero isipin mo Brigand, matapos ang libo-libong taon na nabubuhay ka...ano pa ba ang gusto mong gawin?" tanong niyang muli.


"Ang mamatay siguro...Master," sagot ng matandang butler. Napangiti naman si Dylan at tumingin sa kanyang kausap. Nakita ni Brigand ang ngitng iyon na para bang walang bahid ng kasamaan, walang bahid ng kung ano pa man. Napakaaliwalas ng ngiting iyon at alam niyang walang bahid ng kasinungalingan sa kanyang ngiti.


"Tama ka...ang mamatay. Walang ibang pinatutunguhan ang mga tao kundi ang mamatay din. Sabi nga nila, sa hinaba-haba man daw ng prosisyon..."


"Sa simbahan din ang tuloy," salo naman ni Brigand.


"Mali ka. Sa sementeryo din ang tuloy," pagpapatuloy ng binata. Napangiti namang lalo si Brigand dahil sa tugon ng binata. Ngumisi naman si Dylan at muling uminom ng kaunting wine. Nakangiti itong uminom ngunit nang tunghayan niyang muli ang siyudad ay muli siyang napasimangot. Muli niyang ibinaba ang kanyang wine sa magarang mesa. Hinawakan niya naman ang isang kahoy na tungkod na nakasandal sa kanyang upuan sa kanyang kaliwa at tumayo. Napakaganda ng tungkod na iyon na nakukulayan ng ginto sa bawat pagtalbog ng ilaw dito. Naglakad siya patungo sa kongkretong harang ng balkonahe at tinunghayan niyang muli ang malawak na siyudad. Bahagya pang hinahangin ang kanyang buhok na may kahabaan na rin sa likurang parte.


"Hindi ganoon kadali ang naging takbo ng lahat...habang tumatagal, nararamdaman ko ang pagkaupos ng mga mahal ko sa buhay," wika niya. Napakunot na lamang siya ng noo habang tinutunghayan ang pag-andar ng ilang mga sasakyan na nakalutang sa mga kalsada sa ibaba. Napakaliliit ng mga taong nagdaraan sa ibabaw ng siyudad na iyon at para bang langgam lamang sila sa paningin ng binata.


"Matapos ang gabing iyon ay naiwan kaming pagala-gala ni mama sa kalye. Tumatakbo sa bawat sulok ng iba't-ibang siyudad at sa mga sundalo na ipinadala ng gobyerno. Wala namang pinagbago ang scenariong iyon sa normal naming pamumuhay. Nabuhay ako bilang isang bid, nabuhay ako na para bang ordinaryo na lamang ang mga nangyayari sa paligid ko. Iniisip ko na siguro nabuhay nga talaga kami para maghirap, mamatay sa gutom, at danasin ang mga bagay na tanging tao lang ang nagdikta para gawin." Sa pagkakataong iyon ay itinaas niya na ang kanyang hawak na tungkod. Tiningnan niya ang ibabaw na dulo ng tungkod na iyon. Doon ay makikita ang bilog at maliit na replika ng mundo. Kita din doon ang mapa ng Pilipinas at ng iba't-ibang bansa.


"Pero...hindi mo pinili ang ganoong buhay..."


"Hindi. Tingin mo may pagpipilian ako? Nabuhay ako sa mundo kung saan wala akong pagpipilian. Nabuhay ako para lang kainin kung ano ang nakahain sa harapan ko, ni wala man lang akong desisyon sa mga pangyayari na sana...sana nagawa kong baguhin. Sana nailigtas ko siya. Sana naging malakas ako noon...pero hindi."


_________________________________

October 5, 2264 - 6:15 PM - Neo Metro Manila - 15°C


"Doon bilis!" bulyaw ng isang sundalo habang nakatutok ang kanyang baril sa maliit na eskinita. Malalaki ang patak ng nyebe sa paligid at nakukulyan na lamang ng puti ang lahat sa kalyeng iyon. Nagsunuran naman ang ilan pang mga sundalo na kasama niya. Nakaputing uniporme ang mga ito at natatakpan ang kanilang mga mukha ng fiber glass helmet na kulay puti din ang paligid. Isang itim na hover car naman ang huminto sa kanilang likuran, agad namang nagbabaan ang ilang mga body guard nito na nakasuot ng makakapal na trench coat at itim na gloves. Binuksan ng isa ang pintuan sa hulihan at doon ay lumabas ang isang lalaki. Matikas ang pangangatawan nito at namumuti na rin ang kanyang buhok dahil sa katandaan ng kanyang katawan. Nakasuot ito ng isang kulay tsokolateng trench coat at lumapit sa mga sundalo.


"S-sir..." tila napatigil naman ang sundalo nang mapansin ang taong lumabas mula sa hover car. Isang lalaki naman ang lumabas din sa kotseng iyon, tila galit ang kanyang ekspresyon habang tinititigan niya ang eskinita kung saan naroroon ang mga kawatan. May kalakihan din ang kanyang katawan dahil sa taba. Nagsindi pa ito ng isang sigarilyo gamit ang kanyang lumang disenyong lighter. Gawa sa ginto ang lighter na iyon at nakaukit naman ang mga salitang 'We are the gods of these people' sa gilid nito.


"Sila na ba yan Dano?!" tanong ng lalaking iyon. Napalingon naman ng dahan-dahan ang lalaki na nakatitig lamang sa eskinita kanina. Ngumiti ito tumungo ng bahagya.


"Pambihira! Makakatikim sa akin ang isang yan!" Agad niyang inilabas ang kanyang baril mula sa kanyang holster. Mahaba ang handgun na iyon na para bang napapalamutian ng silver plate.


"M-mister Lucas...sandali lang po. Hindi natin alam kung ilan sila at kung ano pa ang kaya nilang gawin," pigil naman ng isang sundalo.


"WALA AKONG PAKIALAM! KAILANGAN KO ANG MGA MEMORY GENE NA 'YON!" sigaw naman ng lalaki. Agad niyang ikinasa ang kanyang hawak na baril at tumungo sa labas ng eskinita. Hinawi naman ng lalaki na nagngangalang Dano ang daraanan nito.


"Anong gingawa mo?!"


"Hindi mo na kailangang gawin 'yan," sagot naman ng lalaki habang nakangiti. Kinuha niya ang baril ng isa sa mga sundalong iyon. Wala namang nagawa ang sundalong iyon kundi panoorin ang lalaki na kumuha ng kanyang baril.


"Ahaha! Yan ang gusto ko sa 'yo Dano!" bulalas naman ng lalaki na may kagat na sigarilyo sa kanyang bibig. Sa pagkakataong iyon ay tinago niya na ang kanyang baril na hawak. Dahan-dahan namang nagpasukan ang mga sundalo sa loob ng eskinita. Kasunod nito ang lalaki na may matipunong pangangatawan at ang lalaki na may kagat na sigarilyo sa kanyang bibig.


Naabutan nila ang isang batang lalaki habang yakap ang kanyang ina. Nakabalot ang dalawa ng isang makapal at madungis na tela upang maibsan ang lamig. Napaubo naman ang kanyang ina, tila nanghihina na ito ngunit nagawa pa rin niyang yakapin ng mahigpit ang kanyang anak. Dinig naman sa paligid ang paglipad ng mga heli ship sa paligid. Itinututok nila ang kanilang mga ilaw sa lugar na iyon. Tila wala namang magawa ang batang lalaki na masama lamang ang tingin sa mga sundalo sa kanilang paligid.


"Akalain mo nga naman, dito pa talaga kayo nagtago. Anong akala niyo?! Ligtas kayo sa lugar na 'to?!" bulyaw ng matabang lalaki. Agad niyang idinura ang kanyang sigarilyo sa nagyeyelong semento. Dahan-dahan namang tumayo si Dylan at pilit na inakay ang kanyang ina. Sinubukan nilang maglakad sa kabilang dulo ng skinitang iyon ngunit tila huli na ang lahat. Dumating din doon ang mga sundalo at tinutukan sila ng baril. Napaluha na lamang si Dylan sa labis na kaba, nanlalaki naman ang mga mata ni Linda habang nakatingin sa mga sundalong iyon.


"HAHAHA! Sige, subukan niyong tumakas! Dito na kayo mamamatay!" sigaw muli ng lalaki. Lalapitna iya na sana ang dalawa ngunit pinigilan siyang muli ng kanyang kasama. Tinutukan naman ang lugar na iyon ng nakakasilaw na ilaw, marahil ay alam niya na ang ibig sabihin nito kaya't lumayo siyang muli sa dalawa.


"Paalisin niyo nga ang media dito! Bilis!" utos niya sa isang sundalo.


"O-opo..." ang tanging tugon nito. Ginamit niya na lamang ang kanyang communicator para ipaalam ang utos na iyon. Ailang segundo lang ay nagliparan na palayo ang mga heli ship ng media na sinusubukang i-cover ang mga pangyayari.


"Magaling," nakangiti namang sagot ng lalaki. Naglakad siya ng dahan-dahan sa dalawa, umatras naman si Dylan at dahan-dahang ibinaba angk anyang ina. Gamit ang makapal na tela ay niyakap niya ito. Masama ang kanyang titig sa lalaking iyon. Sinubukan niyang tumingin sa paligid, sumisipat ng kung ano ang pwede niyang gamitin upang lumaban. Nakakita siya ng isang tubo na nakasandal sa pader sa kanyang kanan. Agad niya iyong kinuha at pumorma na hahatawin ang kung sino mang lalapit sa kanila.


"Haha...hahaha..." natawa na lamang ang lalaking iyon na nagpatuloy pa rin sa paglapit sa kanila. Iwinasiwas naman ni Dylan ang hawak na bakal. Kamuntikan na niyang mapuruhan ang lalaki ngunit tumama lang ang bakal na iyon sa semento. Hindi niya iyon agad naiangat dahil sa bigat kaya't isang suntok ang tinanggap niya mula dito.


"Pangahas ka ah!" wika ng lalaking iyon. Namilipit naman sa sakit si Dylan at tila nagpagulong-gulong sa semento. Hindi ito makahinga at napatingin na lamang sa kanyang ina.


"Anak!" sigaw naman ng kanyang ina. Agad namang lumapit ang lalaki sa pwesto niya at sinabunutan ang wala nang lakas na babae.


"'WAG MO SIYANG HAWAKAN!"


Gamit ang natitirang lakas ay sinubukan niyang tumayo. Kinuha niyang muli ang bakal na tubo at ihinampas sa likod ng lalaki.


"AAAH!"


Napasigaw naman sa sakit ang lalaking iyon, nabitawan niya ang buhok ni Linda at sinipa ang mukha ng walang kalaban-labang bata. Muling tumayo si Dylan upang lumapit sa kanyang ina ngunit kinapitan siya ng matipunong lalaki na kasama nila.


"Bitawan mo ako! Bitawan mo sabi ako! MAAAA!" sigaw niya. Nagpapapalag siya ngunit wala siyang magawa. Nakaharap lamang siya sa lalaking iyon habang hawak ang bibig ng kanyang ina.


"Nasaan na ang mga memory gene ng mga pinatay mo ha?!" tanong niya.


"Hindi ko alam..." sagot naman ng ina ni Dylan. Agad namang binitawan ng lalaking iyon ang bibig ng walang labang babae ngunit isang tampal ang nagpahiga sa kanya.


"NASAAN?!" sigaw namang muli ng lalaking iyon.


"MAAAAA!" bulyaw ni Dylan. Kinagat niya ang kamay ng lalaki na may hawak sa kanya. Sa sakit ay nabitawan naman ng lalaki ang bata. Agad na tumakbo patungo sa kanyang ina si Dylan. Inakay niya ito at sinubukang itayo. Humabol naman ang lalaki sa kanya at muli siyang kinapitan upang ilayo sa dalawa.


"Kung hindi ka magsasabi...hindi ka din naman mabubuhay dito. Ano pang silbi ng pagtatago ha?!" isang tadyak ang tinanggap ng nakahigang babae. Sumuka na lamang ito ng dugo at sa labis na sakit ay ininda niya ito.


"TAMA NA!" sigaw naman ni Dylan. Lumuha lamang siya habang galit na galit na nakatingin sa lalaking nananakit sa kanyang ina. Ngumiti naman ang lalaking iyon ng bahagya habang nakatingin sa kanya. Muli naman siyang lumuhod at sinabunutan si Linda upang paupuin sa malamig na sementong iyon.


"Ano ang kailangan mo ha?! Pera? Pera ba ang gusto mo para lang sabihin mo kung nasaan ang kailangan ko?!" sigaw ng lalaki. Agad niya namang tiningnan ang isang sundalo na nakapwesto sa kanilang gilid. Sumenyas ito na lumapit sa kanila. Agad namang lumapit ang sundalong iyon, kinuha niya ang kamay ng sundalong iyon at ihinawak sa buhok ng walang labang ina ni Dylan.


"Hawakan mo!" wala namang nagawa ang sundalong iyon. Takot siya sa lalaking iyon kaya't ginawa niya na lamang ang iniuutos nito. Nakaupo lamang ang nanghihinang ina ni Dylan dahil sa pagsabunot ng sundalong iyon sa kanya. Sumenyas naman ang lalaking iyon sa kanyang kasama. Agad namang hinagis ng lalaki na kumakapit kay Dylan ang isang itim na sako. Sinalo naman ng matabang lalaki ang sakong iyon at bahagya pang kumalansing ang barya na laman nito.


Maya-maya pa ay binuksan niya ito.  Dumakot siya ng kaunting barya mula sa sakong iyon at hinagis sa walang kalaban-labang babae.


"'Yan ba ang gusto mo?!"


"Hindi ko kailangan niyan!" Inis na sambit ng kawawang ina ni Dylan. Tila nainis naman si Dylan sa ginagawa ng lalaking iyon. Nagpupumiglas siya ngunit hindi niya makaya ang lakas ng lalaking nakakapit sa kanyang mga braso. 


"Hindi kami mukhang pera gaya niyo!" sagot naman ni Linda. Tila nainis naman ang matabang lalaki. Isang sampal ang muling natanggap ni Linda. Ininda niya ang sakit ngunit humarap siya sa lalaking iyon at idinura ang dugo mula sa kanyang bibig.


"Aba gago ka!" Susuntok na sana ang lalaking iyon ngunit nagpumiglas ang walang labang babae. Sinubukan niyang tumayo upang tadyakan sa tiyan ang lalaki. Nasipa niya ito at nabitawan naman ng lalaking iyon ang sako ng barya na kanyang dala. Agad naman siyang kinapitan ng sundalo at siya'y pinaluhod.


"Hahaha...matapang ka ah. Siguro hindi mo talaga alam ang katumbas ng dalawang memory gene na kinuha mo. Kahit mamatay ka ay makikita ko rin naman 'yon. O pwede ko namang ibenta sa black market ang anak mo para makabawi," wika ng lalaki. Tila nabigyan naman ng lakas ang ina ni Dylan dahil sa kanyang narinig. Napalitan ng galit ang lahat ng emosyon na mayroon siya. Nagpupumiglas siya at kahit na alam niyang wala siyang laban ay sinubukan niyang suntukin ang lalaking iyon. Inangat naman ng lalaki ang bitbit na sako na naglalaman ng barya. Hinagis niya iyon sa mukha ng babae at sa isang iglap ay isang putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid. Nanlaki na lamang ang mga mata ni Dylan nang makita ang dugo sa noo ng kanyang ina.


"MAAAAAA!" sigaw ng bata. Agad naman siyang binitawan ng lalaki na nakakapit sa kanya. Tatakbo na sana siya ngunit sa kawalan ng lakas ay napaluhod na lamang siya sa malamig na semento. Kasabay naman ng pagkalansing ng mga barya sa paligid ng kanyang ina ay ang pagbagsak nito sa semento. Nakita niya ang hawak na baril ng lalaking nakakapit sa kanya kanina lamang. Umuusok pa ang bibig ng baril na iyon. Sa pagkakataong iyon ay alam niya na siya ang bumaril sa kanyang ina. Napahiga naman sa semento ang wala nang malay na katawan ni Linda. Nakaharap ito sa kinaroroonan ng kanyang anak. Makikita naman ang pag-agos ng dugo sa noo nito. Naiwan na lamang na nakatulala si Dylan habang walang tigil ang pag-agos ng kanyang luha sa kanyang pisngi. Kahit na nanghihina ay sinubukan niyang gapangin ang malamig na semento upang mayakap lamang ang kanyang ina.


"M-ma..." ang tangi niyang nasambit habang malumanay na hinihimas ang mukha ng kanyang ina.


_______________________________

Sa labis na galit ay naibato ni Dylan ang baso na naglalaman ng white wine sa sahig. Natapon pa ang laman nito sa labas ng balkonahe. Napahawak naman siya sa kanyang noo at dahan-dahang umupo sa kanyang upuan habang paulit-ulit na humihinga ng malalim. Bumagsak pa ang kanyang hawak na tungkod at gumawa naman iyon ng ingay na kahalintulad ng pagbagsak ng isang barya sa semento. Umaalingawngaw sa kanyang isipan ang kalansing ng mga baryang iyon at ang imahe ng kanyang ina na bumabagsak walang hanggang kadiliman. Lumapit naman ang kanyang buttler na si Brigand at tinapik ang kanyang likod.


"Hindi ko siya nailigtas Brigand...hindi ko...hindi ko nagawa. Wala akong kayang gawin. Hindi ko kaya...wala akong silbi," sambit niya. Gamit ang isa pang kamay ay tinakpan niya ang kanyang mukha. Galit na galit siya sa kanyang sarili, sa sobrang galit ay pinupukpok niya ang kanyang ulo ng paulit-ulit. Pinigilan naman siya ng kanyang buttler sa pamamagitan ng pagpigil sa kanyang braso. Hindi naman mapatigil sa pagluha si Dylan. Sinubukan niyang ayusin ang kanyang sarili pinahid niya ang kanyang luha at kinuha ag bote ng white wine sa maliit na mesa sa kanyang kanan. Nilagok niya ang laman na iyon at nang maubos ang laman ng bote ay agad niya iyong ibinato sa labas ng mataas na balkonahe. Wala siyang pakialam kung sino o ano ang tatamaan ng bote na iyon sa ibaba ng gusali. Ang alam niya lamang sa pagkakataong iyon ay ang galit, ang galit na kanyang nararamdaman sa mga taong nanamantala at nanakit sa kanila. Sa kalasingan ay bahagya siyang napaluhod at napakapit sa kongkretong harang ng balkonahe. Muli siyang napaluha dahil sa paulit-ulit na imahe na nakikita niya sa kanyang isipan. Ang kanyang kaawa-awang ina, ang pagbagsak at pagkalansing ng mga barya sa semento at ang alingawngaw ng putok ng baril.


Nakatayo lamang si Brigand sa kanyang likuran. Wala siyang magawa kundi panoorin ang paghihinagpis ng binata. Napapikit na lamang siya at yumuko ng bahagya.


"Magbabayad sila...sisingilin ko sila sa bawat buhay na kinuha nila. Lahat sila..." wika ni Dylan. Muli siyang tumingala at tinitigan ang maliwanag na siyudad sa kanyang harapan.


Continue Reading

You'll Also Like

7.3K 579 10
Suddenly, from all the green around, Something has disappeared unnoticeably; Her presence creeping closer to marble floor, In total silence from an...
296K 14.3K 60
Highest Achievement Rank #5 in Horror (2014) The only way to survive is kill someone before you get killed. Face challenges, death, tortures, one sto...
32.5M 1M 97
She can see the future, her name is Jill Morie. They are Peculiars, they exist. And this is their tale. ***** Jill Morie, the girl who can see the...
22.5K 2K 17
Kristine Ferrer's Story I was born in Darkness. Sa Chasm. Mundo ng mga tunay na elemental, at sa mundo kung saan naghahari ang kadiliman. We were...