Diary ng Tababoy.

By nheliipot

21.1K 538 72

Ako po si Denisse at mataba ako! More

Diary ng Tababoy.
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 13.2
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 16.2
Chapter 16.3
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27

Chapter 19

433 11 1
By nheliipot

Tababoy tababoy

Oink oink tababoy

                Bat ganto? Bat nagfaflashback ngayon yung nangyari last 12 years ago? Ibig sabihin ba nito?

                Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan yung paglagay niya ng white rose sa kaliwa kong tenga. Yung pag-sorry niya sakin. Na maganda daw ako kahit mataba. Yung mga mata niyang kumikislap.

                "Ching-ching! Uy ching-ching.."

                "Ha?", hindi ko namalayang ang tagal ko nang nakatulala dahil sa kakaisip ko dun sa batang makulit na yun.

                "Sabi ko sorry :)", sabay abot niya ulit nung white rose na pilit niyang binibigay sakin at hindi ko naman agad nakuha kasi nagugulat ako sa mga nangyayari. 

                Ahh. Naalala ko na naman. White Rose. Siya? Si Red? Na bestfriend ko? Yung bata nun? Naguguluhan na ko. Bat ba hindi ko agad napansin? Kamukha ba niya? Pinagmasdan ko yung mga mata niya. Hinding-hindi ko malilimutan yung mga matang yun.

                "Uy Ching. Kausapin mo naman ako. Sorry na oh. Please. Hindi ko na uulitin yun. At sige kung gusto mo pupuntahan yung si Arick, ako mismo mag-sorry sa kanya basta bati na din tayo? Please :)"

                "Ah-", ano ba yan, nauutal ako. Hindi ko alam sasabihin ko sa kanya, "Sige. Ok naman na ko. Magsorry ka na lang sa kanya", tulala pa rin akong tumalikod sa kanya

                "Ah. Red!", bigla kong harap ulit, "Para san 'to?", medyo tinaas ko yung rose na bigay niya, "para san tong bulaklak?". Hindi na ko mapakali talaga kaya ko tinanong na sa kanya.

                "Ah yan ba? For forgiveness mo. Sabi kasi ni mommy bigyan ko lang ng white rose yung mga taong naka-", niyakap ko na siya kahit hindi pa niya natapos yung sasabihin niya. Hindi ko alam kung bakit pero hindi na kasi ako nakapag-pigil. Gumaan yung pakiramdam ko nung magkayakap kami at alam kong nakangiti siya.

                "Bat hindi ko agad napansin?", bulong ko sa sarili ko habang nakatingin na sa mukha niya.

                "Ang alin?", weird niyang tanong.

                "Wala wala! Ah nga pala. Naiwan mo yung monthsary gifts mo kay Kylie! Teka kukunin ko sa loob."

                "Ah hindi na."

                "Huh?"

                "Sayo na yun. Wala na kaming monthsary. Nagkita na kami kanina, and uhhmm.. Napagkasunduan naming friends na lang kami."

                *cough cough* napaubo ako sa sinabi ni Red. Tama ba narinig ko? Friends na lang sila? Eh parang kagabi lang yung pag-amin ko sa kanya tas ngayon friends na lang sila?

                Binuksan ko yung bibig ko para magsalita pero sinarado ko ulit kasi hindi ko alam sasabihin ko. Masyado akong speechless sa mga narinig ko.

                After 1 minute na ko nakapagsalita, "Pero kahit na. Ibigay mo yung sa kanya. Hindi naman para sakin yung mga binili mo. Ibigay mo yun"

                "Okay okay. Sungit mo naman. Eto pala, galing ako sa kanila diba, may dala akong tiramisu luto niya, pinabibigay niya sayo.", sabay abot nung paperbag sakin.

                "Pinabibigay niya? Bat alam-"

                "Ano kasi. Alam niyang dadaan ako sa inyo kasi magkalapit lang naman tayo ng bahay."

                "Ah okay"

                Pumasok ako sa bahay para kunin yung mga regalo niya kay Kylie para ibigay kay Red. Hindi na din siya nagtagal pagkatapos nun kasi ang pinunta niya lang naman dito ay yung magsorry siya. Bati na naman kami, ok na sakin kaya naman pinaalis ko na din siya agad. Awkward pa rin kahit papano pero hindi na tulad kagabi lalo na nung nalaman kong siya pala si "mystery white rose guy" ko.

                "Lalalala" (^o^)

                "Saya mo bhe ah", sabi ni kuya sakin habang kumukuha ng juice sa ref.

                Nagsmile lang ako sa kanya at umupo sa dinner table namin. Nilabas ko din yung tiramisu na bigay ni Kylie sa lamesa.

                "Wow. Sino nagbigay niyang rose?", umupo din si kuya sa harap ko, "at may cake pa ah. Dalaga na ang bunso namin. Haha"

                "Tiramisu yan kuya", kumuha si kuya ng kutsara at sumubo, "bigay nung ex ni Red"

                Nasamid si kuya haha, "Ex *cough cough* break na sila *kain* kaya pala masaya ka ah!"

                "Uy hindi ah. Hindi naman ako masaya dahil dun eh. Hindi ko din naman ginusto yun, sama mo kuya!", hindi siya sumagot dahil kain lang siya ng kain nung tiramisu. Haha takaw.

                "Pero alam mo kuya, siya yung mystery guy ko. Yung mongoloid na batang nakilala ko nun"

                Nabigla si kuya, "Weh? Yung white rose? Seryoso ka ba?"

                "Oo hahaha nabigla ka din? Ako din eh. Eto yung white rose oh."

                "Seryoso?", hindi talaga siya makapaniwala. Haha, "Small world! Oh ayan kilala mo na, si Red pa. Hindi ka na mababaliw sa kakaisip kung sino yung batang yun. Hindi ka mapakali nun dati eh"

                Hahaha grabe nga yung mga pinaggagawa ko nun. Kung di ako nagkakamali, mga 5-6 yrs old ata ako nun, tas lagi ako nagpapasama kay kuya sa may playground para hintayin yung bata. Hinanap ko din yung halaman kung san niya pinitas yung rose, aba eh nasa tuktok ata nung playground. Hahaha tas matagal ko din tinago yung rose, pinicturan ko nga nung lanta na eh, para syempre may remembrance pa rin ako. 

                Ewan ko ba. 1st love ko ata yun eh, o puppy love ba tawag dun. Haha 5 years old love agad, sige 1st ever crush na lang. Ang lakas ng tama ko dun sa mongoloid na yun eh. Pero hindi siya mongoloid pala. Si Red nga eh. Yung bestfriend ko pa na matagal ko ng gusto. Hahaha ika nga ni kuya, small world. Aba talaga. Naiisip ko tuloy na baka kami talaga. Destiny tawag dun diba?

*ding dong*

                "Uy kuya, patikim naman, pwede? Inubos mo na yan ah! Haha"

                                "Masarap kaya. Oh kuha ka haha"

                "Nakakahiya naman. Sayo kasi binigay eh no! Haha", bago pa ko makakuha, dumating si manang at sinabing may bisita daw ako. Sino naman kaya yun? Baka si Red ulit.

                Tumayo naman ako kagad at hindi na nakakain kaya ayun tuwang-tuwa si kuya kasi solo niya yung tiramisu. Haha

                Pagdating ko sa pinto, "Arick?", namilog yung mata ko sa gulat. Agad akong lumapit sa kanya, "Ok ka na ba? Bat ka naparito?"

=========================================

Dear Diary,

Sobrang saya ko ngayon. Akalain mo nagkita ulit

kami ng mystery white rose guy ko! Hindi ko ma-explain

yung kasiyahan ko lalo na kasi yung mongoloid na bata pala

tumawag sakin ng "TABABOY TABABOY" noon ay walang

iba kundi si RED TOLEDO pala....

My bestfriend, my crush, my first love :> 

~sexybaboy :)

=====================================

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...