Destined (Published with TV M...

By blue_maiden

49.1M 1.3M 504K

Akala ni Keila, seryoso sakanya ang kilalang playboy ng University nila na si Dwayne Lopez. Nagkamali siya. I... More

Prologue
Chapter 1: Flashback
Chapter 2: Confrontation
Chapter 3: Irony
Chapter 4: Revelation
Chapter 5: Second Kiss
Chapter 6: Hey babe
Chapter 7: Now I know
Chapter 8: Deal or No deal?
Chapter 9: Day 01
Chapter 10: Kambal
Chapter 11: Halaga
Chapter 12: Finally
Chapter 13: OKS
Chapter 14: Step one
Chapter 15: Yakap
Chapter 16: Step two
Chapter 17: Ex best friend
Chapter 18: First step
Chapter 19: Unconsciously
Chapter 20: I choose
Chapter 21: Pagsuyo (Part 1)
Chapter 22: Pagsuyo (Part 2)
Chapter 23: Ice cream
Chapter 24: Her father
Chapter 25: Realization
Chapter 26: Picnic
Chapter 27: The perfect time
Chapter 28: Half sister
Chapter 29: Rejection
Chapter 31: It's just a show
Chapter 32: Rivalry
Chapter 33: Stop this
Chapter 34: Babe
Chapter 35: Jerk
Chapter 36: Langit at Lupa
Chapter 37: Semi Finals
Chapter 38: I'll be here
Chapter 39: Reunion
Chapter 40: Disappointed
Chapter 41: Settled
Chapter 42: Contract
Chapter 43: Why?
Chapter 44: Half Sister
Chapter 45: Ultimatum
Chapter 46: Finals
Chapter 47: Is it the end?
Chapter 48: Save her
Chapter 49: Graduation
Chapter 50: The last ride
Epilogue
Author's note
Destined on TV5

Chapter 30: Don't let me go

687K 22.8K 17.3K
By blue_maiden

Keila's point of view.

(Now Playing: Hug me - Taehyung and J-Hope)

Ang ganda niya at ang amo ng mukha niya. Hindi ako pwedeng magkamali na siya nga si Dana. Hindi na ako nagtataka kung bakit minahal siya ni Dwayne. Magkahawig nga kami pero mas maganda siya sa akin.

"I-ikaw ba si Dana?" Nauutal ko pang tanong. Hindi ko din alam kung bakit ako nagkakaganito pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Yeah, I'm Dana Mendoza and you're Keila right? The girl I hate the most."

Hindi ako makagalaw. Parang hindi ako makahinga ng maayos. Bakit siya galit na galit sa akin? Anong ginawa ko sakanya? Ngayon ko pa lang naman siya nakita at nakilala. Hindi pa naman niya alam na half sister niya ako kaya bakit siya magagalit sakin? "Paano mo ako nakilala at bakit galit na galit ka sakin?" Tanong ko.

Kinakabahan ako sa isasagot niya. Alam na ba niya na half sister niya ako? "I hate you because you're the girl he loves." Sambit niya habang nakatitig siya sa mata ko.

Sino ang tinutukoy niya? Si Dwayne? Mahal pa ba niya si Dwayne? Si Kean na naman ang mahal ko eh hindi na si Dwayne kaya bakit siya magagalit sakin? "May iba akong mahal. Hindi ko na mahal si Dwayne kaya sana wag kang magalit sakin."

Nagtaka ako ng bigla siyang tumawa. "Who said it's Dwayne?"

"Huh? Kung hindi si Dwayne, sino?" Nagtataka kong tanong.

"Si Kean, siya 'yong mahal ko."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nahihirapan akong huminga. Mas lalo kong hindi maigalaw ang katawan ko. Paanong naging si Kean ang mahal niya? Magkakilala ba silang dalawa? Wala naman nababanggit sakin si Kean tungkol sakanya. Nalilito na ako na parang gusto ko na lang umiyak.

"So hindi niya sinabi sayo ang lahat? Hindi man lang ba niya ako nabanggit sayo?"

Hindi. Kahit ano wala. Hindi ako makapaniwala na naglihim sakin si Kean. Mas lalo lang akong nasaktan.

"Dana!" Nakita ko si Trevor sa likod habang papalapit siya samin. Nagulat din siya ng makita niya kaming dalawa ni Dana. "Anong pinagusapan niyo?" Tanong niya habang hingal na hingal siya.

Tumingin siya kay Dana papunta sakin pero hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nanahimik na lang ako. Hinintay namin na magsalita si Dana.

"I just reminded her that she's the girl who stole Kean away from me. She's the reason why Kean can't love me and the reason for my all heart breaks." May nakita akong luha galing sa mga mata niya. Damang dama mo 'yong sakit na nararamdaman niya. Ganon niya ba kamahal si Kean? Kahit na alam kong galit siya sakin, hindi ko pa din maiwasan na maawa sakanya. Parang ang fragile niya masyado, na hindi mo siya gu-gustuhin na umiyak at masaktan. Gusto ko siyang yakapin at i-comfort pero galit siya sakin at masyado din akong nasasaktan ngayon dahil sa mga nalaman ko. "I don't want to hate her Trevor, I don't want to be mad and bad at her but I can't help it." Lumapit siya kay Trevor at niyakap naman siya ni Trevor.

"Dana, Keila is not the reason for your heart breaks. She didn't steal Kean from you, Kean just can't love you because he can't and Keila is not the reason behind it. Stop crying over him and just move-on, he loves Keila now." Sambit ni Trevor.

Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan.

Hanggang ngayon naguguluhan pa din ako sa mga nangyayari. Sumasakit na nga ang ulo ko dahil wala akong maintindihan. Ang alam ko lang ngayon, galit sakin si Dana at si Kean ang dahilan non dahil mahal niya si Kean at naglihim sakin si Kean. All this time, tinago niya sakin ang tungkol kay Dana. Paano niya nagawa sakin 'yon?

Grabe ka talaga tadhana, ang hilig mo talagang paglaruan 'yong buhay ko? Masaya ka ba kapag nakikita mo akong nahihirapan?Ano ba kasing kasalanan ko sayo?

"We've talked about this Dana. You said you'll not going to be mad at her." Sambit ni Trevor.

Huminga ng malalim si Dana at tumingin siya sakin. "I'm sorry, Keila. I don't want to be mean but thinking that you're the girl who Kean loves, makes me so mad at you." I know, she sounds so sincere but yet it hurts me more. "I hate you so much."

Huminga ako ng malalim. Ang sakit marinig na kinakamuhian niya ako. Kung dati, hindi ko alam kung dapat ko pa ba siyang makilala, ngayon na nakita ko na siya, gusto ko na siyang makilala pa lalo pero parang hindi na ata mangyayari yon. Dahil iisa lang ang lalaking minamahal namin.

"I'll drive you home." Sambit ni Trevor.

"No, I'll go by myself." Pinunasan niya 'yong mga luha niya pagkatapos umalis na siya.

Huminga na naman ako ng malalim. Napahawak na lang ako sa cart ko dahil pakiramdam ko nanghihina ako. Nilapitan naman agad ako ni Trevor at hinawakan niya ako. "Keila, I'll take care of this, go to my car." Tumango na lang ako at kinuha ko ang susi na inabot niya sakin. Wala na akong lakas para makipagtalo pa kay Trevor.

Binuksan ko ang kotse ni Trevor at pagkaupo ko pa lang sa front seat, hinayaan ko na 'yong sarili ko na umiyak. Isa lang naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito, dahil 'yon kay Dana. Nasaskatan akong malaman na galit siya sakin. After seeing her makes me want to know her more. Ang tagal ko na din gustong magkaroon ng kapatid na babae.

After twenty minutes, dumating na si Trevor.

"Are you okay, now?" Tanong niya agad sakin. "Iuuwi na kita." Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.

"Tell me, naging si Dana ba at Kean? Trevor please enlighten me. I'm so confused and hurt right now." Sumandal ako at pinikit ko na lang ang mata ko habang nararamdaman ko ang mga luha sa mata ko. "Matagal na bang magkakilala si Kean at Dana? Alam ba ni Kean na magkapatid kami?"

Tinignan ko siya pero hindi siya makatingin sakin. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa manibela.

"Si Kean talaga ang mahal ni Dana pero dahil alam ni Kean na mahal ni Dwayne si Dana, tinulak niya palayo at papunta si Dana kay Dwayne. Mas mahalaga sakanya 'yong pagkakaibigan nila ni Dwayne. They're best of friends before and no one can even break them not until Dana chooses Kean over Dwayne."

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit galit na galit sila sa isa't isa. Dahil pala lahat 'yon kay Dana.

"Hindi ako makapaniwala na nilihim sakin lahat 'to ni Kean. I've trusted him." Sambit ko.

"Maybe he has a reason. Talk to him."

Naisip ko bigla 'yong music laban sa MOA. Hindi ko alam kung pupunta pa ba ako don o hindi na. Pagkatapos kong malaman ang lahat ayoko munang makita si Kean pero nangako ako sakanya na pupunta ako mamaya. I don't really know what to do now but maybe Trevor is right, maybe he has a reason. "Can you drive me to MOA?"

I need to talk to him, he needs to give a good damn explanation and I don't want them to lose again because of me.

Hinatid ako ni Trevor sa MOA. Siya na lang daw ang maghahatid ng groceries sa bahay. I'm so glad I still have him. He's been a good friend to me. "Just call me if you need me."

"Thank you Trevor." Sambit ko at bumaba na agad ako ng sasakyan para pumunta ng Padis.

Nagsimula na sila. Umupo na lang sa likod. Hindi pa tumutugtog sila Kean pero sila na 'yong kasunod na tutugtog. Mula sa gilid ng stage, nakikita ko si Kean. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naiyak. Hinahanap niya kasi ako at mukhang hindi siya mapakali. Kahit na naglihim siya sakin, hindi ko pa din kayang makita na nasasaktan si Kean. All this time, siya ang palaging sumasalo sakin tuwing may nasasaktan ako. I still can't deny the fact that I love him.

"It's Sky light's turn!" Sigaw ng emcee.

Lahat sila nagpalakpalakan. Hindi pa din mapakali 'yong mukha ni Kean at panay silip pa din siya sa mga tao. Nagtama ang mata namin at napalitan agad ng ngiti 'yong lungkot na meron siya kanina. Kinawayan niya agad ako at mukhang masayang masaya siya.

Pinanuod ko sila. Napakaganda pa din ng boses ni Kean. Alam kong para sakin 'yong kanta niya kaya mas lalo lang akong naiyak.

Pagkatapos nila mag perform, nag stay sila sa stage. Ilang minuto lang ang lumipas, ia-announce na nila 'yong banda na nanalo sa wild card. Hindi na ako nagdalawang isip na mananalo sila Kean at tama ako.

"Ang huling banda na papasok para sa semi finals ng Music Laban ay... Sky light!"

Naglakad mula sa likod ko si Dana. Papunta sa stage. Nagulat ako na nandito siya.. para kay Kean.

Nakita kong pababa na si Kean at alam kong pupuntahan niya ako kaya habang madami pang tao ang nakaharang sa pagitan namin, tumakbo na agad ako palayo.

Gusto kong lapitan si Kean pero ayokong makita kami ni Dana na magkasama. Mas lalo lang siyang magagalit sakin.

Nakaabot ako sa parking lot at hindi kalayuan, nakita ko 'yong Audi ni Dwayne. Alam ko 'yong plate number niya kaya alam kong sakanya 'yon. Gusto kong kausapin si Dwayne dahil sa nangyari samin. I know I rejected him but I still want to personally say sorry.

Nakabukas 'yong pintuan ng kotse niya. Napahawak ako sa bibig ko ng makita ko si Dwayne na nakapatong kay Krystal habang nakababa 'yong pantalon niya at habang walang damit si Krystal.

"Uhh.." Ungol ni Krystal. "Yes Dwayne honey, harder."

I can't believe I saw them making out. Kung pwede ko lang sanang burahin 'yong mga nakita ko sa isip ko. The weird thing is, I felt betrayed once again. I should have known. Pinaglalaruan na naman pala ako ni Dwayne. Hindi totoong mahal niya ako. Hindi na dapat talaga ako naniwala sakanya.

"What the fvck, Keila?!" Sigaw ni Krystal. "Why are you there?"

Tumalikod agad ako sakanila dahil ayoko silang makita na dalawa. Hindi ngayon na nakahubad sila.

Tumakbo na naman ako palayo. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, kung anong gagawin ko. Huminto na lang ako pagkatapos umupo ako at umiyak.

"Keila!" Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Dwayne na papalapit sakin. "Keila, let me explain. I'm just drunk and I'm hurting and I saw Krystal and we.. I'm so sorry."

Tumayo ako at hinarap ko siya. "You don't have to explain, Dwayne."

"No, Keila. I love you." Hinawakan niya ang kamay ko pero inalis ko yon. "Believe me."

"How can I believe you if I've just seen you making out with Krystal?!"

"I'm just drunk!"

"That's not an excuse Dwayne. You still know what you're doing. Just stay away from me." Naglakad na naman ako palayo kay Dwayne pero hinabol niya ako at hinawakan niya 'yong kamay ko.

"Why can't you love me?!" Sigaw niya. Sinusubukan kong alisin 'yong pagkakahawak niya sa kamay ko pero hindi ko magawa dahil ang lakas niya. "Mas magaling bang humalik si Kean kaya mas gusto mo siya?" Hinawakan niya 'yong likuran ko pagkatapos nilapit niya ako sakanya at hinalikan niya ako.

Hindi ako makapalag dahil ang lakas ni Dwayne. Wala na akong ibang nagawa kung hindi umiyak. Bumabas ang halik niya papunta sa leeg ko. "Mas magaling ba sa kama si Kean ha Keila kaya siya 'yong mahal mo at hindi ako?"

"Dwayne, tama na please." Pagmamakaawa ko.

"Bitawan mo siya Dwayne!" Ang bilis ng pangyayari. Ang sumunod ko na lang nakita, sinusuntok ni Kean sa mukha si Dwayne. "Anong karapatan mong bastusin si Keila ha?! Hayop ka!"

Sinusuntok niya ng sinusuntok si Dwayne. Tumayo ako para awatin sila. "Tama na Kean!"

"Hindi ako papayag na bastusin ka lang ng iba, Keila!" Nakita ko si Dana sa malayo na nakatayo at pinagmamasdan kami. "How dare you, Dwayne!"

Tinulak ko si Kean palayo kay Dwayne. "Tama na Kean!"

"Keila, binastos ka niya! I'm just trying to protect you!" Sigaw ni Kean. Kitang kita ko sa mata niya 'yong galit. "Bakit parang mas kinakampihan mo pa siya?"

"Bakit sino bang dapat kong kampihan, ikaw? Are you even my boyfriend?!"

Hindi ko alam kung bakit ayon 'yong lumabas sa mga bibig ko. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Siguro dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman ko ngayon kaya ko nasabi ang mga 'yon.

Napaatras si Kean. Nakita ko sa mata niya 'yong sakit. May mga luha na lang na biglang tumulo galing sa mata niya. Ang sakit na makita siyang ganito. Bakit ko ba kasi sinabi 'yon?

"Sorry, hindi mo nga pala ako boyfriend."

"Kean--" pinigilan niya ako sa pagsasalita.

"Alam mo bang narinig ko si Dwayne kagabi habang sinasabi niyang mahal ka niya, sinabi niya 'yon kagabi habang nandito siya sa padis. Hindi ko alam kung anong sinabi mo dahil umalis na agad ako dahil natatakot ako na baka ma realized mo bigla na mahal mo pa pala siya. Natatakot ako na baka mamaya bigla na lang ulit akong maiwan sa ere, bigla mo na lang akong iwan. Nung nakausap kita nagkaroon ako ng pag-asa na hindi mo ako iiwan na mahal mo ako pero nagkamali pala ako. I should have known, panakip butas lang naman ako eh. Tama 'hindi ba? Pero ayos lang, ginusto ko 'to eh." Hindi na napigilan ni Kean na humagulgol sa iyak. "Kaya hindi dapat ako masaktan ng sobra ngayon kasi tama ka naman eh. Sino ba naman ako sayo? Wala naman, 'hindi ba."

Pinunasan niya 'yong mga luha niya pero patuloy pa din siya sa pag iyak. Parang nadudurog 'yong puso ko.

"Wag kang mag alala, hindi na kita guguluhin. Mahal ka na ni Dwayne ngayon. Siguro naguluhan ka lang kasi ako 'yong palaging nandyan pero siya naman talaga 'yong mahal mo." Pinunasan na naman niya 'yong mata niya at sinubukan niyang ngimiti. "Makita lang kitang masaya Keila, masaya na din ako kahit na sobrang nasasaktan na ako ngayon kasi mahal na mahal kita eh.. tandaan mo yan."

Tumalikod siya sa amin habang dinig na dinig ko pa din 'yong pag iyak niya.

"Kean.. I'm sorry."

--
Dwayne or Kean?

Continue Reading

You'll Also Like

49.8M 934K 93
Theirs is a story that started all wrong. In fact, it's started with an accidental kiss with a gangster. After so many tragedies, tila hindi kampi ki...
354K 9.6K 18
THE BILLIONAIRE'S LOVE SERIES 5 THE BILLIONAIRE'S FORBIDDEN LOVE The Billionaire's Love Series 5 Drake Dy Simpson "Love is pain" dahil kahit anong p...
2.2M 73.7K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
28.3K 956 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...