I'm His Tutor

By modernongbinata

226K 6.9K 747

My first job. Bear with me, bimbs. credits to @Dash_Finch for beautiful background that I used for the book... More

Page I
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
NOTE :3
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
SORRY NA POOOOO!
Chapter 16
Chapter 17
Pikachu says....
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
IHT is Back!
21
modernongbinata NOTE
modernongbinata NOTE II
IHT 21.2
Chapter 23
IHT 24

Chapter I

22.7K 474 54
By modernongbinata


Eyanne's POV

"Hoy Eyanne! Patingin na ng sagot mo sa number 5!" Si Ashley habang kinakalabit ako sa likod ko. Nakakainis tong babae na to,maganda nga wala namang laman ang utak.

"Hydrophobic stocking" sagot ko nalang pero di ko sya nilingon. Baka kase mahalata pa kami ako pa mapahamak. Grabe! Di man lang nag-thank you? Kapika tong murat na to!.

"Eyanne!sinu si mendel!?" Nakayukong bulong sakin ni Jan habang nagpapanggap na nagsusulat at sinisiko ako,yeah you're right. Katabi ko po kase sya.

"Father of genetics" ako at patuloy sa pagsagot. Pinilit kong mag-focus kahit windang na windang na ako sa mga parasites kong classmates. Syett!

Sinu ba naman hindi mapipikon? Pwede namang magreview para di umasa sa utak ng iba diba?

Ganyan ba talaga mga parasites? Or should I say mga protists?...

[Trivia: one of the characteristics of protists ay walang utak ,so pag sinabihan kang protist hehe magalit ka na]

Yan po,best to describe my classmates. Puros kapritsu ang inuuna keysa sa pag-aaral,palibhasa mayayaman,planado na buhay. Eh ako? Kailangan ko pang magbuno ng ilang taon sa pag-aaral para malasap ang sarap ng buhay na dinadanas nila now.

Napatigil ako sa pagsasagot ng biglang may humiltak ng papel ko sa kaliwang side ko.

"Eyanne kalma! Kalma! Enhale.. Exhale.." Ani ko sa sarili ko. Pumikit at nagpakawala ng malalim na paghinga.
Urrggh! Di ko na talaga to kaya! Bro .

Papakopyahin ko na naman po sila pero hindi na nila kailangan pang hablutin agad yung papel ko sakin na wala man lang pasabi! Nagkakabastusan na dito. Sumasakit na fallopian tube ko sa kanila promise! I swear!

Hindi ko na napigilan ang inis ko. Napakunot na yung noo ko. Inaayos ko yung salamin na medyo nalalaglag,tiningnan ko kung sinu ang kumuha ng papel ko.

Laking gulat ko,as in to the highest level gulat talaga hoho.

Si Dice.. prenteng prente na mabilisang kinokopya sagot ko.

Isa pa to..para din syang si ashley. Ang ganda at gwapo nila pero.. duh? What is beauty if your brain is empty,right?

Tiningnan ko lang sya ng masama nang bigla syang nagsalita.

"Wag mokong tingnan tsk mahahalata tayo ni sir" sya at mabilisan din nyang sinuli ito sakin "palitan mo yung sagot mong pentose sugar,deoxyribose yun"

Tss.. alam naman nya pala yung sagot bakit kailangan pa nyang gawin yun? Hayss... napaka-unpredictable talaga ng lalaking to.

Inalis ko nalang yung tingin sa kanya at chineck yung papel ko at saka pinalitan yung sinasabi nyang mali kong sagot.


*krriiiiiiingggg*
[Yeah tunog ng bell. Haha ang common ba?]

"Okay class see you next meeting,I'll try to check it mamaya para malaman nyo yung results,but for now you're dismissed." Pagpapaalam samin ng science teacher namin then agad lumabas ng pinto. Then, us usual tayuan na kami lahat at una unahan sa paglabas ng pinto. Unlike sa mga ibang estudyante na pinag uusapan yung exam after i-take,ang pinag-uusapan ng mga classmates ko ay kung saan gagala o kung anu anu pa. tss mayayaman nga naman

Sosyal na school kasi pinag aaralan ko puro mayayaman mga estudyante dito, kung nagtataka kayo on how I got here,yun ay dahil sa scholarship ko,full scholar ako. Hindi naman sa pagmamayabang pero ako yata pinakamatalino sa buong senior high.

Yun nga lang ,I had to face the consiquences of being matalino. Ang mabully dahil sa pagiging semi nerdy look ko at sa pagiging beki ko. Nakasalamin at retainer lang naman ako kaya semi nerd lang ,mas maayos naman akong tingnan sa mga nerds talaga ,no offense sa mga nerds hihi. Lahat sila nawe-weirduhan sakin,napapangitan kaya ni isa walang nakipag kaibigan sakin kaya wala na rin akong kinakausap sa dito school.

After kong ayusin yung mga gamit ko ay lumabas na ako sa room. Naglalakad na ako ng pathway nang biglang isang pamilyar na boses ang tumawag mula sa likod ko.

"Eyanne!?"

Narinig ko namang ang tiliian ng mga babae sa paligid ko. Parang mamamatay na sila sa kilig.

Unti unti kong hinarap yung taong tumawag sakin at tama nga ako..

Si Brix..

Sya ang bestfriend ko since grade seven. Sya lang talaga kinakausap ko dito sa school at sya lang din ang kaibigan at pamilya ko. Ewan ko nga ba dito kung bakit ako kinaibigan eh,sikat sya sa school dahil gwapo at varsity ng basketball,magkateam sila ni Dice.

"Kamusta exams ng bestfriend ko? Tara lunch tayo,treat ko" Tanung nya sabay akbay sa akin. Rinig ko naman yung bulungan ng mga estudyanteng tingin ng tingin samin.

Kung nakakamatay lang ang pagtingin ng masama baka kanina pa ako nakaburol. Sinu ba naman kase mag aakala na ang isang sikat at gwapong si Brix Arcilla ay kasama ng isang nerd na beki?

"Tanggalin mo brix yung kamay mo pinagtitinginan tayo" bulong ko kay Brix habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

"Tsk hayaan mo nga sila. Inggit lang yang mga yan." Ani nya at ngumiti.

Nakarating kami sa cafeteria,marami nang estudyante at sa tingin ko lahat nakatingin samin ni Brix.

"Uy girls look oh? Si Brix kasama yung chakang nerd" sabi ng isang babae

"Yuck! Sinisira nya yung image ni Brix." Dagdag pa ng isa.

Yung totoo bulong ba yun? Pero totoo naman yung sinasabi nila. Nakakasira ako sa image ng bestfriend ko.

"Hanap ka na ng table natin ako na o-order" utos nya at sinunod ko naman. Nagsimula akong igala ang tingin ko kung may bakanteng table pa,at ayun doon sa bandang dulo.

Dali kong pinuntahan yun kase baka may mauna pa.

Naglalakad ako ng biglang...

"Araaaay!"

Isang paa ang humarang sa kanang paa ko dahilan para matisod ako. Rinig ko yung tawanan sa paligid ko.

"You deserved that! Alamin mo kung saan ka lulugar at kung sinung tao lalapitan mo." Boses ng isang babae na nakatayo sa harap ko. Hindi man nya diretsuhin,alam kong si Brix ang tinutukoy nya.

Inayos ko yung salamin ko at pilit tumayo kahit masakit tuhod ko. Nilingon ko yung mga estudyante at nakita kong nakatitig sakin si Dice na walang emosyon sa mukha.

Nagsimula na akong maglakad papuntang table. Rinig ko pa din yung tawanan ng iba habang tinitingnan ako. Napayuko nalang ako sa hiya. Hindi ko mapigilang manliit at mag self-pitty sa nangyayari sakin.

Naupo nalang ako sa table namin at hinihintay si Brix. Tiningnan ko si Brix mula sa counter. Sikat nga talaga sya at gwapo,aaminin ko crush ko yang bestfriend ko. Super close kami nyan,pero nasisira ang image nya pag kasama nya ako. Hindi ko naman sya magawang iwasan dahil sadyang makulit sya. Maya maya pa nagsalita sa likod ko.

"Lalim ng iniisip ah" Si Brix at nilapag yung tray ng pagkain sa table saka sya umupo. "Ako ba iniisip mo hehe" tanung nya ng malawak ang ngiti sabay kindat sa kin.

"Oo" Ako at tinititigan lang sya. Kita ko namang biglang nagbago ekspresyon ng mukha nya.

"Bakit?" Takang tanung nya sa akin.

"Brix,bakit kinaibigan mo ako? Ang dami dyan bakit akong nerd na beki pa?" Seryoso kong tanung sa kanya.

"Kase iba ka sa lahat Eyanne. Iba ka sa kanila. At kung iniisip mo yung sinasabi nila na nakakasira ka sa image ko,wag mo nalang intindihin,dahil di yun totoo." Sagot nya habang nakatingin sakin. Nakita ko yung sincerity sa mata nya habang sinasabi yun kaya napanatag ako.

"Pero to-.." hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang biglang dumating yung barkada ni Brix.

"Uy dude!" Sabi ng isang lalaking gwapo din at umakbay kay Brix. Si Gino yata to.

May dalawa pang tumabi kay Brix at nag man to man fists sila. Gwapo din tong tatlong barkada ni Brix.

"Kaya naman pala di sumama satin eh kasama pala ang girlfriend nyang nerdy!" Sarcastic na sabi ni Gino habang nakatingin sakin sabay tawa. Napayuko naman ako dahil feeling ko nagchange color ako dahil dun.

"Correction boyfriend hahaha" hirit ni Keiser at ininum yung hawak nyang C2.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy ako sa pagkain. Napalingon ako sa mga estudyante sa cafeteria at ayun pinagbubulungan na naman nila ako, hindi ko maiwasan mapatingin sa direksiyon nila Dice. Kasama nya barkada nya ,at nakatitig ito sakin. Tss anu ba problema nito?

"Mga unggok! Tigil tigilan nyo nga si Eyanne,bestfriend ko lang sya." Medyo natatawang sagot ni Brix at binatukan yung dalawa."hindi nyo gayahin si Aizen,tahimik lang." Dagdag pa nya ay nagpatuloy sa pagkain.

Napatingin naman ako kay Aizen na patuloy sa pag tungga ng mogu mogu. Bakit nga ba ang tahimik ng isang to? Ang gaan tuloy ng pakiramdam ko sa isang to.

Iinum sya ng bigla nya akong tingnan at ngitian. Syet! Bakit ang hot nya dun? Saka ng gwapo nya at ang lalim ng dimples nya. Ahuhu. Napakurap naman ako ng 1 000 000 times dun at napayuko. Am I blushing? Tell me!

"Alam mo Eyanne maganda ka eh try mong magsuklay minsa at mag ayos nang hindi ka napagkakamalang alalay nitong bestfriend mo haha" si Gino at inakbayan pa si Brix habang tumatawa,pati si Keiser nakitawa din. Bigla naman akong nahiya ng tuluyan sa narinig ko. Ganun ba talaga ako ka-chaka para pagkamalang alalay ni Brix pag kasama ko sya? Oo alam kong malayo ang way ng pananamit ko sa pananamit nila pero ganun na ba ako kahirap tingnan? Nakakapangliit talaga.

Nakita ko naman yung reaction ni Brix. Halatang nahiya din sya sa narinig nya.

"Gino tumigil ka na nga!" Saway dito ni Brix. "Hindi kailangan mag iba ni Eyanne para maging bagay kami,tigilan nyo na sya." Seryoso ang mukha ni Brix habang sinasabi yun pero nakatingin lang sya sa pagkain nya.

"O-okay. Okay. Chillax dude. Just kidding" si Gino habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumuko sa holdaper.

Napanatag ako sa sinabi ni Brix. Okay lang na laitin ako ng ibang tao,basta nandyan lagi si Brix may pinanghahawakan ako na may taong tanggap kung sinu at ano ako.

After ng lunch break ay balik na ako sa klase ko. Hinatid ako ni Brix sa room ko. At as expected masama na naman tingin sakin ng ng mga tagahanga ng bestfriend ko.

Nagsimula nang magdadakdak si ma'am sa harap.

Discuss dito ...discuss doon ..

*kriiiing!*

At last natapos din ang last subject for this day.

Unahan na naman ang mga unggok kong classmates sa paglabas. Ako hinintay ko munang makalabas sila bago ako tumayo. Ayokong makipagsiksikan sa kanila nuh.

Palabas na ako ng room nang maalala kong susunduin daw ako ni Brix at sabay kaming uuwe. Oh see? Hihi ang sweet ng bestfriend ko. Kaya crush ko sya eh.

Nilibot ko yung paningin ko para makita si Brix pero wala pa sya. Hindi pa siguro sila tapos sa practice. Nagsimula akong maglakad ng mag beep ang phone ko. Tiningnan ko jubg sino ang nagtext,

Si Brix.

Brix
0905*******

Wait mo ko sa centennial park.

After kong basahin yun ay nagtungo na ako sa centennial. May mangilan ngilan pang estudyanteng naka upo dito. Umupo ako sa bakanteng upuan para hintayin si Brix. Tinitingnan ko lang yung mga estudyanteng nagdadaan sa harap ko. Lahat sila nakangiti at tumatawa. Lahat may kaibigan. Mayaman,magaganda at gwapo wala silang kaproble-problema kung titingnan mo. Hindi ko maiwasang ikumpara sarili ko sa kanila.

Napapabuntong hininga nalang ako sa mga iniisip ko. Paano kung hindi ako naging bakla? May pamilya kaya ako ngayon? Hindi kaya ako itatakwil at iiwan nila papa? Hindi kaya mamamatay si mama? Paano kung hindi ako matalino at nerd? May kaibigan kaya ako? Bubully-hin pa ba kaya nila ako?

Hindi ko maiwasang may pumatak na luha sa mata ko. Hindi ko mapigilan maawa sa sarili.

Ilang sandali pa ay isang pamilyar na boses ang tumawag sakin.

Ang lalaking kanina ko pa hinihintay.

Ang nag iisang kaibigan ko.

Nilingon ko ito at ngumiti. Tumayo ako at sinalubong sya. Napakagwapo nya talaga lalo na sa suot nyang jersey. Nagpapasalamat ako at bestfriend ko sya.

"Sorry kung naghintay ka,let's go?" Sya nung makalapit sakin. Nginitian ko lang sya at sabay kaming naglakad palabas ng campus.

"Salamat sa paghatid Brix." Ako habang nakangiti sa kanya. Nasa tapat kami ngayun ng boarding house ko.

"Syempre ikaw pa eh bestfriend kita" ngumiti sya sabay kindat. Hindi ko naman maiwasang mamula dahil dun.

"Si-sige pasok na ako. Kita nalang bukas." Pagpapaalam ko at papasok na ng gate ng bigla syang magsalita.

"Ah..Eyanne?" Sya

"Ummm?" Nilingon ko ito at nakayuko sya habang nakahawak sa batok nya.

"Sorry sa mga barkada ako ah,ganun lang yun pero mababait yung mga yun" sya.

"Okay lang hehe I'm used to it Brix." Ani ko at nginitian sya.

"Ahm sige ,pero sorry talaga ah. Yaan mo pagsasabihan ko" ang sweet nya talaga. Kung alam mo lang Brix na okay lang kahit laiitin nila ako basta andyan ka at tanggap ako hindi ko papaapekto.

"See you tom Eyanne" hinayaan ko muna syang makalayo bago ako tuluyang pumasok ng boarding house.

-


Continue Reading

You'll Also Like

827K 38.8K 29
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
376K 26.6K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...
379K 5.8K 24
Dice and Madisson