Project: Black Out (Philippin...

By EMPriel

50K 1.7K 290

Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawag... More

Project: Black Out (Overview)
Chapter 2: The Grave of the Dying Nation (Ang Libingan ng Naghihingalong Bansa)
Chapter 3: Broken Dreams, Broken Promises (Nasirang Pangarap, Nasirang Pangako)
Chapter 4: Unusual Story (Hindi Karaniwang Kwento)
Chapter 5: Dance of the Shadows (Ang Sayaw ng mga Anino)
Chapter 6: Civil War Rising (Ang Pagbangon ng Digmaang Sibil)
Chapter 7: Identity Crisis
Chapter 8: City in the Dark (Ang Siyudad sa Dilim)
Chapter 9: Written in Blood (Isinulat sa Dugo)
Chapter 10: An Invisible Enemy (Ang Hindi Makitang Kalaban)
Chapter 11: Faded Memories (Ang Kumukupas na mga Alaala)
Chapter 12: Burn Baby! Burn!
Chapter 13: The Flawless and the Renegade (Ang Pino at ang Taksil)
Chapter 14: Time Will Tell (Ang Oras ang Makakapagsabi)
Chapter 15: A Shadow's Blood (Ang Dugo ng Isang Anino)
Chapter 16: Before the Dawn (Bago Magliwanag)
Chapter 17: War of the Shadows (Ang Digmaan ng mga Anino)
Chapter 18: Freedom Fall (Ang Pagbagsak ng Kalayaan)
Chapter 19: The Dogma (Ang Prinsipyo)
Chapter 20: Black Propaganda
Chapter 21: March of the Dead (Ang Martsa ng Kamatayan)
Chapter 22: Oblivion Cry (Panaghoy ng Kawalan)
Chapter 23: Rain of Fire (Pag-ulan ng Apoy)
Chapter 24: A Cold Christmas (Ang Malamig na Pasko)
Chapter 25: The Final Countdown (Ang Huling Bilang)
Chapter 26: The Son of the Devil (Ang Anak ng Diablo)
Chapter 27: Illusions in the Air (Ang mga Ilusyon sa Hangin)
Chapter 28: The Last Ace (Ang Huling Alas)
Chapter 29: The Division (Ang Paghahati)
Chapter 30: The Last Laugh (Ang Huling Halakhak)
Chapter 31: Santelmo

Chapter 1: The Chosen Few (Ang Iilang Napili)

5.3K 157 21
By EMPriel

History will have to record that the greatest tragedy of this period of social transition was not the strident clamor of the bad people, but the appalling silence of the good people.
-Martin Luther King, Jr.


July 15, 2282 - 8:43 PM - Makati City Bidder District - 19°C

"Okay men, palibutan niyo na ang area," malumanay na utos ng isang pulis na nakasuot ng pulang armor at itim na uniporme sa kanyang mga kasamahan. Nakasuot pa ito ng isang helmet kung saan nakabukas ang kanyang flashlight na nakakabit dito. Agad namang sumunod sa kanya ang kanyang mga kasama na naka-itim na uniporme din at nakahelmet. Bitbit nila ang ilang matataas na kalibre ng baril at pinapalibutan ang isang malaking mansyon sa isang villa sa Makati, isang bidder district kung saan ang tanging mga bidders at iilang commoners lamang ang nakatira.

Nagsimula namang rumonda sa paligid ng malaking puting mansyon na iyon ang tatlong heli ship. Nakabukas ang kanilang malalakas na ilaw at tila binabantayan ang lugar upang walang makalabas sa loob ng perimeter na kanilang binabantayan.

"At nakikita po natin ngayon na pinapalibutan na ng mga pulis ang malaking bahay na ito na pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Dylan Ford, isang mayamang negosyante ngunit pinaghihinalaang nagtatago sa pangalang Black Out."

"Talagang dinagdagan nila ang kanilang pwersa ano ho? Nako nagkandaloko na. Ang mga tao sa paligid ng bahay na ito ay nagkakagulo. May ilang nakikiusyoso at gustong makita ang totoong mukha ni Black Out."

"Ito na nga ba ang bahay ng sinasabing kriminal na si Black Out? Malalaman natin 'yan sa ilang mga sandali mga kaibigan."

"Ang kriminal na kumitil ng napakaraming bidders sa pamamagitan ng pag-black out o pagbura ng kanilang mga memorya sa kanilang mga memory gene. Matutunghayan na natin 'yan."

Nagkakagulo ang mga media sa pagcocover sa lugar na iyon. Hindi naman sila pinapalampas ng ilang mga pulis na nagtayo na ng police line gamit ang hologram technology. Tinayuan na rin nila ng mga barikada ang paligid ng bahay na iyon. Nagsimula namang dumami ang mga tao sa lugar na nakikiusyoso. Hindi nila alintana ang peligro na kanilang kinakaharap sa misyon na iyon.

Mula naman sa isang heli ship ay nagbagsakan ang apat na prototype upang sumama sa pagdakip din sa pinaghihinalaang kriminal na kumitil ng apakaraming buhay.

"Anong ginagawa ng mga 'yan dito?!" bulyaw ng pulis na tila may mataas na ranggo dahil sa kaniyang naiibang uniporme. Kulay itim ito ngunit nakasuot siya ng isang balabal na may nakaimprenta na watawat ng Pilipinas sa kanyang kaliwang dibdib. Tila napatigil naman ang mga prototype na iyon at napatingin sa kanya. Napatigil din ang ilang mga sundalo sa kanyang harapan.

"Wala tayo sa gyera! Nandito tayo para humuli ng kriminal!"

"P-pero utos po kasi ng..."

"Wala akong pakialam! Hindi natin kailangan ng mga prototype dito!" sagot naman ng pulis na iyon.

"Pero sir, masyado po siyang mapanganib, baka kailanganin natin sila!" sagot naman ng isa pang pulis.

Napakamot naman sa batok ang kanilang pinuno at napatingin sa mansyon na kanilang binabantayan. Maya-maya pa ay muli siyang tumitig sa mga kasamahan sa kanyang harapan.

"Hindi pa nga natin alam kung siya nga ang Black Out di 'ba?! ALISIN NIYO YAN SA HARAPAN KO!" galit niyang sagot. Napatigil naman ang ilang mga pulis at tumayo ng tuwid.

"O-OPO!" sagot naman nila. Muli namang napatingin ang kanilang pinuno sa mansyon na iyon at sinubukang sipatin ang mga bintana nito.

"Dylan, pambihira naman. Wala na akong magagawa sa ngayon. Pero sana, sana lang talaga...hindi ikaw si Black Out," wika niya sa kanyang sarili. Agad siyang naglakad patungo sa pinto ng mansyon na iyon nang senyasan na siya ng ilang mga tauhan na tumungo na sa loob ng malaking bahay na iyon.

"Sir, bukas na po ang pinto," wika ng isang pulis.

"Sige, simulan na ang pagdakip sa kanya."

Labag man sa kanyang kalooban ay pinapasok niya ang kanyang mga kasamahan. Napapangiwi na lamang siya habang tinitingnan ang kanyang mga tauhan na pursigidong galugarin ang buong lugar. Nahuhuli lamang siya kanilang lahat at inaabangan ang kung ano mang mangyayari.

_________________________

Isang binata naman ang nakatingin mula sa loob ng kanyang bintana. Bahgya lamang niyang hinawi ang kurtina ng bintanang iyon upang sulyapan ang pinuno ng mga pulis na ipinadala ng gobyerno upang galugarin ang buong lugar. Isinara niya na ito nang makitang tututukan na ng ilaw ng isang heli ship ang bintanang iyon. Tumalikod lamang siya at tumungo sa kanyang mesa kung saan nakalapag doon ang isang aparato na tila inilalagay sa braso ng kung sino man ang gagamit nito. May pormang bilog itong bakal sa gitna na sumasakto sa kanyang palad. Sinuot niya iyon sa kanyang kanang braso at ikinabit niya ang maliit na wire na umaabot na sa kanyang balikat patungo sa kanyang memory gene. Maya-maya pa ay umilaw ito ng kulay berde, sa kadiliman ay iyon lamang ang nagsilbing liwanag upang makita ang buong kwarto.


"S-Sir...sigurado na po ba kayo?" tanong ng isang matandang lalaki na nakatayo lamang sa gilid ng pintuan ng kwartong iyon. Posturang postura itong nakatayo at nakasuot pa ng coat and tie.


"Brigand. Napakagaling mong butler. Inalagaan mo ako at binantayan. Hindi mo ako pinabayaan, pitong taong gulang pa lamang ako noon. Pero sa tingin ko ay tapos na ang pagtatrabaho mo sa akin. Maraming salamat kaibigan." 


Ngumiti na lamang ang binatang iyon at lumapit sa kanya. Naglakad naman ang kanyang butler patungo sa kanya, may kung ano itong kinuha mula sa kanyang bulsa at nang makuha niya na ang bagay na iyon ay agad niya itong iniabot sa binata. Kinuha niya naman iyon gamit ang kanyang kanang kamay kung saan nakasuot ang kakaibang aparato. Umiilaw pa rin ng berde ang ilang kable nito maging ang bilog na bakal sa likod at harap ng kanyang palad.


Isang pocket watch ang iniabot ng kanyang butler. Agad niya iyong binuksan gamit ang isang boton sa ibabaw nito. Bumukas naman ito at doon ay nakita niya ang isang litrato sa likod ng takip. Isang lalaki na nakangiti ang makikita sa litratong iyon. Agad niya itong isinara nang makaramdam siya ng hindi maganda. Napapikit na lamang siya, napakunot ang kanyang noo at tila napapaluha.


"Alam kong hindi mo ginustong gawin ang lahat ng 'to. Pero dapat mong malaman, siya pa rin ang iyong ama. Dylan...kahit na pagbali-baliktarin pa ang mundo ay hindi mo iyon maikakaila. Ginawa niya iyon para sa kaligtasan mo. Dapat mong maintindihan 'yan," paliwanag ni Brigand, ang kanyang butler.


Kahit nanginginig ang kanyang kamay ay kinuha niya ang pocket watch na iyon at inilagay sa kanyang itim na coat na nakapatong sa kanyang upuan. Isinuto niya iyon, natakpan naman ng manggas ng coat na iyon ang aparato na kanyang suot. Kinuha niya din ang isang pares ng itim na gwantes sa kanyang mesa at isinuot iyon sa kanyang mga kamay. Tinakpan niya din ang kulay berdeng ilaw na nasa kanyang kanang kamay gamit ang gwantes na iyon.


"Handa na ako...Brigand," wika niya.


"P-Pero sir...mas maigi pang tumakas na lang kayo. Iwan niyo na ako dito."


Agad naman siyang lumapit sa kanyang buttler at kinapitan ang kanyang balikat. Matapos noon ay niyakap niya ito at tinapik sa likod.


"Kaya ko na 'to. Hindi na ako bata."


Isang mainit na luha naman ang tumulo sa pisngi ng matandang lalaki na iyon. Agad niya iyong pinahid gamit ang kanyang mga kamay. Nagsimula naman silang makarinig ng dagundong mula sa labas ng pintuan at ilang segundo lamang ay:


*BOOM!*


Gumamit ang mga pulis na iyon ng mga maliliit na pasabog upang buksan ang pinto ng malaking kwarto na iyon. Sumabog ang liwanag mula sa kasama nilang drone at doon ay naaninagan nila ang kwartong iyon na tila ba isang simpleng opisina lamang. Nakatayo lamang sa gitna si Dylan habang ang kanyang buttler naman ay hinaharangan ang nakakasilaw na liwanag gamit ang kanyang braso.


"Dylan...Dylan Ford," wika ng pinuno ng mga pulis na pumasok sa kwarto. Nakasuot pa rin sa kanya ang itim na balabal at nakatingin sa binata habang nakangiti.


"Inspector Robert Vega, magandang gabi. Napadalaw yata ho kayo?" tila paanyaya namang tugon ng binata.


"Hindi ito ang oras ng pagbibiruan Dylan. Pasensiya na pero...alam mo na, trabaho lang. Marami na ang ebidensiya na nagpapatunay na ikaw nga si Black Out." Tila napangiti naman si Dylan, naglakad ito patungo sa kanyang bookshelf at tila kumuha ng isang libro. Agad namang itinutok ng mga pulis ang kanilang mga hawak na baril sa binata. Ibinaba naman ng kanilang pinuno ang baril ng isang pulis gamit ang kanyang mga kamay at lumapit sa kanya.


"Luma na ang mga librong ito. Antigo na kung tutuusin, mahal kung bibilhin...at sigurado akong hindi mo gugustuhing magalusan ang mga librong ito," wika niya. Matapos noon ay agad niyang tiningnan ang Inspector at saka ngumiti. Sumenyas naman si Inspector Robert na ibaba ang kanilang mga baril. Agad naman iyong sinunod ng mga pulis. Ibinalik naman ni Dylan ang libro na kanyang hawak at naglakad pa patungo sa malayong parte ng shelf at muling kumuha ng libro.


"Naniniwala ka bang ito ang gamit ng mga kabataan noon para mag-aral? Para siyasatin ang mundo? Ngayon ay mga hologram tablets at hologram sticks na ang ginagamit nila. Tingnan mo, inaalikabok na lamang ang mga librong ito. Pero kung ibebenta mo ito sa mga mayayaman at ipapa subasta ay milyon milyon ang magiging presyo nito. Ang nakakatawa pa doon ay hindi naman nila ito gagamitin. Ididisplay lang nila ito at ipapakita sa ibang tao para ipamukha sa kanila na mayroon silang bagay na tanging ang mga mayayaman lang ang mayroon, kahit na ang totoo ay hindi naman nila ito gagamitin talaga. Ni hindi man lang nila ito bubuklatin para basahin."


Tila napakalma naman ang mga tao sa loob ng kwartong iyon dahil sa sinabi ng binata. Binuklat niya ang ibrong iyon at tila gumuhit sa kanyang mukha ang kalungkutan. Hinimas niya ang papel ng librong iyon na para bang niluma na ng panahon. Matapos iyon ay isinara niya ito ng marahan. Muli siyang tumingin sa mga pulis na iyon na handa nang humuli sa kanya. Malungkot ang kanyang ekspresyon habang dahan-dahan siyang lumalapit sa pinuno ng mga pulis na iyon na si Inspector Vega.


"Alam kong mahalaga ang mga gamit sa loob ng kwartong ito. Gamit ito ng yumao mong ama...ng kaibigan ko. Ang mga pinaglalaban niya ang kumitil din sa kanya Dylan. Gagayahin mo pa rin ba siya?" tanong niya.


"Ang tinutukoy mo na aking ama ay namatay sa katandaan. Mas pinili niyang mamatay na lamang kahit na mayroon siyang memory gene. Hindi mo naiintindihan ang bagay na iyon dahil nakatali ka na sa sistemang 'yan Inspector. At isa pa...matagal ko nang kilala ang totoo kong ama. Pinalaki lamang ako ng taong ito upang sumunod sa kanyang mga yapak," paliwanag ni Dylan.


"Inaamin mo sa sarili mo na ikaw...ikaw nga si Black Out?!" tila nanggigigil na tanong naman ng inspektor. Ngumiti lamang ang binata at iniabot sa inspektor ang libro na kanyang hawak.


"Alagaan mo sana ang mga gamit ng aking ama. Bilang kanyang kaibigan, malaki ang tiwala niya sa 'yo inspektor. Maraming salamat." Dahan-dahan namang kinuha ni Inspector Robert Vega ang librong iyon. Matapos noon ay agad na yumakap si Dylan sa kaibigan ng kaniyang kinilalang ama.


"Sige...kunin niyo na siya."


May bahid pa ng luha ang mga mata ni Inspector Robert nang iutos niya iyon sa kanyang mga tauhan. Bahagya niya na lamang iyong itinago at pinahid gamit ang kanyang palad upang hindi nila iyon makita.


Nang kumalas sa pagkakayakap si Dylan ay itinaas niya ng marahan ang kanyang mga kamay. Senyales ng kanyang pagsuko. Agad namang nagsilapitan ang mga pulis sa kanya at pinosasan siya gamit ang isang bakal na ring. Nang tumunog na iyon at naging kulay asul ang ilaw na ang ibig sabihin ay nakalock na ang posas ay agad nilang kinapitan sa braso ang binata. Inilabas naan nila ang binata sa kwartong iyon. Hindi naman ito pumalag at para bang naglalakad lamang ng normal habang ibinababa sa hagdan. Naiwan naman sa kwartong iyon ag buttler ni Dylan na si Brigand at ang inspektor na si Robert Vega. Tila nakatayo lamang si Brigand sa gitna ng kwartong iyon habang pinagmamasdan ang pag-alis ni Dylan. Nakakunot ang noo nito at tila ba may pait sa kanyang lalamunan sapagkakataon na iyon na bahagya niya lamang na inubo. Si Ispector Robert naman ay malapit sa tukador ng mga libro at hawak pa rin ang libro na iniabot ng binata. Sinubukan niya iyong buklatin, isang piraso ng papel ang tumambad sa kanya na nakasingit lamang sa isa sa mga pahina ng librong iyon. Binasa niya ang mga nakasulat ngunit hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon.


"MEMO Corp. Subject 1 - 56761...a-ano ang ibig sabihin nito?"


Napakunot na lamang siya ng noo at tumingin sa labas ng kwartong iyon kung saan lulan si Dylan ng mga pulis. Hawak pa rin siya sa braso ng mga pulis na iyon kahit na hindi siya pumapalag. Napangiti na lamang ang binata at napapikit. Ninamnam niya ang mga sandaling iyon ng kanyang buhay. Wala siyang ibang ninais matikman kundi ng kamatayan. Alam niyang tapos na ang kanyang misyon ngunit muli siyang dumilat nang marinig ang ilang mga pagsabog na naganap sa labas.


"Ano yun?!" tanong ng isang pulis.


"Anong nangyayari?" tanong naman ni Inspector Robert. Agad siyang tumungo sa hagdan upang bumaba ngunit nang makita niya ang naglalagablab na apoy sa labas dahil a bintana sa tabi ng hagdan ay agad siyang napatigil.


"Sir may nagpasabog po ng heli ship natin!" wika ng isang pulis.


"Pambihira!"


*BOOOM!* Isang pagsabog ang muling naganap at sa pagkakataong iyon ay isang heli ship ang muling bumagsak. Tumama ito sa gilid ng mansyon na ikinasira naman ng bubong nabahagi nito.


"Shit! DAPA BILIS INAATAKE TAYO!" wika naman ng isa pang pulis. Agad naman nitong niyuko ang ulo ni Dylan Habang pababa ng hagdan na iyon.


"Ako na dito! Pumunta kayo sa labas at hulihin kung sino man ang gumagawa nito!" wika naman ni Inspector Robert. Agad nitong kinapitan si Dylan sa kanyang braso at hinila sa isang kwarto upang hindi mapuruhan ng mga nagbabagsakang kongkreto. Ang mga pulis naman ay agad na tumungo sa pintuan upang lumabas.


"Ano pang hinihintay mo?! Hulihin niyo ang gumagawa nito bilisan mo!" bulyaw niya naman sa isa pang pulis na nakasunod sa kanila at kinakapitan din si Dylan. Agad itong tumayo at lumabas din ng bahay na iyon. Napangiti naman si Dylan at napatingin kay Inspector Robert.


"Kasama ba ito sa mga plano mo?" tanong ni Dylan.


"Wala akong magagawa. Inamin mo sa kanila na ikaw si Black Out. Kaya gumawa ako ng paraan. Ngayon, kung may alam kang daan palabas sa lugar na ito ay hanapin mo na. Umalis ka na kung ayaw mong ako pa mismo ang bumaril sa 'yo!" utos naman ng inspektor. Agad nitong kinuha ang isang flash drive sa kanyang bulsa at ipinasok sa bakal na posas na tila cylinder na nakakabit sa mga braso ng binata. Maya-maya pa ay naging pula na ang ilaw nito senyales na bukas na ang lock ng posas. Agad niya iyong hinagis patungo sa ilalim ng mesa. Sinimulan namang hilutin ni Dylan ang kanyang mga braso dahil sa higpit ng posas na iyon.


"Ano pang ginagawa mo? Umalis ka na!" bulyaw ng inspektor. Tila naging seryoso naman ang mukha ni Dylan ng tingnan niya ito.


"Bakit mo ito ginagawa?" tanong niya.


"Mali ang mga ginawa mo...pero dahil sa maling 'yon. Nagising ang mga bid. Ikaw lang ang pag-asa nila sa ngayon."


"Pero hindi ko ito ginagawa para sa kanila!" sagot naman ni Dylan.


"Kahit na! Ikaw pa rin ang naging inspirasyon nila! Gawin mo kung ano ang gusto mo at kung bakit mo 'yan ginagawa, wala na akong pakialam." Agad namang binunot ni Inspector Robert ang kanyang baril at ang isang aparato na tila malit na remote mula sa kanyang bulsa.


"Bilisan mo ano pang hinihintay mo!" bulyaw niya. Kumapit na lamang sa kanyang balikat si Dylan at saka tumayo.


"Paano ka?"


"Kaya ko ang sarili ko!" Tinutok niya ang kanyang hawak na baril sa kanyang balikat at ipinutok iyon.


"AAAHHH!" Napasigaw na lamang sa labis na sakit ang inspektor.


"Pra kapani-paniwala naman," wika nito. Napaupo naman siya sa gilid ng pader habang gumuguhit ang kanyang dugo.

"Pero hindi ko istilo yan..." pagbibiro naman ni Dylan.


"Wag ka nang makialam umalis ka na!" muli nitong sambit.


"Salamat...sir Robert."


Agad na tumakbo patungo sa isang kwarto si Dylan kung saan nakapalibot sa kanya ang hindi mabilang na mga libro. Agad niyang hinila ang isa sa mga librong iyon at muling ipinasok sa lalagyanan nito. Umugong naman ang kanyang kinatatayuan at nagsimula namang umikot ng dahan-dahan ang malaking tukador ng mga librong iyon. Pumasok siya dito at mula sa kakaunting liwanag ay ipinakita niya ang kanyang matalim na ngiti kay Inspector Robert. Ngumiti naman si Robert at nang sumara na ang tukador na iyon ay agad siyang humingi ng tulong.


"Tulong! Tulungan niyo ako!" bulyaw niya. Agad namang pumasok ang dalawa niyang tauhan at nagulat sa sinapit ng kanilang inspektor.


"Ano pong nangyari?!"


"Natakasan ako! Habulin niyo siya bilis!" Agad namang tumakbo patungo sa likurang bahagi ng mansyon na iyon. Napapangiti naman at tila natatawa na lamang ang inspektor nang makalayo na ang dalawa niyang tauhan. Napatingala na lamang siya habang natatawa. Inangat naman niya ang kanyang kamay kung saan hawak niya ang isang maliit na remote. Pinindot niya ang pulang boton doon at mula naman sa labas ay sumabog ang huling heli ship na rumoronda sa himpapawid at sa paligid ng malaking puting mansyon na iyon.


"Pambihira kang kriminal ka...kung hindi ka lang anak-anakan ni Ford ay talagang hinuli na kita. P-pero kung hindi dahil sa 'yo, hindi siguro magsisimulang lumaban ang iba," usal niya. Agad namang nagdatingan ang iba pang pulis upang akayin siya sa pagtayo. Isang stretcher pa ang kanilang dinala upang ihiga doon ang kanilang inspektor. Napatingin naman ang buttler na si Brigand sa kanya nang dalhin na siya palabas kwartong iyon. Hawak pa rin niya sa pagkakataong iyon ang libro na iniabot ni Dylan kay Inspector Robert. Napatingin naman sa kanya ang inspektor at tumango ng marahan habang nakangiti ng bahagya. Kinapa niya ang bulsa ng suot na uniporme. Marahil naroon ang piraso ng papel na kanyang nakita sa loob ng librong hawak ni Brigand. Napangiti din ang matandang lalaki habang yumuyuko ng bahagya.

Continue Reading

You'll Also Like

285K 5.3K 100
Watty Awards 2019 Winner in Poetry Isang daang tula tungkol sa sakit, hirap, takot, galit, pighati, pagsubok, paalam, pagkalito, pangamba, kalungkuta...
157K 4.1K 27
Ikinagulat ng buong mundo ang muling pagbabalik ni Johan. Ang inakala nilang bayaning nag-alay ng buhay para sa pagkakaisa at kapayapaan ay muling gu...
99.2K 2.9K 49
• C O M P L E T E D • Highest Rank - #356 in Romance - Original Story By purpleyhan
14.5K 1.1K 14
Kill or to be Killed ? Artwork by : erasingboundaries